Friday, December 27, 2019

Imperial Oil

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


imperial oil..?
mula siya sa isang popular ngayon na millennial phrase..
Tag-lish noong nag-umpisa..
tapos pinalitan yung second word dahil medyo sounds like..
hanggang sa pinalitan na rin ng Imperial term yung first word...

kapag na-decode yung meaning, eh saka lang maiintindihan kung bakit ganun yung title nitong entry na 'to...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 142 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


December 22, 2019...

yung mga TV network na patuloy na nagagamit ng mga proven na magnanakaw na medium para manatiling active sa mata ng publiko...

sa dami ng celebrity na walang regular na raket..?
wala silang ibang mabigyan ng hanapbuhay...??

is feeling , kakampi ng mga magnanakaw...


>
yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR..
may nabasag tuloy..
kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren...

is feeling , walang progress kung walang disiplina...


>
yung hinarang nang hinarang noon yung isang motorcycle TNVS provider..
kesyo mahalaga daw ang safety..
tapos ngayon eh pinalilimitahan na nila ang bilang ng mga rider nung isa, dahil gusto na nilang magpapasok KAAGAD ng iba pang kaparehong service provider...

madulas...??

is feeling , tutol noon, pero nagmamadali ngayon sa pamimigay ng mga permit...??

---o0o---


December 23, 2019...

yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon...

akala ko dati na inihahalo yung chemical na nakalalason kapag in large quantity..
kanina ko lang narinig yung paliwanag na galing rin pala mismo dun sa halaman yung ganung chemical..
so given na may mga nauna nang maramihang Lambanog poisoning cases dati..
lumalabas na nasa regulation at testing ang problema...

is feeling , more than 100 victims...

---o0o---


December 27, 2019...

yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon...

sobrang privileged nila..??
edi sisihin mo ang mga ninuno - mga walang kakayahan na palayain ang sariling bayan..
at hanggang sa panahon ngayon...

is feeling , political yung usapin, pero idadamay ang mga mamamayan..?? anong klase ng mga diyablo kayo...??

---o0o---


December 28, 2019...

gobyerno talaga o'..
sila mismo yung nagpoproseso nung loan..
sila yung automatic na nagkakaltas ng pambayad sa kanila...

pero sa panahon na kailangan mo nang magpa-certify na bayad ka na sa lahat..
eh talagang hihingin pa sa'yo lahat ng kopya mo ng mga resibo, at ang mga iyon ang iche-check..
ang tanong eh ano bang nangyayari sa record nila..?
ano bang nangyayari sa mga kopya na nasa pangangalaga nila...??

aksaya sa oras..
yung mga bagay na hindi na nila dapat ginagawa para mas maraming mabigyan ng serbisyo..
eh talagang mano-mano pa nilang inuulit...

is feeling , kailan ba mauuso sa kanila ang paggamit ng mga database at backup system...??


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of December 2019 (How to Make a Bad Person)

Loveless Story


December 21, 2019...

this time, may nagyabang na na isang baguhan..
ipinagmamalaki kung paanong mas in-entertain siya ni Miss Rice kumpara sa mga kliyente na ginawa lang na VIP through words..
sorry na lang daw sa iba kung mabilis siyang pinagbigyan nung basurang iyon...

hangga't hindi nawawala lahat ng mga nag-filter sa akin..
sa tuwing may magmamalaki na kesyo mas VIP pa ang turing sa kanila kumpara sa mga totoong nag-earn ng VIP status..
ipapaalam ko sa bawat miyembro ng pamilya nila ang pagiging desperada nila sa pera...

is feeling , kailangang masira ang tingin sa kanila ng pamilya nila...

---o0o---


December 22, 2019...

masaya namang mambuwisit ng mga taong hindi marunong t-um-rato nang patas..
yung tipong hindi nila alam kung paano at saan nanggagaling ang mga patama sa kanila..
yung may nakakalat na ebidensya sa social media, pero hinding-hindi naman nila makita...

pero iba pa rin kapag wasak na wasak ang target...

is 💀 feeling , Sith...

