Loveless Story
October 21, 2018...
alam mo Facebook, nakaka-miss yung unang beses na nag-suggest ka sa akin ng tama..
yung may sina-suggest ka na 2 babae na posibleng mga kakilala ko, and it turned out na kakilala ko nga sila..
ang taas-taas pa ng recognition level nun...
doon nagsimula ang hanapan na 'to..
sana naman sa susunod na may isa-suggest ka ay siya na..
wala akong pakialam kung wala siyang account o ano..
sigurado ako na meron siyang kakilala na may account, na may kopya ng picture niya...
is feeling , hanapin nyo naman siya please...
>
so napaisip ulit ako kung panahon na ba para sa kapwa ko lalaki ako humingi ng tulong..
pero muli akong nagdalawang isip, dahil baka ialarma niya lahat ng sources ko...
kaya sa ngayon..
nag-decide muna ako na dumiretso sa babaeng nagbinyag sa akin, para sa kanya ako magtanong..
active pa ulit siya lately..
nagbabakasakali lang ako na mas mauunawaan niya ako kumpara dun sa iba...
is feeling , sana may sumagot na sa akin nang matino naman...
>
major disaster..
out na kaagad yung 2 kong inaasahan sana...
yung dati kong teacher, immediate block ang ginawa..
tapos yung kaisa-isa kong lalaking source eh immediate block din kaagad ang ginawa..
ano yun..?
siya lang ang may karapatan na magkagusto sa mga katulad nila..?
mas masama pa ba ako sa kanya, na binuntis ang isa pero iniwan rin naman kaagad at pumili na naman ng iba...?
nakakaasar..
hindi ko maintindihan..
i'm asking nicely..
at nagpapaliwanag din naman ako nang maayos..
pero bakit puros sila naka-autokill..
kung masama lang ang intensyon ko, hindi ako para c-um-ontact pa to begin with..
hindi ko sila para bigyan ng ideya kung sino ako..
gagamit na lang ako ng satellite at ikakalat ko ang mga background nila..
ganun ang tamang pag-atake..
pero hindi nga kasi yun ang pakay ko eh..
hinahanap ko lang naman yung taong kakilala nila...
hindi ko alam kung dinidiktahan ba silang lahat ng mga divine entities para i-snub lang ako eh... :(
is feeling , bakit ang sasama ninyo sa akin...??
---o0o---
October 27, 2018...
may mga pagkakataon na nakukuwestiyon ko ang sarili ko..
tama ba na humanap ng kaligayahan paminsan-minsan..?
hindi ba impraktikal yun para sa kasalukuyan kong sitwasyon at dahil sa panggigipit sa akin ng tadhana...?
pero naiisip ko..
hindi ba't mas parang tanga naman ang buhay kung wala akong ibang goal kundi ang may maipambili lang ng pagkain at mag-survive sa bawat araw na dumadaan..?
parang tanga yung buhay na wala kang ibang iniisip kundi kung paano mo lalabanan ang araw-araw na gutom...
kaya siguro okay lang naman na manghiram ng konting kaligayahan at damhin ang buhay kahit papaano..
tutal bumabawi at hindi naman ako magastos pagdating sa ibang bagay eh...
is feeling , nasaan na ang year-end gift ko...?
>
alangan naman na ang istorya lang ng buhay mo ay...?
aksidente akong nabuhay dahil sa iresponsableng pagto-torjack-an..
araw-araw kong sinubukan na mag-survive sa napakarahas na mundo..
pero in the end, namatay lang ako na ginagawa nang paulit-ulit yung proseso na yun ng battle for survival...
hindi ba parang mas nakakagaan naman ng loob na pakinggan yung istorya, kung saan..
aksidente akong nabuhay..
lumaban ako sa paraan na gusto ko, kahit na sobrang tutol pa sa akin ang tadhana at ang mga bathala..
paminsan-minsan sinusubukan ko naman na ngumiti kasama ng mga interesanteng tao..
in the end, namatay pa rin ako na isang talunan..
pero kahit papaano, may mga pagkakataon naman na naging masaya rin ako..
maliban na lang noong nag-amoy malansang isda ako, LOL... XD
is feeling , short story...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 1)
October 20, 2018...
tapos ang audience today..
nagpalit ng timeslot yung 2 match para ngayong araw...
