Showing posts with label music. Show all posts
Showing posts with label music. Show all posts

Saturday, September 20, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2025 (Reactivated Contact)

Loveless Story


September 13, 2025...

hmmm..?
so lumalabas na hindi pa naman pala dini-dispose ni Attendant Y yung mobile number niya para sa industry..
meaning, nakarehistro iyon..
parehas niyang ni-reactivate yung 2 messaging app na ginagamit niya..
pero bakit kaya...??

is 💌 feeling , iniwanan ka ba ng boyfriend mo...??

---o0o---


September 14, 2025...

high blood... 🙁

meron sa mga demonyong kalapit-bahay namin ang nag-level up..
bukod sa mga item na nasa tapat na ng bakuran namin..
ngayon naman eh nagtatambak na rin sila ng mga basura sa tapat..
sa halip na sa tapat ng bahay nila...

sigurado ako na bahagi sila ng mga kamalasan na dala-dala ko..
dahil likas silang nang-aabuso ng kapwa nila..
hindi sila sumusunod sa mga batas, para lang makapang-bully sila ng ibang tao sa paligid nila...

sa sobrang galit ko kanina..
yung kahon nila ng mga basura..
itinapon ko sa gitna ng kalsada..
kahit pa alam ko na may CCTV yung bahay sa tapat namin...

is feeling , gusto ko talagang tumapos ng mga buhay.. hindi lang pwede.. dahil hindi ko naman matatapos ang alamat ng One Piece kung makikialam ang mga awtoridad...


>
[Music]

Scandal - Fanfare


release nila noong 2024..
nakakatuwa lang na malaman na magkakasama pa rin silang 4 hanggang sa ngayon..
at nakakagawa pa rin sila ng magagandang Japanese music..
last August 21, 2023, nakuha nila ang Guinness World Record bilang longest active female rock band with the same members...

2006 sila nabuo..
nalaman ko naman ang tungkol sa kanila bandang 2010, dahil sa mga OST nila para sa mga Anime..
una kong nagustuhan si Rina, dahil maganda talaga siya, at ang linis mag-drums..
hanggang sa napunta ang atensyon ko kay Mami, dahil maganda yung pagiging astigen niya sa lead guitar..
si Sasazaki-san..
na sinubukan kong igawa ng Manga noon, pero nawala naman yung will ko, dahil sa kadiliman ng mga pangyayari sa paligid ko noon...

is feeling , tumatanda.. pero hindi naman ganung kabilis...

---o0o---


September 15, 2025...

[Manga Theory]

in addition pala sa One Piece Theory #18..
mukhang Galleila Giants ang gumawa sa barkong Noah ng mga Fishman, sa request ni Joy Boy...

Buccaneer..
so iyon pala ang dahilan kung bakit kaya ni Blackbeard ang negative effect ng darkness na Devil Fruit niya..
dahil likas na mataas ang endurance ng mga Buccaneer, kaya okay lang sa kanya na mag-absorb ng double damage ng anumang atake...

base sa experience kay Emet sa Egghead..
lumalabas na sobrang lakas ng Haki na taglay ni Joy Boy..
na sa sobrang lakas ay stored Haki lang iyon, pero ramdam hanggang sa lokasyon ni Im, at kayang pawalang bisa ang mga Devil Fruit ng Gorosei..
bukod doon eh sobrang lakas din ng cartoon ability ng Nika Devil Fruit..
at malalakas din ang allies ni Joy Boy noong Void Century, tulad ng mga Buccaneer at Giant..
tapos mataas pa ang kalidad ng technology na gamit ng kanilang alliance dati..
kaya naman posible na traydor ang totoong naging dahilan ng pagkatalo ni Joy Boy noon...


One Piece Theory #21

mukhang Yami Yami no Mi o yung darkness na Devil Fruit ni Blackbeard ang gamit noon ng kanilang ninuno na si Davy D Jones..
Buccaneer siya, kaya naman kaalyado siya ni Joy Boy..
posibleng nakumbinsi ni Im si Davy D Jones na patraydor na i-nullify ang Nika ability ni Joy Boy, upang matalo na nila ito..
anong posibleng rason sa pagtanggap doon sa offer..?
inggit lang siguro...??

sa pagkuwestiyon ni Nefertari D Lili sa motibo ni Im matapos nilang manalo sa digmaan..
ginamit naman ni Im si Davy D Jones bilang fall guy para sa pagkawala o pagkamatay nung Nefertari..
iyon siguro ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang poot ng mga Tenryuubito sa Davy Clan..??
dahil pinalabas ni Im na tumapos ito ng Tenryuubito...

baka ang curse na tinutukoy sa alamat, na maninirahan daw si Davy D Jones sa ilalim ng karagatan..
ay ang manifestation ng Devil Fruit ability niya sa lahat ng karagatan sa mundo..
nagawa siguro siyang ihalo ni Im sa karagatan sa kung paanong paraan..?
bilang kaparusahan nga kuno dahil sa nangyari kay Nefertari..
at dahil kakayahan nung darkness ability na i-nullify ang anumang Devil Fruit, kaya naman naging kakayahan na rin iyon ng tubig-dagat at ng mineral na nakukuha doon..
at dahil bahagi naman ng plano na palubugin ang majority ng mundo sa tubig-dagat..
eh mababawasan ang banta laban sa mga Tenryuubito ng mga Devil Fruit user nilang kalaban...

is feeling , ganun siguro...


>
may kakaibang nangyari matapos na mag-reactivate ng contact number niya si Attendant Y..
ch-in-eck ko kasi noon kung naroon pa rin ba yung account niya sa isang escort website, at visible pa din nga naman..
pero ngayong araw ay hindi na nahahanap ng Google yung account niyang iyon...

nag-reactivate ka ba para maglinis ng mga naiwan mong record online..?
o bubuhayin mo ba ulit yung account mo...??
bandang gabi naman nang naging searchable at visible na ulit yung account niya...

is feeling , anong ginagawa mo...??

---o0o---


September 17, 2025...

[Anime]

yung sobrang ganda ng design ng Super Saiyan 4 sa Dragon Ball GT..
pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala sila official part ng istorya nung creator..
anime-exclusive lang pala yung series na iyon..
kaya pala parang humina yung istorya paglabas nung Dragon Ball Super..
kaya pala ang pangit nung mga design...

is feeling , mas magaling ang Toei Animation para ma-consider yung Oozaru form...


>
araw na naman ng paniningil..
maaalala ko na naman ang sumpang dala-dala ko... 🙁

53 months ng mga utang..
35 months na walang inihuhulog na bayad..
21 months nang pinutol na communication..
ilang buwan ng retokadong ilong..
ilang buwan ng pagtatago kasabwat ang mga kapamilya... 🙁

wala kayong ipinagkaiba sa tiwaling gobyerno ng bayan na ito... 🙁

is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong...

---o0o---


September 19, 2025...

nakatapos na sa paggawa ng lahat ng kailangan kong scenes para sa project #25..
render..
tapos post edit na lang ang kailangan...

is feeling , ang official first project para sa taong 2025...

-----o0o-----


September 13, 2025...

[Trade]

day 641...

USD 0.50..
USD 0.75..
USD 1.00..
iyon lang ang mga option ko...

is feeling , 4 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 14, 2025...

