Saturday, December 29, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of December 2018 (The Organization)

Loveless Story


December 23, 2018...

nakakalungkot rin naman talaga na hindi ka makapag-accept ng friend request ng mga dati mong kaibigan..
yung wala naman silang nagawang mali sa'yo..
pero hindi lang talaga pwede dahil may kakilala sila sa mga biologicals mo o di kaya eh in-law mo na sila..
at baka lang kasi makalimutan nila yung rules...

ganun talaga..
kapag dark type ka, eh dark type ka..
hindi ako pwedeng mag-add ng mas marami pang mga kaibigan hangga't hindi ko pa nagugustuhan ang buhay ko..
hangga't madami pa akong itinatapon na masasamang alaala sa timeline ko..
kapag maganda na yung chapter sa blog ko, saka pa lang siguro ako pwedeng mag-add ulit ng mga tao...

is feeling , sa ngayon, kailangan ko muna ng bahay bilang Step 2...

---o0o---


December 27, 2018...

hindi ako pwedeng makipag-date sa babaeng pamilyar sa akin, o yung madalas kong makita..
financially speaking, hindi ko talaga kaya na maglalabas nang madalas..
hindi ko kaya na weekly, o kahit na monthly pa..
pang-once every few months lang talaga yung magagawa kong effort..
at wala namang consistency sa ganun...

cute nga siya..
maputi..
pero parang masyadong slim..
at hindi ko alam kung magugustuhan ko ba talaga yung ganung klase ng babae..
mas bias lang talaga ako sa mga medyo malaman ang body size, as in stable na medyo malaman..
ilang buwan ko na rin siyang nakikita..
pero parati kong nakakalimutan na simpatin yung pangalan sa ID niya...

is feeling , next time.. next year...

---o0o---


December 28, 2018...

may 56th (54th) retirement na..
yung nagbinyag sa akin..
natuwa na siguro sa pagiging recruiter para sa ibang bansa...

is feeling , okay lang.. hindi kawalan...

---o0o---


December 29, 2018...

umakyat na sa 32+4 ang sources ko..
at talagang kung kailan pa maikli na ang araw ko, eh saka pa ako maraming natuklasan...
technically speaking, 34 sources na yung na-validate ko, wala pa lang pangalan yung 2...

okay..
na-verify ko na lumang member na si Miss J, na nandun na siya sa earlier years nung grupo..
so yung information na si Miss Ab ang nag-recruit sa pinsan niyang si Miss J, eh mukhang gawa-gawa lang para mai-introduce yung maskara na J..
wala rin akong data tungkol sa luma niyang maskara...

na-verify ko na rin na yung babaeng nakausap ko na noon eh may alam talaga tungkol sa mga maskara ng mga kaibigan niya sa totoong buhay..
noon kasi, hindi ko masigurado kung nakita ko ba siyang kasama sa isang picture nung grupo bilang background personnel..
hindi ko kasi nagawang magtago ng mga kopya nung photos before..
at kanina ko lang na-realize na kasama rin siya sa naging outing nung grupo noon..
nakaligtas lang siya sa mga mata ko noon dahil sa cropping property ng mga album..
at ibig sabihin nun na nagsinungaling rin sa akin ang babaeng iyon...

in addition, may nakausap na ulit ako na former member..
unfortunately, wala akong data tungkol sa maskara niya..
pero she was kind enough to talk to me..
at technically, inamin na rin niya yung koneksyon niya sa grupo base sa mga naging statements niya..
kaso hindi rin daw niya nakilala personally si Miss C eh..
pamilyar siya sa itsura, pero walang personal details...

is feeling , gaano na ba ako kalapit sa mga sagot...??

-----o0o-----


December 23, 2018...

yung late na akong gumising..
tapos nasabayan pa ng kapalpakan ng Globe... :(

ewan ko ba sa kanila nitong later part ng 2018..
parang kabisado na ng network nila yung mga usual time kung kailan lang ako madalas na naka-connect sa kanila..
kaya naman hindi ako nakaka-connect sa mga oras na supposedly eh patay yung router namin..
so kapag basag na ang schedule, eh wala ng adjustment na pwedeng gawin...

sayang lang sa oras..
sa halip na nakapag-photoshop pa ng konti, eh nag-aksaya pa ng panahon sa pagtawag sa napakabagal na customer support..
tapos magsa-suggest pa na mag-chat na lang daw sa customer support sa messenger..
mag-messenger, eh internet nga ang problema..?
ano yun, scam..?
sinisira sadya yung internet connection para mapilitan ang mga tao na gumastos naman sa data...??

is feeling , parang yung good service eh pasok lang sa 24 months na lock-in period...


