Wednesday, April 16, 2014

Drunken Alter-Ego

just had this realization recently...

the more i keep things to myself..
the more dangerous my drunken alter-ego becomes (i think)..
all these pain and hatred that i have been accumulating these past few months..
it seems to fuel the great darkness within me..
at depende sa takbo ng usapan, eh mukhang nagre-reflect na siya sa lasing kong katauhan...

i honestly don't know kung anong mga kayang gawin ng subconscious mind ko kapag may tama na ako ng alak..
at nakakatakot isipin kung anong mga nangyari sa oras na hindi ko na naaalala..
mabuti sana kung natutulog lang ako..
eh paano kung nagsasalita ako nang kung anu-ano..?
paano kung may nao-offend na pala ako..?
at paano kung lumabas yung mga greatest desire ko habang wala akong malay..?

gaya nitong huli..
last September 18 lang..
i almost kissed that girl..
yung si Sh**a..
i believe she was the one na natulog doon sa may sofa..
nakaupo ako dun sa may pintuan habang nakikinig dun sa dalawa kong kainuman..
and the silly thought just entered my mind..
mabuti kamo at medyo hulas na ako noon..
eh paano kung nagawa ko yun..?
to think na andun lang yung boyfriend niya sa lapag at natutulog din..
i almost got myself killed...

tahimik nga ako sa simula..
pero parang sumobra naman ako dun nitong huling beses..
hindi ako pwedeng basta na lang magmura nang magmura dahil down ako..
lalo na sa harapan ng mabubuting tao..
hindi ko pwedeng gawing expression na lang parati yung 'gigripuhan'..
masama na ang bunganga ko since childhood dahil ganun ang kinalakhan kong environment..
na naging basic expression na siya para sa akin, kahit na sa mga panahong masaya naman ako..
pero yung 'gigripuhan' na joke..
siguro nga biro lang yun..
eh paano kung masabi ko yun sa maling tao..
ayoko namang isipin na sa gripo ako mamamatay..
o ang mabubugbog ako dahil wala na akong kontrol..
mabuti na lang kamo at malalakas mag-inom yung mga tropa ng kaibigan ko..
at least, walang naba-badtrip saken...

pero seriously..
hindi ko pwedeng hayaan na yung drunken side ko ang maging expressive sa mga ganung pagkakataon..
tingin ko kasi masyado siyang 'malaya' na tipong non-sense na yung mga pinagsasasabi niya sa mga tao eh..
siguro kailangan kong mailabas lahat 'tong dinadala ko..
i really need to kill someone or just hit something..
baka sakaling matahimik ako...


No comments:

Post a Comment