[Trade]

3 beses nang lumalagpas ang C sa level 26 simula noong makulong ako sa kanila..
pero katulad ng naging karanasan ko sa iba ko pang napasok dati na assets..
eh pauli-ulit din silang bumabagsak dahil sa dala-dala kong kamalasan... 🙁

ang path ng C simula noong maisip ko na pumasok sa kanila...??

level 30 to 46.5 noong hindi ko nagawang makabili dati, dahil level 20 sana ang gusto kong presyo..
nakaakyat sana ako noon sa USD 646... 🙁

tapos nakapasok ako..
at nagsimulang malugi ang C, dahil nga nabitag na nila ako..
level 18.8 to 22.2
nakaakyat sana ang pondo ko sa USD 762..
level 18.8 ulit to 22.1..
akyat sa USD 894..
level 19.4 to 26.7..
akyat sa USD 1,229..
level 20.1 to 27.9..
akyat sa USD 1,704..
level 22.3 to 27.4..
akyat sa USD 2,091... 🙁

at ni minsan..
hindi na nila nagawang makalagpas muli sa entry point ko..
dahil ang goal lang naman parati ay ang lunurin ako sa depression... 🙁

is feeling , d*e will be done...


>
[Trade]

day 642...

level 22.3 to 24.8 yung unang naakyat ng C kagabi..
USD 46 sana iyon para sa akin..
level 23.5 to 27.4 yung sumunod ngayong araw..
USD 68 naman sana iyon... 🙁

pero hindi na naman nila magawa yung malakihang pump na kayang gawin ng maraming assets..
dahil ang existence ko ang nagdidikta sa kamalasan na sasapitin nila... 🙁

is feeling , 3 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 15, 2025...

[Trade]

day 643...

nakagulo nga yung short dip ng Bitcoin kagabi..
umangat nga ang C, pero galing naman sa pinababa ulit na level... 🙁

4th time na na nakabalik ang C sa level 26..
pero ganun pa rin sila..
nananatiling supot para sa recovery ko... 🙁

level 23.7 to 26.9..
USD 55 sana iyon para sa akin..
level 25.4 to 27.9..
USD 40 naman sana iyon... 🙁

is feeling , 2 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 16, 2025...

[Trade]

day 644...

5th time na nagawang lumagpas ng C sa level 26..
pero talagang supot pa rin sila... 🙁

level 24.1 to 27.7..
USD 61 sana iyon para sa akin..
level 25.6 to 29.6..
USD 64 naman sana iyon..
level 26.1 to 28..
USD 29 naman sana iyon... 🙁

sobrang hirap magdesisyon..
hindi naman kasi lumalagpas ang C sa entry point ko..
nasa mataas silang level kumpara sa usual bottom nila..
pero wala namang kita para sa akin kung sakaling tatakas na ako...

is feeling , 1 day bago ang sunod na FOMC...


>
[Trade]

FOMC meeting na bukas o sa susunod pang araw...

gusto ko na lang talagang makatakas..
kahit na ano..
USD 0.50..
USD 0.75..
USD 1.00..
kailangan ko lang magising bukas na nasa ganyang level ang C..
hayaan lang sana ako na magising sa isang umaga na nasa ganyan ang level ng C...

pagod na pagod na akong maging mali... 🙁

is feeling , tigilan nyo na ako sa ugaling Greek gods ninyo...

---o0o---


September 17, 2025...

[Trade]

day 645...

nasa delikadong araw na para sa FOMC..
pero wala pa rin talagang nagagawang massive move ang C... 🙁

level 25.3 to 26.8 yung pahabol nilang pump kagabi..
USD 24 sana iyon para sa akin..
level 25.2 to 26.5 yung sumunod ngayong araw..
USD 21 naman sana iyon... 🙁

pero bumaba na ang trading volume nila, simula pa kahapon..
at bumababa na rin nga ang kanilang palitan... 🙁

is feeling , mga araw ng FOMC...

---o0o---


September 18, 2025...

[Trade]

day 646...

level 24 to 25.7 yung naging recovery ng C mula kagabi..
USD 29 sana iyon para sa akin..
level 24.9 to 26.2 ang sumunod..
USD 21 naman sana iyon..
level 24.9 to 26.4 ang sumunod..
USD 24 naman sana iyon... 🙁

sa ngayon..
ngayong gabi..
eh umaakyat pa naman ang C..
sana lang talaga eh pabayaan na nila akong makalaya...

is feeling , kailangan ko ng nasa 300% increase para makalaya...

---o0o---


September 19, 2025...

[Trade]

day 647...

50 days na ako sa C..
kaya nga ba hindi ko maiwasan na isipin na ako talaga ang may dala-dala ng malagim na kamalasan.. 🙁
ang daming mga bagong asset ang nagawa na ring abutin yung USD 1.00 zone, nang basta-basta na lang..
samantalang ang C..
nagpayaman na sa ilalim ng entry point ko..
at nang ni hindi man lamang lumalagpas sa level na iyon, para makalaya man lang sana ako...

mukhang ako nga lang talaga ang hinihintay nila..
kailangan kong mawala sa C..
at saka sila bubulusok hanggang level 100...

level 24.9 to 27.2 yung naakyat ng C simula kahapon..
USD 38 sana iyon para sa akin..
level 26.4 to 27.6 yung maiksing sumunod..
USD 18 naman sana iyon... 🙁

is feeling , ayaw talaga...


Saturday, December 21, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2024 (Brutal Altcoin Trap)

Loveless Story


December 15, 2024...

for some reason, nagbaba ng guard si Attendant Y sa 1 niyang social media account..
as in ginawa pa niyang public..
kaya naman sinamantala ko na rin yung pagkakataon para makasilip at magkaroon ng ideya sa kondisyon niya ngayon...

ayun, may boyfriend siya..
mabuti na lang at hindi naman matanda..
pero ang totoong mahalaga ay mukhang wala namang nangyari sa kanya na masama, na dahilan kung bakit hindi siya bumabalik..
and yes, wala sa files niya yung flowers mula sa Dream Date namin, haha..
at ang isa pang mahalaga ay nakakuha ako ng kopya ng picture nung black bikini na isinuot niya noong sinayawan niya ako noon...

is 💌 feeling , additional remembrance...