Pocari-Air Force versus Fighting Warays
ang 7th 5-setter match ng conference..
3rd para sa Pocari-Air..
2nd lang naman para sa Tacloban...
3-2, panalo ang Fighting Warays..
Set 1, 25-18..
Set 2, 20-25..
Set 3, 22-25..
Set 4, 25-20..
Set 5, 9-15...
malaki rin talaga ang dagdag ni Pacres sa attackers ng Tacloban..
Player of the Game siya with 21 points from 18 attacks, and 3 kill blocks..
Prado and Guino-o scored 16 points each..
para naman sa Pocari-Air..
Panaga with 19 points..
Pablo and Palomata with 16 points each..
Yongco with 10 points...
AdU-Akari versus Iriga Oragons
battle for first win..
ang 8th 5-setter match ng conference..
pangalawa lang naman ng Adamson...
3-2, nanalo na ang Oragons..
Set 1, 18-25, mahina ang energy ng Adamson at ang dami pa ng errors..
Set 2, 25-23, mas madalas na lamang ang Adamson, Iriga naman ang nagkalat ng errors..
Set 3, 21-25, naiwan ang Adamson sa bandang dulo, madami pa ring errors ang Iriga pero bawi naman sa dami rin ng attacks nila..
Set 4, 26-24, ang laki ng lamang ng Adamson pero nakahabol ang Iriga..
Set 5, 11-15, naiwan sa bandang dulo ang Adamson...
naging offensive team na ang Iriga dahil sa mga additional Army players nila..
Player of the Game si Bombita with 21 points from 18 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Bautista with 18 points..
Bunag with 15 points..
Eguia with 12 points..
Acuna with 11 points..
para naman sa Adamson..
Permentilla scored 21 points kahit na mas nabangko siya sa Set 1..
Flora with 16 points...
is feeling , bottom team ang Lady Falcons...
---o0o---
October 21, 2018...
dayo..
ang dami ng live viewers..
Lady Eagles' day na naman...
BanKo versus Pocari-Air Force
lagot ang Pocari-Air, back-to-back games pala sila this weekend..
9th 5-setter match ng conference..
4th para sa Pocari-Air, pero patatlong sunud-sunod na nila..
first time lang naman ng BanKo...
3-2, panalo ang Pocari-Air Force..
Set 1, 25-16..
Set 2, 24-26, dikitan..
Set 3, 25-18..
Set 4, 23-25..
Set 5, 13-15, naipanalo rin ng Pocari-Air ang 5-set match nila...
wala si Ferrer, may medical issue..
Player of the Game si Pablo with 24 points from 23 attacks, and 1 kill block..
Yongco with 17 points na may 8 kill blocks..
Panaga with 13 points..
Palomota with 10 points..
para sa BanKo..
Gervacio scored 23 points from 18 attacks, 1 kill block, and 4 service aces..
Bersola with 15 points..
Roces with 13 points..
Dacoron with 12 points...
Creamline versus ADMU-Motolite
battle for Round 1's #1 seed..
Lady Eagles versus Lady Eagles..
Morado versus Wong..
Oliver versus Creamline...
3-0, panalo ang Creamline..
at talagang 0 laban sa kanila yung mga top teams na kasunod lang nila sa standings..
Set 1, 25-23, ang tatapang ng mga rookie ng Ateneo..
Set 2, 25-17, malaki ang lamang ng Creamline kaya binigyan ng game time si Gutierrez..
Set 3, 25-14, malalakas ang rookie ng Ateneo pero may mga kahinaan pa sa depensa...
ito na yata ang tallest lineup ng Lady Eagles simula sa panahon ng Fab 5..
para sa Ateneo, wala sina Tolentino, Madayag, at Gaston..
para naman sa Creamline, hindi naglaro sina Sato at Soriano, at siyempre wala nga si Binibining Gumabao..
quality Bravo and Mandapat time..
Player of the Game si Baldo with 19 points from pure attacks..
