NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...
mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...
is š feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...
---o0o---
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is š feeling , day 1204...
-----o0o-----
bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 199 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pagbabanta ng dating Pangulo laban sa isang Representative na nagsusuri ng mga kuwestiyonableng budget
- yung binuking ng dating Pangulo na may katiwalian daw sa hanay ng mga Representative
- yung tinanggal na ang EDSA People Power Revolution sa mga declared na holiday
- yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
- yung pumalo na nga sa Php 14 Trillion ang mga utang ng bayan noon pa daw August 2023
- yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
- noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
- yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
- yung nasa Php 4 Billion daw ang confidential fund ng Office of the President
- yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
- yung kunwaring suspension ng Maharlika Investment Fund para daw muling pag-aralan, pero ang totoo ay gustung-gusto pa rin na ikasa iyon bago matapos ang taon
- yung taon-taon na lumalaki ang budget ng Office of the President para sa travel
- yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
- yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
- yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal
- sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
- sa Alabang, Muntinlupa, yung tauhan ng BFP na arestado dahil sa modus na Promotion for Sale
- sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
- sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
- sa BiƱan, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
- sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
- sa DasmariƱas, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
- sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
- sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
- sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
- yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
- yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
- yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
- sa Quirino, yung kandidato sa pagka-Barangay Kagawad na naaresto matapos na pagbentahan ng ilegal na droga ang isang pulis sa buy-bust operation
- sa Muntinlupa City, yung 1 aktibong pulis at 1 AWOL na naaresto sa drug buy-bust operation, bukod pa daw yung 2 aktibo din na pulis na kasabwat din nila
- sa Las PiƱas City, yung kakasalin na lasing na pulis na nagwala at nagpaputok nang nagpaputok ng kanyang baril
- sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
- sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
- sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
- yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
- sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari
- sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
- sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
- sa DasmariƱas, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
- sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
- sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
- sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
- sa Malabon City, yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima
- sa Novaliches, Quezon City, yung pulis na inaresto matapos daw na mabaril at mapatay ang nakaalitan niyang lalaki sa isang bar
- sa Pasay City, yung pulis na bumaril at nakapatay sa kapatid ng kanyang live-in partner
- sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
- sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam
- yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin
- yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
- yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth
- yung una nang naging claim ng PhilHealth na hindi daw nanakaw ang data ng mga member, tapos sasabihin ngayon na hindi nila ma-determine kung may nanakaw nga ba at anu-ano iyon
- yung naikalat na daw sa Dark Web yung ibang mga nanakaw na impormasyon sa PhilHealth
- yung nasa 13 Million na members daw ng PhilHealth ang nai-leak na ang information online
- yung pang-abalang suggestion ng PhilHealth na magpalit daw ng e-mail address at mobile number matapos ang naging kapabayaan nila
- yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
- yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
- yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
- yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
- sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
- yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
- sa Antipolo City, yung 14 y/o na lalaking Grade 5 student na namatay ilang araw matapos daw sampalin ng guro
- yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
- noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
- sa Department of Agriculture, yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler
- sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
- yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
- yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
- yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
- yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
- sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
- sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
- yung ayaw isuko ng DENR ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon
- yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
- yung pag-apruba ng LTFRB sa Php 1.00 provisional increase sa pamasahe sa jeep
- sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
- yung bombing sa NAIA, patunay na mahina ang seguridad doon
- yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
- yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
- yung mga banyaga na nabisto na gumagamit ng mga lehitimong Philippine passport
- sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
- sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
- yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
- yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
- yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
- yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
- yung pag-amin ng PSA na nagkaroon din ng data breach sa kanilang sistema
- yung nadali din daw ng data leak noong August pa yung isang portal ng DOST
- yung na-hack na din ang website ng House of Representatives
- sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
- yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
- yung ayon sa COA ay ginastos ng OVP ang ginawa nilang confidential fund na Php 125 Million in just 11 days daw
- yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
- yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
- yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
- yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
- yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
- yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
- yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
- yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
- yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
- yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
- yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
- para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
- sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
- sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
- yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
- yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
- yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
- yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
- yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
- sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
- yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
- yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
- yung 1 taon na pero wala pa ring hustisya para kay Percy Lapid, dahil hindi naman nahuhuli ang mga akusado
- sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
- sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
- sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
- sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
- sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
- sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
- sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
- sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
- sa DasmariƱas, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
- yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
- sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
- sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
- sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
- yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
- yung branding laban sa mga nagbabantay sa pondo ng bayan, na pinaratangan sila bilang kalaban ng kapayapaan at ng bayan dahil sa pagsusuri nila sa mga kaduda-dudang confidential fund
- yung palabas na kesyo pamumulitika daw ang pagsusuri sa national budget lalo na yung mga confidential
- yung madami palang local government unit ang nag-a-allocate na din ng confidential fund
- yung may confidential fund na din pala ang PCSO
- yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng MMDA
- sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
- yung confidential fund ang idinadaing ng DICT, samantalang technology at technical knowledge ang kailangan para sa cyber security
- yung mga ahensya na tinanggalan ng confidential fund para sa taong 2024, pero pinalitan lang naman ng ibang item yung confidential fund, kaya ibig sabihin na hindi talaga kailangan na maging confidential ang category ng mga pondo na iyon
- sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
- sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
- yung Senador na nagsabi na dapat i-consider ang role ng Vice President sa NTF-ELCAC para sa panghihingi nila ng confidential fund, samantalang may kanya namang budget ang NTF-ELCAC, at iba ang purpose ng OVP at DepEd
- yung Senador na nag-red-tag ng opposition, na kesyo recruitment daw ng mga rebelde ang dahilan kung bakit sinusuri ng mga ito ang kaduda-dudang paggastos ng pondo ng bayan
- yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
- yung Representative na nagsasabi na huwag na daw kasuhan ang tatay nila dahil sa death threat at huwag na din daw dumaan sa media
- yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
- yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
- yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
- yung opisyal ng COMELEC na umamin na hindi sila naging transparent noong nakaraang 2022 election
- sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
- yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
- ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
- yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
- yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
- yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
- yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga mamamahayag na nagsasabi na kapag daw history ay hindi na makakalimutan, samantalang madami nang patunay na madami ng mga personalidad sa kasaysayan ang hindi na kilala ng maraming mga mamamayan
- yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
- yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
- yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
- sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
- sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
- sa Talisay City, Cebu, yung 68 y/o na lolo na natagpuang patay sa loob ng banyo na mukha daw nilapa ng mga alaga niyang aso
- sa isang mall sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 2 grupo ng mga kabataan na nagrambulan doon
- sa Caloocan City, yung riot ng mga basurang kabataan na may batuhan pa ng Molotov bomb
- sa Tondo, Manila, yung estudyanteng lalaki na pinaslang sa gulpi ng grupo ng mga kalalakihan dahil lang daw nagkasagian sa bar
- sa Quezon City, yung Criminology student na pinatay sa hazing
- sa basurang Imperial app, yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila, kung saan Php 8,000 daw ang bayad per influencer
- yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
- yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
- yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
- sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
- sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
- yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
- sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
- sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
- sa ParaƱaque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
- sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
- yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
- sa ParaƱaque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
- sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
- sa ParaƱaque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
- sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
- sa ParaƱaque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
- sa isang subdivision sa Pasig City, yung 2 Imperial citizen na naaresto ng NBI dahil sa pagkakaroon ng mga baril
- sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
- sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
- sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
- sa Pasay City, yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom
- sa Bohol, yung 4 na Imperial citizen na naaresto dahil sa kasong kidnapping, may kaso din sila na illegal possession of firearms
- sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
- yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud, na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen
- yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
- yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
- yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
- yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
- yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc
- sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
- sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
- sa Ayungin Shoal, yung lagi nang hinaharang ng Imperial coast guard ang resupply mission ng bayan doon
- sa may Ayungin Shoal, yung mga barko ng bayan na magdadala ng supply na binangga ng mga barko ng Imperyo
- sa may Pag-asa Island, yung dangerous maneuvers daw ng barko ng Imperial Navy laban sa barko ng Philippine Navy
-----o0o-----
October 22, 2023...
hindi tamang SIM card registration, na wala ding basis para sa verification ng mga ID..
mga government website at system na naha-hack...
patunay lang ang mga iyon na hindi pa talaga handa ang bayan para sa digitalization..
kung ipipilit nila, eh dadami pa lalo ang mapapahamak sa mga hacking... š
is ⚠ feeling , kaalaman sa cyber security ang unang requirement, at dapat hindi 'yon basta nirerentahan lang...
>
sa may Ayungin Shoal..
yung mga barko ng bayan na magdadala ng supply na binangga ng mga barko ng Imperyo..
kaagad ding pinalabas ng Imperyo na ang mga barko daw ng bayan ang gumawa ng paraan para mabangga para lang mapagbintangan ang Imperyo...
is feeling , itutulad na nila tayo sa Ukraine at Israel.. una silang susugod, tapos palalabasin na masama ang lalaban sa kanila...
---o0o---
October 24, 2023...
sa isang mall sa Lapu-Lapu City, Cebu..
yung 2 grupo ng mga kabataan na nagrambulan doon...
is feeling , dapat lahat ng bayolente binubura kaagad sa mundo.. para nakakabawas ng mga carbon emitters...
>
sa Tondo, Manila..
yung estudyanteng lalaki na pinaslang sa gulpi ng grupo ng mga kalalakihan..
nagkasagian lang daw sa bar..
pero kinuyog nila yung biktima at pinagpapalo din ng bato sa ulo...
is feeling , ang sasama ng mga Batang Tondo.. mapanganib laban sa mga inosente...
>
sa Bohol..
yung 4 na Imperial citizen na naaresto dahil sa kasong kidnapping..
may kaso din sila na illegal possession of firearms...
is feeling , lumalawak ang operation nila sa archipelago...
---o0o---
October 25, 2023...
sa Alabang, Muntinlupa..
yung tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na arestado dahil sa modus na Promotion for Sale...
is feeling , ang dudumi talaga...
>
yung Representative na anak ng dating Pangulo..
na nagsasabi na huwag na daw kasuhan ang tatay nila at huwag na din daw dumaan sa media...
is feeling , so mananahimik na lang tungkol sa lahat ng mga kasamaan at katiwalian...??
---o0o---
October 26, 2023...
sa Pasay City..
yung pulis na bumaril at nakapatay sa kapatid ng kanyang live-in partner...
is feeling , auto-fire...
---o0o---
October 27, 2023...
nakakatawa din yung mga Hamas..
sila yung unang lumusob gamit ang libu-libong mga rocket para tumapos ng mga inosenteng buhay, hindi lang ng mga Israeli kundi maging ng mga foreigner..
tapos ngayon eh naglilista sila ng mga napaslang na Palestinian sa digmaan na sila mismo ang naghangad... š
is feeling , mahirap maging precise sa gitna ng digmaan.. lalo't bombahan na ang labanan.. unfair na sabihin sa Israel na habambuhay na lang silang dumepensa at hindi umatake hanggang sa maubusan na sila ng budget...
>
sa Quirino..
yung kandidato sa pagka-Barangay Kagawad na naaresto matapos na pagbentahan ng ilegal na droga ang isang pulis sa buy-bust operation...
is feeling , hindi pa nakakaupo, pero tiwali na kaagad...