>
[Gadget-Related]

after more than 4 years lang..
iniwan na ako ng charger ng tablet ko..
hindi pala yung battery ang may problema kaya paiba-iba na yung duration ng pag-cha-charge niya..
iyon pala ay pabigay na yung charger... :(

siguro dahil dun sa brand nung charger na kasama nung binili ko yung tablet..
hindi naman kasi Lenovo, kundi Huntkey..
gawang Imperyalista pa...

bale isang Lenovo charger na lang ang meron ako para dun sa Jelly Bean unit at sa tablet..
ang nakakatakot lang dun eh mas matanda pa yung Jelly Bean unit kumpara sa tablet ko...

nakakapanghinayang rin naman kasi dahil nagagamit pa sa browsing at communcation..
at mahaba pa sa 24 hours ang battery life...

hindi sulit yung 4 years lang... :(

is feeling , bakit nga ba Huntkey yun...??

---o0o---


December 24, 2018...

[Scams]

scam, dahil parang ginagawa na rin nilang bahagi ng modus ang mga okasyon para puwersahang manghingi ng pera mula sa mga tao...

nagantihan na naman kagabi ng mga basurang kabataan..
kung hindi ako nagkakamali eh sila pa yung grupo na ilang araw naman nang nabibigyan ng Php 5.00 and above..
(NOTE: pera yun nung 2 matanda na gusto pa ring iparamdam sa mga bata ang diwa ng pasko)..
iba pa 'tong grupo na 'to dun sa gumanti rin noon, na nagtali ng construction tape sa gate namin...

ang nangyari..?
kumanta sila, kaso wala nang budget para sa kanila..
sa kalagitnaan nung 2nd song nila eh medyo nag-uusap-usap na sila..
ang sabi nung isa, eh subukan daw na bumili..
nagbiro naman yung isa na papasko daw ng payong, eh kasalanan ba namin na sumasaye sila sa ulan para lang mamalimos..?
may isa naman na nagsabi tungkol sa plano nilang pagtakbo..
maya-maya nga eh biglang nagtakbuhan na yung mga basurang kabataan habang nagtatawanan..
nagduda ako, kaya sumilip ako sa labas..
at nakita ko na sinira pala nila yung ipinaskil ko sa gate namin na reminder para sa mga kliyente ko...

mga basura nga naman..
sabi ko na nga ba eh..
gawan mo ng kabutihan at aabuso lang..
huwag kang magbigay at gaganti..
bigyan mo ulit, at iisipin naman nila na okay lang nga yung mga ginagawa nilang katarantaduhan..
to think na ni hindi ko nga mga kliyente yung mga basurang yun, tapos sila pa yung may ganang mag-demand sa pamamalimos nila...

sobrang unfair lang..
sinusubukan kong gawin yung patas para sa mga tao sa gitna ng bulok na ekonomiya na 'to, sa sarili kong paraan..
pero talagang padadalhan ka pa rin ng kapalaran ng mga demonyong sumisira sa pananahimik mo...

is feeling , hindi ba pwede sa mundo yung patay na lang lahat ng mga agresibo na masasamang tao...??


>
done converting to 2019...
naayos na rin ang mga maling text files..
back up pa...

pa-relax-relax ako kanina..
nakalimutan kong Monday na nga pala ngayon..
may trabaho pa rin...

is feeling , may 7 days pa...


>
[Scams]

wala eh..
kapag gahaman ang tao sa pera, eh gahaman talaga...

so bumalik yung grupo ng mga basurang kabataan..
tawanan pa nang tawanan habang kumakanta sila..
siguro dahil naaalala nila yung ginawa nilang paninira sa reminder ko sa gate kagabi...

ang kakapal din ng mukha..
matapos nilang manira ng gamit ng may gamit, eh babalik sila ulit para manglimos..
kaya naman hindi ko ulit sila binigyan ng pera..
at tama nga ang hinala ko, mga utak-demonyo talaga sila..
dahil matapos na hindi mabigyan ng limos, eh ayun at kumanta pa ng "ang babarat ninyo"...

tapos sinasabi pa nung biological mother ko na gusto niyang kausapin yung mga basurang kabataan, para baka sakaling magbago pa sila..?
hindi ako naniniwala sa ganun..
ano yun, bibigyan niya ng pera, kakausapin, at aasa na bukal sa loob nilang sasabihin na "okay, hindi na po mauulit"..?
dahil yung mga taong ayaw sa gulo, hinding-hindi sila gagawa ng kasamaan sa kapwa nila..
pero yung mga likas na masasama, nagagawa nilang kapalan ang mukha nila sa mismong harap ng taong nagawan na nila ng mali..
this is considering na malalaki nga ang nakuha nilang pera noong mga naunang gabi...

nakakapanginig lang ng laman..
yung naririnig mo na nagagawa pa nilang magtawanan habang nanglilimos..
na para bang iniisip nila kung maloloko ba nila at mapeperahan yung taong pinerwisyo nila..
tapos sasabihan ka pa nga ng barat dahil lang sa hindi mo sila araw-araw na nabigyan ng limos...

is feeling , pwede bang ang wish ko this year end eh madaming basurang pataba sa lupa...??