---o0o---


December 27, 2019...

umakyat na ulit yung bilang ng sources ko..
45 members..
at 3 verified staff...

nahanap ko na rin yung 1 pang parang nasa boss level..
at lumalabas na sa kanya pala nakapangalan yung party nila dati...

is feeling , gaano na kaya ako kalapit sa hinahanap ko...??

---o0o---


December 28, 2019...

[Strange Dream]

nagpunta daw ako sa bahay ni YAM..
though hindi naman talaga ganun ang itsura ng bahay nila sa totoong buhay..
parang silently eh sinusuyo ko daw siya, para pagbigyan niya yung final request ko sa kanya..
kaso maraming tao sa bahay nila that time..
nandun rin nga yung kanyang anak na babae...

at one point eh magkatabi daw kami sa iisang couch..
yung pang-single lang..
pinakikiramdaman ko lang daw siya..
suddenly, tumingin siya sa akin at kinausap na niya ako..
sinabi niya na "sige na nga, sasagutin na kita" sabay ngiti sa akin..
parang pakiramdam ko daw noon na good as 'yes' na yung sagot niyang iyon..
sobrang saya ko daw dahil sa wakas eh matutuloy na yung goal ko with her..
nanatili pa kaming magkatabi for some time...

hindi pa din daw ako umaalis, kasi hihingin ko pa yung contact number niya..
para mas mapag-usapan namin nang ayos yung tungkol sa plano..
kaso hindi daw ako makatiyempo dahil sa dami ng tao..
hanggang sa kinakausap na ako ng mga kasama niya sa bahay, at pati yung kanyang anak..
tumulong daw ako sa paglilinis o pag-aayos ng table..
habang ginagawa ko iyon eh unti-unting napalitan yung cast nung panaginip kong iyon..
hindi ko sigurado kung doon na nagtapos yung panaginip ko, o kung nagtuloy ba yun sa isang panibagong kuwento naman...

is feeling , sana magkatotoo.. please...

-----o0o-----


December 23, 2019...

nakakatamad nang magbigay ng limos sa mga bata..
bigyan mo ng Php 1.00 per head at lalaitin ka pa..
put*ng inang mga manlilimos yan..
ang kakapal ng mukha..
ni hindi ko nga sila mga kliyente para maging mabuti ako sa kanila...

kinamumuhian ko ang mga nagpauso na kesyo tungkol sa pamimigay ng pera at regalo ang religious event nila..
dahil sa kagagawan nila eh mas naging bastos pa ngayon ang mga kabataan (particularly yung hindi mayayaman)...

buti na lang at hindi ko pera ang pinamimigay sa mga basurang iyon...

is feeling , corrupted generation...


>
last scene na lang..
tapos autopilot mode na muna..
talagang aabutin na ng 2020 ang postwork ko...

is feeling , nasa kalahati pa lang ang mga nare-render ko...

---o0o---


December 25, 2019...

kesyo ako daw yung "parati na lang tawad"..
sabay tawanan...

unang-una, matagal na akong hindi nagpa-practice ng mga kaugalian ng mga Kristiyano..
kaya nakakabuwisit talaga na mapalibutan ng mga Kristiyano na naggigiit na dapat kong gayahin lahat ng mga ginagawa nila...

800 months pa ang kailangan ko para lang makatakas sa mapanlait na klase ng pamumuhay na 'to..
tapos pipilitin nila akong gastusin lang lahat ng pera ko para sa mga regalo..
maige sana kung yung pagiging patas sa iba eh bumabalik bilang good karma eh..
kaso hindi naman 'yon totoo...

mas nakakarindi pa ngayon dahil 3 na silang mayayaman..
edi ako na yung mahirap lang parati..
edi ako na yung walang silbing biological..
pero hindi ba pwedeng manahimik na lang sila...??

is feeling , yung cremation na lang talaga ang pag-asa ko after 5 years...


