Friday, November 29, 2019

Money Games

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


sobrang haba ng panahon upang maghanda lamang para sa mga kapalpakan... :(

tapos sabi pa ng iba, eh okay lang daw dahil pumapalpak din naman yung ibang nasyon..
at talagang maling halimbawa pa ang napili nilang gayahin..
so okay lang talaga na pumalpak - kahit paulit-ulit...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 116 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


November 24, 2019...

yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli...

kung permanenteng iba-ban sa pagkakaroon ng lisensya at pagma-may-ari ng sasakyan lahat ng may more than 1 or 2 violations..
pati yung mga nasangkot sa karumal-dumal na mga aksidente nang dahil sa kapabayaan..
pati na rin yung ginagawang permanenteng garahe ang mga kalsada..
eh baka makatulong pa yun sa pagpapaluwag ng mga kalsada at sa pagliligtas ng buhay ng mga inosente...

is feeling , kaso sa halip na may pangil, eh bungal ang sistema...


>
yung mga representative ng ibang bansa na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan...

is feeling , kasabwat pa ang traffic sa panlalamang...


>
yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa...

yun na nga ba ang sinasabi eh..
masyadong naka-focus sa mga pagkakagastusan, sa pagpapadaloy ng gatas..
pero yung sa basic na kailangan na accommodation pa lang eh nakakahiya na...

ang masama dun..?
hindi kailangan ng budget para magdesisyon ng tama..
hindi kailangan ng budget para makipag-communicate nang malinaw..
hindi kailangan ng budget para maging maagap, lalo't matagal nang batid ang sitwasyon ng traffic sa bayan..
pero sa mga libreng factor pa talaga sila pumalya...

is feeling , aanhin yung milyung-milyong nagastos kung palpak naman ang pagha-handle ng event...?

---o0o---


November 25, 2019...

yung sinibak na kaagad yung Widowed Bus Commuter...

wala na..
natakot na mabuking ang secret deal sa mga Imperyalista..
hindi naman kasi talaga pwedeng matapos ang giyera, dahil nagpapadaloy din yun ng gatas..
sa non-intelligence fund pa lang eh tiba-tiba na...

is feeling , untik na...


>
yung naniwala pala ang Hokage na Mahilig sa FAKE news..
at talagang umimik pa siya nang dahil dun...

is feeling , sulit na sulit ang non-intelligence fund...


>
yung pinagmumukha ni Jonin Proceed na ang mga bumabatikos ang masasama...??

siraulo..
ano yun, pakiramdam nila na nagkakamali sila dahil nababatikos sila..?
sa tingin ba niya na may masisita sa hanay nila kung wala namang gumagawa ng mali...??

gusto nilang magpaka-proud sa pamamagitan ng pagpo-focus sa pagpapadaloy ng gatas..
iyon ang malaking problema dun...

is feeling , dedepensa pa eh...


>
yung reklamo ng mga representative tungkol sa SEA Games kikiam, este sa food in general pala...

maiintindihan ko pa yung itlog eh..
pero yung kikiam lang, sa halip na hiwalay na meat at hindi sobrang processed na vegetables o fruits..?
kulang pala ang pampakain eh, edi sana dun na lang ginastos yung Php 50 Million..
o pinitik ba ng contractor sa pagkain, gaya ng mga nangyayari sa inter-province na palaro sa bayan...??

proud sila sa cauldron..?
pero hindi sila nahihiya na yung ibang bansa na ang gumagastos para sa sarili nilang mga representative pagdating sa mga bagay na dapat yung host ang nagpo-provide...??

ang wala kasi sa mga representative..??
walang mapapala sa kanila na "it was a pleasure doing business with you"..
yung may *wink-wink pang kasama...

is feeling , tipid na nga, parang nambabastos pa.. kikiam at itlog...??

---o0o---


November 26, 2019...

yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication..
pero ibinalik din naman after na malinaw yung sitwasyon...

is feeling , panalo na sana ang bayan by default, wala ng baril yung mga kalaban eh...


>
yung kapalpakan parang pangungurakot lang din..
o para ding improper waste disposal...

pabayaan mo at iisipin ng mga gumagawa nun na okay lang at paulit-ulit naman na makakalusot ang mga para-paraan nila... :(

is feeling , para na rin nilang pinagsasabihan yung mga representative mismo na huwag na lang magreklamo at tanggapin na lang ang sitwasyon...