---o0o---


December 25, 2018...

tapos na rin mag-backup...

makapag-organize na muna ng mga data collection ko..
12 years na ring kagulo ang mga yun...

is feeling , 6 days left...

---o0o---


December 26, 2018...

naalala ko tuloy kung bakit tinatamad akong gawin 'to noong bagong bili pa ang desktop ko..
kasi kinakain niya talaga ang oras ko...

23 folders pa..
kaso kailangan ng internet bilang quide sa paggawa ng directory..

note to self..
dapat organized na kaagad lahat ng mga bagay sa simula pa lang ng pagda-download...

is feeling , 5 days left.. nasingitan pa ng brownout...


>
[Emo]

PART 2

kaya ayun..
pinapaalis na ulit ako sa bahay..
put*ng ina!
yung basurang yun ang nambabae noon, pero tinanggap nila ulit dahil nahihiya sila sa pamilya nung lalaki na kesyo hindi daw siya inaalagaan..
babaerong sugarol, tapos kailangang alagaan..?
tapos ako 'tong pipilitin ngayon na mag-rent na lang ng bahay..?
pauupahin nila ako ng nasa Php 4,000 a month na bahay, samantalang may mga buwan nga na wala akong kita...

humingi ako ng tulong sa kanila noon..
lalo na noong nasira na yung una kong computer noong 2013..
pero dahil walang napala, itinuloy ko lang yung mga nano- raket ko..
2017, muli akong humingi ng tulong..
pero anong sabi..?
hindi daw kaya..
tapos a few months lang matapos kong manghiram sa mga taong ni hindi ko naman mga kadugo o direktang kapamilya, eh bigla kong malalaman na 2 na yung laptop nung paboritong anak, at lagpas Php 30,000 pa yung bago...

put*ng ina!
gaya ng sinabi ko sa inyo noong bata pa ako..
dapat pinatay nyo na lang ako dahil hindi nyo ako kayang buhayin..
or better, hindi dapat kayo nakipagkantutan noon sa inutil na lalaki..
hindi yung ako ang pagdidiskitahan ninyo ngayon, na kesyo patayin ko pa ng dahan-dahan ang sarili ko..
anong sabi ninyo sa akin noong nagpapahanap ako ng source ng madaming sleeping pills..?
kesyo bakit nyo ako tutulungan pa na magpakamatay..?
kesyo bakit idadamay ko pa kayo sa gagawin kong kasalanan..?
eh itong put*ng inang buhay na 'to - hindi ninyo kasalanan 'to sa akin...??

hindi ko kailanman pinangarap na mabuhay...

is feeling , Lottery, please naman, 1 shortcut lang paalis sa impiyerno sa mundo...


PART 1

naulit na naman..
habang tumatagal mas lumalakas nang lumalakas ang panginginig ko sa tuwing napupuno na ako ng galit..
ewan..
siguro dahil na rin sa takot na mawalan ng kontrol sa sarili..
at mas malamang na dahil sa takot na physically masaktan ng kaaway..
siguro ganun talaga kapag naiipon lang sa loob mo lahat ng poot laban sa mga basurang tao...

ang kapal ng mukha na sisihin ako nang dahil dun sa 2 bata..
nagngungulngol at nagmumura..
wala naman daw akong ginagawa eh..
sigaw lang daw ako nang sigaw kapag may nangyayari na na hindi ligtas o hindi maganda para sa bahay..
hindi naman daw ako tumutulong eh...

put*ng ina..?
anak ko ba ang mga yun..?
ako ba ang iresponsableng kumantot lang at nambuntis..?
ako ba ang masyadong busy sa pagtatrabaho para lang sa pera..?
ako ba ang pa-relax-relax lang kapag hindi araw ng trabaho..?
ako ba yung senyorito na panay ang mga utos sa kanila..?
ako ba yung takot mag-hire ng katulong, pero ang lakas-lakas magwaldas ng pera para sa mga luho..?
pinapasuweldo ba ako ng basurang matandang lalaki na yun para maging yaya..?
sino ba yung tumatanggap ng pera at mga gamot mula sa pamilya nung mga bata kahit na marami pa siyang oras sa pangangampanya, sa pagbabasa ng diyaryo, sa pagso-solve ng puzzle, sa maya't mayang paninigarilyo, sa maya't mayang pagdumi, at sa pagsisiesta..?
considering na rin na lahat ng masasamang routine nung 2 bata eh sa kanya rin naman nila natutunan dahil sa kabobohan at pangungunsinti niya...