>
isa pa yung demonyong matandang 'yon..
nakikisali sa pangmamaliit sa akin...

kung sa kanya yung perang ipinamimigay niya, eh baka palakpakan ko pa siya eh..
kaso hinihingi rin lang naman niya 'yon sa mga anak niya para lang palabasin sa mga kakilala niya na kaya niyang mamigay ng pera...

wala naman siyang kuwentang tao sa totoong buhay...

is feeling , kayo ang source ng lahat ng masamang hormones sa katawan ko...


>
isa pa..
hindi ako nanghihingi ng mga regalo..
kaya hindi nila ako kailangang idamay parati, dahil lang kesyo may halos global na okasyon...

bakit naman ako magpapasalamat..?
kapag hindi ko mapapakinabangan ang regalo, ibig sabihin na naging malaking abala lang 'yon sa nagbigay..
maige pang ibinigay na lang nila sa totoong charity...

konti na lang yung mga bagay (na below Php 1,000) na kaya kong ma-appreciate sa panahon ngayon:
  • cash (para magagamit ko sa mga totoong kailangan kong pagkagastusan)
  • Star Wars action figure (may silbi kahit gamitin ko o ibenta ko)
  • flash drive (dahil gipit na gipit na ako sa backup)

is feeling , hindi yung pati pagte-thank you ko eh ko-control-in na rin nila puwerket wala akong sariling bahay...


>
in short..
sana..
kung mayaman o nakakaluwag-luwag man sa buhay ang isang tao..
sana hanggang dun na lang yun..
ni hindi nila kailangang mag-share eh..
pero sapat na yung manahimik na lang sila...

hindi ganito na maya't maya ang pagkukumpara nila sa mas mababa ang klase ng pamumuhay kumpara sa kanila..
parating ipagyayabang kung anong kaya nilang gawin, at kung anong hindi mo kaya..
bukod pa yung pagtatawanan ka nila, kahit sa harapan ng mga bata..
yung ikokondisyon nila ang mga kabataan na kesyo piggy bank ang lahat ng matatanda sa ganito-ganyang okasyon, at ikaw yung walang kayang ibigay...

mabigat mag-ipon nang mag-ipon ng bad hormones..
nakakapanghina ng katawan at ng kalusugan...

is feeling , pare-parehas lang tayong mamamatay sa bandang huli...


>
[TV Series]

The Killer Bride

kinuha ni Alice ang nagtampo na si Emma..
at nag-set-up siya ng isang pekeng kidnapping kung saan may napatay, ang dalagita lang ang nakuha, at si Alice ang nagsilbing survivor at witness...

si Agnes naman ang ini-assign para kumuha kay Luna..
at dahil witness si Alice, eh si Agnes na rin ang tumayong mastermind at tumawag kay Camila na may gamit na voice changer...

2 itinuturing na mga anak ni Camila ang dinala sa magkahiwalay na lugar na tinaniman ng bomba, at pinapili si Camila kung sinong mas ililigtas niya..
at katulad sa trick ni Joker, ay may halong pagsisinungaling sa detalyeng ibinigay ni Agnes..
hindi sabay na sasabog ang 2 bomba..
naka-set sa mas maagang oras ang bombang nakalaan para kay Emma..
samantalang hindi naman talaga intensyon na pasabugin ang bombang nakalaan para kay Luna..
dahil dun ay mas lumakas ang kutob ko na pinangangalagaan pa rin ng mga kalaban ang bata..
at after ng bombing ay muling nagpalipad ang mga kalaban ng 1 sky lantern...

pero hindi nila inasahan na magagawang makaligtas ni Emma mula sa pagsabog..
ibig sabihin ay totoong gusto na nilang patayin ang dalagita noon..
kaso ay nabigo lang sila...

is feeling , 2nd failure para sa mga kalaban...


>
natapos din..
took me 66 days kung tuluy-tuloy ang bilangan..
lagpas 2 buwan..
bale 54 days kung ibabawas yung mga araw na wala naman akong nagawa...

autopilot mode na muna ulit..
baka kailanganin ng 8 or more days sa pagre-render...

is feeling , ang hirap talaga kapag nadi-distract...

