Loveless Story
October 19, 2024...
[Gadget-Related]
akala ko nagkataon lang noong una..
pero 2 beses nang pinapatay ng UPS ko ang computer ko nitong buwan ng October..
medyo long beep..
tapos nire-reset ang computer nang hindi dumadaan sa proper shutdown.. π
parehas na gabi nangyari yung 2 insidente...
August 2022 lang binili itong ikatlo kong UPS..
hindi ko na nga siya pinapatay dahil iyon daw ang magpapahaba ng lifespan niya..
pero 2 years at 2 months pa lang siya pero ganito na kaagad...?
2 years and 11 months tumagal yung pinakauna kong UPS para sa current computer unit ko..
2 years and 6 months lang yung ikalawa..
pare-parehas sila ng brand..
huwag naman..
tama na, please..
pagod na pagod na ako sa mga kamalasan na taglay ko... π
is feeling , 5 years ang dapat itinatagal ng mga UPS...
---o0o---
October 23, 2024...
bumili na ulit ng Almonds sa Lazada..
yung Php 500 plus ulit na 1 kilogram..
pa-3 order ko na ito..
halos wala ng bayad this time...
kinailangan kong dagdagan ng Php 70 plus na Raisins para makagamit ng Php 250 discount voucher..
kaso wala akong nakuhang free shipping voucher..
kaya ayun at may babayaran akong Php 60 plus para sa courier...
is feeling , laro lang nang laro para sa LazRewards...
---o0o---
October 24, 2024...
kahapon, naihanda ko na yung e-mail ko para sa paniningil ko ng utang..
ganun din lahat ng attachment files..
hindi pa lang ako makagawa ng substitute e-mail address..
ang sama kasi ng panahon..
baka makagulo sa creation kapag biglang nagkaroon ng power interruption...
is feeling , tama na, Kristine.. nakakagulo ka sa schedule...
---o0o---
October 25, 2024...
[Gadget-Related]
sunud-sunod talaga ang mga kamalasan ko..
wala ng katapusan... π
nagloloko na rin yung adventure smartphone ko..
hindi ko alam kung hardware ba..?
o dahil madalas ko nang i-delete lately yung walang kuwenta pero sobrang takaw sa storage na Samsung Galaxy Store app..
yung basurang app na lagi ding dina-download nung phone..
sa tuwing bababa kasi siya sa 30% eh bigla na lang siyang nagda-drop hanggang 1 to 2% na lang... π
ano na bang nangyayari..?
bakit nawawala na sa akin ang lahat...?? π
is feeling , tama na ang mga kamalasan, please...
---o0o---
October 26, 2024...
[Gadget-Related]
wala na..
wala na ngang kuwenta yung pa-3 kong UPS..
after only 2 years and 2 months..
matapos na sumalo lamang ng nasa 23 na power interruption..
sabay na silang namamatay ng computer ko tuwing nawawalan ng kuryente... π
basura talaga ang buhay ko..
device na dapat 5 years ang itinatagal..
pero pagdating sa akin eh ni hindi makaabot ng 3 years... π
4 na improper shutdown..
at ni hindi pa natatapos ang buwan ng October... π
is feeling , mawawasak lang ang lahat sa basurang buhay ko...
>
at talagang umakyat pa ulit ang target ko para sa taon na ito... π
Php 6,000 para sa PhilHealth na ayaw magbaba ng singil..
halos Php 2,000 para sa SSS..
lagpas Php 2,000 para sa panibagong UPS na ayaw namang tumagal hanggang 5 years..
bale umaabot na sa Php 10,000... π
is π feeling , puros kamalasan lang ang buhay ko.. ang sakit-sakit na ng ulo ko...
-----o0o-----
October 19, 2024...
[Trade]
nagbenta na ako ng assets ko sa Ronin..
umangat kasi sila, pero nagbanta ng pagbaba..
USD 7 lang ang kinita ko, kumpara sa target ko na USD 17..
nagpapalit na rin ako ng mga bago kong asset, at nasa USD 16 ang lahat-lahat ng deficit ko...
at nangyari din nga ang Curse Release ko maging para sa SLP..
lagpas USD 10 ang napakawalan kong dagdag na kita sana.. π
kaso imposible ko din talagang mapakinabangan yung naging pump dahil tulog ako noong mga oras na iyon..
at wala namang auto-trade sa Ronin...
parang tanga talaga ang buhay ko..
maghintay ka at hinding-hindi mangyayari ang inaasam mo..
huwag kang maghintay at bigla na lang mangyayari iyon... π
is ⚠ feeling , bawal matulog sa trading...
>
[Trade]
day 312...
talunan na naman ako..
madaling araw ng nag-pump then dump ang ARDR..
lagpas sa level 90..
tapos pabagsak kaagad below 80..
USD 21 yung panibagong napakawalan ko sa kanila..
USD 21 din yung naging pump ng ARDR mula 79 plus pabalik sa 86..
samantalang nasa level 84 na lang ulit sila pagkagising ko... π
is feeling , 6 days left.. may mangyari naman sanang maganda bago ako mawala sa mundo...
