Saturday, May 28, 2022

Reign of Misinformation & The Corrupt Majority

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



noon, naniwala ako na sapat na ang mga history subjects sa school para wala ng mga mamamayan ang maloko..
naniwala ako na basta dumaan sa pag-aaral ang mga bata, at mabasa ang mga aklat ng kasaysayan ay makukuha na nila ang leksyon ng nakaraan..
in fact, naniwala pa nga ako na kahit na kulang na kulang pa ang mga detalye na nakalimbag, na sapat pa rin iyon para imulat ang kaalaman ng lahat...

pero nagkamali ako... 🙁

bago pa ang 2016..
hindi pa uso noon ang mga vlog, at mas kilala pa ang mga blog..
noon ko napansin yung mga kumakalat na FAKE history tungkol sa Dictator Clan, sa kayamanan nila, at sa angkan na bumili daw noon sa bayan..
pero hindi ko kailanman in-expect na magiging history nga iyon para sa maraming Panatikong Zombies..
hanggang sa lumala na nga nang lumala ang pagkalat ng FAKE content sa internet..
nagamit nila ang freedom of speech sa YouTube..
ang freedom of speech sa Facebook..
hanggang freedom of speech sa Twitter at sa iba pang mga social media platforms na walang control sa paglaganap ng FAKE content...

hindi ko kailanman naisip na muling babangon ang mga sindikato ng kasamaan..
na magiging isa sila..
para tuluyang palitan ang kasaysayan..
linisin ang kanilang mga record..
sa pamamagitan ng paghahabol sa kapangyarihan...

is ⚠ feeling , wala ng pag-asa ang bayan na ito.. masyadong malambot ang kabutihan.. kung nanaisin ng mga tao ng ganap na pagbabago..? kakailanganin na mamatay lahat ng mga kriminal at lahat ng kanilang mga supporters.. 'yon lang ang natatanging paraan...

---o0o---


natalo tayo sa War Against Misinformation... 🙁

hindi lang talaga ako makapaniwala na kaya ng social media na pagtakpan lahat ng mga nabistong kapalpakan at kasamaan ng sindikato.. 🙁
balewala ang mainstream news..
balewala ang kasaysayan..
balewala ang Commission on Audit..
balewala ang mga probe...

napatunayan ng social media na mas madami ang naniniwala sa kanila..
at na madami din ang umaasa lang sa mga sample ballots..
at magpapatuloy lang ang ganitong trend..
itutuloy lang ng mga social media farm employees ang trabaho nila, na gawing santo ang kanilang mga diyos-diyosan..
at gawing demonyo ang mga tutol sa katiwalian... 🙁

is feeling , katapusan na.. walang darating na archangel.. natural calamities na lang ang maghuhusga sa lahat...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 686...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 241 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung dinoble nila ang naabutan nilang mga utang ng bayan
  • yung batas para sa pagsasayang ng pondo para sa Sangguniang Kabataan o SK, samantalang pwede naman ang libreng leadership training sa mga paaralan
  • yung pag-amin na nagkamali daw siya sa 6 months na promise niya tungkol sa ilegal na droga, may 6 daw kasi noon na PNP generals ang may kaugnayan doon sa trade
  • yung pag-veto sa SIM card registration na patakaran dahil sa concern nila para sa registration ng social media accounts
  • yung suggestion para sa paggamit ng mapanganib na nuclear energy, samantalang may mga renewable options naman na hindi banta laban sa kalikasan
  • wala daw kasalanan yung mga management nung mga sabungan kung saan galing ang mga nawawalang sabungero, samantalang January pa may mga nagrereklamo pero hindi naman nakikipagtulungan ang mga sabungan 
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
  • yung lantarang red-tagging na mula mismo sa tuktok
  • yung suggestion para sa mga Vice Mayor na ipa-ambush na lang ang mga Mayor
  • yung requirement daw para maging Mayor na matuto munang pumatay
  • yung pagtatanggol ngayon na kesyo wala daw nakaw na yaman ang Dictator Clan, pinapalabas din niya na bata pa noon yung tax evader para mapag-iwanan ng nakaw na yaman
  • yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
  • yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
  • sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
  • sa Iloilo City, yung pulis na nakatalaga sa Regional Drug Enforcement Unit na naaresto sa buy-bust operation
  • sa Manila, yung pulis na mula sa CALABARZON na nahuling tumataya sa online sabong, na kinasuhan ng illegal gambling at estafa
  • sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
  • sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
  • sa Pampanga, yung nasa 10 pulis na inaresto dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero
  • sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
  • sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • sa Caloocan City, yung 6 na pulis na inireklamo dahil sa pagnanakaw daw laban sa isang vendor
  • sa Quezon City, yung 2 pulis at 9 na iba pa na inaresto dahil daw sa pagnanakaw sa warehouse ng isang negosyante na Imperial citizen yata iyon
  • sa Laguna, yung mga pulis na itinuturo bilang dumukot sa ibang mga nawawalang sabungero
  • sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril laban sa isang lalaki, na may mga dati ng kaso at madalas daw manggulo kapag under the influence of alcohol
  • sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
  • sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada 
  • sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
  • sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Lanao del Sur, yung Barangay Chairman na dating Mayor na napatay matapos daw na manlaban sa mga awtoridad, hahainan lang daw sana siya ng kaso kaugnay sa paglabag umano niya sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan
  • sa Surigao del Sur, yung Vice Governor at ang kanyang maybahay na inaresto dahil sa kasong Estafa
  • yung kandidato daw bilang Representative sa Palawan na nahuli dahil sa pag-i-issue ng talbog na tseke
  • sa Quezon City yata iyon, yung inireklamo ng vote-buying yung babaeng related daw sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, na tumatakbo bilang Representative
  • sa Ilocos Sur, yung komprontasyon sa pagitan ng kandidato sa pagka-Mayor at Barangay Captain na supporter ng ibang kandidato tungkol daw sa vote-buying, na nauwi naman sa pagkamatay ng 4 na tauhan nung kandidato sa pagka-Mayor

