(non-journal entry)
successfully missed her for 5 days now...
para akong masokista neto..
kinokontra ko kung ano na yung nakasanayan ko..
ang umiwas na makita ang taong gustung-gusto kong makita talaga..
as usual..
sa address pa lang eh siya na kaagad yung napasok sa isip ko..
kaya mahirap talaga siyang kalimutan...
noong hapon..
halos nakasabay ko sa pag-alis ng bahay yung Toyota nila..
mga quarter to 2:00 PM na yun..
nauna akong lumabas eh..
pero naabutan din nila ako bago pa man ako tuluyang makalabas ng subdivision..
hindi ko masabi kung ako ba yung binusinahan na naman nila twice..?
o yung guard house ba..?
o yung tricycle ba para sa delivery ba ng tubig yung bumusina..?
at hindi ko rin alam kung nakasakay ba dun si Miss Robledo noong mga oras na yun..
bawal pa naman sa kanya na makita ako...
---o0o---
hindi ko sigurado..
pero baka ito na yung pagkakataon na hinihintay ko...
kukunin ko lahat ng data na pwede kong makuha..
sorry..
pero you left me with no choice..
ayaw mo naman kasing makipagtulungan..
itinaboy mo na nga ako, tas ayaw mo pang sagutin yung mga tanong ko..
silence means 'YES' - oo, maganda ngang pakinggan..
pero hindi ako yung klase ng lalaki na nadadaan sa silence..
mas gusto ko na eksakto ang mga sagot sa lahat ng tanong ko, para alam ko naman kung saan ako dapat na lumugar..
kasalanan mo rin naman dahil hindi mo na dapat hinayaan na kumalat pa yung information na yun..
and to think na hinayaan mo pa na isa sa mga biologicals ko ang makasagap ng tungkol dun..
hindi lang talaga ako yung tipo ng tao na basta na lang hinahayaang dumaan ang mga impormasyon nang hindi ko lubusang naiintindihan ang mga iyon...
ang totoo, hindi ko alam kung may mapapala na ba ako sa gagawin ko this time..
halos ipinapahamak ko na ang ibang tao sa sobrang pagka-desperado kong malaman kung anuman ang katotohanan..
totoo, nagiging selfish ako pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa akin..
pero yun lang yung paraan ko para mapatahimik ko ang sarili ko eh..
dahil ang utak ko na mahilig mag-isip eh natural na matakaw sa data...
the last time na ginawa ko 'to..
halos wala rin naman akong nakuhang concrete na information..
may mga statement na masyadong masaklaw para mag-overgeneralize..
pero meron rin namang mga statement na tumutugma sa mga date ko..
at pinaasa lang lalo ako ng mga yun..
kailangan ko lang talaga ng mas concrete na data..
kahit na ano..
kung may makikita akong pangalan dun, edi mas mabuti..
kung malalaman ko na taken ka na, edi mas maige..
kahit na ano..
basta ba ma-verify o ma-nullify ko lang yung hawak kong data..
hindi ko yung ganitong pinanghahawakan ko pa rin yun...
kinakabahan na ako..
bakit ba naman kasi kailangan na sa ganitong pagkakataon ko pa gawin 'to..
i'll be wearing black, at nai-imagine ko na kung gaano kainit yun pamaya...
hay..
kailangan ko pa tuloy mag-aral ngayon kung paano mag-Facebook sa iPad..
may iPad nga dito sa kabilang bahay, kaso wala naman akong Wi-Fi - useless...T,T
anyway..
i hope maging maganda naman ang araw na 'to para sa akin..
yung pakiramdam na 'to na lubos na nagpapahirap sa akin ngayon - i just hope 'It Ends Tonight'..
not necessarily tonight as in 'ngayong gabi'..
but tonight na equivalent nitong darkness na bumabalot sa puso ko...
hindi ko kaya yung ganitong pakiramdam na parang inlove ako sa mismong babaeng nagpapabigat sa damdamin ko..
yung pakiramdam na hindi ko lubusang matanggap na ayaw na ayaw sa akin ng babaeng gustung-gusto ko...
