hindi lang yung basta-basta maitataboy yung mga terorista..
kundi yung mapapatay talaga lahat ng mga miyembro nun para maiwasan na muling umusbong o mas lumaki pa yung Satanistang grupo na yun..
eh bakit kinailangan pang humirit ng utang sa Russia...?
parang ang mensahe kasi nun ay "uy kailangan namin ng pera para mapuksa yung mga terorista sa bansa namin"..
pero noong hindi naman basta-basta napagbigyan..
eh kesyo susubukan na rin nga kung ano lang yung makakaya namin...
tapos babanatan pa ng mga FAKE news..?
aba naman!
sayang ang intelligence fund... :(
ang hindi kasi naiintindihan ng maraming mga tao, ay meron ngang tinatawag na intelligence fund ang pamahalaan..
hindi lang 'to basta usapin na kesyo marami nang namatay, kaya dapat matapos na 'tong kaguluhan na 'to..
na parang lahat na lang nang kumukuwestiyon sa Martial Law ay pabor sa terorismo at sa mga patayan..
na akala nila na kapag hindi Martial Law ang ginamit ay mawawalan na ang gobyerno ng kakayahan na matalo ang mga kalaban...
kailangan rin nilang i-consider kung paano umabot ang labanan sa ganitong punto..
dahil kung hindi mababago yung ganung sistema, eh mauulit at mauulit lang yang mga pananakop na ganyan..
oo, natural tama lang na tapusin na yung labanan sa Marawi..
dahil walang matinong mga mamamayan ang gugustuhin na may digmaan sa lugar nila..
pero dapat talaga na parati na ring maging alerto ang gobyerno..
hangga't hindi nila napapatay ang bawat miyembro ng mga kalabang grupo, hindi sila pwedeng magpabaya para hindi na ulit mangyari ang nangyayari ngayon sa Marawi..
kailangang maging totoo na ang intelligence fund...
---o0o---
update ulit (91 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
May 21, 2017...
ganito pala yung computation para sa pagbili ng 4-wheel na sasakyan lately...
15 years lang magagamit yung sasakyan (sagad pa yata yun sa year model)..
tapos 365 days (average na lang) - 52 days (average na rin lang) dahil sa coding = 313 days..
313 days x 15 years = 4,695 days lang magagamit yung sasakyan sa loob ng allowed na life span niya...
ipagpalagay na at least Php 1,000,000 ang worth ng isang sasakyan..
Php 1,000,000 / 4,695 days = Php 212.99 per day...
kaya dapat eh nasa Php 212.99 or more a day yung nagagastos mo sa pag-travel para masabi mo na sulit yung pambili ng auto..
hindi pwede yung nasa Php 16.00 ka lang na 2-way pa, dahil sobrang lugi mo dun..
at siyempre, mas lalala pa yung computation nun sa pagtaas ng halaga mula sa Php 1,000,000..
at mas kokomplikado pa yun dahil sa gastos sa gasolina at iba pang pangangailangan nung sasakyan...
was feeling , nasa tao na lang siguro kung paano niya pepresyuhan yung comfort...
---o0o---
May 22, 2017...
may punto rin naman ang mga namamasada...
tama yung modernization, pero hindi kailangan ng libreng Wi-Fi sa lahat ng PUVs..
tama yung paghahabol sa mas environment friendly na mga makina ng sasakyan, pero talaga namang katalo sa presyuhan..
kailangan nilang i-consider na 15 years na lang ang lifetime ng mga sasakyan, kaya dapat within 15 years ay may ROI na at dapat ay kumita ka rin (dahil hanapbuhay yun)..
and worse - dapat may savings ka rin para sa ipapalit mong sasakyan after 15 years, yun eh kung gusto mo pa rin ngang mamasada...
pero ang nakakaduda kasi dito ay isa 'tong gahasa..
nagsusulong ang gobyerno ng mamahalin na modernization plan (though hindi naman na ito bagong usapin)..
pero magiging gahasa ito, dahil nga nagsusulong rin ang gobyerno ng mas mataas na buwis sa petrolyo (na makakaapekto sa maraming aspeto ng pamumuhay, lalo na sa mga gastusin)..
maige kung makakapag-provide nga sila ng mga PUV na purely dependent lang sa solar power..
yung pantawid-pasada is just a bullshit, tutulong ka na rin lang pero lilimitahan mo pa..
eh dapat nga eh exempted na ang mga PUVs sa buwis sa petrolyo dahil sa hirap na ng buhay sa ngayon...
was feeling , ganid kasi kayo sa buwis...
---o0o---
May 24, 2017...