pero kailan niya sinumbatan nang direkta ang basurang pamilya nung mga bata..?
kapag nandiyan sila sa harap niya, eh akala mo eh kung sinong anghel..
na kesyo siya ang the best sa pag-aalaga sa mga apo niya..
kahit na anong pagpapanggap basta't may kapalit na pera..
pero anong nangyayari sa tuwing wala na yung mag-asawa..?
puros mura at reklamo na lang ang naririnig mula sa kanya..
at kanina nga eh ako na ulit ang sinisi niya na para bang anak ko ang mga inaalagaan nila...

eh mabuti pa yung basurang paboritong anak eh..
kesyo huwag daw istorbohin dahil nagre-review para sa board exam..
put*ng ina!
pabaon siya at lahat pero bawal tumulong sa pag-aalaga ng mga bata..?
busy daw sa pagre-review, pero ang lakas ng volume ng anime sa mamahaling laptop niya...??

sa sobrang galit ko..
talagang napagmura ko na ulit ang basurang matandang lalaki na yun..
ipinamukha ko sa kanya na hindi ko anak yung mga bata..
ipinamukha ko sa kanya na siya itong inutil simula't sapul..
at sinabi ko na mamatay na siya...

madalas nakakapagsisi eh..
siguro para dun sa normal na bata eh walang nakakapanghinayang na magmalasakit..
pero para dun sa subnormal na bata..?
parang sayang yung mga panahon na hinabol ko pa siya sa labas ng bahay..
yung inalis mo siya sa kalsada sa mga panahon na posibleng nabangga na siya..
siguro kalayaan at katamihikan na ang idudulot sana nun eh..
pero dahil sa pagiging tao, hindi mo basta mapabayaan na lang na mamatay ang isa pang tao...

nakakapagod yung ganitong klase ng buhay..
pero hindi naman 'to matatapos hangga't walang tumatapos dito...

is feeling , isisi mo sa akin ang basura ng ibang tao, at ipapamukha ko sa'yo ang katotohanan...

---o0o---


December 28, 2018...

medyo tumagal pa yung pag-o-organize ko ng mga data..
hindi kasi consistent yung mga dating files..
kaya naghahabol ngayon ng quality...

is feeling , lagot.. 3 days left na lang...


>
[Emo]

pamilya talaga ng mga abnormal... :(

ang gusto ng ama nung mga bata eh pabayaan lang yung Autistic na maglutu-lutuan..
para daw matuto kuno..
hindi sa kanilang bahay, pero sa bahay namin..
binibigyan ng mga mamahaling cookies at biscuits..
dudurugin..
bubuhusan ng tubig mula sa mamahaling water purifier, walang pakialam kung apaw na o ano..
ilang sets ng mga plato at kutsara ang nagagamit sa paglalandi..
at sasayangin lang sa bandang huli..
itatapon lang...

effect #1, yung mga alipin na nagya-yaya eh mas nahahati pa ang atensyon sa paghuhugas ng mga utensils na hindi naman dapat nadumihan pa..
effect #2, ginagaya nung 1 year old na bata ang mga ginagawa ng kuya niyang subnormal dahil nasa stage siya nang pagmi-mimic..
effect #3, nalalagay sa alanganin yung mga mamahaling gamit sa bahay dahil sa ginagawang pakikialam nung 2 bata...

at lahat ng yun habang nakahiga lang ang magaling nilang ama at nagre-relax..
ang galing...

pinagsabihan ko na..
baka naman kako pwedeng sa school na lang yung mga ganung luho, dahil dagdag threat at trabaho lang yun sa loob ng bahay namin..
pero wala eh, pabayaan daw matuto..
yung ama naman eh laging nagyayabang na bibili lang daw ng kapalit..
put*ng ina!
hindi nga makapag-hire ng katulong eh, tapos sasabihin na papalitan kaagad anuman ang masira..
kung ganun sila kayabang, eh bakit hindi nila hayaan na sa bahay nila gawin yung mga ganung klase ng kalokohan...??

kaya ayun..
ngayong hapon eh nakakuha ng kutsilyo yung subnormal..
at pinabayaan ko na lang siya..
tapos magagalit sila sa akin..?
kesyo wala daw akong pakialam...??

eh yun nga yung punto ko eh..
dapat pigilan na makialam sa mga gamit sa kusina yung Autistic para hindi niya naiisip na pwede niyang gawin iyon..
lalo na't hindi naman 24/7 na may nakatingin sa kanya, dahil nga hati na ang atensyon ng mga alipin..
dahil ganun nga ang behavior ng Autistic..
kapag may nagawa silang bagay, naiisip nila na pwede na nilang paulit-ulit na gawin iyon..
gumagawa sila ng mga routine base sa mga bagay na ina-allow silang gawin...

tapos magtataka sila ngayon kung bakit kumukuha na ng kutsilyo yung subnormal...??

is feeling , pakipatay naman sa mga bobo...

---o0o---


December 29, 2018...

basag na naman ang araw at ang UPS ko..
nadale na nga ng National Grid Corporation of the Philippines..
nadale pa ng sariling pa-brownout ng [Name of Electric Cooperative] dahil sa pesteng bagyo...

is feeling , wala nang tulugan...