>
yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan...

matagal na pala nilang napasok yung sistema..
kundangan namang hinayaan na magkaroon sila ng kontrol sa ganun..
at sa panahon pa ng Cosplayer nangyari iyon...

sana sa lokal na korporasyon na lang nagtiwala..
tutal eh ilang milyon na lang naman na bid yung difference...

is feeling , National ang nasa pangalan..? eh Imperial property pala iyon...

---o0o---


November 27, 2019...

hindi pa nakakabalik sa dating rate na Php 170 plus ang bentahan ng bundle ng mantika..
tapos pumalo na ulit pataas sa Php 195.. :(
bale Php 24 kaagad ang naging increase...

is feeling , purihin ang santo...


>
yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games..
at limitado rin ang mga na-train na staff regarding sa preparation ng mga ganung standard ng pagkain...

is feeling , pati ba naman yun, ngayon pa rin lang paghahandaan..? samantalang basic knowledge dapat sa mga pinuno at organizers ang religious affiliation ng mga nasa karatig bansa...


>
yung mga atleta na sinisisi rin ang mga bumabatikos... :(

anak ng tanga..
wala namang nagda-down sa kanila eh..
tsaka may option sila na mag-break from social media..
may option sila na huwag papasukin sa kanilang sistema lahat ng mga puna na hindi naman towards the athletes, pero towards the organizers at sa mga contractors..
may option sila na mag-focus na lang sa mga training at laro nila, at lumaban para sa mga sarili lang nila...

kung ang pagpuna sa mali upang mai-correct eh negativity..?
eh put*ng ina, huwag na kayong maghangad ng kabutihan para sa bayan na 'to..
i-embrace nyo na ang kultura ng korupsyon, mga tanga...

is feeling , huwag ninyong bubusalan ang mga taong nag-aambag ng gatas...


>
yung problema sa sasakyan ng mga representative..
na dahilan kung bakit may nag-volunteer pa na magpahiram ng mga sasakyan nila...

is feeling , kasi nga more on sa construction nakatuon ang atensyon...

---o0o---


November 28, 2019...

yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin... :(

siguro akala nila na ang main point ay yung tungkol sa kikiam..
na since popular yun na street food dito sa bayan eh ibig sabihin na mababa din ang monetary value nun..
pero actually, yung magandang klase ng kikiam ay gawa sa ground pork or meat at vegetables...

pero yung nutritional value kasi ang hinahanap nung mga representative eh, na nabanggit naman nila noon..
chicken at itlog, edi halos puros protein na yun..?
kanin naman para sa carbohydrates..
pero paano yung iba pang nutrients...??

mahaba yung panahon for preparation..
kaya sana nakapag-consider sila ng diet na pang-athlete talaga..
bukod pa yung Halal certification..
sana nag-consult sila sa mga dietitian...

is feeling , maling explanation...


>
yung pulitika naman ang sinisisi ni Chunin Hair Loss...

seryoso..?
yung late na sundo..?
yung maliit na sasakyan..?
yung kakulangan sa tama, certified, at detailed na mga pagkain..?
yung mga miscommunication..?
so lahat ng yun minanipula rin ng pulitika...??

hindi na ako magtataka kung pakana rin nila yung mga sinasabi niya..
para pagtakpan yung mga totoong nangyayari na kapalpakan...

is feeling , nakakakalbo yung masyadong pag-iisip...


>
yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain..
dahil daw sa sangkap na mani...

is feeling , huwag nang manita ng mali.. hayaan na natin na may mga masaktan pa...

---o0o---


November 29, 2019...

yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event..
samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise...

is feeling , users...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of November 2019 (The Coldest Year)

Loveless Story


November 30, 2019...

tapos na..
wala na akong paraan para mag-adventure time..
dahil sa 2 basura na yun na nag-filter sa akin recently... :(

sana talaga mawasak sila..
sana ma-reveal sa mga taong nakapaligid sa kanila lahat ng mga lihim nila...

kahit si YAM eh hindi ko makumbinsi na tulungan ako...

sa ngayon..
wala akong magagawa kundi tiisin lang ang lamig...

is feeling , kailangan ko pa sigurong maging milyonaryo para makuha ko lahat ng gusto kong experience...