---o0o---


December 26, 2019...

nitong taon ko nasaksihan yung worst version ng religious holiday na iyon...

dati, mga kakilala lang ang nanghihingi ng pera sa mismong araw..
yung iba, hanggang caroling lang..
hanggang sa napansin namin na ang dami na ring mga tao (mga bata man o pamilya) ang nagbabahay-bahay sa mismong araw nung okasyon..
pero dati, kahit papaano eh may takot sila sa ulan..
tigil sila sa pamemera kapag masama ang panahon...

pero ngayong taon..
kahit na may typhoon signal pa..
nagpapaulan yung mga kabataan at talagang iniisa-isa ang bawat bahay..
ultimo mga taga-ibang sekta eh hinihingan ng pera..
yung iba, mga naka-panglimos outfit lang..
pero yung iba, maaayos ang bihis, may mga nakasukbit pang bag..
at willing silang maglagay lang ng panyo sa kanilang mga ulo basta maipagpatuloy lang ang pagbabahay-bahay...

is feeling , tapos ang isasagot sa mga survey eh kesyo mas marami ang nakakaluwag-luwag ngayon sa buhay...??


>
mukhang mga mayayaman nga ang nagturo sa current generation na kahit sino na lang eh pwede nilang hingan ng pera...

matagal na kaming nakatira sa subdivision na ito..
matagal na ring uso ang mga caroling siyempre..
pero matagal na panahon noon na wala namang nangangaluluwa..
hanggang sa may nagpauso nga ng pangangaluluwa sa lugar namin..
noong nagsimula iyon, yung tradisyunal na kanta lang ang gamit nila...

mga 2 to 3 years ago lang nagsimula yung trend ng Trick or Treat..
yung sinasabi ng mga kabataan na kesyo "give me your money or candies"..
at ilang araw din yun bago pa ang November 1..
at halos kasabayan nga nun, nagsimula rin yung kaugalian ng maraming tao na suyurin ang bawat bahay sa lugar namin sa mismong araw nung religious holiday... :(

siguro nakuha nila yung idea sa mga pauso ng mall at ng mga companies..
yung pinagsasama-sama ang mga kabataan at nanghihingi nga sa kung saan-saang lugar...

is feeling , bad trend...


>
[TV Series]

The Killer Bride

inamin ni Camila na si Emma nga ang totoong ginusto niyang iligtas noon..
pero natapat nga lang siya kay Luna...

kinausap namang muli si Elias ng kanyang ama..
binalaan niya ang binata tungkol sa kanilang sitwasyon..
dahil sa pumalpak na assassination attempt laban sa kanya, eh batid na niya na alam na ng mga kalaban na buhay pa siya..
at dahil nga dun ay posibleng malagay na rin sa panganib ang buhay ng natitira niyang anak na si Elias...

at confirmed..
inamin na ng tatay ni Elias ang kanyang nagawa sa nakaraan, at ipinakita na rin nga ang mga nangyari noon..
siya nga ang biglang dumating noon sa tagpuan nina Camila at Vito..
nag-iisa lang siyang attacker nung 2..
kaagad niyang pinatulog ang totoong target ng grupo na si Camila, at wala namang nagawa si Javier dahil nasurpresa rin siya sa mga pangyayari..
after kay Camila, ay si Javier naman ang inatake ng tatay ni Elias..
nadisarmahan niya ang Dela Cuesta, at pinatay nga sa pamamagitan ng mga saksak..
patalim pa na nakuha niya sa kabayo ni Camila ang kanyang ginamit upang patayin si Javier...

originally, miyembro nga siya ng sindikato sa Manila na may mga horseshoes tattoos..
somehow eh may koneksyon 'yon sa Primo Diablo..
after mabuwag ng kanilang grupo eh saka naman siya na-recruit nina Luciano sa Primo Diablo..
matapos ang misyon niya kina Camila at Javier, pinapatungan niya ang kanyang tattoo dahil nalaman niyang nakita iyon ni Camila, at na marami na ang naghahanap dun..
hanggang sa nakilala niya ang ina nina Elias..
ang babae ang naging dahilan ng kanyang pagbabagong-buhay..
pero nagkamali siya ng subukan niyang i-pursue ang isang tahimik at payapang buhay sa mismong Las Espadas...

sa ospital naman..
naalala ni Emma na parang sa halip na tulungan siya noon ni Alice sa oras ng kidnapping, ay tila sinadya pa ng babae na bitawan na lang siya upang makuha ng mga kalaban..
ginagamit naman na ni Alice ang tampo ng dalagita kay Camila para sa mga susunod niyang plano...

is feeling , maganda yung explanation.. yung pananatili lang talaga sa Las Espadas yung naging butas sa desisyon ng tatay ni Elias...