Friday, December 28, 2018

Violent Culture

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


basag-ulo..
baril..
basura..
lahat meron...

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 171 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
-----o0o-----


December 24, 2018...

bakit pinuri ng pamunuan yung school...??

eh the fact na marami yung nabiktima ng Prestigious Bully eh patunay na malaki ang naging pagkukulang nila at ng mga taong naka-witness sa mga krimen na iyon... :(

is feeling , hugas-kamay na lang...??


>
yung counterattack ng mga tao laban sa Prestigious Bully..
yung nagpakalat ng maling address...

ang salbahe..
tatak Pinoy..
kaso hindi na naman nagamitan ng utak..
kawawa naman yung mga residente doon sa address na iyon..
at kawawa rin yung mga nag-deliver ng kung anu-ano, lalo na yung mga pagkain... :(

posible kayang grupo rin nung Prestigious Bully yung gumawa nung trick..?
considering na mali yung address...

is feeling , mali na nga yung ginawa nung isa, dinagdagan pa ng mga kabobohan...

---o0o---


December 26, 2018...

sa Iloilo City..
yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store..
sadya daw siyang mahilig magpaputok ng baril sa tuwing nakakainom...

is feeling , armasan na po silang lahat sa ngalan ng peace and order kuno...


>
kung pinagmumulta lang sana ng pamunuan yung mga basurang mamamayan na basta-basta na lang nagkakalat ng mga basura nila sa mga pampublikong lugar (parks)..
yung tipong Php 10,000 kaagad per family or group na magkalat..
eh baka makatulong rin yung sa koleksyon ng gatas, ang gagaling ng maraming mga Filipino eh...

yun nga lang..
malamang eh paghati-hatian rin lang yun ng mga Chunin...

is feeling , tatak Pinoy pa rin...


>
sa Guimbal, Iloilo..
yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng panununtok laban sa isang pulis..
dinisarmahan pa daw ito, pinosasan, tinutukan ng baril, at binugbog...

is feeling , mas mataas pa kesa sa Php 30,000 per month ang nasayang sa 2 yun, ano...??

---o0o---


December 27, 2018...

sa Pangasinan..
yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay..
napag-alaman naman na wala daw kaukulang mga dokumento yung baril na ginamit niya sa kalokohan...

is feeling , sobrang magiging payapa nga siguro ng buong sambayanan kung aarmasan na silang lahat...??

---o0o---


December 28, 2018...

ligtas na ulit ang Cosplayer..
ang kakampi ng massacre clan ng Southern Island... :(

is feeling , ligtas na sa lahat...


Friday, December 21, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2018 (Promotional Video)

Loveless Story


December 19, 2018...

[Online Marketing]

may naisip akong bagong strategy..
gagawa ako ng teaser na video..
yung simple lang..
pero may sexy na background music (basta hindi kanta ng Boyzone)..
tapos ipo-post ko sa P*rnhub..
kasama yung links sa mga store pages ko...

is feeling , baka sakaling doon ako makapangalap ng supporters...

---o0o---


December 20, 2018...

natapos din sa Project #9..
inabot ng 10 days sa editing...

pero madami pang kailangang gawin:
- proofreading
- conversion ng final product
- promotional materials
- promotional video para sa P*rnhub para maihabol sa global store sale
- pagko-convert ng templates for 2019
- tatapusin yung drone poem

is feeling , trabaho lang nang trabaho hanggang sa tuluyang pumalpak...


>
done with the promotional materials..
nakapag-adjust na sa Patreon (na binabatikos na ngayon ng mga pro- sa pang-aabuso sa freedom of expression)..
nakapag-adjust na rin ng SSS...

yung video naman ang sunod..
tadtad rin ng editing iyon..
at kailangan ko pa ng sexy moan music para sa background...

is feeling , kailangang bumawi sa February 2019...

---o0o---


December 22, 2018...

[Online Marketing]

okay na..
nakagawa na ako ng marketing account..
nakapag-post na rin ako ng video ko sa P*rnhub..
sino ang may gusto ng link...??

ito na ang pinakahuli kong baraha para sa promotion..
after this, wala na, bahala na...

is feeling , scandal.. para sa pera...


>
may bastos na bumati kay YAM sa social media..
ginamit yung alias niya in public..
ang pasaway na yun..
hindi na inisip yung sitwasyon ni YAM at nung anak nito...

gusto ko sana siyang kumustahin..
pero sa April pa ulit ako pwedeng kumilos kung saka-sakali..
yun ay kung makakakilos nga ako at kung maaabutan ko pa siya...

is feeling , spell discreet...?