---o0o---


December 16, 2024...

pati bahay namin napapalibutan ng mga kamalasan nang dahil sa akin... 🙁

mahigit sa 1 household ang laging nagpapakawala ng mga alaga nilang demonyong aso para pataehin sa public place..
unfortunately, kabilang ang tapat ng bahay namin sa mga markado nila..
2 kapitbahay namin ang may malalaking puno ng mangga at wala silang pakialam kung nakakaperwisyo na ang mga iyon..
nakakasira na sila ng alulod ng bubong lalo na kapag panahon na namumunga sila, at dagdag gastos pa sa tuwing kailangan naming magpalinis ng mga dahon sa alulod..
1 kapitbahay namin ang malaya ang mga alagang kalapati at bubong namin na walang pintura ang CR ng mga iyon, sa halip na ang sa bahay ng amo nila, kaya naman wasak na wasak na yung bubong namin... 🙁

ang latest naman na umuupa naming kapitbahay..?
madalas na nagpapakawala ng kung anong kemikal sa hangin..
may 2 parking slot ang inuupahan nila, pero ang kalsada ang ginagawa nilang parking area ng marami nilang mga sasakyan, kabilang ang mismong tapat ng gate namin..
nagtatambak sila ng maraming mga basura, hindi sa tapat ng bahay nila, kundi sa tapat din ng bahay namin, na nakakaharang pa sa sidewalk..
bukod pa sa may mga tao sa poder nila ang palaging nagtatapon ng bote ng juice at mga upos ng sigarilyo sa tapat namin o di kaya ay sa loob ng bakuran namin... 🙁

ang worst part..?
walang silbi kahit pa kausapin sila nang maayos.. 🙁
dahil wala namang nagbabago..
patuloy lang sila sa pag-abuso..
baka nga pinagtatawanan pa nila kami sa tuwing naririnig nila na nagrereklamo ang biological mother ko..?
sa tuwing nalalaman nila na tumataas ang blood pressure ng biological mother ko..
na para bang likas at katuwaan na lang para sa kanila na gawan ng masama ang kanilang kapwa tao...

ang respeto sa kapwa..
di na sana kailangan pang hilingin at kusa na lang sanang ibinibigay..
that way, mas magiging maganda at mapayapa sanang lugar itong mundo..
kaso marami sa mga nakapaligid sa amin ang mga likas na demonyo..
o baka sadyang may basbas sila ng mga makapangyarihan upang gipitin kami...?? 🙁

is feeling , sila yung masasama, pero bakit hindi sila nawawala dito sa mundo..? dahil ba bahagi sila ng kamalasan na dala-dala ko...??


>
hindi ko na alam kung paano ko pa matatakasan 'to..
nawawasak ang lahat base sa mga desisyon ko.. 🙁
paulit-ulit ko nang nasaksihan..
lumalalim lang ang depression ko sa bawat pagsubok ko na makabangon pa sa buhay...

is feeling , paulit-ulit akong ibabaon ng mga makapangyarihan...

---o0o---


December 17, 2024...

[TV Series]

Taxi Driver (Season 1)

maganda yung istorya..
although tulad ng ibang mga script, hinayaan nila na magkaroon ng butas at hindi maging masyadong matalino ang mga character (lalo na ang mga nasa panig ng hustisya) para maging mas pulido ang development nung story...

mabuti na tinalakay nila kung paanong delikado ang maghiganti nang hindi perpekto, ibig sabihin na hindi naman tatapusin ang target ng vengeance..
makatotohanan ang depiction na hindi lahat ng taong tinuturuan ng leksyon o binibigyan ng parusa ay nagagawa ngang magbagong buhay..
dahil meron talagang masasamang nilalang na hindi pinagsisisihan ang kanilang mga krimen..
at nagiging mapaghiganti pa nga sa oras na gantihan sila, na nagdudulot ng walang katapusang cycle ng gantihan...

i'm surprised na tulad dito sa bayan, totoo din nga ang katiwalian ng mga awtoridad sa South Korea, tulad na lang sa ipinakitang documentary bilang filler..
kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nakagawa sila ng ganung klase ng script..
naging mas interesante at mas seryoso yung plot noong na-encounter na nila yung case nung missing body..
magandang twist din yung sinapit ng killer nung 2 sa mga bida..
ni hindi na nila kinailangang lumaban at magsakitan pa, dahil yung kriminal na rin mismo ang di sinasadyang nagpataw ng burden sa kanyang sarili...

nakakatuwa din na cast nila yung mga Korean na pinapanood ko noon..
featured ang boses ni Lee Young-Ae na si Jang-geum dati..
at may special appearance din ang dati kong crush na si Park Jin-hee...

hindi doon nagtatapos ang kasamaan ng mga tao..
pero okay na ako sa ending ng Season 1...

is feeling , maganda...

>

Retokadang Mangungutang


araw na naman ng paniningil..
ang huling beses para sa taong ito..
paubos na ang prepaid load ko, pero wala namang nagre-reply sa akin..
kaya naman nag-e-mail na lang ulit ako ng reminder sa kapatid niya...

t*ng ina yung p*ta na iyon..
nagawa pa yatang magparetoke ng ilong..?
may pera para sa pagpaparetoke..
pero hindi makatapos ng pagbabayad ng Php 16,000...???

is feeling , mukhang walang plano ang mga makapangyarihan na bigyan ng hustisya ang nangyari sa akin.. kaya ako na lang ang gagawa sa pamamagitan ng scheduled e-mail...

---o0o---


December 18, 2024...

ayun..
patapos na ang taon..
kaya nagtapon na ako ng Php 6,000 para sa PhilHealth..
labis pa sana yung pera para makabili ng pang-4 na UPS..
kaso wala eh..
nasimulan ko na yung pagbabayad noon..
kaya naipit na ako sa PhilHealth scam... 🙁

kung alam ko lang noon na palolobohin ng Do Dirty administration ang bayarin sa PhilHealth..
mula sa Php 200 hanggang sa Php 500..
tapos binabawi pa ng gobyerno lately yung hulog nila para sa mga dependent nila..
edi sana hindi na lang ako nagpa-member sa PhilHealth...

is feeling , universal scam...


>
after ng padalawa kong e-mail..
sa wakas ay nag-reply na yung kapatid nung p*ta...

nakakatawa lang..
text ako nang text doon sa ibinigay na mobile number nung p*ta through her friend..
tapos magkukunwari ngayon sa kapatid niya na hinihingi yung mobile number ko para magkausap kami..
kahit yung isa pa nilang kapatid na dati kong contact person, lumalabas na dinispatsa yung number ko para lang makaiwas..
the same reason bakit nagkunwari siya na siya na lang daw yung kausapin ko sa Facebook, pero sabay block naman sa account ko...

ang sabihin ninyo, nahihiya kayo sa kapatid ninyong lalaki..
tago nang tago, tapos magkukunwari na responsable sa pagbabayad ng utang sa tuwing ibang tao ang kinakausap ko...

i see..
mukhang nagparetoke siya para hindi na niya maging kamukha yung nasa maseselan niyang picture na ikinalat sa internet ng mga grupo na nasalihan niya...?

is feeling , maagnas sana 'yang ilong mo...


>
tadhana ko na tapusin ang sarili ko..
iyon lang ang paliwanag kung bakit kailangan kong araw-araw na maligo ng mga kamalasan..
para sa lumalalang depression... 🙁

mahigit 1 taon pa ng pagtitiis..
konti na lang..
matatapos na din ang One Piece..
kailangan ko pang maging matatag para matapos ko ang pinaka-astig na Manga sa mundo...

is 💀 feeling , d*e will be done...

---o0o---


December 19, 2024...

[Music]

matagal na akong pamilyar doon sa kantang Palagi by TJ Monterde..
nadaanan ko lang dati dahil naman doon sa kanta niyang Dating Tayo na naging OST ng isang movie..
pero although maganda yung mensahe nung lyrics, hindi siya nakasali sa playlist ko, di tulad nung iba niyang kanta..
dahil halos acoustic at mellow lang yung approach nung unang version nung love song na iyon...

hindi ko alam kung kailan nagawa yung alternate version..
kung para ba iyon doon sa movie o mas nauna pa sa pagiging OST niya..
at ang laki nga ng naging improvement nung kanta..
yung pagdadagdag ng percussions at konting bagsakan..
pati yung paglalagay ng emphasis o diin sa ibang portions nung lyrics..
ang laki ng inilakas ng impact nung kanta..
pwede ng wedding vow...

kaya naman kabilang na ngayon si TJ Monterde sa mga inirerespeto kong purong artists..
mga singer-songwriter na gaya nina:
- Yeng Constantino
- Moira Dela Torre
- Zack Tabudlo

is 💔 feeling , mahilig sa love song pero wala namang nagmamahal.. naiiyak sa love song pero wala namang experience...


