Wednesday, April 16, 2014

August 7, 2013 - Promotor ng Pagka-Bagot

mga bathala..
matanong ko nga..
bakit ba sa tuwing hawak ko na ang lapis ko..
eh saka nyo binibigyan areng kasama ko dine sa bahay ng ideya na tumambay dine..?
huwag na kayong magdahilan na binulungan lang siya ng mga demonyo para buwisitin ako..
dahil hindi naman totoo ang mga demonyo..
yung kabutihan at kasamaan eh konsepto lang yun ng mga tao..
tsaka base sa mga istorya eh dati nyo ring tropa yung lider ng kasamaan..
kaya malamang parehas rin lang talaga kayo...

simula noong ipinanganak yung bunso kong biological nephew..
bale almost 4 years na rin pala ang nakalilipas..
parati na lang ganito ang nangyayari..
pare-parehas kayong malaking basag-trip...

---o0o---


3 days na siyang hindi nag-aaalis sa impiyernong bahay na 'to..
ang malaking tanong, kanino naman kaya siya may atraso ngayon, magkano ang utang niya, kaninong pangalan na naman ba ang ginamit niya para makautang, at saan napunta yung pera..?

nakakapagod na ang garine..
hindi mo mawari kung sinong sunod niyang nanakawan ng pera...

at dahil hindi nga ako makapagtrabaho..
eh pati buhay ni unit01 eh nalalagay ko na sa kapahamakan..
wala yung iPad nung kapitbahay namin eh, kaya walang mapaglibangan..
kaya ayun..
nilagyan ko ang unit ko ng mga software na kailangan sa android emulator..
at anong nangyari..?
sabi pwede daw sa XP..
tas nung ini-install na eh sasabihing minimum of XP Service F*ck 3 ang kailangan..?
amp!
ganito ba talaga ako kamalas..?
eh hindi pa nilahat yung mga XP..
parang nagpaasa pa eh..
gaano ba kalaki ang deperensya ng 3 sa 2..?
tang inang yan...

parati na lang pinaparamdam kung gaano ako kamalas...


No comments:

Post a Comment