---o0o---


December 27, 2019...

[Gadget-Related]

may prospect na akong smartphone..
nasa linya naman ng Android 8..
nasa Php 7,000 lang, parang doble lang nung presyo nung Nokia ko..
matagal ang standard battery life..
hindi masyadong dependent sa power button para buhayin...

yun nga lang..
Imperial brand din pala..
pero siguro hindi ko na lang masyadong iko-connect sa internet gaya nung iba kong mga device...

is feeling , yun ay kung magkakaroon na nga ng sistema ang Globe sa pag-i-issue ng SIM upgrade...

---o0o---


December 28, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

nagawa ni Agnes na mangalkal ng files habang wala si Camila..
at nagkaroon na siya ng lead kung saan posibleng itinatago ang adoptive mother ni Emma...

sinubukan naman ni Camila na pigain ang adoptive mother ni Emma..
pero hanggang pagbibigay lang ng hint ang kaya nitong gawin..
nasa paligid lang daw ni Camila ang mga hinahanap niyang kalaban..
parehas sila ng tatay ni Elias na hindi magawang i-disclose ang tungkol sa mga kalaban...

kinuha naman na ni Alice si Fabio mula sa ospital..
at nagpabagsak siya ng ilang guards sa prosesong iyon..
dahil dun ay may alas na naman sila laban sa grupo ni Camila...

balik sa bahay ni Camila..
hindi sinasadyang mabigkas ni Agnes ang isang kataga na nabigkas niya rin kay Camila habang tumatayo siyang mastermind sa pagdukot kina Emma at Luna..
narinig iyon ni Camila, at natunugan rin naman ni Agnes na saktong naroon siya..
kaagad na kumuha ng kutsilyo ang 2 dating magkaibigan...

is feeling , mas naunang nabuking ang Killer Bride kesa sa Killer Groom...


Friday, December 20, 2019

Dictator's Advocate

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


tutorial kung paano balewalain ang mga kaso nang paspasan after 3 decades...?? :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 136 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


December 15, 2019...

[Natural Calamities]

Mindanao pa rin..
nasa Magnitude 6.9 na lindol..
sa bandang Davao del Sur...

is feeling , may schedule na ba talaga...??

---o0o---


December 16, 2019...

yung mga siraulong pinuno na naghihintay ngayon ng report..
yung mga nagrereklamo pa...

mga tuso rin talaga..
binigyan ng ilang weeks..
limited access sa mga data..
tapos pinagmumukha ngayon na palpak...

is feeling , hindi Imperyo ang source ng ilegal na bisyo.. hindi naman kapansin-pansin base sa mga hulihan eh...


>
may panibago na namang ibinasura ang sandigan ng mga Diktador..
Php 200 Billion forfeiture case...

is feeling , mabuhay ang kasamaan.. lindulin na ang mga demonyo...

---o0o---


December 18, 2019...

yung mga pulis daw na protektor ng mga pagawaan ng pekeng dokumento sa Recto..
pero wala pa namang mga nabibitag...

is feeling , titingnan...

---o0o---


December 20, 2019...

yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer..
sinubukan pang pigilan yung kumalaban...

pero anong sitwasyon nila ngayon..?
magkakakampi sa iisang alyansa, habang front ang isang santo...

is feeling , pare-parehas lang na mga kriminal...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2019 (Triple Kill)

Loveless Story


December 16, 2019...

mukhang may ginagawa sila..
unreachable ngayon yung site..
hindi ko pa tuloy ma-confirm kung sinu-sino pa ang mga nawala...

bukod dun..
natanggal na rin yung mga pictures nila sa Google..
wala na yung album doon sa website..
mukhang nagawan nga nila ng paraan yung babala ko...

is feeling , ang mahalaga, nakuha ko lahat ng mga kailangan kong kopya...