---o0o---
October 20, 2024...
[Trade]
day 313...
muli ngang bumalik sa level 84 ang ARDR dahil sa hila ng Bitcoin..
USD 8 yung karagdagan kong nasayang sa kanila kahapon... π
umaga naman ng gumawa ng pump ang ARDR..
may resistance na din sila laban sa Bitcoin..
akyat sila ang akyat kaya umasa ako na baka magpa-pump na sila hanggang level 120..
kaso after 10:30 AM eh nagsimula na silang bumaba..
pati yung buyers eh nabawasan na ng volume noon..
kaya naman nag-decide na akong mag-exit..
USD 9 na lang ang kinita ko, sa halip na USD 18..
USD 17 ang napakawalan ko sa kanila, kasama yung kagabi... π
sobrang nakakarumi lang talaga..
sa USD 119 na kinita ng ARDR mula sa entry point ko sa nakaraang mga araw..
bukod tanging USD 9 lang ang napakinabangan ko... π
is feeling , AST, ayaw mag-pump ng ARDR.. ikaw na lang ulit ang mag-pump hanggang level 120...
---o0o---
October 21, 2024...
[Trade]
ay tumiklop na rin sa Coins..
mataas na ang level ng Bitcoin..
pero hindi naman nakakahabol ang level ng 1000SATS..
ewan..
lumipat yata ang suporta ng karamihan sa NEIRO kaya ganun...??
less than Php 120 na lang ang naisalba kong patubo..
Php 1,000 sana ang target..
pero lagpas Php 250 lang ang naidagdag ko sa pondo ko..
nasa lagpas Php 350 nga ang aking nasayang... π
is feeling , Php 600 plus na sana, pero nasayang ko pa...
>
[Trade]
day 314...
nabulag pa sa Binance kung kailan umaangat na ulit ang Bitcoin..
walang proxy ang magawang magbukas nung website... π
naisahan ako ng ARDR..
mabilis silang umangat ulit..
USD 27 kaagad ang napakawalan ko sa unang pump nila...
before lunch, bumaba ang Bitcoin..
nakisabay ang AST..
pero nagawang sumalungat ng ARDR sa direksyon nila..
napilitan na akong magbenta ng USD 7 lang ang patubo, sa halip na USD 14... π
is feeling , 4 days left.. wasak na wasak ang kapalaran ko...
---o0o---
October 22, 2024...
[Trade]
ARDR na naman kaagad ang nag-pump..
USD 21 yung una nilang nagawa..
USD 12 yung padalawa..
total ng USD 33... π
sobrang dumi lang talaga ng FATE ko..
noong nasa ARDR pa ako, lagi silang pumupunta below level 84 at saka sila gumagawa ng mga pump na bitin para kumita naman ako..
pero matapos kong umalis sa poder nila, eh hindi na sila bumababa hanggang level 84..
at paulit-ulit pa nga silang nagpa-pump palagpas sa level 90... π
is feeling , kapag nag-pump sila hanggang level 120 eh magiging perpektong talunan na naman ako...
>
[Trade]
day 315...
wala..
malas talaga..
walang katapusang mga kamalasan..
wala na talagang proxy ang makapagbukas sa website ng Binance..
bulag na bulag ako ngayon sa trading... π
malaki na ang ibinababa ng AST..
higit yung percentage ng pagbagsak nila kumpara sa ARDR..
sayang na hindi ako nagbenta kaninang umaga para sa USD 3 na konting patubo, bago sana pumasok ulit sa mas mababang level... π
is feeling , sige na, AST, pump na hanggang level 120...
---o0o---
October 23, 2024...
[Trade]
SLP naman ang nag-pump ngayong araw..
inabot na nila yung original na target ko, at nilagpasan pa nga..
again, kung kailan wala na akong investment sa kanila.. π
at kung kailan hindi ko mape-predict, dahil pababa nga ang Bitcoin simula kahapon...
umaabot sa 36% yung naging pump nila..
so additional USD 36 sana iyon para sa USD 100 na pondo ko na nasa loob lang ng Ronin... π
is feeling , sayang na naman...
>
[Trade]
day 316...
nasa baba pa rin ang AST.. π
nakasama na malaking percentage ang ibinagsak nila kahapon..
hindi pa din ulit kumikilos pataas ang Bitcoin...
samantalang ang ARDR ay malapit na sa safe point nila para sa trading...
is feeling , 2 days left para sa safe trading period.. US Election, sige na, pasipain mo na silang lahat pataas...
---o0o---
October 25, 2024...
[Trade]
day 318...
kahapon, bumagsak na below level 75 ang AST..
kaninang umaga akala ko na paangat na ang market, dahil umabot na ulit sila sa level 78..
kaso hindi nagtagal at pinabagsak din ulit sila, mas malalim pa kesa sa pagbaba ng Bitcoin... π
US Election..
gumawa naman kayo ng paraan...
is feeling , delikadong araw ang 25...