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung breach daw sa partner ng COMELEC na Smartmatic
  • yung video ng mga awtoridad na nagpupunit ng mga balota
  • yung video kung saan mga awtoridad na ang nagsilbi daw na mga election officer sa presinto at may mass shading pa ng mga balota
  • sa Quezon Province, yung chief volunteer ng isang kandidato na nawawala daw
  • yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam
  • yung pulis na suspek sa pag-atake sa 5 taga-Bureau of Customs, na nahuli pero napatay naman matapos DAW na manlaban
  • sa Port Area, Manila, yung pulis na napatay ng intelligence officer ng Bureau of Customs (BOC), nagtangka daw mang-agaw ng baril yung biktima pero nadaig lang nung taga-BOC sa barilan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung planong gamitan na ng expiration ang mga vaccination cards
  • yung 2nd COVID-19 booster shot na ang pinag-uusapan ngayong April pa lang, kasabay ng plano ng expiration para sa mga vaccination cards
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
  • yung ang higpit-higpit nila dati tungkol sa mga health protocol, regarding testing, isolation ng mga may symptoms, vaccination, at ang pagre-require ng mga vaccination documents, pero walang halaga ang lahat ng iyon sa panahon ng Eleksyon 2022
  • yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
  • yung nasa 3.6 Million daw na COVID-19 vaccines ang na-expire na
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • yung may na-detect ng kaso ng Omicron subvariant na nakapasok sa bayan, foreigner na nagpunta daw sa Baguio ang carrier
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung nasa 15 dayuhang turista na na-detect bilang mga COVID-19 carriers
  • yung may local transmission na daw sa bayan ng isang COVID-19 Omicron subvariant
  • yung may nakapasok na daw sa bayan na subvariant ng COVID-19 Omicron variant, na mas madali daw makahawa at kaya ding mangbalewala ng epekto ng vaccine
  • yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
  • yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
  • sa DepEd, yung nakalusot na module para sa demolisyon, yung laban sa isang pinuno at laban din sa isang pinabagsak na TV network
  • sa Negros Oriental, yung mga elementary students na nagkaroon ng hinihinalang food-borne illness, baka daw kasi kontaminado ang gatas na ipinamahagi sa School-Based Feeding Program (SBFP)
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung nasa Php 300 Billion na daw na halaga ng smuggled na mantika ang nakapasok sa bayan mula sa Malaysia mula 2016 to 2021
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
  • yung hindi natatapos ang problema sa mga smuggled na gulay dahil may koneksyon daw ang mga sangkot dito
  • sa Divisoria, yung nasabat na nasa 100 kilograms daw ng smuggled na carrots
  • sa Occidental, Mindoro, yung bagsak presyo at may nabubulok na sa tone-tonelada ng mga  sibuyas
  • sa Nueva Ecija, yung nadamay na rin sa pagkalugi ang mga magsasaka ng sibuyas doon dahil nga sa pagbagsak ng presyuhan
  • yung Department of Agriculture ng MIMAROPA na nagsabi na mababa ang kalidad ng mga sibuyas doon kaya bumagsak ang presyo
  • yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
  • yung kalokohan ng patakaran ng Window Hour para sa mga provincial bus sa EDSA na parang nawawalan ng saysay yung franchise ng mga bus operators at pagme-maintain ng mga terminal sa loob ng NCR, bukod pa sa pagiging pabigat sa mga ordinaryong mananakay
  • yung may mga website pa rin na patuloy sa pag-o-operate ng online sabong sa kabila ng kautusan
  • yung Coron Bay Development Project na sumira na doon sa area dahil sa reclamation, 2007 yata sila unang nakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC), sinira na parehas ang bundok at dalampasigan 
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
  • yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
  • sa Pilar, Abra, yung nangyaring barilan noon laban sa grupo ng Vice Mayor, lumalabas kasi sa imbestigasyon ngayon ng NBI na madaming kasinungalingan ang sinabi ng mga pulis sa kanilang mga statement
  • yung red-tagging laban sa mga aklat na patungkol sa masamang paghahari ng Diktador
  • yung Prosecutor General na nagsabi na wala daw kinalaman sa kaso ng isang Senador ang ginawang pag-amin ng isang pinuwersa na maging testigo noon, samantalang patunay ang ginawang pagtumba sa ama nung taong iyon na posibleng madami pa ang mga ginipit na tao para lang makagawa ng kaso
  • yung dating OIC ng Bureau of Corrections na binawi na rin ang kanyang testimonya laban sa isang Senador, na nagsasabi na nadiktahan lang daw siya noon
  • yung sinabi kaagad ng DOJ na wala ring magiging epekto sa kaso ng isang Senador yung pagbawi sa mga dating testimonya ng dating OIC ng Bureau of Corrections
  • yung nasilip ng COA na nasa Php 700 Billion daw na hindi pa nagagamit na pondo mula sa 2021 national budget
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung nakahanda na rin ang Anti-Terror Law kahit na sobrang daming kakulangan sa accuracy nung patakaran
  • yung red-tagging laban sa UP Mindanao campus
  • yung pagpanig ng COMELEC sa faction na nang-hijack lang daw
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • ang pagbabasura ng COMELEC sa maraming motion for reconsideration laban sa isang tax evader
  • yung perpetual disqualification pala ang parusa nila para sa kabiguan na magsumite ng tamang statement of contributions and expenditures (SOCE), samantalang katanggap-tanggap para sa kanila ang tax evasion na violation ng isa mismong naging public servant
  • ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
  • yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
  • yung commissioner ng COMELEC na nagbanta na ipapaaresto ang mga pupuna sa kanila
  • yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
  • yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
  • yung mga sumbong tungkol sa kapalpakan ng online voter verifier o precinct finder ng COMELEC
  • yung mga nahuling hackers daw ng Smartmatic, nasa 3 yung latest
  • yung pagkaantala ng pagbibigay ng fuel subsidy sa ibang PUV drivers dahil sa ban ng COMELEC sa mga paggastos ng pamahalaan
  • yung may mga mahihirapan na sa pagpunta sa padebate ng COMELEC dahil kailangan nilang mag-reschedule dahil sa naging isyu nila sa pagbabayad
  • yung ang mahal pala ng padebate ng COMELEC
  • yung hindi daw 100% na nalilinis ng COMELEC ang listahan ng mga botante, regarding doon sa mga namatay na
  • yung mga aberya sa testing ng mga Vote-Counting Machine o VCM
  • yung madami pa ring mga machine ang pumalya noong araw ng halalan samantalang naidaan na ang mga iyon sa testing
  • nakakapagtaka lang na kahit na madami ang mga bumigay na Vote-Counting Machines ay naging sobrang bilis pa rin nung transmission ng mga bilang
  • sa bakanteng lote sa Cavite, yung mga itinambak na mga kahon na ginamit para sa nagdaang Eleksyon 2022, kahon ng mga voting receipt yung iba
  • yung pakikialam ng F2 Logistics sa paghahakot ng election paraphernalia, samantalang sa vote-counting machines lang pala sila naka-assign
  • yung mga nawawalang Certificate of Canvass (CoC) sa mga ballot box na ipinadala sa Congress
  • yung tao ng COMELEC na nagsasabi na hindi daw dapat isisi sa pagpalpak ng mga Vote-Counting Machine ang pagkaantala ng eleksyon
  • yung declaration ng failure of election sa maraming lugar sa Lanao del Sur
  • sa Rizal province, yung madami daw silang naobserbahan na iregularidad sa nangyaring halalan, isang halimbawa ay ang hindi daw pagpapapasok ng poll watcher sa mga presinto
  • yung maraming iregularidad na napansin ng International Observers Mission (IOM) sa buong proseso ng Eleksyon 2022
  • yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
  • sa Bataan, yung sasakyan ng gobyerno na ginamit sa pangangampanya ng grupo ng tax evader
  • yung ayon sa governor ay gobyerno daw ng Nueva Ecija ang namimigay ng ayuda noong panahon ng kampanya ng kampo ng tax evader
  • yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
  • yung 1999 pa pala may kasulatan ang Supreme Court tungkol sa estate tax ng mga tiwali, at 1997 pa daw yung desisyon kung tutuusin
  • yung Senator na nagtataka tungkol sa timing ng paniningil laban sa kanilang angkan, na para bang kasalanan pa ng bayan na mga tax evader sila for more than 2 decades na
  • yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption
  • yung tax evader na naniniwala na hindi mare-regulate ang mga information online kasama na ang mga FAKE content dahil nakikinabang sila mula doon
  • yung pati claim na pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw na rin niya
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung pagsisinungaling nung katambal na kesyo hindi daw magnanakaw at kurakot yung isa, sa kabila ng lahat ng existing na ebidensya laban sa kanila
  • yung claim na hindi daw papanig ang tax evader sa mga kalaban ng bayan, samantalang marami sa hanay nila ay kalaban ng bayan pagdating sa katiwalian
  • yung paulit-ulit na paggamit sa mga komunista para sa kanilang mga kampanya at mga ini-endorse, dati ay magkakaibigan ang palabas nila at ngayon naman ay magkaaway na ulit
  • yung huling-huli na pangangako ng isang kandidato tungkol sa franchise sa isang celebrity na supporter ng alyansa nila
  • yung Representative na nagre-request ng pa-security ng sistema para sa tax evader
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga pinuno na naghahangad ng unity, pero nasa panig kung saan may mga kriminal
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
  • yung limitado lang ang mga media na pinapalapit sa kanya
  • yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
  • yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
  • yung demolisyon tungkol sa pagpapaatras daw sa kandidatura, kung saan iba naman daw ang nagsasabi sa kanila kumpara sa kanilang idinidiin
  • yung mas maghihigpit pa ang Mayor ng Maynila sa No Permit, No Rally policy dahil batid nila na may mga nagrereklamo dahil sa mga nabistong anomalya sa halalan
  • yung mga kaduda-dudang Party-list na mukhang gagamitin lang para makapagpalawak ng kapangyarihan
  • yung madami din ngang mga kampon ng sindikato ang nakapasok sa non-territorial seats
  • sa Bukidnon, yung grupo ng mga kandidato at mga katutubo na pinaputukan ng baril dahil daw sa kagustuhan nila na mabawi ng mga katutubo ang ancestral land ng mga ito
  • sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance
  • sa Baler, Aurora, yung nabisto na pag-iimprenta ng campaign materials sa loob ng gusali ng gobyerno
  • yung mga sample ballots ng alyansa ng mga masasama na ipinamimigay sa kung saan-saang area sa mismong araw ng eleksyon
  • yung lantarang red-tagging laban sa ibang grupo sa mga lugar na malapit sa mismong mga presinto, yung ibang lugar ay meron pa talagang awtoridad na nagbabantay
  • sa Lanao del Sur, yung insidente ng gulo kung saan may sinira pang Vote-Counting Machine
  • sa Legazpi, Albay, yung kandidato sa pagka-Councilor na inireklamo ang Mayor dahil daw sa vote-buying sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda
  • sa Pilar, Abra, yung Vice Mayor na may aktibong mga armadong tauhan sa panahon ng election gun ban, nagawa pa daw nung mga bodyguards na makipagbarilan sa mga pulis
  • sa Biñan City, Laguna, yung higit sa 30 daw na tauhan ng magkapatid na tumatakbo bilang Congressman at Mayor, nagawa daw nung ibang bahagi nung grupo na mangkuyog ng isang pulis
  • sa Negros Occidental, yung teacher na magsisilbi sana bilang poll worker na pinatay sa pamamaril bago pa ang araw ng eleksyon
  • sa Nueva Ecija, yung 5 sugatan at nasa 19 na iba pa na arestado matapos na magbarilan ang mga tauhan ng 2 Mayoral candidate
  • sa Buluan municipality, sa Mindanao, yung 3 security guards na napatay, at 1 pa na sugatan matapos na pagbabarilin ang isang polling station
  • yung mga iba't ibang insidente ng pagpapasabog at pamamaril sa area ng Mindanao
  • yung gustong palitan ang Constitution, pero wala naman palang nakahandang konkretong plano para sana ipapasa na lang kaagad lahat ng mga panukala