1/3 Martial Law
umpisa na ng experimental Martial Law..
yung 60-day version lang naman..
para sa buong Mindanao...
ang worse case, level 1..?
kapag sinubukan ng gobyerno na i-justify na kulang ang 60 days..
siyempre, ang NPA nga naman at iba pang mga rebelde at terorista eh hindi masugpu-sugpo ng pamahalaan sa loob ng maraming taon - yun pa kayang sa loob lamang ng 2 buwan..?
katulad ng 6-month promises, baka naisin rin nila na gawing indefinite na rin ang pangako ng pagsugpo sa ibang version ng kasamaan...
ang worse case, level 2..?
umaabot na yung ibang grupo sa Visayas, di ga..?
tapos matagal naman nang may mga rebelde sa Luzon..
kaya baka pagapangin nila ang Martial Law pataas...
pero ang mas matindi..?
yung hiniritan bigla ang Russia ng utang para sa pagsugpo daw sa terorismo...
was feeling , wala bang mga snipers ang gobyerno...??
>
sa sobrang bobo nung isang na-interview para sa balita kagabi..
sinabi niya na magiging okay lang ang pagtataas ng maraming bilihin, dahil daw tataas rin naman ang suweldo ng mga tao...
wow!
kung sinu-sino man ang nag-author sa pesteng tax reform na yan, eh hindi naisip na hindi naman lahat ng tao ay umaasa sa suweldo...
petroleum products..
sweetened drinks..
at pati pala renta sa bahay..
kesyo para malabanan daw ang diabetes (regarding sweetened drinks)..?
mga tanga kayo, over-populated na ang bansa, pero gusto niyo pa rin na pahabain ang buhay ng mga mamamayan..
yung sa petroleum products pa nga lang eh malaking banta na dahil madalas ay kontrolado rin nun ang presyuhan ng marami pang ibang bilihin..
pero combo moves pa talaga ang gusto ng gobyerno...?
tapos kapag nakatapos naman sila ng mga proyekto..
eh kesyo credit him para sa ganito-ganyan..
pilit na ididikit yung pangalan sa mga proyekto..
parang yung mga tangang panatiko ng Dictator Clan na akala eh yung bangkay ang gumastos para sa lahat ng naging proyekto ng matagal na gobyerno niya/nila...
was feeling , subukan nyo lang, mga walang utak kayo...
>
hindi naman kasi sa kinukuwestiyon o hinuhusgahan na kaagad yung declaration...
ang naging problema kasi eh matagal na yung problema sa masasamang mga tao na yun..
iba't iba na nga ang mga grupo nila..
tapos eh nakakalipat-lipat pa nga sila ng mga lugar..
(despite the usual claims na kesyo "we are continuously monitoring them")..
kaya hindi ba tama lang sana na tinaasan na kaagad yung security - noon pa man..?
para hindi na sana umabot sa ganitong punto...
sa bandang huli, isa lang ang makakapag-justify kung nagampanan nga ng Martial Law yung papel niya..
yun eh kung mauubos na lahat ng mga basag-ulo na tao sa area na yun..
nang hindi nito ginagaya yung anyo ng unang Martial Law...
was feeling , tang ina yang sponsor ng mga terorista.. pro-Martial Law talaga eh...
---o0o---
May 25, 2017...
mabuti naman at may konti pang may utak sa gobyerno sa ngayon...
tama yun..
sobrang laking halaga ng pera ang nakalaan para sa tinatawag na intelligence fund..
andiyan rin nga yung maya't mayang statement na kesyo "we are continuously monitoring them"..
pero anong nangyari..?
anong nangyayari..?
bakit nakakailang lugar na sila...?
yung level ng security at check point na ipinapamalas nila ngayon..?
hindi ba dapat matagal at consistently na nilang ginagawa yun..?
dahil nga may mga terorista sa lugar nila..
at alam nila na hindi pa nasusugpo ang mga demonyong yun...
totoo rin naman na walang seguridad na perpekto..
at napatunayan na yun sa mga pangyayari sa ibang malalakas na bansa sa mundo..
pero anong pagkakaiba..?
dito mismo sa bansa nakabase ang mga kalaban, at tukoy ang mga lokasyon nila..
hindi katulad sa ibang bansa na tipong napapasok lang o may mga kababayan sila na nagiging sympathizers ng kasamaan...
parang naulit lang tuloy yung nangyari kay Mayor Espinosa..
kung kailan wala sa bansa ang isang key figure noong itinumba siya...
at sa pagkakataon na 'to..
mga opisyales nga ng mga organisasyon na may kinalaman sa seguridad ang nagsayang ng pera sa pagbiyahe..
at talagang sa labas pa ng bansa nagmula yung declaration..
kaya natural lang na naging kuwestiyonable yun...
maalin lang naman yun..
either may nagpabaya sa mga trabaho nila..
o yung hindi magandang anggulo ng istorya na 'to..
hindi nila pwedeng sabihin na "ang gagaling kasi nung mga terorista eh"...
was feeling , pero ang talagang kawawa ay ang mga inosente na nabubuwis ang mga buhay...