>
wala akong kuwentang biological son..
matagal na..
kahit na kailan ni hindi ko nabigyan ang biological mother ko ng pera, kahit pa naging sobrang sipag at mabuti siyang provider bilang isang ina..
dahil wala naman talaga akong kinikita na excess na pera..
bukod pa nga sa maraming buwan na zero na ako nitong 2024...

ito na lang yung konting magagawa ko para makabawi-bawi naman sa biological mother ko..
a few months ago, inilibre ko siya ng modern na kulambo mula sa Lazada..
this time, pantanggal naman ng bara sa drainage..
Php 300 yung flash voucher na nakuha ko..
Php 75 lang na shipping voucher..
tapos Php 300 plus na ipon na LazRewards mula sa paglalaro ko..
total ng nasa Php 680 na discount..
hindi ko alam kung magkano talaga ang pantanggal ng bara..
pero at least ay Php 44 lang yung kailangan kong bayaran para maibili ulit ang biological mother ko ng item na may kabuluhan...

is feeling , sana lang ay matibay at effective nga...

---o0o---


December 20, 2024...

grabe na talaga ang kademonyohan ng mga kabataan sa panahon ngayon..
2 ang kumanta..
Php 2.00 ang ibinigay..
eh talagang nagreklamo pa na akala mo ay kaanu-ano namin..
na akala mo eh masagana ang ekonomiya sa panahon ng mga kurakot para mag-demand sila ng malaking limos...

noon ngang panahon namin, ilang kanta ang tinatapos namin para sa isang bahay..
tinatapos namin ang mga kanta, unless mag-request na yung may bahay ng katahimikan..
pero sa panahon na ito ng mga demonyo, magsi-shift kaagad sa thank you song sa oras na maiabot ang limos..
puros reklamo pa kapag ilang piso lang ang natanggap...

is feeling , dapat sa inyong lahat nawawala na kaagad sa mundo...


>
greeted Attendant Y today..
kahit pa sobrang bihira na lang niyang mag-online...

samantala..
ibinalik na ni Attendant Ry ang account niya sa stealth mode..
siguro ay dahil sa stalker niya na ayaw siyang tigilan...

is 💌 feeling , di na rin masama na wala sila.. at least walang tukso...

-----o0o-----


December 14, 2024...

[Trade]

day 368...

tumaya na muna sa ARDR..
sa mataas na level, pero meron namang chance na maka-exit sa level 120 if ever..
hoping na makiki-symphatize sila sa ginawa ng AST, gaya ng madalas na mangyari...

USD 72 naman yung huling nagawang pump ng AST kagabi... 🙁

is feeling , ARDR, pump na.. gumaya ka na, please...


>
[Trade]

sana maranasan ko namang magulat..
sa magandang paraan, hindi sa malagim..
kagaya lang kung paano ako nagugulat kapag nadadatnan ko na nag-pump na pala nang husto ang asset na binabantayan ko..
pero yung tipo ng gulat na hindi na lang ako basta spectator..
sana makasama naman ako doon sa mismong experience..
yung basta ko na lang makikita na nakabalik na pala ang pondo ko sa level USD 700 na almost 3 years ko nang hindi nasasaksihan...

is feeling , ARDR, gayahin nyo na ang AST, pump hanggang level 150...

---o0o---


December 15, 2024...

[Trade]

day 369...

nagsimula ang panibagong anomaly na dala-dala ng Reverse Midas ko kahapon..
mauntian lang ang pagbaba ng Bitcoin, pero malaki ang hila nila sa ibang assets..
bumaba pa ng hanggang 4 na level ang ARDR mula sa entry point ko...

umangat naman ang Bitcoin..
pero sa kung anong maysa-malignong dahilan eh patuloy lang sa pagbaba ang level ng ARDR..
umabot pa sa hanggang halos 6 na level ang layo mula sa entry point ko..
samantalang AST ang nagawa na namang umangat ngayong araw..
USD 106 sana iyon para sa akin..
USD 39 yung ikalawang pump..
total ng USD 145 hanggang sa mga oras na ito... 🙁

is feeling , ARDR, maki-sympathize ka na sa AST...

---o0o---


December 16, 2024...

[Trade]

day 370...

pabalik-balik ang ARDR below sa entry point ko kahit pa umaakyat naman ang Bitcoin..
nag-pump nga sila ng aabot sa USD 4,000..
samantalang bumaba pa ng 5 ang level ng ARDR dahil sa epekto nun... 🙁

nakagawa pa ng additional na USD 50 ang AST kagabi..
tapos USD 27 sa pagsabay nila sa ginawang pump ng Bitcoin ngayong umaga..
USD 49 naman yung sa LIT kagabi..
at USD 38 kaninang umaga...

is feeling , may sanib ng demonyo ang ARDR nang dahil sa akin.. wala akong dadalhin kundi ang pagkawasak...

---o0o---


December 17, 2024...

[Trade]

day 371...

bumaba pa lalo ang level ng ARDR hanggang 101..
ibig sabihin..?
4 na yung napapakawalan kong pagkakataon na maka-exit sana sa level 109..
USD 16 din sana ang katumbas nung 4 na pagkakataon na iyon..
pero maging ang Bitcoin pump nga eh na-scam din ako... 🙁

USD 28 naman ang karagdagan na na-recover ng LIT...

is feeling , bakit ganito ka-consistent ang bulok kong kapalaran...??


>
[Trade]

hindi 'to maganda..
paulit-ulit sa pag-akyat ang Bitcoin..
samantalang lalo lang bumababa ang level ng ARDR..
ibig sabihin na nakahanda na ulit ang mga makapangyarihan na durugin ako sa oras na mag-crash na ulit ang Bitcoin... 🙁

is feeling , ARDR, lumaban ka naman ng 50% pump...

---o0o---


December 18, 2024...

[Trade]

day 372...

Bitcoin dip, kasabay ng market crash..
ito ang kapalit ng pambabastos noon ng ibang asset sa Bitcoin dip..
konting pagbaba ng Bitcoin, at diretso na sila sa impiyerno ngayon...

ito ang paliwanag kung bakit hinding-hindi nagawa ng ARDR na lumayo paitaas mula sa entry point ko simula noong pumasok ako sa kanila..
dahil nakahanda na pala ulit ang trap ng mga makapangyarihan laban sa akin.. 🙁
patunay na hindi ko dapat iniiwasan ang d*e will be done..
para sa katuwaan ng mga makapangyarihan...

bumagsak ang ARDR hanggang below level 95 dahil sa taglay kong kamalasan..
umaabot na sa USD 60 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁

is feeling , mga demonyo kayong mga makapangyarihan na dapat nang mawala sa universe...

---o0o---


December 19, 2024...