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung tiwaling survey na nagsasabi na pinakamataas pa rin DAW ang tiwala ng mga tao sa mga tiwali, na patunay na hindi nga reliable yung survey
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
  • yung panibagong kulto na nag-endorse ng mga kriminal at protektor ng mga kriminal
  • yung madaming babae na involved o dating involved sa sex trade ay mga pro- sa katiwalian
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung mga kaso ng vote-buying na kapag nahuhuli ay pinapalabas na kesyo paninira lang laban sa kanila
  • yung paggamit sa isyu ng pagpapabagsak laban sa isang makabuluhang TV network para i-demolish ang suporta ng maraming mga celebrity
  • yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
  • yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
  • yung pagnanakaw maging sa pangalan ng mga singer at banda, para lang maka-engganyo ng a-attend sana sa kanilang campaign rally
  • yung 2016 interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw para palabasin sa Imperial platform na pabor sa kanila
  • yung pati Guinness record eh ninanakaw na nila
  • ang pagnanakaw ng 2016 na event sa Kuwait para palabasin na naki-celebrate yung bansa sa pagkapanalo ng mga kriminal
  • yung FAKE claim sa probinsya na kaya daw ibalik ang presyuhan ng mga bilihin sa panahon bago pa man napatalsik ang kasamaan
  • yung sex scandal attack ng mga social media farm employees
  • yung broadcaster na yung mga babae pa ang sinisisi sa pagkalat ng FAKE news tungkol sa kanilang video scandal, na para bang walang posibilidad na ginawa nga iyon ng social media farm ng mga tiwali
  • yung pagnanakaw ng 2016 social media post ng biktima ng link scandal para palabasin na umamin na yung babae na may existing scandal nga siya
  • yung mga basurang demolition unit mula sa social media farm, na nakiki-blend sa mga supporter para lang makagawa ng mga mapanirang social media posts
  • yung in public ay huminahon ang mensahe niya para sa kanyang mga tagasunod, pero behind the scenes, eh patuloy naman ang kanilang social media farm employees sa demolisyon at pagpo-provoke ng mga pagtatalo dahil sa mga FAKE content
  • yung paalala na huwag daw hayaan ulit na manakaw ang mga suporta, samantalang siya itong natalo sa kanyang reklamo
  • yung pag-uugnay ng isang kandidato sa pinuno ng mga komunista
  • yung mind-conditioning na kesyo may mananabotahe daw sa selection process bilang paghahanda kapag natalo na naman sila
  • sa Ilocos Sur, yung maagang pagrereklamo na kesyo may suporta daw para sa tax evader na nalilipat sa mabuting tao pero wala naman daw maipakita na ebidensya 
  • yung paninisi ng mga social media farm employees sa isang piling kandidato dahil sa protesta na nangyayari ngayon laban sa COMELEC
  • kumikilos na rin ang mga social media farm employees para ipakulong ang isang kandidato dahil isinisisi nila lahat ng mga nangyayaring protesta doon sa tao
  • kumikilos na naman ang mga social media farm employees laban sa mga scholar ng bayan, gusto nilang mawala ang demokrasya ng pagpoprotesta
  • noong sila ang nagrereklamo noon eh dahil 'yon sa karapatan nila, pero ngayong hindi nila kasama sa hanay ang mga nagrereklamo, eh pinapalabas nila na mali na humiling ng mga paglilinaw tungkol sa mga bagay na kuwestiyonable
  • yung celebrity na nagsabi na bahay ng mga diktador na magnanakaw at tax evader ang official residence ng pinuno ng bayan
  • yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung mga kandidato na laging sinasabi na paghihiganti ang paglaban sa katiwalian
  • yung mga kandidato na nagsasabi na tutuldukan daw nila ang paglaban sa kasamaan, samantalang wala namang nagbibigay ng hustisya para sa lahat ng mga naging biktima
  • yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
  • yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nakakahiya daw ang pagpoprotesta sa ibang bansa, kumpara sa pagsuporta sa mga kriminal
  • yung ginawang hacking laban sa isang official social media account ng University of the Philippines
  • yung walang pakialam yung iba na napayagan nang ituloy ang pagtataas ng singil sa PhilHealth dahil libre ang mga insurance nila at sinasalo lang ng mga nagbabayad
  • sa Davao Oriental, yung na-stranded na rare na Hotaula Beaked Whale, na namatay matapos na abusuhin ng mga lokal na mamamayan doon
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Rizal yata iyon, yung 7 y/o daw na batang lalaki na napatay ng sarili niyang ama matapos na ihambalos sa kalsada ang katawan ng bata, nasa impluwensiya daw ng ilegal na droga yung killer
  • sa Quezon City, yung Imperial citizen na nangbangga ng mga concrete barriers, lasing daw na nagmaneho at wala pang lisensya
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na paalis na sana sa bansa na nabistong gumagamit ng pekeng Philippine passport
  • yung mga nasamsam ng NBI na counterfeit na Imperial insecticides sa iba't ibang lokasyon sa bayan
  • sa Quezon City, yung nakumpiska ng mga pulis na kahon-kahon ng mga pekeng brand ng sigarilyo na pagmamay-ari ng isang Imperial citizen
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
  • sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
  • sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
  • sa Makati City, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng shabu pills daw
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen na biktima daw ng forced labor sa pinapasukan nilang offshore company, nahuli naman ang mga operator nung kompanya na isang Indonesian at 2 Imperial citizen din
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli matapos na dukutin ang isang kapwa nila Imperial citizen na inalok daw para magtrabaho sa Makati City
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
  • sa Pasay, yung 4 na nahuli na sangkot daw sa kidnapping ng mga Imperial citizen, kung saan ang 2 unang nahuli ay mga Imperial citizen na nagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril
  • sa isang condominium complex sa Taguig City, yung 1 napatay na security guard at 2 pa na sugatan dahil sa pamamaril ng isang Imperial citizen
  • sa karagatan sa may Palawan, yung 2 barko na inarkila upang magsagawa ng seismic survey, na sinundan ng mga basurang Imperial coast guard
  • yung panibagong COVID-19 surge sa loob ng Imperyo
  • yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
  • yung banta ng Monkeypox na kumalat na sa iba't ibang Western countries
  • yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
  • yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
  • yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
  • yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
  • sa karagatan sa may Japan, yung pagpapasabog ng mga submarine ng Northern Empire ng mga missiles
-----o0o-----


May 21, 2022...

sa bakanteng lote sa Cavite..
yung mga itinambak na mga kahon na ginamit para sa nagdaang Eleksyon 2022..
kahon ng mga voting receipt yung iba... 🙁

bakit sinira nila..?
para hindi na ma-check pa...??

is feeling , put*ng ina, totoo ang failure of election.. [Area]IsCorrupt...