-----o0o-----


November 24, 2019...

[Lottery]

ngayong umaga ko lang na-realize..
tumama pala ako sa Lotto last week...

kaso..
hanggang Php 24 lang...

FATE..
hindi ba talaga pwede..?
sawa na ako sa buhay ko.. :(
araw-araw na lang akong may kasamang qualified thief sa bahay..
800 months pa ang kailangan ko para lang makaipon ng pambili ng sarili kong ligtas na bahay..
mahigit 2,000 na pirata sa buong mundo ang pumapatay sa sining ko..
unti-unti nang nasisira ang katawan ko..
at ni hindi nga ako makabili ng mag-aasikaso sa mga pangangailangan ko...

is feeling , kailangan ba talaga na majority ng buong buhay ko eh miserable lang dapat hanggang sa huli...??

---o0o---


November 26, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

na-injured sa bombing incident sina Emma at Elias..
inaresto ng mga pulis si Camila..
at dahil makaluma ang mga mamamayan ng Las Espadas, eh sinisisi pa rin nila ang babae dahil daw sa dala niyang kamalasan...

nagawa ni Fabio na makasunod sa kinaroroonan ni Luciano..
at di tulad ng tradisyunal na mga action movies, eh hindi na niya hinayaan na makipag-istoryahan pa sa kanya ang kalaban..
mabilis nga niyang pinatay si Luciano..
nakalimutan nila na international organization ang Primo Diablo at may iba pa itong mga pinuno..
tsaka hindi pa naso-solved lahat ng mysteries sa puntong iyon...

nag-iwan naman si Luciano ng mensahe para kay Camila..
gaya ng theory ko, buhay nga si Vida..
at ang mismong babaeng inutusan na sumunog sa bilangguan noon ang nagligtas sa baby dahil nagkaroon pa siya ng konsensya...

at gaya ng banta ni Luciano kay Fabio..
mabilis ngang gumanti ang kanyang grupo..
kagaya ng pagkamatay ni Luciano, hindi rin pinatagal ng kalaban ang buhay ni Fabio at binaril siya sa ulo..
patay na ang pinakamalakas na kakampi nina Camila pagdating sa mga labanan...

is feeling , ang bilis na naman ng mga pangyayari.. bagong yugto na...

---o0o---


November 27, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

konting time-skip...

so hindi pala namatay si Fabio..
nasa ospital siya at nasa state of coma kahit na malapitan siyang binaril sa ulo ng kalaban...

nag-expire naman ang kaso ni Camila..
may ganun palang batas, na kapag nakatakas ang preso sa loob ng 20 years or more, eh hindi na niya kailangang i-serve ang naging sentensiya sa kanya..
wala pa rin naman siyang hawak na solid na katibayan na maglilinis sa kanyang pangalan sa mata ng mga mamamayan...

pati sina Emma at Fabio eh nadamay na sa galit ng mga mamamayan ng Las Espadas kay Camila...

tapos..
may nagnakaw ng bangkay ni Luciano..
pero para sa anong purpose...??

is feeling , time space warp...

---o0o---


November 29, 2019...

siguro wala naman talagang masama sa abortion..
lalo na kung desisyon yun ng nagdala ng bata...

wala akong alam na abortion pagdating sa iba pang mga nilalang..
pero may mga nilalang na pumapatay ng partner..
kumakain ng sarili nilang mga itlog..
kumakain ng sariling mga napisa ng anak..
may pumapatay ng sariling anak para maka-survive yung mas fit para mag-survive..
at meron ring mga nilalang na pumapatay ng mga anak ng lalaking karibal at natalo na nila...

akala lang talaga ng mga tao na sobrang espesyal nila..
na nakaaangat sila kumpara sa iba pang mga nilalang..
sa sobrang espesyal ng tingin nila sa mga sarili nila eh sila na mismo ang nag-decide na wasakin na ang mundo at wakasan ang lahi ng ibang mga nilalang...

is feeling , hindi dapat masyadong pahalagahan ang populasyon ng mga tao...