[Trade]

day 373...

tuluy-tuloy na ang landas patungo sa impiyerno..
Bitcoin dip ulit..
kaya naman mas nag-crash pa ang ARDR..
sumadsad na sa level 90..
lagpas na ngayon sa 50% ang kailangan kong pump para lang makatakas sa sumpa na dala-dala ng taglay kong Reverse Midas... 🙁

kapag bumalik sa level 80 ang ARDR..
or worse, kung mas mababa pa doon..
then ibig sabihin na level 120 na lang ulit ang magiging target peak nila...

is feeling , puros impiyerno lang ang nakalaan para sa akin...

---o0o---


December 20, 2024...

[Trade]

pumalya din ako sa SLP noong isang araw..
kapos kasi nang konti sa USD 5.00 ang mapo-produce ng 1000 SLP..
kaya naman hindi ako tumuloy sa pagpapapalit..
kaya heto ngayon, below USD 0.0040 na ang palitan nila... 🙁

ganun din sa RON..
hindi na nga nila nagawang makabalik sa USD 3.00 na palitan noong nasa green pa ang lahat..
tapos inabutan pa ulit sila ng pagloloko ng market... 🙁

is feeling , lahat na lang ng gawin ko ay palpak...


>
[Trade]

day 374...

panibagong dip..
maganda nga ang nagiging recovery ng mga asset mula sa latest na nagiging bottom nila..
pero hindi naman mapapakinabangan kung nadamay ka sa market crash..
the same violent cycle na nararanasan ko noon pang 2022..
at hindi pa ako pumapalya sa pagiging malas..
kaya naman more than USD 100 na ulit ang layo ko mula sa huli kong peak... 🙁

gabi nang lalo pang bumaba patungo sa impiyerno ang lahat...

is feeling , hindi sapat na mabaon lang ako sa pagkalugi.. dapat durog na durog nang pino...


>
[Trade]

kung makakapalo lang sana hanggang level 120 ang ARDR gaya ng ginagawa nila dati..
yung occasional na 50% pump nila..
makakatakas sana ako at makakapagsimula ulit sa mababang level...

is feeling , kung posible lang sanang matakasan ang kamalasan para sa akin...


Saturday, June 4, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of June 2022 (Cursed Streak)

Loveless Story


May 28, 2022...

ngayon ko lang na-realize..
i was supposed to get a clue tungkol sa totoong identity ni Attendant M...

nangyari iyon noong tinanong niya ako kung pwede bang GCash transfer na lang ang gawin kong mode of payment..
ibig sabihin..?
makukuha ko dapat ang personal number niya..
o di kaya ay pati first name...

pero hindi iyon nangyari dahil tumanggi ako..
dahil kulang ang pondo ng pang-transfer ko for GCash accounts...

unfortunately..
imposibleng may account yung mga public number niya..
kaya na-miss ko talaga yung pagkakataon na makakuha ng totoong mobile number niya...

is 💌 feeling , untikan na pala.. pero sinayang ko pa...

---o0o---


May 29, 2022...

[Online Marketing]

so 5 years na akong nagbebenta ng projects ko..
at hanggang lagpas Php 400,000 lang talaga yung kinaya ko...

wala eh..
isa akong likas na basura sa paningin ng FATE..
kapag nagdesisyon ako para sa sarili kong survival, siguradong mawawasak lang ang lahat...

is feeling , hanggang sa katapusan...

---o0o---


May 31, 2022...

desperado na..
hindi na talaga biro ang mga kamalasan na tinatamasa ko.. 🙁
walang coincidence sa buhay ko..
nangyayari ang lahat dahil sa Reverse Midas ko..
dahil kailangang mawasak lahat ng mga nauugnay sa akin...

dahil dun, binuksan ko na yung holy water na nandito sa bahay..
iwinisik ko sa mga higaan ng mga namatay..
sa iba pang mga higaan..
maging sa 3 puno na nakapaligid sa bahay..
habang hinihiling sa kung saan na tigilan na sana ako ng kamalasang bumabalot sa buong pagkatao ko...

para na akong tanga..
ayoko sanang maniwala..
para sa ikatatahimik ng isipan ko..
pero paulit-ulit ko na siyang nasasaksihan..
gusto kong mawala na ang mga maligno ng kamalasan o kung ano pa man sila...

is feeling , put*ng ina.. tama na please...


>
yung totoo..?
imposible na ba talagang makumpleto ko yung Dream Date..?
dahilan kung bakit paulit-ulit yung nawawasak since last year...??

nademonyo na ba ang Dream Date ko..?
wala na ba talagang pag-asa...??

pagod na pagod na ako..
hindi pa ako pwedeng mamatay..
pero sa araw-araw na nararamdaman ko ang lubos na kamalasan na 'to na nakabalot sa buo kong pagkatao..
paulit-ulit kong hinahangad na sana lumapit na nang lumapit yung araw na pwede na akong mamatay at mawala sa put*ng inang mundo na 'to... 🙁

is feeling , wala akong tinaratando na inosenteng tao para gawin ninyo sa akin ang mga bagay na 'to.. mga hayop kayo...

---o0o---


June 3, 2022...

[Music]

JRoa & Emcee Rhenn featuring Agsunta - Di Ako F*ckboy



wala man akong magagarang kotse
wala rin akong perang marami
pero ang kaya kong ibigay ay ang puso ko
kaya sana naman ako'y

pagbigyan mo na sana ako
di naman ako tulad ng inaakala mo
di naman ako gwapo wala ring auto
at ang kayang ibigay lang ay ang puso ko
kaya wag mo na sana akong itaboy
kasi di naman ako.....


credit goes to the creator(s) and uploader of the video...

is 💌 feeling , courtship song...

-----o0o-----


May 29, 2022...

[Game]

kanina naranasan ko na yung lowest kong pag-farm ng SLP, simula noong alisin ang daily rewards..
7 SLP.. 🙁
put*ng ina, wala pang Php 7.00...

7 araw nang wasak ang laro ko..
matapos akong makapasok sa 1300 MMR zone..
for 2 days, ang sistema nila ay losing streak sa mga una kong laban..
that way, eh nahihila nila ako sa 1 SLP zone, bago ako hayaan na makalaban nang patas...

lutung-luto ang mga laban..
kapag may Ivory Stab ang kalaban eh hindi na sila gumagastos pa ng Energy..
panay ang Critical laban sa akin ng mga Beast, Bird, Reptile, at Plant..
kahit Aqua na kalaban eh naka-program para mag-Critical laban sa akin..
kung hindi naman offensive type, eh itinatapat naman ako ng game fixing mechanism laban sa mga multiple Plant teams... 🙁

sobrang nakakapagod na..
ginamit nila kaming mahihirap na players para bigyan ng pagkakakitaan yung mga nakaaangat na players... 🙁

is feeling , put*ng ina ninyo dyan sa Axie Infinity Pyramiding Game Scam.. mamamatay din kayong lahat...


>
[Trade]

so far, nasa USD 19.53 yung highest na naging palo ng LUNA, yung 2.0..
USD 830,000 plus na sana iyon para sa akin..
or Php 41,800,000 plus...

kaso hindi ganun ang sistema... 🙁

1 LUNC = 0.000015307927 LUNA para sa Binance..
ibig sabihin..?
nasa 0.65 LUNA lang yung pwede kong matanggap..
ni hindi man lamang naka-1 buong LUNA.. 🙁
kailangan ko pang maghintay na pumalo sa USD 31 yung palitan, bago ko mabawi yung puhunan ko...

kung 4,000 LUNA lang sana yung pwede kong matanggap..
sa USD 6 na palitan, eh aabot na sana sa USD 24,000 yung pondo ko...

is feeling , hindi ka ba titigil sa pagpapahirap, buhay...??