>
sa Negros Oriental..
yung mga elementary students na nagkaroon ng hinihinalang food-borne illness..
baka daw kontaminado ang gatas na ipinamahagi sa School-Based Feeding Program (SBFP)...

is feeling , feeding program...??


>
yung pulis na suspek sa pag-atake sa 5 taga-Bureau of Customs..
na nahuli pero napatay naman matapos DAW na manlaban...

ang totoong tanong ay sino ang boss niya...??

is feeling , kung ganun ay may nag-uutos doon sa pulis na maging tagatumba...


>
yung may nakapasok na daw sa bayan na subvariant ng COVID-19 Omicron variant..
mas madali daw makahawa iyon at kaya ding mangbalewala ng epekto ng vaccine...

mamamayan daw na galing sa Middle East ang na-detect na carrier..
at nakapasok siya sa bayan nitong May...

is feeling , luwag pa...

---o0o---


May 22, 2022...

[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 6.1 na lindol..
sa may area ng Batangas...

is feeling , dapat sa tamang lugar...


>
sa Port Area, Manila..
yung pulis na napatay ng intelligence officer ng Bureau of Customs (BOC)..
nagtangka daw mang-agaw ng baril yung biktima, pero nadaig lang nung taga-BOC sa barilan...

is feeling , ano kaya ang nangyari...??

---o0o---


May 23, 2022...

yung may mga website pa rin na patuloy sa pag-o-operate ng online sabong sa kabila ng kautusan...

is feeling , hanggang salita lang...


>
yung red-tagging laban sa UP Mindanao campus...

is ⚠ feeling , napaka-convenient ng red-tagging kapag hindi inuubos ang mga kalaban...


>
sa Iloilo City..
yung pulis na nakatalaga sa Regional Drug Enforcement Unit..
na naaresto sa buy-bust operation...

is feeling , ang gigilas talaga...


>
yung pakikialam ng F2 Logistics sa paghahakot ng election paraphernalia..
samantalang sa vote-counting machines lang pala sila naka-assign...

is feeling , kaduda-duda...


>
yung aprubado na ang lifetime validity ng birth, death, at marriage certificates...

sa wakas..
may nagawa na ulit silang tama...

yung Postal ID..
gawin nyo na ring permanent..
tutal hindi naman din talaga basta-basta nagpapalit ng address ang mga tao...

is  feeling , common sense muna, bago ang pamemera...

---o0o---


May 24, 2022...

yung suggestion para sa paggamit ng mapanganib na nuclear energy..
samantalang may mga renewable options naman...

is feeling , unahin ang paninira ng kalikasan...


>
nagsimula na ang palabas nila..
nagbibilang ng total ng mga total..
pero total na ginawa lang ng mga makina... 🙁

is feeling , walang kuwentang palabas...

---o0o---


May 25, 2022...

yung Coron Bay Development Project na sumira na doon sa area dahil sa reclamation..
2007 yata sila unang nakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC)..
sinira na parehas ang bundok at dalampasigan...

is feeling , ang gagaling ng mga nag-issue ng ECC...


>
yung mga nawawalang Certificate of Canvass (CoC) sa mga ballot box na ipinadala sa Congress..

is feeling , ano na naman kaya ang ginawa ng mga yun...??


>
may bago ng diyos ang monarkiya...

unity for corruption ng pinakamalaking sindikato...

ano, COVID-19..?
inutil ka pa rin...??

is ⚠ feeling , welcome sa impiyerno...

---o0o---


May 26, 2022...

yung nasilip ng COA na nasa Php 700 Billion daw na hindi pa nagagamit na pondo mula sa 2021 national budget...

is feeling , ibigay na lang sa Anomaly, please...


>
yung limitado lang ang mga media na pinapalapit sa kanya...

is feeling , hindi sila papayag na may makakalkal tungkol sa sindikato...


>
yung madami din ngang mga kampon ng sindikato ang nakapasok sa non-territorial Chunin seats...

is feeling , mga demonyo...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of May 2022 (Playlist Evolution)

Loveless Story


May 22, 2022...

[Strange Dream]

so napanaginipan ko ulit sila..
probably dahil sa sangkatutak na network resources na nakita ko kagabi...

hindi ko na malinaw na maalala yung mga nangyari..
parang hindi naman siya in person, pero sa halip ay sa social media lang..
isa sa naaalala ko ay may 4 sa kanila ang nakahelera na parang may pino-promote, vocally at may hawak din na parang mga karatula..
tapos mostly ay si Attendant N na yung nakikita ko..
siguro dahil sa network niya ako nakakuha ng maraming resources ulit...

is feeling , sana si Attendant Ry na lang...


>
so galing ang team nila sa Bataan..
i'm assuming na at least 3 grupo iyon..
nag-team building daw...

kung sino man yung mga tao sa likod ng mga management nila..
lumalabas na mapepera rin talaga sila...

kaso wala akong makitang file ni Attendant M...

is feeling , reconnaissance mode muna ako pamayang gabi, pagkatapos magtrabaho sa hapon...


>
tapos na sa reconnaissance..
unfortunately, wala din akong nahanap na magandang resulta..
oo, madami akong nahanap na bago..
yung iba mga hindi ko rin naman kilala..
pero hanggang ngayon, wala akong mahanap na files ni Attendant M...

is feeling , mukhang maingat din talaga ang isang iyon...

---o0o---


May 24, 2022...

[Music]

MC Einstein featuring Flow G, Yuri Dope, and Jekkpot - Bahala Ka (Wish Version)



Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Hanap ako ng hanap ikaw iwas ng iwas
Gusto sayong yumakap kaya pakitang gilas
A-a-e ganyan mo pa ko astahan
Tinatanong ka lagi ang sagot mo basta lang oy
Oo lang naman ang gusto ko na marinig
Ako na ang bahala lagi satin sa kilig
Ako diba ang dali lang kaso may mali
Ikaw kasi ayaw pa sakin na sumama pauwi e
Ikaw bahala wala tong sisihan
Kaya pasensya ko'y di mo na maiiklian
Pano ubos na at simot sayo kakaabang
Ngalay na din likod mo lang palagi ang katitigan

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano ang kulang bakit di kuntento
Sa sinasabi ko na di naman imbento
Kasi ang dami ko ng kwento pero para bang walang epekto to
O talaga lamang na iyong sinasadya to
Mabalewala lahat palabasing hindi sapat
Sa bawat banat mo at hugot habang pinagtatapat
Ang nadarama parang drama na
Ang sa puputahan na wag ng umasa pa kase marami pa namang iba
Wooh! Sana nagbibiro ka lamang
Ng di mo pagsisihan bakit mo ako sinayang
Sakin minsan lang ang mabaliw sa niligawan
Ikaw pa ang may ayaw di ko na yan kasalanan ha
Nasayang porma ko at pabango nako
Nagbago na takbo ng utak ko nagtampo na sayo
Kasi ang gaga mo akala mo pag-ibig ko'y laro lang
Lambing ang kailangan ko wag mo akong sungitan

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano pang kailangan kong gawin para yong atensyon mo ay limusin
Gusto mong isakay ka pa sa limousine
Akitin sa bagay na di mo kayang bilhin
Gusto ko rin naman yan kaso nga lang la ko ni kusing
Pero di mo pwedeng ismolin
Sakin di ka mag-uulam ng asin
Ang dami kong naipong mga baka sagutin
Ikaw ang gusto ko kaya puro baka yung dumating
Ako naman yung nandito lagi pero bakit pailing
Ako yung dumating kaso di ako hiling
Sa hirap at ginhawa ay handa kang gustuhin
Ang hirap lang sayo hirap ka ring ako ay gustuhin sows!
Baka mamatay akong dilat
Patagal ng patagal ay pailap ka na ng pailap
Pahirap ng pahirap wala ng tyansang mainlove
Kung ayaw mo di wag

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

is 💔 feeling , courtship songs.. pahirap nang pahirap wala nang tsansang ma-inlove...


>
[Music]

Anees featuring JROA - Sun and Moon Remix



You got me craving for you night and day (Oh, oh)
I get anxiety when you're away (Too long)
'Cause I just can't believe that your mine to keep
That's why I want you right next to me
All the time when the sunrises
And the moon light shines in your eyes
I feel like the luckiest guy on Earth
'Cause in my world I got somebody like you girl


credits go to the respective creators and uploaders of each of the featured music videos...

is feeling , habang mas tumatagal ang pagka-delay ng Dream Date ko.. nag-e-evolve naman yung playlist niya...