>
dahil walang makitang mga bagong target..
edi okay, na medyo hindi..
walang distraction, pero wala rin namang mahingan ng tulong...

may 3 pa akong naiwang goal sa nakaraan..
mukhang mahihirapan lang akong tuparin ang mga yun kung walang limpak-limpak na pera..
pero wala namang magagawa kundi ang subukan..
si YAM..
si Miss Co..
at si Miss Bl...

is feeling , pero mas mapapabilis talaga ang lahat kung may tulong mula sa Lottery...


>
anu-ano nga bang posibleng solusyon sa buhay ko...?
  1. ang tumama ng malaking milyones sa Lottery, para ma-ignore ko na ang piracy
  2. yung simple lang - ang magkaroon ng sapat na suporta katulad ng iba pang dark artists
  3. ang pagsasara ng mga kompanya na nagseserbisyo sa mga pirata kapalit ng monthly subscription
  4. permanent physical o digital destruction ng mga server ng mga pirata; pwedeng worm o virus attack, o di kaya eh dahil sa lindol, sunog, o baha
  5. ang katapusan mismo ng buhay ng mga pirata; pwede na yung lindol o di kaya eh mga hurricane

basta huwag lang ganito..
sabay-sabay ang hindi pagtama sa Lottery, ang pagbaba ng bilang ng mga legitimate supporters, at ang lalong paglakas ng piracy laban sa akin...

is feeling , wish...

---o0o---


December 17, 2019...

mukhang good as confirmed na yata..
nasa 66th (64th) na ang bilang ng retirement..
may isa pa palang nawala noong maatake sila..
isa sa mga trap nila, yung pangit..
2 pala silang napa-back out nung atake...

sa ngayon, nakadirekta yung dati nilang site doon sa forum..
hindi ko alam kung ia-abolish na nila o ano...

is feeling , mas malilimitahan pa ang audience nila ngayon...


>
umakyat pa ulit yung bilang..
nasa 67th (65th) retirement na..
hindi ko napansin kung kailan exactly nawala...

hindi ko sinasadya..
pero iba ang tinamaan..
iba ang mga nag-react..
halos mga newbie...

medyo nakakaawa dahil holiday season na..
malamang na naghahanap ng pera ang mga yun..
sayang lang at nadamay sila sa katarantaduhan ng iba nilang kasamahan...

is feeling , sinubukan ko na silang paalisin, pero pinipilit pa rin nila na manatili eh...

---o0o---


December 18, 2019...

naaasar pa rin ako sa tuwing nakikita ko na tumatanggap sila ng mga baguhan..
mas nararamdaman ko kasi yung naging pag-filter nila sa akin... :(

pero konti pang pasensya..
hihintayin ko muna kung ano ba yung plano nila sa January..
after that, eh saka na sila makipag-deal sa Gabriela o sa kung anumang religious organization na may pagpapahalaga sa pagsasama ng pamilya...

is feeling , kapit sa pera...

-----o0o-----


December 15, 2019...

[Gadget-Related]

grabe naman yun..
padalawang beses nang nasira yung navigation key ng Nokia ko..
at kung kailan nasa bakasyon pa ako..
buti na lang nahanap ko pa rin yung 2 piraso...

dinaan na naman sa repair..
mukhang hindi kakayanin ang isang dekada...

is feeling , sana may matinong sistema na ng pagkuha ng SIM upgrade sa 2020...

---o0o---


December 16, 2019...

last setting na..
konting scenes na lang ang kailangan kong buuin..
kahit hindi matapos nang 2019..
basta mai-ready ang lahat for postwork pagpasok ng 2020...

is feeling , tuloy lang ang buhay hanggang sa huminto na ang lahat...