---o0o---


May 30, 2022...

[Trade]

lesson for the day..
walang mapapala sa Binance Learn and Earn...

ginusto ko sanang makabawi-bawi sa mga losses ko dahil sa pag-collapse ng Bitcoin..
nasubukan ko na dati yung Learn and Earn sa mobile..
kaso ay ayaw gumana nung quiz..
kaya naman sinubukan ko kanina gamit ang computer...

unfortunately..
hindi pala ako pwede sa ganun dahil required ang social media account...

is ⚠ feeling , sayang sa oras...


>
[Trade]

madami akong pinakawalan na pagkakataon nitong mga nagdaang linggo..
mga nasa 5 chances..
dahil hindi ko na naman ginamit ang utak ko... 🙁

pwede nga pala akong bumawi sa mga losses ko sa pamamagitan ng pagpapadami ng coins o tokens, habang hindi pa nakakabalik yung asset sa entry point ko..
same concept din lang sa trading..
maghanap ng bottom..
magbenta kapag tumataas..
at bumili ulit kapag nag-dip...

hindi pera ang target sa ganitong kaso..
since malaki na nga yung nalugi..
pero sa pamamagitan ng pagpapadami ng coins o tokens..
eh napapababa yung requirement para maabot yung dating target...

is feeling , bawal nga lang ang kamalasan sa formula...


>
[Trade]

ngayong araw, naranasan ko na naman ang kalupitan ng tadhana laban sa akin...

as usual..
lahat ng desisyon ko eh nagiging mali..
kapag nakabenta na ako ng asset, eh dumidiretso pa paitaas yung palitan..
kapag bumibili naman ako ulit, eh nakakagawa ako ng point of resistance...

naiisip ko nga eh..
paano kaya kung isaboy ko na yung holy water na nandito sa bahay..
sa mga higaan nung mga namatay..
pati sa mga puno sa paligid namin..
posible kayang mawala na lahat ng mga maligno ng kamalasan na nasa paligid ko..?
gagana ba kung hindi house blessing ang gagawin..?
uubra ba kung hindi exorcism ang ipe-perform...??

is feeling , kailangang mawala ang kamalasan na 'to na bumabalot sa nabubulok kong existence...

---o0o---


May 31, 2022...

[Trade]

na-scam ng Binance..
hindi sila tumupad sa LUNC to LUNA proportion na sinabi nila..
sa halip na 0.65 LUNA..
eh lagpas 0.19 LUNA lang yung natanggap ko...

ibig sabihin..?
kailangang pumalo nung version 2.0 sa USD 106, bago ko mabawi yung Php 1,000 ko...

magaling sana kung magkakaroon pa nga ng value yung LUNC sa hinaharap...

is 💀 feeling , kamalasan #1...


>
[Game]

3 araw na akong nasa 1 SLP zone lang..
put*ng inang mga developers yan..
gagawin ang lahat makapangloko lang ng mga tao...

nakakapagod na..
pero sa tuwing naiisip ko kung paanong paulit-ulit na bumagsak lahat ng mga naipon ko..
hindi ko mapigilang naisin na mabawi ang lahat...

is 💀 feeling , kamalasan #2...


>
[Trade]

alam ko na kung anong mangyayari..
pero talagang inulit ko na naman... 🙁

pumasok ako sa OGN kanina dahil sa papaangat siya..
pero just a few seconds pagkatapos kong pumasok, eh bumulusok na siya pababa..
naghintay ako..
pero talagang pababa na kaagad yung trend niya dahil sa point of resistance na nalikha ng Reverse Midas ko..
ang ending..?
nawalan na naman ako ng nasa USD 28... 🙁

sa sobrang malas ko..
nasa USD 198 pa yung pondo ko noong oras na naisip ko na umalis na doon..
pero just a few seconds din lang pagkatapos kong mag-declare ng selling price..
eh biglang bumulusok na naman pababa yung palitan, hanggang sa USD 191 na lang yung nabawi ko... 🙁

put*ng ina..
iniisip ko pa lang..
pero kumikilos na kaagad yung supernatural na entity ng kamalasan na nagmamanipula sa takbo ng buhay ko... 🙁

is 💀 feeling , kamalasan #3...


>
[Trade]

at hindi pa nga doon nagtapos ang mga kamalasan... 🙁

pumasok ako sa BETA..
since mababa lang yung supply niya..
at may malapit siyang record ng madali lang na maabot na target..
para sana mabawi ko yung mga nawala ko sa OGN, bago ako pumasok sa mas mababang entry point sa RSR...

pero ganun pa din..
nakagawa din ako ng point of resistance para sa BETA..
at pababa na rin ngayon yung asset dahil sa dala-dala kong kamalasan para sa lahat...

is 💀 feeling , kamalasan #4...

---o0o---


June 1, 2022...

[Trade]

so may napansin ako sa Katana..
laging mas mababa ang palitan ng mga assets sa kanila kumpara sa  Binance at CoinGecko..
nasa lagpas ng 15% ang deduction nila sa tantsa ko eh..
halimbawa ay ETH na nasa USD 1,900 plus, eh nasa USD 1,600 plus lang para sa kanila...

kaya pala hinding-hindi nakakabawi sa value yung mga assets ko na naka-stake sa kanila... 🙁

is feeling , mga kriminal ang mga taga-Axie Infinity...


>
[Gadget-Related]

after 5 years..
at sakto pa talaga sa simula ng June..
hindi nag-boot nang tama ang computer ko kaninang umaga.. 🙁
pero naidaan pa naman sa reset button...

huwag mo muna akong iiwanan, please..
huwag sa panahon na ito nang lubos na kadiliman...

is feeling , konti pang panahon.. para makumpleto ko yung Dream Date...


>
[Trade]

gaya ng mga naranasan ko na rin dati..
gagawing point of resistance ang bawat entry point ko..
babagsak ang palitan habang nandun ako sa asset..
at saka lang makakalaya sa sumpa yung asset once na nagbenta ako nang palugi... 🙁

at ganun din nga ang nangyari sa OGN..
itinaboy lang nila ako..
after that, eh sumipa na ulit siya paitaas noong gabi..
lagpas na lagpas pa sa target ko...

at yung BETA naman ang nananatili sa ilalim ng entry point ko... 🙁

walang pag-asang makatakas..
sisirain ng FATE ang buong buhay ko..
kamatayan lang ang tanging makakapagbigay sa akin ng kalayaan..
pero problema pa yung alamat ng afterlife... 🙁

is 💀 feeling , araw-araw na mawawasak.. pero hindi pa mamamatay...

---o0o---


June 2, 2022...