---o0o---


May 25, 2022...

[Online Marketing]

5 years na ako sa PayPal...

is feeling , pasensya na kung hindi ko kinaya yung Php 500,000...

---o0o---


May 27, 2022...

[Trade Dream]

so nanaginip ako ng tungkol sa trade...

napasali daw ako sa pa-airdrop ng Terra Luna..
pero gaya sa announcement nila, eh partial LUNA lang daw yung natanggap ko, kapalit nung iba kong LUNC..
nasa 4,000 lang daw..
pero dahil simula daw ulit sa umpisa yung cryptocurrency eh madali lang siyang pumalo sa target kong palitan..
sa tulong na rin ng milyon niyang investors..
from USD 2,000 plus to 4,000 plus daw...

hindi ko nga lang daw mailabas pa yung pera dahil hindi pa mai-convert sa stablecoin...

ayun nga..
simula kagabi, ay na-freeze yung trading para sa LUNA..
plano nilang gawing LUNC yung code niya, at LUNA yung sa panibagong version..
hindi ko alam kung madadamay pa ako sa airdrop..
kung hindi, mangangahulugan iyon na nanakawan ako ng Php 1,000..
pero kung mapapasali ako, kahit 4,000 tokens lang, then malaking bagay kung makakapalo kaagad sa USD 1.00 yung LUNA 2.0...

is feeling , gusto kong maka-experience naman ng swerte sa buhay...

---o0o---


May 28, 2022...

so hindi na naman nakatupad yung p*ta for the month of May..
kaya nagbitaw naman siya ng panibagong salita for the month of June...

may pa-puso-puso pang nalalaman..
puso dahil ano..?
dahil iniisip mo na nagpapauto na naman ako sa'yo...

is feeling , puros salita.. puros yabang.. pero ang kupad-kupad namang magbayad...

-----o0o-----


[V-League]


2021 Southeast Asian Games - Women's Volleyball


May 22, 2022...

bale lumaban pa rin pala ang national team sa Battle for Third..
kaso ay muli silang kinapos laban sa Indonesia..
4-1 sets...

nasa 4th place lang sila out of 5 teams... 🙁

is feeling , try na lang ulit sa 2023...

-----o0o----


May 22, 2022...

[Trade]

so 1 month nang naka-stuck yung pera ko doon sa asset..
tandang-tanda ko dahil nasa Quezon City ako noong nagising ako sa umaga na akala ko ay pababa yung value nung asset..
bumaba nga naman siya..
kaso ay bumulusok hanggang sa impiyerno..
USD 432 noong ipinasok ko yung pondo ko..
pero ngayon eh nasa USD 130 plus na lang yung value niya... 🙁

ang pinaka-walang kuwentang buhay sa lahat..
basura... 🙁

sa ngayon, nasa 900 levels pang bagsak yung asset bago makabalik sa entry point ko.. 🙁
samantalang yung ibang assets eh binastos na nang binastos ang pabagsak-bagsak ng Bitcoin...

is feeling , t*ng ina mo, LUNA.. pumalo ka ng USD 0.05...

---o0o---


May 24, 2022...

[Trade]

bastos na Bitcoin..
napagod na ulit siya sa USD 30,000 plus...

mabuti na lang at nakagawa ng pataas na trend yung asset ko bago nangyari yung panibagong trahedya..
sinakyan niya yung pagiging green ng Bitcoin noong nagdaang araw..
nakaakyat siya by 360 levels..
at naging 540 levels na lang ang layo niya sa entry point ko..
kaso ay muli ngang nanggulo sa momentum ang Bitcoin..
nakontra nga ang pag-abot nung asset sa USD 0.008..
pero kahit papaano ay hindi siya naiwan sa USD 0.004, at nagawa pa rin ngang manatili sa USD 0.006..
nangyari iyon sa kabila ng pagiging pahamak ng Bitcoin, dahil sa laki ng trading volume na mahigit sa 100%...

tapos isa pang bastos yung Anchor Protocol (ANC) na kamag-anak ng Terra..
LUNA dapat ang tumaas at hindi yung sistema nila ng pautang..
lagpas 200% ang inilago niya..
samantalang nahihirapan ang LUNA dahil ayaw i-burn ng founder ang sobrang laking volume...

ni hindi nga ako makapaniwala na nasa USD 100 plus dati yung ganung kalaking volume ng supply...

is feeling , ano ba..? ibalik nyo na lahat ng pera ko...

---o0o---


May 25, 2022...

[Gadget-Related]

holy crap..
may kakaibang nangyayari...

kaninang umaga..
ni isa sa mga PayPal verification codes ko eh walang dumating sa mobile number ko..
ngayon namang gabi..
hindi dumating ang Google verification code ko sa aking mobile number..
and then may sumulpot sa browser na option para mag-resend ng code, at pinindot ko nga iyon..
ang nakakapagtaka..?
Globe mobile number din lang ang sender nung code, hindi yung usual na nakapangalan sa Google..
at yung numbers lang talaga ang laman nung message, walang kasamang text...

so nag-send ako ng SMS doon sa number, pero walang sumasagot..
nag-check din ako kung may account siya sa mga messaging app, pero walang resulta..
ch-in-eck ko kung active pa yung mobile number ko, at nagre-register pa naman sa kanya yung mga tawag ko gamit ang ibang numero...

pero bakit..?
posible ba na may duplicate na rin yung Globe mobile number ko, gaya nung sa namatay naming kasama dito sa bahay...??

is feeling , put*ng ina, puwera nakaw.. sumusobra na laban sa akin ang buhay...


Saturday, May 21, 2022

Guided by 30 Million plus Machines

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



noon, naniwala ako na sapat na ang mga history subjects sa school para wala ng mga mamamayan ang maloko..
naniwala ako na basta dumaan sa pag-aaral ang mga bata, at mabasa ang mga aklat ng kasaysayan ay makukuha na nila ang leksyon ng nakaraan..
in fact, naniwala pa nga ako na kahit na kulang na kulang pa ang mga detalye na nakalimbag, na sapat pa rin iyon para imulat ang kaalaman ng lahat...

pero nagkamali ako... 🙁

bago pa ang 2016..
hindi pa uso noon ang mga vlog, at mas kilala pa ang mga blog..
noon ko napansin yung mga kumakalat na FAKE history tungkol sa Dictator Clan, sa kayamanan nila, at sa angkan na bumili daw noon sa bayan..
pero hindi ko kailanman in-expect na magiging history nga iyon para sa maraming Panatikong Zombies..
hanggang sa lumala na nga nang lumala ang pagkalat ng FAKE content sa internet..
nagamit nila ang freedom of speech sa YouTube..
ang freedom of speech sa Facebook..
hanggang freedom of speech sa Twitter at sa iba pang mga social media platforms na walang control sa paglaganap ng FAKE content...

hindi ko kailanman naisip na muling babangon ang mga sindikato ng kasamaan..
na magiging isa sila..
para tuluyang palitan ang kasaysayan..
linisin ang kanilang mga record..
sa pamamagitan ng paghahabol sa kapangyarihan...

is ⚠ feeling , wala ng pag-asa ang bayan na ito.. masyadong malambot ang kabutihan.. kung nanaisin ng mga tao ng ganap na pagbabago..? kakailanganin na mamatay lahat ng mga kriminal at lahat ng kanilang mga supporters.. 'yon lang ang natatanging paraan...