---o0o---


November 30, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

nagko-cause na ng internal conflict sa hanay nina Camila yung paninisi sa kanila ng mga mamamayan ng Las Espadas...

nag-proceed naman na ang pagpatay sa mga tauhan ni Camila..
iyong una nga ay yung pumalya na pagpatay kay Fabio..
at yung latest ay yung pagpatay sa lalaking ipinasok niya noon sa mansyon ng mga Dela Torre, sa pamamagitan ng pagbundol..
posibleng nakilala ng killer yung tao ni Camila noong dumalaw ang babaeng boss sa mga Dela Torre...

samantala..
may ginawang kung anong orasyon kay Iking ang kanyang tiyuhin na pekeng albularyo habang siya ay natutulog...

is feeling , puros patayan na naman...


Friday, November 22, 2019

Protector of Cauldron

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


wala bang nagtataka..?
sinisita ng mga kasalukuyang pinuno yung mga sinasabi nila na kuwestiyonable noon..?
alam pala nila eh, pero bakit hindi sila kumilos dati para pigilan ang mga iyon..?
at ang mas mahalagang tanong..??
bakit nila ginagamit yung sinasabi nila na maling halimbawa noon para gumawa ng kaparehong mga pagkakamali sa kasalukuyan...?

pare-parehas lang kayo... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 100 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


November 16, 2019...

sa Valenzuela City..
yung lalaki daw na nag-amok..
na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis...

obvious na overkill yung nangyari..
mahabang bakal lang ang dala nung lalaki sa halip na bladed weapon o baril..
matapos na mabaril ay sabay-sabay na nga nilang sinugod yung tao nang may dalang bato at mga pamalo..

according pa sa kaanak ng suspek na biktima din..
eh nakaposas na yung tao, pero sadyang pinakawalan pa ulit...

is feeling , malaking butas na operasyon...

---o0o---


November 18, 2019...

kagabi ko lang nalaman..
matagal na palang nabigyan ng reward yung si Mountain..
sa PAGCOR..
kaya pala ganun na lang siya makapagsalita laban sa media...

is feeling , reward system...


>
yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games...

eh ang dami ng katumbas nun na classroom o bahay o maging kalsada eh... :(

is feeling , paikot ng gatas...

---o0o---


November 19, 2019...

[Natural Calamities]

balik South na..
nasa Magnitude 5.9 na lindol..
nag-originate sa may Bukidnon...

is feeling , eh kasi nga may nagpatigil na...


>
ang tindi nung nadaanan kong tao kanina sa may palengke..
naninigarilyo siya..
may katabi siyang clear na plastic na basurahan ng shop o puwesto nila, na mukhang plastic rin ang majority ng mga laman..
tapos bigla na lang niyang itinapon yung tira nung sigarilyo niya sa loob nung plastic..
umuusok pa, ni hindi man lamang pinatay muna...

is feeling , wala man lamang pag-iingat...


>
sa Lapu-Lapu City..
yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw...

is feeling , gods...


>
yung mga siraulong protektor nung 2019 SEA Games cauldron...

Php 5 Million daw ang budget para sa LPG..?
eh katumbas na yun ng 8,000 plus na 11 KG na tangke eh..
ginagamit pa nila yung artistic value kuno para mamanipula yung numero..
kesyo para makapagpakitang gilas sa ibang bansa, eh yung pagdaloy ng gatas lang naman talaga ang totoong pakay nila...

nangangatwiran pa na kesyo magagamit din lahat pagkatapos nung event..
eh papaano gagamitin yung cauldron para mabawi yung puhunan..?
gagawing lutuan sa tulong nung Php 5 Million worth na LPG...??

is feeling , thank you system.. salamat sa pagbibigay sa amin ng project...

---o0o---


November 20, 2019...

yung walang tiwala sa itinalaga..
takot yata na mabuking ang pagpoprotekta sa mga kaibigang Imperyalista..?
takot yatang mabuking kung sino ang kaalyansa nung mga supplier na hindi nahuhuli...?

is feeling , naghamon pa para lang sa wala...