Galanza with 10 points, kasama yung magkasunod na service aces na tumapos sa match..
Morado with 28 excellent sets, plus 8 points with 5 service aces..
si Gandler lang naman ang umabot sa double-digit para sa Ateneo, with 10 points...
is feeling , #1 seed na sina Morado at Galanza...
---o0o---
PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)
October 24, 2018...
umpisa na ng Round 2..
mahinaan muna ulit ang ticket sales...
BanKo versus Iriga Oragons
3-0, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-22, kinapos sa paghabol ang Oragons..
Set 2, 25-21..
Set 3, 25-19...
nanguna na ulit si Gervacio para sa BanKo with 17 points, plus 10 digs..
si Emnas muna ang Setter, with 25 excellent sets, plus 8 digs..
as expected, naasahan naman ang veteran Army recruits ng Iriga..
Bunag with 14 points..
Bautista with 11 points..
kaso nagtapon ang Oragons ng 24 errors sa loob lamang nga ng 3 sets...
Pocari-Air Force versus Fighting Warays
ang 10th 5-setter match ng conference..
5th para sa Pocari-Air, at 4th na sunud-sunod na nila..
3rd pa lang naman para sa Tacloban...
3-2, panalo na naman ang Fighting Warays..
Set 1, 25-20..
Set 2, 13-25, nagkalat ng errors ang Pocari-Air..
Set 3, 26-24, kinapos ang Tacloban..
Set 4, 16-25, muling nanlaban ang Tacloban..
Set 5, 13-15, at muling nanaig ang Tacloban laban sa Pocari-Air...
bangas si Panaga sa lakas ng palo ni Pacres, dugo eh..
Player of the Game si Guino-o with 20 points, na may 16 attacks..
Pacres scored 17 points..
Prado with 14 points, plus 19 excellent receptions..
Negrito with 31 excellent sets, with 20 digs..
para naman sa Pocari-Air..
nasayang ang 26 points ni Pablo..
Palomata with 11 points..
Yongco with 10 points..
nakapagpakawala rin ng 43 errors ang Pocari-Air...
at wala ngang panalo ang Pocari-Air Force laban sa Tacloban Fighting Warays para sa Preliminary...
is feeling , mas nakakatakot na ang puwersa ni Pacres ngayon...
-----o0o-----
October 23, 2018...
nakakatampo si Anne Curtis..
pamasa-masahe pang nalalaman dati..
tapos bigla naman kaming iniwan...
yun pala mas mainam na banko nga yung nilipatan niya.. :(
isa sa iilang local banks na PayPal accredited na...
is feeling , Globe tri-cut SIM at bagong phone na lang yata talaga ang pag-asa ko...
---o0o---
October 24, 2018...
balik sa dating routine..
5:00 AM na ulit ang gising..
2 hours na ulit ang bawat render, kaya kailangang ihanap ng time slot..
kailangan rin na disiplinahin ang sarili na mag-stop magtrabaho by 9:30 PM...
kahit papaano mailalabas ko na yung kita ko mula sa first store, matapos ang ilang buwan na hindi ko matamaan yung quota..
kahit Php 2,000 plus lang yun, makakatulong na rin yun...
para naman sa second store..
kailangan ko pa ulit ng USD 40 kung gusto kong sumahod by December...
is feeling , hindi maka-extra ng pang-year-end gift...
>
October 24 pa lang..
pero nag-umpisa nang manghingi ng pera ang mga bata..
kesyo may dumarating daw na mga kaluluwa...
makapagpaskil na kaya sa gate...?
"Paunawa:
sobrang bagsak na po ng ekonomiya..
tataas pa po ang mga bayarin ko sa SSS at PhilHealth..
bawal na pong manghingi ng pera para sa Araw ng mga Patay at sa Pasko..
yung murang paninda po, yun na po yung pinaka-regalo ko sa inyo para sa araw-araw..
sa pamunuan ho kayo manglimos, nasa kanila ho ang maraming gatas..
dun ho kayo lumapit sa mga taong may sobrang daming kurakot para sa mga early campaign..."
is feeling , huwag nyo akong buwisetin, ngayon pang hindi ako makaluwas sa SM Southmall...