---o0o---


natalo tayo sa War Against Misinformation... 🙁

hindi lang talaga ako makapaniwala na kaya ng social media na pagtakpan lahat ng mga nabistong kapalpakan at kasamaan ng sindikato.. 🙁
balewala ang mainstream news..
balewala ang kasaysayan..
balewala ang Commission on Audit..
balewala ang mga probe...

napatunayan ng social media na mas madami ang naniniwala sa kanila..
at na madami din ang umaasa lang sa mga sample ballots..
at magpapatuloy lang ang ganitong trend..
itutuloy lang ng mga social media farm employees ang trabaho nila, na gawing santo ang kanilang mga diyos-diyosan..
at gawing demonyo ang mga tutol sa katiwalian... 🙁

is feeling , katapusan na.. walang darating na archangel.. natural calamities na lang ang maghuhusga sa lahat...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 679...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 226 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung dinoble nila ang naabutan nilang mga utang ng bayan
  • yung batas para sa pagsasayang ng pondo para sa Sangguniang Kabataan o SK, samantalang pwede naman ang libreng leadership training sa mga paaralan
  • yung pag-amin na nagkamali daw siya sa 6 months na promise niya tungkol sa ilegal na droga, may 6 daw kasi noon na PNP generals ang may kaugnayan doon sa trade
  • yung pag-veto sa SIM card registration na patakaran dahil sa concern nila para sa registration ng social media accounts
  • wala daw kasalanan yung mga management nung mga sabungan kung saan galing ang mga nawawalang sabungero, samantalang January pa may mga nagrereklamo pero hindi naman nakikipagtulungan ang mga sabungan 
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
  • yung lantarang red-tagging na mula mismo sa tuktok
  • yung suggestion para sa mga Vice Mayor na ipa-ambush na lang ang mga Mayor
  • yung requirement daw para maging Mayor na matuto munang pumatay
  • yung pagtatanggol ngayon na kesyo wala daw nakaw na yaman ang Dictator Clan, pinapalabas din niya na bata pa noon yung tax evader para mapag-iwanan ng nakaw na yaman
  • yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
  • yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
  • sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
  • sa Manila, yung pulis na mula sa CALABARZON na nahuling tumataya sa online sabong, na kinasuhan ng illegal gambling at estafa
  • sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
  • sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
  • sa Pampanga, yung nasa 10 pulis na inaresto dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero
  • sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
  • sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • sa Caloocan City, yung 6 na pulis na inireklamo dahil sa pagnanakaw daw laban sa isang vendor
  • sa Quezon City, yung 2 pulis at 9 na iba pa na inaresto dahil daw sa pagnanakaw sa warehouse ng isang negosyante na Imperial citizen yata iyon
  • sa Laguna, yung mga pulis na itinuturo bilang dumukot sa ibang mga nawawalang sabungero
  • sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril laban sa isang lalaki, na may mga dati ng kaso at madalas daw manggulo kapag under the influence of alcohol
  • sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
  • sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada 
  • sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
  • sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Lanao del Sur, yung Barangay Chairman na dating Mayor na napatay matapos daw na manlaban sa mga awtoridad, hahainan lang daw sana siya ng kaso kaugnay sa paglabag umano niya sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan
  • sa Surigao del Sur, yung Vice Governor at ang kanyang maybahay na inaresto dahil sa kasong Estafa
  • yung kandidato daw bilang Representative sa Palawan na nahuli dahil sa pag-i-issue ng talbog na tseke
  • sa Quezon City yata iyon, yung inireklamo ng vote-buying yung babaeng related daw sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, na tumatakbo bilang Representative
  • sa Ilocos Sur, yung komprontasyon sa pagitan ng kandidato sa pagka-Mayor at Barangay Captain na supporter ng ibang kandidato tungkol daw sa vote-buying, na nauwi naman sa pagkamatay ng 4 na tauhan nung kandidato sa pagka-Mayor

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung breach daw sa partner ng COMELEC na Smartmatic
  • yung video ng mga awtoridad na nagpupunit ng mga balota
  • yung video kung saan mga awtoridad na ang nagsilbi daw na mga election officer sa presinto at may mass shading pa ng mga balota
  • sa Quezon Province, yung chief volunteer ng isang kandidato na nawawala daw
  • yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung planong gamitan na ng expiration ang mga vaccination cards
  • yung 2nd COVID-19 booster shot na ang pinag-uusapan ngayong April pa lang, kasabay ng plano ng expiration para sa mga vaccination cards
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
  • yung ang higpit-higpit nila dati tungkol sa mga health protocol, regarding testing, isolation ng mga may symptoms, vaccination, at ang pagre-require ng mga vaccination documents, pero walang halaga ang lahat ng iyon sa panahon ng Eleksyon 2022
  • yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
  • yung nasa 3.6 Million daw na COVID-19 vaccines ang na-expire na
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • yung may na-detect ng kaso ng Omicron subvariant na nakapasok sa bayan, foreigner na nagpunta daw sa Baguio ang carrier
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung nasa 15 dayuhang turista na na-detect bilang mga COVID-19 carriers
  • yung may local transmission na daw sa bayan ng isang COVID-19 Omicron subvariant
  • yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
  • yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
  • sa DepEd, yung nakalusot na module para sa demolisyon, yung laban sa isang pinuno at laban din sa isang pinabagsak na TV network
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung nasa Php 300 Billion na daw na halaga ng smuggled na mantika ang nakapasok sa bayan mula sa Malaysia mula 2016 to 2021
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
  • yung hindi natatapos ang problema sa mga smuggled na gulay dahil may koneksyon daw ang mga sangkot dito
  • sa Divisoria, yung nasabat na nasa 100 kilograms daw ng smuggled na carrots
  • sa Occidental, Mindoro, yung bagsak presyo at may nabubulok na sa tone-tonelada ng mga  sibuyas
  • sa Nueva Ecija, yung nadamay na rin sa pagkalugi ang mga magsasaka ng sibuyas doon dahil nga sa pagbagsak ng presyuhan
  • yung Department of Agriculture ng MIMAROPA na nagsabi na mababa ang kalidad ng mga sibuyas doon kaya bumagsak ang presyo
  • yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
  • yung kalokohan ng patakaran ng Window Hour para sa mga provincial bus sa EDSA na parang nawawalan ng saysay yung franchise ng mga bus operators at pagme-maintain ng mga terminal sa loob ng NCR, bukod pa sa pagiging pabigat sa mga ordinaryong mananakay
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
  • yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
  • sa Pilar, Abra, yung nangyaring barilan noon laban sa grupo ng Vice Mayor, lumalabas kasi sa imbestigasyon ngayon ng NBI na madaming kasinungalingan ang sinabi ng mga pulis sa kanilang mga statement
  • yung red-tagging laban sa mga aklat na patungkol sa masamang paghahari ng Diktador
  • yung Prosecutor General na nagsabi na wala daw kinalaman sa kaso ng isang Senador ang ginawang pag-amin ng isang pinuwersa na maging testigo noon, samantalang patunay ang ginawang pagtumba sa ama nung taong iyon na posibleng madami pa ang mga ginipit na tao para lang makagawa ng kaso
  • yung dating OIC ng Bureau of Corrections na binawi na rin ang kanyang testimonya laban sa isang Senador, na nagsasabi na nadiktahan lang daw siya noon
  • yung sinabi kaagad ng DOJ na wala ring magiging epekto sa kaso ng isang Senador yung pagbawi sa mga dating testimonya ng dating OIC ng Bureau of Corrections
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung nakahanda na rin ang Anti-Terror Law kahit na sobrang daming kakulangan sa accuracy nung patakaran
  • yung pagpanig ng COMELEC sa faction na nang-hijack lang daw
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • ang pagbabasura ng COMELEC sa maraming motion for reconsideration laban sa isang tax evader
  • yung perpetual disqualification pala ang parusa nila para sa kabiguan na magsumite ng tamang statement of contributions and expenditures (SOCE), samantalang katanggap-tanggap para sa kanila ang tax evasion na violation ng isa mismong naging public servant
  • ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
  • yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
  • yung commissioner ng COMELEC na nagbanta na ipapaaresto ang mga pupuna sa kanila
  • yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
  • yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
  • yung mga sumbong tungkol sa kapalpakan ng online voter verifier o precinct finder ng COMELEC
  • yung mga nahuling hackers daw ng Smartmatic, nasa 3 yung latest
  • yung pagkaantala ng pagbibigay ng fuel subsidy sa ibang PUV drivers dahil sa ban ng COMELEC sa mga paggastos ng pamahalaan
  • yung may mga mahihirapan na sa pagpunta sa padebate ng COMELEC dahil kailangan nilang mag-reschedule dahil sa naging isyu nila sa pagbabayad
  • yung ang mahal pala ng padebate ng COMELEC
  • yung hindi daw 100% na nalilinis ng COMELEC ang listahan ng mga botante, regarding doon sa mga namatay na
  • yung mga aberya sa testing ng mga Vote-Counting Machine o VCM
  • yung madami pa ring mga machine ang pumalya noong araw ng halalan samantalang naidaan na ang mga iyon sa testing
  • nakakapagtaka lang na kahit na madami ang mga bumigay na Vote-Counting Machines ay naging sobrang bilis pa rin nung transmission ng mga bilang
  • yung tao ng COMELEC na nagsasabi na hindi daw dapat isisi sa pagpalpak ng mga Vote-Counting Machine ang pagkaantala ng eleksyon
  • yung declaration ng failure of election sa maraming lugar sa Lanao del Sur
  • sa Rizal province, yung madami daw silang naobserbahan na iregularidad sa nangyaring halalan, isang halimbawa ay ang hindi daw pagpapapasok ng poll watcher sa mga presinto
  • yung maraming iregularidad na napansin ng International Observers Mission (IOM) sa buong proseso ng Eleksyon 2022
  • yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
  • sa Bataan, yung sasakyan ng gobyerno na ginamit sa pangangampanya ng grupo ng tax evader
  • yung ayon sa governor ay gobyerno daw ng Nueva Ecija ang namimigay ng ayuda noong panahon ng kampanya ng kampo ng tax evader
  • yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
  • yung 1999 pa pala may kasulatan ang Supreme Court tungkol sa estate tax ng mga tiwali, at 1997 pa daw yung desisyon kung tutuusin
  • yung Senator na nagtataka tungkol sa timing ng paniningil laban sa kanilang angkan, na para bang kasalanan pa ng bayan na mga tax evader sila for more than 2 decades na
  • yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption
  • yung tax evader na naniniwala na hindi mare-regulate ang mga information online kasama na ang mga FAKE content dahil nakikinabang sila mula doon
  • yung pati claim na pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw na rin niya
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung pagsisinungaling nung katambal na kesyo hindi daw magnanakaw at kurakot yung isa, sa kabila ng lahat ng existing na ebidensya laban sa kanila
  • yung claim na hindi daw papanig ang tax evader sa mga kalaban ng bayan, samantalang marami sa hanay nila ay kalaban ng bayan pagdating sa katiwalian
  • yung paulit-ulit na paggamit sa mga komunista para sa kanilang mga kampanya at mga ini-endorse, dati ay magkakaibigan ang palabas nila at ngayon naman ay magkaaway na ulit
  • yung huling-huli na pangangako ng isang kandidato tungkol sa franchise sa isang celebrity na supporter ng alyansa nila
  • yung Representative na nagre-request ng pa-security ng sistema para sa tax evader
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga pinuno na naghahangad ng unity, pero nasa panig kung saan may mga kriminal
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
  • yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
  • yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
  • yung demolisyon tungkol sa pagpapaatras daw sa kandidatura, kung saan iba naman daw ang nagsasabi sa kanila kumpara sa kanilang idinidiin
  • yung mas maghihigpit pa ang Mayor ng Maynila sa No Permit, No Rally policy dahil batid nila na may mga nagrereklamo dahil sa mga nabistong anomalya sa halalan
  • yung mga kaduda-dudang Party-list na mukhang gagamitin lang para makapagpalawak ng kapangyarihan
  • sa Bukidnon, yung grupo ng mga kandidato at mga katutubo na pinaputukan ng baril dahil daw sa kagustuhan nila na mabawi ng mga katutubo ang ancestral land ng mga ito
  • sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance
  • sa Baler, Aurora, yung nabisto na pag-iimprenta ng campaign materials sa loob ng gusali ng gobyerno
  • yung mga sample ballots ng alyansa ng mga masasama na ipinamimigay sa kung saan-saang area sa mismong araw ng eleksyon
  • yung lantarang red-tagging laban sa ibang grupo sa mga lugar na malapit sa mismong mga presinto, yung ibang lugar ay meron pa talagang awtoridad na nagbabantay
  • sa Lanao del Sur, yung insidente ng gulo kung saan may sinira pang Vote-Counting Machine
  • sa Legazpi, Albay, yung kandidato sa pagka-Councilor na inireklamo ang Mayor dahil daw sa vote-buying sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda
  • sa Pilar, Abra, yung Vice Mayor na may aktibong mga armadong tauhan sa panahon ng election gun ban, nagawa pa daw nung mga bodyguards na makipagbarilan sa mga pulis
  • sa Biñan City, Laguna, yung higit sa 30 daw na tauhan ng magkapatid na tumatakbo bilang Congressman at Mayor, nagawa daw nung ibang bahagi nung grupo na mangkuyog ng isang pulis
  • sa Negros Occidental, yung teacher na magsisilbi sana bilang poll worker na pinatay sa pamamaril bago pa ang araw ng eleksyon
  • sa Nueva Ecija, yung 5 sugatan at nasa 19 na iba pa na arestado matapos na magbarilan ang mga tauhan ng 2 Mayoral candidate
  • sa Buluan municipality, sa Mindanao, yung 3 security guards na napatay, at 1 pa na sugatan matapos na pagbabarilin ang isang polling station
  • yung mga iba't ibang insidente ng pagpapasabog at pamamaril sa area ng Mindanao
  • yung gustong palitan ang Constitution, pero wala naman palang nakahandang konkretong plano para sana ipapasa na lang kaagad lahat ng mga panukala