---o0o---


November 21, 2019...

yung mga pinuno na sinisita ang iba na kesyo saan daw kinuha yung pondo para sa pagpapakilala ganung mukhang wala namang sariling source..
samantalang siya mismo eh ganun rin naman ang sitwasyon...

sino nga ulit yung napakaraming premature advertisement noon sa TV..?
yung nonsense na patalastas na basta nagmo-motor lang...

tapos ano..?
magpapalusot na kesyo hindi naman counted ang premature..??
hindi nga siguro counted yun bilang violation sa bobong sistema ng pamunuan..
pero hindi ibig sabihin na hindi na dapat suriin kung saan nanggaling yung pondong pinambayad sa mga commercial...

is feeling , okay lang naman manita o magkuwestiyon, basta ba't hindi ka gumagawa ng kaparehong kuwestiyonableng bagay...

---o0o---


November 22, 2019...

[Vocabulary]

Crab Mentality - ang pagsita at pagpapa-imbestiga sa mga kuwestiyonableng gawain

is feeling , may bago na naman silang idinagdag sa dictionary nila...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of November 2019 (Souvenir Photo)

Loveless Story


November 17, 2019...

salamat sa Farmville crew ko..
with more than 15 members..
dati nagtutulungan lang tayo sa pagge-games, hanggang sa inapi na tayo ng mundo..
alam kong madami na ang mga napabagsak sa inyo, pero nagawa ninyo nang maayos ang mga layunin ninyo hanggang sa huli...

psychological approach..
at naalarma nga sila..
tagu-taguan muna...

posibleng malaki ang mawala sa akin..
pero may iba pa namang nag-e-explore ng mga ruta...

is feeling , mas mahigpit na ngayon ang sistema.. wala ka pang ginagawa, pero naninira na kaagad sila...


>
finally..
nakakuha na ako ng matinong picture nung pinakahuling babae na nagustuhan ko..
during her finest..
more than a year bago ko pa siya nakilala...

ewan ko kung reward ba 'to..
o kung magkakaroon ba ng kapalit na sobrang laking kamalasan..
pero sa ngayon, okay na na kaya ko na siyang maalala nang mas malinaw sa mga huling araw ko sa mundo...

for more than 3 years na nagpakalat ako ng mga drone..
walang ni isa na nakakita ng bakas niya sa internet..
maging siya nga mismo eh hinarangan na ako sa ginagawa kong paghahanap sa kanya..
surprisingly, iyong alternate detail pa ng grupo nila yung nakatulong sa akin para matupad yung isa sa mga request ko - ang makakuha ng souvenir photo niya...

sa lahat ng nakilala ko..
siya yung hinahanap ko, pero siya pa talaga yung bukod tangi na hindi ko makita-kita..
pero dito na nagtatapos ang pagha-hunt sa remembrance...

hindi pa ako tapos..
siguro yung pakiramdam eh 80% complete na..
pangalan na lang talaga ang kulang...

is feeling , Google, maraming-maraming salamat.. the best ka talaga...

---o0o---


November 19, 2019...

after more than 4 years..
and after more than a year sa huling bahagi nung 4 years na iyon na wala akong transaction sa kanila..
ginamitan na nga nila ako ng ban hammer...

ewan ko kung anong na-experience nila..
pero nag-decide sila na alisin na ako...

is 💔 feeling , mukhang kailangan ko na ang tulong ng Gabriela Women's Party...

---o0o---


November 20, 2019...

dahil naka-check na ako..
down na ang majority ng network na ginagamit ko..
disabled na ako sa paggamit ng kahit na anong bank within the province..
at disabled na rin ako sa paggamit ng sarili kong handwriting...

is ⚠ feeling , no way back...

---o0o---


November 21, 2019...

ipinaalam ko na sa kanya kagabi yung tungkol sa pictures nila..
idinirekta ko na rin siya doon sa link...

takot kasi siya noon na magkaroon ako ng malinaw na photo niya eh..
pakiramdam niya na may plano akong manira ng pamilya..
at base sa latest discovery ko, eh unconsciously ginawa ng dati niyang grupo na mapadali nang husto ang pagkahanap sa source na iyon..
minabuti kong sabihin sa kanya para may magawa siya o sila na paraan..
ayoko rin naman na may iba pang mga kliyente ang makakita sa mga yun, at magamit pa sa kasamaan...

totoong nagiging salbahe ako kapag tinatarantado na ako..
pero may utang na loob pa rin ako sa 10 miyembro nila..
at kahit na masama ang totoong ugali ng 1 sa kanila, hindi naman ibig sabihin na pababayaan ko na lang na madurog silang lahat...

is ⚠ feeling , secrets...