[Trade / Scam]

so nagpadala ako ng pang-gas fee sa Tronseed..
ayun..
natangayan nila ako ng pera...

hindi..
joke lang...

t*ng ina..
pati pala sa cryptocurrency umabot na rin yung ganung scam..
ang tagal na nung estilo na 'yon..
sa panahon pa ng keypad phones..
yung kesyo nanalo ng cash o kung anong reward..
pero kailangan ng target na magpadala muna ng pera para sa processing nung reward..
at sa panahon nga ngayon eh cryptocurrency na ang target nila...

is feeling , sino nga kaya yung mga sindikato na 'yon.. siguro mga mamamayan din ng bayan na 'to...??

---o0o---


June 3, 2022...

[TV Series]

ang lakas talaga ng mga Agila..
nagliligalig na..
pero ang gagaling pa ring pumatay ng mga kalaban..
ni walang natamaan sa kanila...

sobrang lakas din nina Kuya Cardo at Mara..
si Mara binanatan na nang binanatan ng baril sa bungo, pero mukhang mabubuhay pa rin..
si Kuya Cardo naman..
pinalo na nang pinalo ng pala sa ulo, pero buhay pa rin...

is feeling , ayun lang.. may kapangalan sila na mga demonyo...


>
[Trade]

ramdam na ramdam ko na naman ngayong araw ang kamalasan..
medyo bumawi ang Bitcoin, so pati yung BETA eh kadamay..
kaso buong araw niyang hindi malagpasan ang point of resistance na nagawa ko.. 🙁
hanggang sa nagbentahan na nga ulit ng Bitcoin...

more than 5 months na akong talunan sa Binance..
actually, simula November pa nga yata 'yon eh..
ibig sabihin na wala akong nagawang tama nang matagal, ni swerte eh wala..
nakakatawang isipin..
sa loob ng ganung kahabang panahon eh panay losses lang talaga yung naranasan ko..
nadadagdagan lang yung assets ko, pero patuloy naman sa pagbaba ang value..
at mas madalas pa akong talo sa trading... 🙁

sobrang daming mga pagkakataon ang nasayang ko..
GMT..
SLP..
LUNA..
at yung iba pa..
tapos kapag ako na ang nakikitaya, eh automatic na may nabubuo na point of resistance..
tapos biglang bulusok pababa papunta sa impiyerno..

is 💀 feeling , mali ang buong existence ko.. hindi ako dapat nag-exist.. kaya kailangan kong burahin ang sarili ko dito sa pesteng universe na 'to...

---o0o---


June 4, 2022...

[Anime / Theory]

sa tingin ko isa sa mga huling magiging movie ng One Piece ay tungkol sa huling laban ni Rocks D Xebec..
tapos ang title ay One Piece: Rocks...

pwede din yung One Piece: Roger..
at One Piece: Void..
pero mukha kasing madadaanan at mari-reveal yung 2 sa daloy ng manga at anime...

is feeling , basta kailangan ng movie nung One Piece: Rocks...


>
[Trade]

sunud-sunod ang mga kamalasan sa mismong cryptocurrency market nitong 2022...

- na-hack ang Ronin o Katana ng Sky Mavis
- bumagsak at halos nag-zero ang dating LUNA at UST
- tapos eh pa-outage-outage na din ang network ng Solana

ibig tuloy sabihin na hindi din talaga reliable yung market..
whale-driven..
at may mga banta ng hackers...

tapos gusto pa ng mga Bitcoin na pababain hanggang USD 25,000 ang palitan bago subukan na mag-pump...

is feeling , bakit yung iba sinusuwerteng makabawi..? pero kapag ako, eh puros kamalasan lang...??


>
[Game]

after 315 days..
382 SLP lang ang na-harvest ko..
game fixing para mahila ako ng losing streak from 5 SLP down to 1 SLP zone..
tapos game fixing para ma-hold na lang ako around 1 SLP to lower 3 SLP zone...

ito na yung lowest kong harvest, both in terms of quantity and monetary value..
bumaba nang husto sa 25 SLP per day na lang yung harvest ko, mula sa near 50..
halos lagpas na lang sa Php 100 yung palitan nun kanina..
Php 100 kapalit ng 1,350 minutes ng buhay ko.. 🙁
patas pa ba 'yon..?
pero sa tuwing naiisip ko yung mga araw na wala din naman akong benta ng projects ko, eh parang maige nang meron kesa naman sa wala...

sa ngayon, nasa USD 788 na ang target kong bawiin na mga naipong halaga..
USD 1,320 naman kung hahabulin ko yung Php 3.00 per SLP na palitan..
put*ng ina, lagpas USD 1,000 na yung kulang ko... 🙁

is feeling , kahit isang mala-himalang sabay lang talaga sa mga whale traders...


Saturday, May 28, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of May 2022 (Playlist Evolution)

Loveless Story


May 22, 2022...

[Strange Dream]

so napanaginipan ko ulit sila..
probably dahil sa sangkatutak na network resources na nakita ko kagabi...

hindi ko na malinaw na maalala yung mga nangyari..
parang hindi naman siya in person, pero sa halip ay sa social media lang..
isa sa naaalala ko ay may 4 sa kanila ang nakahelera na parang may pino-promote, vocally at may hawak din na parang mga karatula..
tapos mostly ay si Attendant N na yung nakikita ko..
siguro dahil sa network niya ako nakakuha ng maraming resources ulit...

is feeling , sana si Attendant Ry na lang...


>
so galing ang team nila sa Bataan..
i'm assuming na at least 3 grupo iyon..
nag-team building daw...

kung sino man yung mga tao sa likod ng mga management nila..
lumalabas na mapepera rin talaga sila...

kaso wala akong makitang file ni Attendant M...

is feeling , reconnaissance mode muna ako pamayang gabi, pagkatapos magtrabaho sa hapon...


>
tapos na sa reconnaissance..
unfortunately, wala din akong nahanap na magandang resulta..
oo, madami akong nahanap na bago..
yung iba mga hindi ko rin naman kilala..
pero hanggang ngayon, wala akong mahanap na files ni Attendant M...

is feeling , mukhang maingat din talaga ang isang iyon...

---o0o---


May 24, 2022...

[Music]

MC Einstein featuring Flow G, Yuri Dope, and Jekkpot - Bahala Ka (Wish Version)



Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Hanap ako ng hanap ikaw iwas ng iwas
Gusto sayong yumakap kaya pakitang gilas
A-a-e ganyan mo pa ko astahan
Tinatanong ka lagi ang sagot mo basta lang oy
Oo lang naman ang gusto ko na marinig
Ako na ang bahala lagi satin sa kilig
Ako diba ang dali lang kaso may mali
Ikaw kasi ayaw pa sakin na sumama pauwi e
Ikaw bahala wala tong sisihan
Kaya pasensya ko'y di mo na maiiklian
Pano ubos na at simot sayo kakaabang
Ngalay na din likod mo lang palagi ang katitigan

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano ang kulang bakit di kuntento
Sa sinasabi ko na di naman imbento
Kasi ang dami ko ng kwento pero para bang walang epekto to
O talaga lamang na iyong sinasadya to
Mabalewala lahat palabasing hindi sapat
Sa bawat banat mo at hugot habang pinagtatapat
Ang nadarama parang drama na
Ang sa puputahan na wag ng umasa pa kase marami pa namang iba
Wooh! Sana nagbibiro ka lamang
Ng di mo pagsisihan bakit mo ako sinayang
Sakin minsan lang ang mabaliw sa niligawan
Ikaw pa ang may ayaw di ko na yan kasalanan ha
Nasayang porma ko at pabango nako
Nagbago na takbo ng utak ko nagtampo na sayo
Kasi ang gaga mo akala mo pag-ibig ko'y laro lang
Lambing ang kailangan ko wag mo akong sungitan