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung tiwaling survey na nagsasabi na pinakamataas pa rin DAW ang tiwala ng mga tao sa mga tiwali, na patunay na hindi nga reliable yung survey
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
  • yung panibagong kulto na nag-endorse ng mga kriminal at protektor ng mga kriminal
  • yung madaming babae na involved o dating involved sa sex trade ay mga pro- sa katiwalian
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung mga kaso ng vote-buying na kapag nahuhuli ay pinapalabas na kesyo paninira lang laban sa kanila
  • yung paggamit sa isyu ng pagpapabagsak laban sa isang makabuluhang TV network para i-demolish ang suporta ng maraming mga celebrity
  • yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
  • yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
  • yung pagnanakaw maging sa pangalan ng mga singer at banda, para lang maka-engganyo ng a-attend sana sa kanilang campaign rally
  • yung 2016 interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw para palabasin sa Imperial platform na pabor sa kanila
  • yung pati Guinness record eh ninanakaw na nila
  • ang pagnanakaw ng 2016 na event sa Kuwait para palabasin na naki-celebrate yung bansa sa pagkapanalo ng mga kriminal
  • yung FAKE claim sa probinsya na kaya daw ibalik ang presyuhan ng mga bilihin sa panahon bago pa man napatalsik ang kasamaan
  • yung sex scandal attack ng mga social media farm employees
  • yung broadcaster na yung mga babae pa ang sinisisi sa pagkalat ng FAKE news tungkol sa kanilang video scandal, na para bang walang posibilidad na ginawa nga iyon ng social media farm ng mga tiwali
  • yung pagnanakaw ng 2016 social media post ng biktima ng link scandal para palabasin na umamin na yung babae na may existing scandal nga siya
  • yung mga basurang demolition unit mula sa social media farm, na nakiki-blend sa mga supporter para lang makagawa ng mga mapanirang social media posts
  • yung in public ay huminahon ang mensahe niya para sa kanyang mga tagasunod, pero behind the scenes, eh patuloy naman ang kanilang social media farm employees sa demolisyon at pagpo-provoke ng mga pagtatalo dahil sa mga FAKE content
  • yung paalala na huwag daw hayaan ulit na manakaw ang mga suporta, samantalang siya itong natalo sa kanyang reklamo
  • yung pag-uugnay ng isang kandidato sa pinuno ng mga komunista
  • yung mind-conditioning na kesyo may mananabotahe daw sa selection process bilang paghahanda kapag natalo na naman sila
  • sa Ilocos Sur, yung maagang pagrereklamo na kesyo may suporta daw para sa tax evader na nalilipat sa mabuting tao pero wala naman daw maipakita na ebidensya 
  • yung paninisi ng mga social media farm employees sa isang piling kandidato dahil sa protesta na nangyayari ngayon laban sa COMELEC
  • kumikilos na rin ang mga social media farm employees para ipakulong ang isang kandidato dahil isinisisi nila lahat ng mga nangyayaring protesta doon sa tao
  • kumikilos na naman ang mga social media farm employees laban sa mga scholar ng bayan, gusto nilang mawala ang demokrasya ng pagpoprotesta
  • noong sila ang nagrereklamo noon eh dahil 'yon sa karapatan nila, pero ngayong hindi nila kasama sa hanay ang mga nagrereklamo, eh pinapalabas nila na mali na humiling ng mga paglilinaw tungkol sa mga bagay na kuwestiyonable
  • yung celebrity na nagsabi na bahay ng mga diktador na magnanakaw at tax evader ang official residence ng pinuno ng bayan
  • yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung mga kandidato na laging sinasabi na paghihiganti ang paglaban sa katiwalian
  • yung mga kandidato na nagsasabi na tutuldukan daw nila ang paglaban sa kasamaan, samantalang wala namang nagbibigay ng hustisya para sa lahat ng mga naging biktima
  • yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
  • yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nakakahiya daw ang pagpoprotesta sa ibang bansa, kumpara sa pagsuporta sa mga kriminal
  • yung ginawang hacking laban sa isang official social media account ng University of the Philippines
  • yung walang pakialam yung iba na napayagan nang ituloy ang pagtataas ng singil sa PhilHealth dahil libre ang mga insurance nila at sinasalo lang ng mga nagbabayad
  • sa Davao Oriental, yung na-stranded na rare na Hotaula Beaked Whale, na namatay matapos na abusuhin ng mga lokal na mamamayan doon
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Rizal yata iyon, yung 7 y/o daw na batang lalaki na napatay ng sarili niyang ama matapos na ihambalos sa kalsada ang katawan ng bata, nasa impluwensiya daw ng ilegal na droga yung killer
  • sa Quezon City, yung Imperial citizen na nangbangga ng mga concrete barriers, lasing daw na nagmaneho at wala pang lisensya
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na paalis na sana sa bansa na nabistong gumagamit ng pekeng Philippine passport
  • yung mga nasamsam ng NBI na counterfeit na Imperial insecticides sa iba't ibang lokasyon sa bayan
  • sa Quezon City, yung nakumpiska ng mga pulis na kahon-kahon ng mga pekeng brand ng sigarilyo na pagmamay-ari ng isang Imperial citizen
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
  • sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
  • sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
  • sa Makati City, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng shabu pills daw
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen na biktima daw ng forced labor sa pinapasukan nilang offshore company, nahuli naman ang mga operator nung kompanya na isang Indonesian at 2 Imperial citizen din
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli matapos na dukutin ang isang kapwa nila Imperial citizen na inalok daw para magtrabaho sa Makati City
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
  • sa Pasay, yung 4 na nahuli na sangkot daw sa kidnapping ng mga Imperial citizen, kung saan ang 2 unang nahuli ay mga Imperial citizen na nagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril
  • sa isang condominium complex sa Taguig City, yung 1 napatay na security guard at 2 pa na sugatan dahil sa pamamaril ng isang Imperial citizen
  • sa karagatan sa may Palawan, yung 2 barko na inarkila upang magsagawa ng seismic survey, na sinundan ng mga basurang Imperial coast guard
  • yung panibagong COVID-19 surge sa loob ng Imperyo
  • yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
  • yung banta ng Monkeypox na kumalat na sa iba't ibang Western countries
  • yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
  • yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
  • yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
  • yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
  • sa karagatan sa may Japan, yung pagpapasabog ng mga submarine ng Northern Empire ng mga missiles
-----o0o-----


