Wednesday, April 16, 2014

Dreams - March 8, 2014 (Bangungot)

well, i think i had 2 dreams about her..
not sure if they are connected or not...


yung una eh nakakasura..
bale, wala naman siyang malisya para sa akin noong nakikita ko pa yung eksena sa dream world..
pero noong nagising na ako eh na-realize ko na parang ka-bastos naman nun...

yung eksena kasi eh magkatabi daw na nakahiga nang pa-side yung biological demon sperm donor ko at si Crush doon sa sofa na ginawa ng tulugan nung matanda..
kakarumi na, ano..? (halos spooning na eh)..
noong una eh parehas daw silang nakaharap sa akin, tapos eh magkatabi daw yung mga pisngi nila (amp!)..
tapos noong humiga na daw si Crush nang tuwid doon sa upuan eh lampas daw yung paa niya doon sa arm rest..
naisip ko tuloy na mukhang mas matangkad yata siya sa akin ah..?

parang nawala ako sa room na yun for some time..
tapos may bigla daw sumigaw at naalarma ang lahat, dahilan para magsipuntahan kami sa living room kung nasaan yung sofa (siyempre)..
may natanggalan daw ng kuko..
tas pagdating ko nga doon, eh nakita kong may buhat na baby o bata..
tapos eh mukhang dalawang kuko yung natanggal; yung isa eh napulot na at chini-check, samantalang yung isa eh nasa sahig pa..
sa ganung eksena natapos yung panaginip kong iyon...

---o0o---


doon naman sa isang short na panaginip..
eh mukhang nakakuha daw ako ng kopya nung reggae-inspired na bracelet na gusto sana ni Crush..
masaya naman daw ako na maisip na maibibigay ko na rin yun sa kanya...


No comments:

Post a Comment