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano pang kailangan kong gawin para yong atensyon mo ay limusin
Gusto mong isakay ka pa sa limousine
Akitin sa bagay na di mo kayang bilhin
Gusto ko rin naman yan kaso nga lang la ko ni kusing
Pero di mo pwedeng ismolin
Sakin di ka mag-uulam ng asin
Ang dami kong naipong mga baka sagutin
Ikaw ang gusto ko kaya puro baka yung dumating
Ako naman yung nandito lagi pero bakit pailing
Ako yung dumating kaso di ako hiling
Sa hirap at ginhawa ay handa kang gustuhin
Ang hirap lang sayo hirap ka ring ako ay gustuhin sows!
Baka mamatay akong dilat
Patagal ng patagal ay pailap ka na ng pailap
Pahirap ng pahirap wala ng tyansang mainlove
Kung ayaw mo di wag

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

is 💔 feeling , courtship songs.. pahirap nang pahirap wala nang tsansang ma-inlove...


>
[Music]

Anees featuring JROA - Sun and Moon Remix



You got me craving for you night and day (Oh, oh)
I get anxiety when you're away (Too long)
'Cause I just can't believe that your mine to keep
That's why I want you right next to me
All the time when the sunrises
And the moon light shines in your eyes
I feel like the luckiest guy on Earth
'Cause in my world I got somebody like you girl


credits go to the respective creators and uploaders of each of the featured music videos...

is feeling , habang mas tumatagal ang pagka-delay ng Dream Date ko.. nag-e-evolve naman yung playlist niya...

---o0o---


May 25, 2022...

[Online Marketing]

5 years na ako sa PayPal...

is feeling , pasensya na kung hindi ko kinaya yung Php 500,000...

---o0o---


May 27, 2022...

[Trade Dream]

so nanaginip ako ng tungkol sa trade...

napasali daw ako sa pa-airdrop ng Terra Luna..
pero gaya sa announcement nila, eh partial LUNA lang daw yung natanggap ko, kapalit nung iba kong LUNC..
nasa 4,000 lang daw..
pero dahil simula daw ulit sa umpisa yung cryptocurrency eh madali lang siyang pumalo sa target kong palitan..
sa tulong na rin ng milyon niyang investors..
from USD 2,000 plus to 4,000 plus daw...

hindi ko nga lang daw mailabas pa yung pera dahil hindi pa mai-convert sa stablecoin...

ayun nga..
simula kagabi, ay na-freeze yung trading para sa LUNA..
plano nilang gawing LUNC yung code niya, at LUNA yung sa panibagong version..
hindi ko alam kung madadamay pa ako sa airdrop..
kung hindi, mangangahulugan iyon na nanakawan ako ng Php 1,000..
pero kung mapapasali ako, kahit 4,000 tokens lang, then malaking bagay kung makakapalo kaagad sa USD 1.00 yung LUNA 2.0...

is feeling , gusto kong maka-experience naman ng swerte sa buhay...

---o0o---


May 28, 2022...

so hindi na naman nakatupad yung p*ta for the month of May..
kaya nagbitaw naman siya ng panibagong salita for the month of June...

may pa-puso-puso pang nalalaman..
puso dahil ano..?
dahil iniisip mo na nagpapauto na naman ako sa'yo...

is feeling , puros salita.. puros yabang.. pero ang kupad-kupad namang magbayad...

-----o0o-----


[V-League]


2021 Southeast Asian Games - Women's Volleyball


May 22, 2022...

bale lumaban pa rin pala ang national team sa Battle for Third..
kaso ay muli silang kinapos laban sa Indonesia..
4-1 sets...

nasa 4th place lang sila out of 5 teams... 🙁

is feeling , try na lang ulit sa 2023...

-----o0o----


May 22, 2022...

[Trade]

so 1 month nang naka-stuck yung pera ko doon sa asset..
tandang-tanda ko dahil nasa Quezon City ako noong nagising ako sa umaga na akala ko ay pababa yung value nung asset..
bumaba nga naman siya..
kaso ay bumulusok hanggang sa impiyerno..
USD 432 noong ipinasok ko yung pondo ko..
pero ngayon eh nasa USD 130 plus na lang yung value niya... 🙁

ang pinaka-walang kuwentang buhay sa lahat..
basura... 🙁

sa ngayon, nasa 900 levels pang bagsak yung asset bago makabalik sa entry point ko.. 🙁
samantalang yung ibang assets eh binastos na nang binastos ang pabagsak-bagsak ng Bitcoin...

is feeling , t*ng ina mo, LUNA.. pumalo ka ng USD 0.05...

---o0o---


May 24, 2022...

[Trade]

bastos na Bitcoin..
napagod na ulit siya sa USD 30,000 plus...

mabuti na lang at nakagawa ng pataas na trend yung asset ko bago nangyari yung panibagong trahedya..
sinakyan niya yung pagiging green ng Bitcoin noong nagdaang araw..
nakaakyat siya by 360 levels..
at naging 540 levels na lang ang layo niya sa entry point ko..
kaso ay muli ngang nanggulo sa momentum ang Bitcoin..
nakontra nga ang pag-abot nung asset sa USD 0.008..
pero kahit papaano ay hindi siya naiwan sa USD 0.004, at nagawa pa rin ngang manatili sa USD 0.006..
nangyari iyon sa kabila ng pagiging pahamak ng Bitcoin, dahil sa laki ng trading volume na mahigit sa 100%...

tapos isa pang bastos yung Anchor Protocol (ANC) na kamag-anak ng Terra..
LUNA dapat ang tumaas at hindi yung sistema nila ng pautang..
lagpas 200% ang inilago niya..
samantalang nahihirapan ang LUNA dahil ayaw i-burn ng founder ang sobrang laking volume...

ni hindi nga ako makapaniwala na nasa USD 100 plus dati yung ganung kalaking volume ng supply...

is feeling , ano ba..? ibalik nyo na lahat ng pera ko...

---o0o---


May 25, 2022...

[Gadget-Related]

holy crap..
may kakaibang nangyayari...

kaninang umaga..
ni isa sa mga PayPal verification codes ko eh walang dumating sa mobile number ko..
ngayon namang gabi..
hindi dumating ang Google verification code ko sa aking mobile number..
and then may sumulpot sa browser na option para mag-resend ng code, at pinindot ko nga iyon..
ang nakakapagtaka..?
Globe mobile number din lang ang sender nung code, hindi yung usual na nakapangalan sa Google..
at yung numbers lang talaga ang laman nung message, walang kasamang text...

so nag-send ako ng SMS doon sa number, pero walang sumasagot..
nag-check din ako kung may account siya sa mga messaging app, pero walang resulta..
ch-in-eck ko kung active pa yung mobile number ko, at nagre-register pa naman sa kanya yung mga tawag ko gamit ang ibang numero...

pero bakit..?
posible ba na may duplicate na rin yung Globe mobile number ko, gaya nung sa namatay naming kasama dito sa bahay...??

is feeling , put*ng ina, puwera nakaw.. sumusobra na laban sa akin ang buhay...