---o0o---


December 17, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

bale mula din pala sa kilalang pamilya si Alice, na unti-unting nangamatay ang mga miyembro..
pero mag-asawa na sila ni Juan Felipe nang ipakilala siya sa mga Dela Torre..
hanggang sa nadiskubre ng dating Mayor na naging escort pala noon ang kanyang napiling front..
pumasok ang babae sa pag-e-escort para maka-survive sa buhay..
dahil dun ay lumabas ang pagiging sadista ni Juan Felipe laban kay Alice, bagay na nakuha naman niya dahil sa pananakit sa kanya ng kanyang ama simula bata pa siya..
si Luciano ang nagko-comfort noon sa kanyang hipag..
at gaya ng hinala ko, eh nahulog nga ang loob nila sa isa't isa at naging magkalaguyo..
yung pagiging sadista nung babae ay posibleng nakuha na niya sa pagiging escort niya...

si Alice pa ang naging link ni Luciano sa Primo Diablo..
siguro nakakuha siya ng koneksyon sa sindikato dahil sa pag-e-escort niya dati..
tutol pa noong una ang lalaki..
pero nakumbinsi rin siya ni Alice na iyon ang way niya to success dahil nga sa kawalan ng tiwala sa kanya ng sarili niyang mga kapamilya..
at na-reveal na ang babae din ang unang nagplano laban kay Camila..
dahil alam nila na posibleng ito ang magmana ng negosyo ng mga Dela Torre..
iyon rin siguro ang dahilan kung bakit parati siyang naroon sa mga hearing ng kanyang niece-in-law, para patuloy niyang masubaybayan ang mga kaso nito...

so lumalabas na more on personal na paghihiganti ang dahilan ng mga patayan..
at hindi talaga para sa kapakanan ng sindikato...

lumalabas din na tao ni Luciano si Agnes..
at hindi sila magkasundo ni Alice..
at Belladonna ang parang codename ni Alice...

kaso mali ang unang hinala ni Camila..
dahil si Tatiana ang kanyang unang suspek bilang ang Killer Groom...

is feeling , mukhang anak pa yata ni Luciano si Luis ah..? o di kaya eh si Luna...??

---o0o---


December 19, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

medyo nahuli ni Camila ang pagkatakot ng adoptive mother ni Emma mula kay Alice..
though may palusot pa rin ang babae...

so kalahating mabuti at masama ang tatay ni Elias..
masama, dahil kaya niyang gumawa ng masama sa ngalan ng trabaho..
at mabuti, dahil mabuti naman siyang asawa at ama...

tama ang hinala ko (theory #7), na may kinalaman ang magulang ni Elias sa krimen noon..
though hindi pa naman talaga iniri-reveal sa ngayon..
pero tatay lang ni Elias ang sangkot sa kasamaan, inosente pala ang kanyang ina..
lumalabas na ang tatay niya ang totoong target sa pagka-massacre ng kanilang pamilya, na hindi pa rin iniri-reveal ang dahilan..
nagawa nitong lumaban at napatay niya ang killer..
pero dahil kabisado niya ang sindikato, eh pinalabas niya na siya ang namatay that night..
mukhang sinira niya yung itsura nung bangkay, at lumalabas din na sinunog ang mukha nito..
malaki ang pasasalamat niya na pinarusahan niya si Elias noong panahon na iyon, dahilan upang makaligtas ang bata mula sa massacre..
at simula noon ay nagtago na lang siya upang hindi na madamay ang bata sa banta sa kanyang buhay..
pero lingid sa kanyang kaalaman, eh may nakakaalam sa mga kalaban na buhay pa naman talaga siya...

at nadiskubre nga ni Emma na may horseshoes tattoo sa upper chest ang tatay ni Elias..
kaya malaki ang posibilidad na siya ang attacker noon nina Camila at Javier..
mukhang nakaligtas rin siya mula sa imbestigasyon noon ni Camila tungkol sa horsehoes tattoo, dahil nga lumabas na patay na siya...

hindi pa man nari-reveal, pero malaking gulo ang ibig sabihin nito, at least para sa loob-loob ni Elias..
lumalabas kasi na posibleng ang tatay niya ang pumatay noon kay Javier, na kapatid ni Vito na nagsalba sa kanya sa laban ng buhay..
at lumalabas rin na tatay niya ang dahilan kung bakit na-frame-up si Camila sa pagkamatay ni Javier..
at si Camila naman nga ay lalabas na totoong ina ni Emma...

is feeling , so parang forbidden love na naman ang kahahantungan nito...

