Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - February 19, 2014 (The Career Threat)

a few days ago..
i talked to one of my high school batchmates about her working schedule..
nagkataon kasi na doon siya nagta-trabaho kung saan napiling mag-training ni Crush eh..
kaya ayun..
since nabanggit sa akin ni Crush kamakailan na she's hoping to get absorbed there eventually..
eh naisip kong alamin kung paano ba yung oras ng trabaho doon sa company na yun..
at nalaman ko nga na Mondays to Saturdays yung schedule niya..
pero half-day lang naman tuwing Saturday...

pero paano nga kaya yun..?
kung matutuloy siya sa PAL..
at magiging Monday to Saturday nga yung working schedule niya..
eh paano na ako nun..?
paano na ang love life ko nun..?
 magkaka-tsansa pa ba ako o panahon para malapitan siya..?
eh are ngang Friday night siya umuuwi at Sunday night lumuluwas eh kahirap na niyang hagilapin, na dahil na rin sa pagiging masyadong outgoing ng family nila..
so paano pa kaya kapag kinain na nga ng career niya yung oras niya..?
or worse, paano kung maisipan niyang doon na sa Manila mamalagi at hindi na dumalaw-dalaw dito sa lugar namin...?

ang dami kong sinasayang na panahon ngayon..
mga oras na hindi ko naman 'pwedeng' gamitin..
ano ga nga..?
paano na, Star Wars na lang ulit kesa sa babae...?
 
feeling , hindi maiwasang mapaisip tungkol sa kahihinatnan namin sa hinaharap...


No comments:

Post a Comment