May 14, 2022...

kailangang mag-ingat nung The Promiser...

mas malakas na ngayon ang puwersa ng Anomaly sa Jonin House..
nahuli siya dati sa trap ng sindikato..
sinubukan nilang magprotekta ng mga testigo..
at bumaliktad naman yung mga testigo sa utos ng mga diyos nila...

is ⚠ feeling , baka siya na ang sunod na ipakulong nila...??


>
siguro kaya din madami na ang kampante sa paggawa ng kasamaan..
kasi nga eh sa sobrang haba ng panahon..
at nahalata na nila na wala namang Karma na nangyayari laban sa kanila...

mukha namang malulusog silang lahat..
mahahaba ang mga buhay..
hindi naghihirap..
at hindi din naman nababawi sa kanila yung mga ninakaw nila...

is feeling , hindi totoo ang Karma.. kamalasan lang yata ang totoo sa mundong 'to...

---o0o---


May 15, 2022...

yung basurang red-tagging laban sa mga aklat na patungkol sa Dictator's Law... 🙁

is feeling , mamamatay din kayong lahat.. kahit papaano, siguradong walang forever...

---o0o---


May 16, 2022...

salamat doon sa volunteer na nakakita sa butas sa paraan ng checking..
iyon naman talaga ang katotohanan..
walang nagaganap na totoong checking sa paraan na pinahintulutan..
in the first place, wala dapat nag-provide ng mga signatures nila kung hindi din naman verified yung mga automated na total..
kinakasangkapan lang nila ang mga volunteers upang mag-present ng ilusyon tungkol sa double-checking... 🙁

mukhang alam ko na rin ngayon kung bakit wala akong nakukuhang reply sa e-mail ko sa kanila.. 🙁
luto na ang lahat sa simula pa lamang...

is  feeling , sana mabuhay ka pa...

---o0o---


May 17, 2022...

yung may local transmission na daw sa bayan ng isang COVID-19 Omicron subvariant...

sana tinamaan ang mga KaSabwat...

is feeling , congratulations sa pagluluwag...


>
yung nakakahiya daw yung mga mamamayan na nagpoprotesta sa ibang bansa..
t*ng ina..
nakakahiya nga naman yung nare-realize nila na kriminal pala yung pinuno...

ang totoong nakakahiya..?
yung mga mamamayan na reklamo nang reklamo tungkol sa hirap ng buhay, pero sumusuporta naman sa sindikato..
pinapayaman ninyo ang mga taong pumapatay sa inyo...

is feeling , huwag nyo kasing ipagkalat...

---o0o---


May 18, 2022...

[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Cagayan...

is feeling , 'yon.. lumalapit.. pwede...

---o0o---


May 19, 2022...

sa Rizal province..
yung madami daw silang naobserbahan na iregularidad sa nangyaring halalan..
isang halimbawa ay ang hindi daw pagpapapasok ng poll watcher sa mga presinto...

is feeling , failure...


>
yung mga pinuno na naghahangad ng unity..
pero nasa panig kung saan may mga kriminal..
inyo na ang kriminalidad ninyo...

is ⚠ feeling , hinding-hindi ako makikiisa sa mga tiwali...


>
at hindi pa rin tapos ang pagnanakaw nila..
ang pagnanakaw ng 2016 na event sa Kuwait para palabasin na naki-celebrate yung bansa sa pagkapanalo ng mga kriminal...

is feeling , hindi titigil ang mga kriminal hangga't hindi sila napapatay lahat...


>
yung maraming iregularidad na napansin ng International Observers Mission (IOM) sa buong proseso ng Eleksyon 2022...

is feeling , sa vote-buying at red-tagging pa lang eh malaking failure na...

---o0o---


May 20, 2022...

yung batas para sa pagsasayang ng pondo para sa Sangguniang Kabataan o SK... 🙁

sayang lang talaga ang budget para sa kanila..
ang leadership at governance training naman kasi ay pwedeng maranasan sa mga paaralan, nang libre...

hinding-hindi ko makakalimutan kung paanong nag-imbento ng maraming house number ang mga SK dito sa amin para lang magkaroon ng pondo para sa project... 🙁

is feeling , mga walang utak parati...


>
yung banta ng Monkeypox..
sinasabi na sa Africa daw madalas na galing yung virus..
pero sa ngayon ay may mga tinamaan na sa mga Western countries...

may kumikilos na naman ba para sa terorismo...??

is ⚠ feeling , ayos 'yan.. may pwede na namang salubungin ng warm welcome para sa budget...

---o0o---


May 21, 2022...

sa Quezon City..
yung nakumpiska ng mga pulis na kahon-kahon ng mga pekeng brand ng sigarilyo..
Imperial citizen daw ang nagmamay-ari nung mga sigarilyo...

is feeling , wala akong pakialam sa mga sigarilyo, pero ang krimen ay krimen...


>
yung mga basurang demolition unit mula sa social media farm..
na nakiki-blend sa mga supporter..
para lang makagawa ng mga mapanirang social media posts...

is ⚠ feeling , magkano kaya ang suweldo ng mga demonyong ito na kailangan nang mamatay...??


>
nabawasan na naman ang hanay ng kabutihan..
na-demolish na nga yung iba..
namatay naman yung iba pa...

is feeling , hindi nakakatuwa ang panahon na ito ng kadiliman...