>
ngayon ko lang naalala..
araw nga pala ngayon ng kabiguan...

araw sana ng adventure..
kaso tuluyan ngang sinira yung plano na September ko pa binubuo...

is feeling , filter...

---o0o---


November 22, 2019...

nag-lower na sila ng kanilang guard..
siguro akala nila na wala na nga ako...

anyway..
unfortunately for them, mukhang may mga Asian foreigner noon na kumopya ng kanilang mga lumang files sa internet..
about 5 years ago, again, bago ko pa sila nakilala..
at inilagay pa nila iyon sa palyadong social media platform...

dahil dun..
na-identify ko na yung 1 walang alias at yung 1 hindi ako sigurado kung anong koneksyon sa grupo..
5 bagong kartada rin ang nadiskubre ko, kabilang yung sa 2, pero wala namang impressive...

is feeling , archive...

-----o0o-----


November 18, 2019...

[Medical Condition]

hindi na pala kayang tumingin ng pareho kong mata sa patay-buhay na christmas lights..
nananakit na..
siguro hirap mag-adjust sa ganung klase ng light source...

is feeling , bigyan nyo lang ako ng 5 years, hanggang sa matapos kong mabasa nang personal ang One Piece...


>
[Online Marketing]

target ko sa 2nd store na maka-5 digits na ulit matapos ang mahabang panahon..
samantala, iniatras ko ang release sa 1st store dahil na-meet na nun ang quota gamit lang yung mga lumang projects..
ililipat ko na lang sa last week, para mahati yung sales sa November at December...

is feeling , timing...

---o0o---


November 19, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

mali ako, hindi pala butas iyon..
sa loob ng mahabang panahon, sadyang ipinagbabawal ni Luciano ang pagbebenta ng droga nila sa loob ng Las Espadas..
at logical nga naman yung kanyang rason, para hindi imbestigahan ang Las Espadas at hindi mabisto na naroon ang operation ng Primo Diablo..
nagkaroon lang sila ng pasaway na tauhan na nag-supply ng droga sa mismong Las Espadas...

Luciano's Killer Bride mode (corrected numbering):
1) yung matandang inatake sa puso nang makasalubong si Emma
2) yung pag-atake laban dun sa pekeng albularyo, na tila grupo ang kinatatakutan niya, at ginamitan pa siya ng herbal drugs
3) ang pagpatay kay Justino sa gitna ng brownout, kasabay nang mabilis na pagdukot kay Emma, at ginamitan rin yung dalagita ng herbal drugs
4) ang pagdukot sa lalaking kalaguyo ni Mayor at ang paggamit rin ng herbal drugs laban dito
5) ang pagmanipula ng Killer Bride sa isipan ng pekeng albularyo habang ito ay nasa mental facility, sa pamamagitan ng paggamit ng drugs
6) bilang parusa sa pasaway nilang drug pusher

samantala..
ipinadukot na nga ni Luciano sina Vito at ang asawa nito, para alamin kung sino ba yung iba pa niyang kakampi..
pero nailigtas naman na sila ni Fabio...

umamin naman na nga yung babaeng sunod nang sunod kay Elias..
siya daw ang ina ni Emma..
pero sinabi niya na delikado para kay Emma kung nasa Las Espadas man siya dahil daw sa isang tao..
so i guess that suggests na si Emma na nga ang baby na si Vida na nailigtas noon mula sa sunog...?

is feeling , kaso may mangyayari na na hindi magandang move...