---o0o---
May 26, 2017...
yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 pulis Malabon...
was feeling , sistemang puno pa rin ng kasamaan...
>
[Natural Calamities]
panibagong lindol na naman..
akala ko pa naman tapos na yung trend nung April..
pero patapos na ang May at may humabol pa rin..
sa Zambales naman this time..
lampas rin sa 5 ang magnitude eh...
parang yung The Big One na lang talaga yung kulang ah...
was feeling , nagalit siguro sa mga terorista...
>
ano na bang nangyayari sa bansa...?
- arawan na ang schedule ng mga tumbahan
- laganap pa rin ang iba pang mga uri ng kriminalidad
- laganap pa rin ang kasamaan sa hanay ng mga pulis at mga sundalo
- nagkalat pa rin ang mga rebelde
- nagkalat pa rin ang mga terorista
- andiyan ang banta ng Bestfriend Empire
- uso na ang puwersahang pagke-claim ng mga bahay
- binabalak pang patayin ang ibang mamamayan sa pamamagitan ng mas pagtataas pa sa buwis ng mahahalagang mga bagay
- at sunud-sunod talaga ang mga lindol
tapos sasabihin ng iba na puros reklamo lang naman ang kayang gawin..?
magaling sila, baka kaya pa ng klase ng pamumuhay nila ang mga nangyayari sa bansa ngayon..
pero mas maige na yung aware ang ibang tao na merong mga nangyayaring mali..
kesa naman maging kunsintidor na lang...
was feeling , 99 Hit Combo...
>
nakakalungkot yung nangyayari sa mga mamamayan ngayon..
sila-sila yung naglalamunan...
nakalimutan na nilang isipin kung bakit nga ba nangyari yun..
kung bakit hinding-hindi yun natatapos..
basta ang focus nila eh gawin na lang ang lahat para matapos na yun..
hindi rin nila naiisip na meron namang ibang terms na pwedeng gamitin..
basta ang sa tingin nila eh kesyo andun na yun eh, nangyari na, kaya tapusin na lang..
at lahat ng kontra sa mga paniniwala nila eh parang mga terorista na rin para sa kanila..
pero sana rin eh hindi lang basta-basta pagtataboy ng mga terorista ang kanilang hinahangad...
ganito kalakas ang pagiging panatiko..
yun ngang ibang istorya eh baka isinulat lang ng kung sinong mga piloto para lang makakuha talaga ng suporta...
pero sana nga..
sana nga tama ang iniisip nila..
sana nga magawang patayin (tama, patayin lang ang tanging solusyon) ang lahat ng mga Satanistang terorista na yan..
sana nga mawala ang Martial Law after 60 days, kapag natapos na nito ang kanyang purpose..
sana wala nang mag-propose na kesyo gamitin natin 'to sa Visayas at ubusin na lahat ng mga pangkat doon..
at sana wala nang mag-propose na kesyo gamitin rin yun sa Luzon at ubusin na ang mga rebelde doon...
sana nga...
was feeling , medyo okay pa hangga't hindi ire-revise yan.. pero huwag rin naman yung every after 60 days ay meron - dahil ganun na rin yun...
>
yun yung mahirap dun eh...
hahaluan nung mga salitang "intelligence" na worth billions of Pesos..
tapos may mga magsasalita na kesyo kaanib na daw nung international na pangkat..
tapos may mga biglang kakambiyo rin naman na kesyo hindi naman..
hindi ba magkakatrabaho sila..?
kaya nasaan yung intelligence dun...?
hindi mo masabi kung nagsasabi ba ng totoo..
o kung nagtatago ba ng mga information para maiwasan ang panic..
o kung talagang pino-provoke lang yung sitwasyon...
ang dami kasing makukulay na pananalita eh..
hindi pa nga nag-je-jetski papunta sa mga pinag-aagawang mga teritoryo na bitbit ang bandila ng bansa..
pero ayun at gusto na ring personal na makipagbarilan sa mga terorista...
pero yung pagta-trashtalk bago ang aksyon eh talagang mas nagpapagulo lang sa sitwasyon...
was feeling , i-justify na yan.. patayin na ang mga dapat patayin...
>
ang tindi talaga ng Bestfriend Empire...
bilyung-bilyong halaga ng ilegal na droga..
sa kung ano na namang mabigat na kasangkapan itinago...
kalahi nga nila yung nag-tip nun..
pero mga kalahi rin naman nila yung isa sa mga nagpapakalat ng mga ganun..
kaya parang wala rin...
was feeling , sana doon na lang nila ginagamit yung lakas ng puwersa nila - sa pagpatay sa mga gumagawa ng ilegal na droga sa loob ng Imperyo nila...