Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 15, 2013 - 'J')

June 15, 2013..
(siguro dapat 'tong maging journal entry)

missed her for 3 days...


If I ever write a story of my life, don't be surprised if your name appears like billion times. <3
so 'J' yung initial ng labs niya..?
ang sakit naman.. T,T
huwag ko lang makikilala yung hinayupak na lalaking yun, dahil baka bigla ko siyang maupakan mula sa kawalan..
sana lang maging mabuti siya kay Miss Robledo...

this is it..
mukhang malapit na nga ako dun sa hinahanap kong sagot..
though hindi naman yun talaga yung hinahangad kong sagot..
pero sa ngayon..
any answer will do - as long as it's enough to stop me from dreaming...


tama naman ang mga tao..
minsan kailangan rin ng puso ng pahinga..
sa ngayon, hindi lang talaga ako marunong kumapa ng sitwasyon at pumili ng tamang timing siguro..
ganito kasi talaga ako kapag may nagugustuhan na ako eh..
kina-career ko mula umpisa..
kaya sobra-sobra ako kung ma-attach sa babae..
at gaya ng naikuwento ko na, matagal nang panahon ang nagdaan, eh halos dalawang taon ang pinaghugutan ko ng nararamdaman kong ito ngayon...

by June 22..
6 days from now..
2 months after kong masimulan yung paglapit-lapit ko kay Miss Robledo..
ila-launch ko yung 'supposed to be' final attack ko..
bahala na si Batman kung anong mangyari..
nai-ready ko na yung letter, at naka-standby na lang siya ngayon..
kung sasagot siya, edi maige..
kung hindi, edi dadalhin ko areng mga katanungan sa isip ko hanggang sa puntod ko (wala pala akong puntod, dahil ike-cremate ako >,<)..
after nun, saka ako magde-decide kung ano nga bang magandang gawin pa sa buhay na are...



No comments:

Post a Comment