---o0o---


November 20, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

so na-rehab pala noon ang ina ni Emma kaya hindi nito nabalikan kaagad ang kanyang anak..
mukhang naging drug dependent siya noon sa supply ng Primo Diablo..
posibleng tauhan rin siya ng grupo dahil alam niyang delikado ang mga ito..
at ipinaalam na rin nga ni Elias ang tungkol sa babae kay Emma...

ginamitan ni Camila ng ghost move si Luciano, pero kaagad din naman niyang ini-reveal na buhay pa siya..
at weakness na iyon ngayon para sa grupo nila..
nabuking na rin ni Luciano na maging ang Edmundo na katauhan ni Fabio ay buhay pa rin pala...

so tama nga yung ibang assumptions ng grupo nina Camila..
ini-reveal ni Luciano kay Camila na siya mismo ang pumatay sa ama nito na si Renato..
kung bakit niya naisip na patayin noon si Javier, at ang tungkol rin sa pagpapasunog niya sa kulungan..
bukod dun ay ini-reveal niya na ang ama nina Vito at Javier ang naunang contact ng Primo Diablo sa Las Espadas..
hindi pa rin ipinapakita kung paano ito namatay, pero matapos iyon ay inalok ng Primo Diablo si Javier upang pumalit sa kanilang ama, na tinanggihan naman ng tutol sa ilegal na Dela Cuesta..
ipinakita rin sa flashback na nabigla nga noon si Javier nang biglang may magpatulog kay Camila..
wala siyang nagawa, at maging siya ay nagawa pang atakehin ng parehong lalaki yata sa pamamagitan ng pananaksak..
base sa itsura ng buhok at kulay ng balat, eh posibleng ang taong nagpatulog noon kay Camila ay iyon ring pinuno ng mga tauhan ni Luciano na dumukot recently kina Vito at sa asawa nito...

is feeling , bistado na, wala ng alas...

---o0o---


November 22, 2019...

[Piracy]

although nakaligtas yung project #9 sa buong panahon na siya yung latest release..
kaagad namang bumawi ang mga pirata matapos ang release ng project #10... :(

hinayaan lang nila akong magbenta for 17 days..
10 pa lang ang nabebenta ko (kahiya-hiya mang aminin)..
tapos biglang ginawa na nilang free-for-all yung project #10, at kadamay pa ang project #9 (na hindi pa nga nakakaabot ng 100 sa sales)...

bakit ba ganito ang buhay ko..?
bakit hindi man lang pwedeng kagaya nung sa iba..?
hindi pwede na magkaroon man lang ako ng disenteng bilang ng mga supporters..
o kahit ng matinong kita buwan-buwan..
nasa Php 5,000 lang ako per month, during active time pa iyon..
pero basahan ang turing sa akin ng mga pirata..
na parang ako pa tuloy ngayon yung empleyado nila, esta alipin pala, tapos sa kanila napupunta ang mas maraming kita...

sana man lang maging patas ang mundo..
gusto ko ng mga patay na pirata..
kung kinakailangan na tamaan ng mga delubyo ang mga bansang kinaroroonan nila, edi mangyari na ang mangyari..
or at least masira man lang yung mga pro-piracy servers na nakikinabang rin sa mga trabaho namin...

is 💀 feeling , brutally fast...


>
tapos heto na naman ang mga Autism school...

nagpa-project na naman ng hindi naman kaya ng may Autism..
ako tuloy yung kinukulit na gumawa nung project...

bakit ako..?
bakit hindi yung may Autism..?
o bakit hindi yung mga magulang nung bata...??

kaya nilang mangutang ng nasa 7 digits..
tapos ako na naman itong aabalahin nila sa buhay..?
samantalang magtu-2 months na at wala pa rin akong natatapos na bagong project...

ano ba talagang kasalanan ko sa put*ng inang mundo na 'to...??

is 💀 feeling , euthanasia, please...


>
[TV Series]

The Killer Bride

mukhang takot ang ina ni Emma sa mga pulis..
at nalaman rin ni Fabio na posibleng yung isa nilang tauhan ang nagpasok noon dun sa babae sa rehab..
sa ngayon hindi pa malinaw yung motibo nung lalaki (although kuwestiyonable), since technically eh hindi naman masama yung ginawa niyang pagpapa-rehab sa ina ni Emma...

so nabisto na nga ng Las Espadas si Luciano, sina Vito ang matibay na ebidensya..
pero gumawa siya ng video counter na nagdidiin naman kay Camila, although kailangan pa niyang patunayan sa mga mamamayan na buhay pa nga ang kanyang pamangkin..
pero sa ngayon ay siya na muna ang tinutugis ng mga alagad ng batas...

is feeling , kung kalaban yung lalaki..? eh bakit hindi niya itinumba ang ina ni Emma, at hinayaan pa ang bata na mapunta sa poder ni Camila.. tsaka wala rin namang nagsumbong noon kay Luciano na buhay pa nga si Camila...


