Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - Valentine-Less Valentine

February 14, 2014...

edi ayun..
valentine-less nga ako sa Valentine's Day..
sa nasita ng parents ih..
eh sa kesyo bawal pa daw magparamdam..
no choice..
respetuhin na lang ang kagustuhan ng mga magulang ng babaeng mahal... T,T

mga 9:14 PM na siya nakauwi..
at mukhang wala man lang bitbit na flowers..
wala yatang nangahas na makaalala sa Crush ko kahapon ah..
wala gang ibang lalaking umiibig sa babaeng sinisinta ko..?
mga dusong sila! (LOL!)

---o0o---


February 15, 2014...

andaming beses ko na siyang nai-spot-an hanggang kaninang tanghali ah..
bakit kaya hindi sila umaalis ngayong araw..?

hindi kaya siya nagtataka..?
na after nung mga ginawa ko last January, eh are at wala man lang siyang natatanggap galing sa akin para sa Valentine's..
hindi kaya yun magtampo sa akin...? (LOL! feeling close na kaagad..)
sana lang naiintindihan niya yung sitwasyon ko...

eh ngayon kaya..?
meron kayang magagawang lumabag sa patakaran nina Sir at Ma'am...?

feeling, aabot pa kaya ako sa next Valentine's...?

---o0o---


last 36 days...

---o0o---


kawawang Liza Soberano.. T,T
kaganda pa namang umiyak ih..
tas rabbit-toothed din..
(kapag ganung tipo ng babae ang nanligaw sa akin eh sasagutin ko na kaagad, haha!)...

lokong Daniel Patilya yun - kalande..
panyet pa ang taste sa babae..
karibal ko rin yung mokong na yun kay Crush eh...

basang-basa na ang teknik ng mga local writers...



No comments:

Post a Comment