-----o0o-----


December 17, 2018...

pang-asar na naman..
hinahanap yung susi ng kuwarto ko..
gustung-gustong buksan sa tuwing nasa labas ako...

hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit nagkaroon sila ng subnormal na anak..
eh pang-tanga din kung maisip eh...

is feeling , bakit ba kasi ang mahal ng presyo ng privacy..? isang sariling bahay pa ang katapat...


>
eh yung may morning shift at night shift na sa pagka-caroling..?
ano na bang nangyayari sa mundo ngayon..?
para lang maka-doble ng arawang kita... :(

is feeling , mga kabataan ang isa sa magagaling sa paggawa ng mga modus...

---o0o---


December 18, 2018...

[Emo]

kagabi..
naka-lock na yung gate namin nang magsisigaw yung senyorito mula sa labas..
may gagawin pa daw siya sa bahay namin...

pasado 9:30 PM na noon..
supposedly eh nagpapahinga na ako..
pero dahil kulang pa ang output ko for the day eh minabuti kong mag-edit pa ng 1...

pagkapasok pa lang ng senyorito, eh nagpahiwatig na na kailangan ko siyang paglingkuran..
ipag-set up ng printer, at ipagligpit pagkatapos niyang gamitin iyon..
(hindi parating naka-ready ang printer sa bahay namin dahil baka sirain ng malilikot na bata, especially yung subnormal)...

unfortunately, nagkaroon ng problema yung printer..
siguro naubos na naman nung pinakamaluhong anak yung ink (ikaw ba naman ang mag-colored print ng scan ng mga libro, maging ng mga computer game FAQs)..
so ako yung kinukulit, kahit na meron namang guide yung printer..
at nung tumanggi ako dahil may tinatapos ako, eh sinabihan na ako nang sinabihan na kesyo wala daw akong pakialam...

bullsh*t!
ubos oras na nga yung mga anak nila, tapos pati sila eh makikihati pa..?
hindi nila alam yung abala na idinudulot sa tuwing kailangang protektahan yung mukhang normal nilang bunsong anak mula sa topak nung kuya nito..
kundangan namang may threat rin ang Autism sa buhay nung baby..
andun yung itutulak yung bata nang patalikod mula sa pagkakatayo nito, yung babatuhin ng kung anu-ano sa ulo, at maging yung basta na lang sisipain sa mukha yung baby..
puwerket ano..?
puwerket hindi saklaw ng malalang Autism ang pag-unawa sa halaga ng buhay..?
at lahat ng iyon eh kayang gawin nung bata nang patraydor..
andun yung akala mo eh nagbe-behave siya, pero parating pasimple ang mga pag-atake sa kanyang bunsong kapatid...

nakakain ng magkapatid ang oras ko, dahil hindi talaga pwedeng walang nag-oobserba dun sa 2 bata sa lahat ng oras..
pero hindi naman para kumilos ang computer ko at magtrabaho nang mag-isa kung hindi rin lang automatic yung kailangang gawin...

put*ng ina!
lahat na lang eh iniaasa nila sa ibang tao..
alipin ang tingin sa iba..
kapalit ng ano..?
ng maluluhong lutong ulam at fast food..??
put*ng ina ninyo, kumakain kami ng mga simpleng pagkain noong wala pa kayo!
at no choice kami kundi kumain ng mga ipinahahanda ninyong pagkain sa bahay, dahil impraktikal naman kung magpe-prepare pa ng iba..
huwag na huwag ninyong ipagmamalaki yung mga pagkain, dahil ni wala nga kayong sarili ninyong mga pangluto..
dahil ni hindi nga kayo marunong maghugas ng mga pinagkainan ninyo..
at dahil di hamak na mas simple pa ang trabaho ng yaya na sumusuweldo ng Php 6,000 per month, kumpara naman sa all-around na pang-aalipin ng pamilya ninyo...

tapos anong isusumbat sa akin..?
kesyo panahon na daw para magseryoso ako sa buhay..?
kung ang definition ng seryoso sa buhay ay yung sumasahod ng Php 30,000 pataas per month..?
ay put*ng ina, sorry!
wala akong ganung kakayahan..
isa lang akong hamak na amateur artist na biktima pa ng mga pirata..
at totoong karapat-dapat lang akong mamatay na...

ni hindi ko kailangan ng moral support ng pamilya eh..
ni hindi ko kailangan ng pamilya (kumpara noong panahon na nasosolo ko madalas ang bahay)..
hindi rin nila ako kailangang maintindihan kung bakit nahihirapan akong magustuhan ang buhay ko..
basta ang kailangan ko lang eh kapayapaan at yung oras ko...

brother Jesus, kahit 1 lang talaga ang ilapit mo na request ko sa dad mo..
bakit ga naman yung mga pulitiko at mga kriminal eh successful sa mga gawain nila..?
baka naman pwedeng pa-share ng maalamat na blessing..?
pambili lang ng sariling bahay, para sa kalayaan at katahimikan...

is feeling , okay lang talaga kahit bawiin nyo na ang buhay ko pagkatapos ng One Piece manga.. basta gusto ko lang sa ngayon ng kapayapaan sa buhay ko...