Friday, November 15, 2019

Forced Legacy

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


pinipilit para may mga maipangsumbat sa hinaharap... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 94 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


November 10, 2019...

ang tanga lang nung nagke-claim na kaya niyang magpatigil ng mga lindol..
kaya niya pala, eh bakit pa niya hinayaan na makapagsimula..?
bakit pa niya hinayaan na makarami..?
bakit pa niya hinayaan na may mga maperwisyo..?
bakit pa niya hinayaang makalipat ng origin...??

so far, lahat naman ng mga malalakas na lindol hanggang sa panahon ngayon eh talagang tumitigil din o humihina hanggang sa punto na hindi masyadong ramdam ng mga tao sa surface...

is ⚠ feeling , bogus...

---o0o---


November 11, 2019...

siguro dapat nang ibalik yung parusa sa pamamagitan ng panglalatigo...??

wala eh..
likas na mga pasaway yung mga mamamayan ng bayan na 'to..
ikulong mo, at parang wala lang kapag nakalaya na ulit..
pagmultahin mo, at makikipagtawaran sa pamamagitan ng lagay o magmamakaawa na kesyo walang pambayad..
ultimo pagpapaalis sa kanila eh walang epekto..
baka kailangan na nila nung tipo ng parusa na katatakutan...

kahit yung ganti naman ng combo ng climate change at improper waste disposal eh hindi nagiging leksyon para sa kanila..
mas maraming tao yung living by the moment lang, tapos bahala na kung anong magiging resulta ng pagiging iresponsable nila...

hindi naman na magandang parusa ang forced labor sa mga sakahan, kasi hindi na rin akma ang panahon..
sayang ang effort kung madadali lang ng sakuna...

is feeling , wala ng pag-asa...


>
yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid...

para tuloy walang nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno... :(

is feeling , sistema kung saan mas malalakas pa yung mga nakakulong...

---o0o---


November 13, 2019...

at ganun rin nga ang nangyari noong panahon ng Dictator Clan..
project galore..
pero ibinaon naman ang bayan sa mga utang...

hindi na kailangang isipin kung anu-ano lang muna yung kakayaning bayaran ng gatas..
kung anu-ano lang yung posibleng matapos nga..
basta ang mahalaga ay yung ilalabas na pondo mula sa utang...

is feeling , perwisyo ngayon, tapos perwisyo din after...

---o0o---


November 14, 2019...

[Natural Calamities]

umakyat na naman..
nasa Magnitude 4.8 to 4.9 na lindol..
nag-originate sa may Quirino province...

is feeling , saan na ang next...??


>
yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo...

is feeling , kailangan na ng mga CCTV na hindi mapapatay...


>
yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable...

is feeling , yung mga numero sa tarpaulin sana eh parating sinusuri kaagad.. ang dami kasing parang overpriced...

---o0o---


November 15, 2019...

sa PAGCOR..
yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento..
pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila... :(

is feeling , parang may mali..? so ganun lang ang kapalit ng malaking perwisyo na idinulot nila sa mga lehitimong nanghihingi ng tulong...??

---o0o---


November 16, 2019...

sa Pandacan, Manila..
yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan..
nabasag daw kasi nung mga bata yung salamin nung kanyang sasakyan..
samantalang ang claim nung pamilya nung bata ay nahampas lang daw niya at hindi naman nabasag...

in a way, naiintindihan ko yung galit nung pulis sa mga perwisyong tao..
lalo na kung trip-trip lang ang paninira, at kung mukha namang walang kakayahan yung mga tao na magbayad ng kung ano man ang nasira nila..
pero doon din pumapasok yung konsepto ng pagkakaroon ng garahe, yung pagtitiyaga na ipasok ang sasakyan sa loob ng sariling bakuran para mas maprotektahan ito laban sa mga pasaway...

is feeling , kaso nanakit na siya, eh bata pa yung mga nadali niya.. protektado pa naman ang mga yun ng lumang batas...