---o0o---


December 20, 2019...

heto na naman yung panahon na binibilang kung ilang digit lang ang kinikita ko..
ginawa na namang katatawanan yung 4 digits ko, na mas mababa pa sa insurance na binabayaran nung paboritong anak..
ano..?
puwerket nasa 5 at 6 digits sila...??

totoo..
inggit na inggit ako..
pero hindi dahil sa mga kapritsosong kape..
sa mga mamahaling pagkain na hindi naman masasarap..
o sa lahat ng ino-order nila online...

inggit na inggit ako..
dahil walang tumulong sa akin noong kailangan ko ng tulong..
noong panahon na gusto ko sanang sumugal sa larangan na tinatahak ko ngayon..
simula 2010 inintindi ko ang bawat paliwanag na kesyo mahirap lang kami...

hanggang sa nasaksihan ko kung gaano hindi kapatas ang buhay..
kung paanong naglabas sila nang naglabas ng pera para sa taong hindi naman scholar..
kung paanong nagawa nilang magpa-board..
kung paano nila nagawang paulit-ulit na mangutang ng 6 digits para makabili ng mga laptop..
kung paano nila nagawang mangutang ng 6 digits para lang sa board exam..
at isama na pati kung paanong lahat ng non-Jelly Bean na Android phone eh napunta lang at nawala o nasira sa kamay ng taong iyon...

inggit na inggit ako kung bakit kailangan kong kapalan ang mukha ko at manghiram ng pera sa mga taong ni hindi ko nga kadugo..
samantalang kaya nilang ibigay sa iba ang lahat ng klase ng tulong...

tapos ako pa rin 'tong pinarurusahan ng piracy hanggang ngayon..
na para bang nakadisenyo lang talaga ang buhay ko para manatiling mahirap..
na wala akong pwedeng gawin kundi subukan lang na magkaroon ng normal na buhay sa bawat araw na dadaan hanggang sa araw na hindi ko na kayanin...

nakakatawa nga talaga ako...

is 💀 feeling , sino ba namang tao ang kayang mabuhay ng 800 months para lang makatakas sa demonyong bahay na 'to...??

---o0o---


December 21, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

nahuli ni Camila ang adoptive mother ni Emma bago ito makatakas..
kaya tuluyan niya itong binihag upang umamin tungkol sa koneksyon nito sa mga kalaban...

pinili naman ni Emma na ilihim na lang kay Elias ang tungkol sa posibleng katauhan ng tatay nito..
ginawa niya iyon para hindi na masaktan sina Elias at Camila...

ang tatay naman ni Elias ay lately lang talaga na-discover..
si Agnes ang nakaalam na buhay pa talaga ito..
so that means na matagal na rin talagang bahagi ng sindikato si Agnes..
siya ang kumuha nung picture na iniwan kay Elias bilang clue..
at tina-track niya na rin ang nagtatagong lalaki eversince...

pero pumalpak si Agnes sa una niyang attempt sa paglason sa tatay ni Elias..
isang itim na pusa sa halip ang kanyang nalason, kaya nagawang makatunog at muling makatakas ng lalaki...

samantala, kumonsulta si Iking sa isa pa nilang kamag-anak..
sinabi ng babae na mukhang nabuksan na rin daw ang Third Eye ni Iking..
nakakakita na nga siya ng mga kaluluwa..
at binalaan sila ng babae tungkol sa pagbabalik ng mga kaluluwa sa mundo ng mga buhay...

is feeling , ano ba 'to..? nagbabalik paranormal na naman yung konsepto..? baka naman mabuhay pa nito si Luciano..?? tapos gagamit naman sila ng estilo ni Joker sa susunod...