---o0o---


December 21, 2018...

[Audio-Visual Media]

yung Bird Box eh parang alternate version pala nung movie na A Quiet Place..
kung sa sense of hearing nakatuon yung A Quiet Place, sa sense of sight naman naka-focus yung Bird Box..
pero mukhang hindi nanlalaban yung creature sa Bird Box...

is feeling , kelan naman kaya yung horror na palabas na ang tema ay tungkol sa sense of taste, smelling, at touch...??


Joke Only

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


yung mga nilalang na sobra-sobra ang kalayaan sa pagbibiro..
na ginagamit ang excuse na "biro lang" para lang matakasan ang mga kasalanan nila... :(

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 165 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon 
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
-----o0o-----


December 15, 2018...

sa Pandacan, Maynila..
yung nakunan ng CCTV..
yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen..
69 y/o na yung matanda, at tumatawid lang siya sa mismong tapat ng kanilang bahay..
sa ospital naman na siya binawian ng buhay...

is feeling , kung hindi naman fake ang aksidente, ang basic rule ay..? kung sino ang may sasakyan ay siya dapat parati ang mas malakas mag-obserba sa kanyang dinadaanan...

---o0o---


December 17, 2018...

eh yung ayaw makakita ng santo ng mga pari..
idinaan pa sa utos ang luho niya...

hala!
may allergy na siya sa mga taong simbahan...?

is feeling , ang selan naman ng Hokage na Mahilig...


>
hala!
nakatulong pa pala ang mga dayuhan para ma-preserve yung bells..
untik na palang tunawin at gawing mga bala ng mga mamamayan kung minalas-malas eh...

okay na yung Balangiga Massacre..
yung Malisbong Massacre (at iba pa) naman ang pag-usapan...

is feeling , sitahe ang kalokohan ng mga kakampi...


>
yung pilit talagang tinatawag na 'jeep'..
para lang ma-abolish na ang isang kultura at industriya ng transportasyon... :(

gawin ninyong Php 1.50 ulit ang base fare habambuhay at maniniwala na ako na jeep nga ang mga yun... XD

is feeling , mini-bus naman eh...


>
so ibig bang sabihin na pwede nang sumali kahit na sino sa mga pageant nila..?
gender-less na..?
basta't pasok sa age requirement..?
pwede nang sumali yung mga dating lalaki na lalaki pa rin naman ang pisikal na itsura..?
para walang diskriminasyon kuno...??

so pwede na ring makigamit ang mga lalaki ng comfort room ng mga babae..?
para sa ngalan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay...??

hindi ko lang maiwasang maalala yung mga napi-feature na istorya kung saan may mga nagbabalik-loob..
yung eventually eh bumabalik sa original na biological gender assignment nila..
original, as in yung madalas na tinutukoy ng mga tao na ipinagkaloob ng diyos..
at patunay yun na yung aspeto ng pag-iisip ng isang tao eh nagkakamali rin naman pagdating sa ganung bagay..
kumbaga eh hindi definite yung ganung sistema, kumpara kung titingnan na lang ang genital ng isang tao...

is feeling , parang hindi maganda kung bubuwagin yung natural na classification...

---o0o---


December 18, 2018...

yung findings ng Public Attorney's Office..
yung tungkol sa kaso nung Santillan, na bodyguard ng isang dating Representative, na napatay sa shootout daw sa Cainta, Rizal..
siya yung iniuugnay sa Highway Boys..
ayon sa PAO ay mukhang t-in-orture yung tao bago siya namatay dahil may iba pa siyang mga sugat maliban sa mga tama ng baril..
mukhang staged din daw yung nangyaring barilan sa sasakyan...

is feeling , paano kaya nila yun malulusutan...??


>
baka sa hinaharap eh ipagbawal na ring alamin ang gender ng mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang..
eh kasi mali daw na husgahan ang mga tao base lang sa kanilang genital assignment..
baka sabihin nila na kesyo labag yun sa karapatan ng mga bata na magdesisyon para sa mga sarili nila..
tapos hindi na pwedeng mag-declare ng gender hangga't wala pa sa edad na may wastong pag-iisip...

sa tingin ko talaga, in most cases eh sexual orientation lang ang napapalitan dahil sa rationality ng mga tao...

is feeling , meron na kayang magulang na humiling na yung anak nila na nasa sinapupunan pa lang ay hindi maging basic na babae o lalaki...??

---o0o---


December 19, 2018...

medical cosplay..
patunay kung gaano kalakas ang impluwensiya ng pera at kapangyarihan...

baka dumami ang maging sakitin at ang mga Marijuana farmers kapag ginawa na talagang legal yun...

ako man, hindi ako tutol sa existence ng Marijuana..
eh natural naman kasi yun - halaman yun..
mga tao lang talaga ang pasaway... :(

— feeling , naalala ko yung mga trabahador na nagbabayad para sa pekeng medical certificate or sick note...

---o0o---


December 20, 2018...

yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang..
wow..
lahat na lang ng kasamaan, kamanyakisan, at kasinungalingan ng Hokage na Mahilig eh pwedeng maging biro lang... :(

samantalang kapag hindi nila kakampi ang nagsalita..
automatic na nagbibigay sila ng masamang meaning..
kapag may pinuna sa mali nilang ginagawa eh kesyo destabilization na daw kaagad..
o di kaya eh kakasuhan kaagad ng libel..
mga demonyo...

is feeling , pakipatay na please.. para sa ngalan ng kalayaan...

---o0o---


December 21, 2018...

sa Cavite..
yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty..
dati na rin daw itong nasangkot sa insidente nang pamamaril...

is feeling , eh sa hanay nila, magkano ang nasasayang na gatas...??


>
may lugar ang pagsu-suicide para sa lahat ng mga attack-type at humiliation-type na bully..
kunwari na lang eh marangal na seppuku..
pero ang totoong magandang idudulot ay mababawasan ang nang-aabuso sa ibang tao...

kalokohan yung sinasabi ng mga eksperto kuno na dapat rin silang unawain..
na dapat silang protektahan sa ngalan ng kanilang reputasyon..
dahil ang dapat sa kanila ay pinipigilan mula sa umpisa..
hindi tama yung may nasasaktan na, tapos sasabihin pa ng mga eksperto na biktima ang mga bully...

to think na may background yung tao sa martial arts..
patunay lang iyon na nabigo ang mga nag-train sa kanya na isaksak sa kokote niya ang tamang disiplina...

kalokohan na dahilan yung kulang sa atensyon ng mga magulang, lalo na kung mayaman naman kayo..
kalokohan na dahilan yung kulang sa pansin, kung kaya't gustong maging god-like sa video nila..
at mas lalong kalokohan na dahilan kung mangbu-bully ka dahil ikaw mismo eh nakararanas ng pananakit..
kung alam ng isang tao ang pakiramdam at takot na masaktan, sapat na dapat na dahilan iyon para hindi niya yun gawin sa iba nang wala namang matibay na dahilan...

hindi dapat maging pampalipas oras ang pambu-bully...

is feeling , ang karahasan ay karahasan (maliban para sa mga masokista), tapos ang pulong...

---o0o---


December 22, 2018...

nagulat ako dun sa suggestion nung isang celebrity..
turuan na daw ang lahat ng mga bata ng self-defense...??

WTF!?
eh knowledge nga sa self defense ang ginamit ni Prestigious Bully para mang-api ng kapwa niya tao eh..
tapos ipapakalat pa nila yung kaalaman...

tama ang sinabi ng tiyo ni Spider-Man..
"with great power comes great responsibility"..
lahat ng klase ng kapangyarihan o skill eh may kakayahan na mang-corrupt..
para sa mga politiko..
mga armed personnel na dumaan rin sa training..
yun ngang mga may kaalaman sa martial arts..
at ultimo yung mga maliliit pa lamang na mga bata na kumakapit sa pangalan ng mga basurang siga sa mga lugar nila...

halimbawa, sa educational system pa rin..
anong ginawa dati nung mga estudyante ng Criminology ng [Name] City Colleges noong kapanahunan na nag-aaral silang gumamit ng arnis..?
pinag-trip-an nila ang mga campus-mate ko sa lansangan..
kesyo gusto daw nilang ma-testing yung mga natutunan nila sa klase...

wala yun sa magulang..
wala yun sa teacher o instructor..
wala yun sa mga pangaral ng simbahan..
hindi yun dahil lang sa impluwensiya ng mga kaibigan..
hindi yun dahil lang sa impluwensiya ng social media..
basta naabot na ng tao ang punto na kaya na niyang magdesisyon, nasa sa kanya na kung paano niya babalansehin ang kasamaan at kabutihan sa pagkatao niya...

hindi yun bagay na basta lang naituturo o naisasaksak sa kokote ng isang tao..
dahil napatunayan na yun ng mga tao na magaganda na ang buhay, pero patuloy pa ring kumakapit sa kasamaan..
maging yung mga tao na malaki ang malasakit para sa sarili nilang pamilya, pagdating sa ibang tao eh kaya pa ring gawin yung mga bagay na hindi nila nanaisin na maranasan ng mga mahal nila sa buhay..
tanging yung tao lang ang makakapagdesisyon kung anong landas ang pipiliin niya at kung kailan...

is feeling , 2 lang talaga ang option, para sa kaligtasan ng mga inosente.. gawin kaagad na fertilizer ang binhi ng kasamaan o ang parusahan sila para maging patas man lang ang laban...