---o0o---
i failed..
ako na mismo yung umayaw at nag-abort sa misyon ko..
na-guilty kasi ako..
and to think na gagawin ko yung bagay na yun sa mismong okasyon ng dati kong bestfriend..
hindi na yun kinaya ng konsensya ko - out of respect na lang...
totoong weakness ko yung mga ganitong sitwasyon..
na parang naiputan ako sa ulo ng isang malaking katanungan..
hindi ko talaga gusto na pinag-iisip ako..
dahil it takes a lot of my time..
ginagawa niya akong idle, at ginagawa rin niya akong iritable..
gusto ko na alam ko lahat ng bagay na patungkol sa akin, lalo na at napahagingan na ako ng konting impormasyon...
oo, na-guilty ako..
dahil sa sobrang desperado ko na i decided to use someone para lang ma-satisfy yung selfish desire ko to know the truth..
but i didn't expect na mauuna akong ma-check ng contact ko bago ko pa mapagtapat sa kanya yung totoo..
kaya nung inamin niya sa akin na alam na niya yung katotohanan, eh nilamon na ako ng hiya ko..
kailangan ko rin kasing i-consider na hindi nga naman sure-ball na makukuha ko na nga yung hinahangad kong sagot by stalking people..
posibleng mayroon nga ulit na mga pahayag dun, pero kung hindi rin naman yun direkta eh mag-iiwan rin lang ulit yun ng iba pang katanungan sa isip ko..
pwede ko ngang isipin na lang na parang naka-public ang privacy setting ng target ko, pero hindi naman ganun yung totoo - kaya kahit saang anggulo ko tingnan, i'd still be invading her privacy..
at hindi ko naman yata mapapatawad ang sarili ko na parang magiging kasabwat ko pa yung taong hinihingan ko ng tulong...
ang hindi ko lubusang maintindihan eh, why would people who know me do their own investigation regarding this matter..
hindi ko kailanman inilabas yung first name ni Miss Robledo para maprotektahan din siya..
(o naging pabaya ba ako at may napalampas ako at hindi na-edit na detalye..?)
totoong madali lang siyang ma-check lalo na at kakilala ako ng taong mag-iimbestiga..
pero to think na talagang may gumawa nun para ma-unlock yung identity nung bata - eh anong rason niya/nila..?
ano bang kinalaman 'nila' sa akin at sa love life ko..?
nalaman ko na lang na marami nang nakakaalam sa totoong identity ni Miss Robledo..
at talagang napag-uusapan pa nila ang tungkol sa mga kabiguan ko ah..
oo masyado akong vocal, kaya nga ako nagba-blog..
oo, sobrang open ko sa Facebook na tipong naipakita ko na sa mga kakilala ko ang itsura nung babaeng gusto ko..
pero gusto ko lang talagang i-express yung sarili ko..
hindi ko akalain na may mga taong nagbe-brainstorming tungkol sa personal kong buhay..
hindi ko tuloy maiwasang maitanong - sino ba ako sa mga buhay nila..?
tama bang pati yung mga sarili kong problema eh kumukuha ng mga oras nila..
hindi ko akalaing kahit sa absence ko eh - nakakaistorbo pa rin ako sa ibang tao (at ilang beses nang nangyari 'to)...
sa lahat ng kakilala ko sa totoong buhay na nagawang i-unlock kung sino man si Miss Robledo..
pwede ba akong humingi ng pabor..?
pwede bang atin-atin na lang yung tungkol sa totoong pangalan at identity niya..?
lilinawin ko lang, hindi ako galit..
hindi ko lang talaga inasahan na maa-absorb nyo ang istoryang 'to sa mga isip nyo..
akala ko pa naman binabasa lang ang mga entries ko ng mga ordinaryong tao at hanggang dun na lang yun..
sorry kung kumakain pa ng mga oras nyo yung mga ganung non-sense na isyu..
(o mas nakakatuwa ba talaga na gawing topic ang tungkol sa kabiguan ng ibang tao..?)
siguro sa susunod mas maganda na pagkuwentuhan nyo na lang yung mga story tungkol sa success at mga happy memories..
hindi ko talaga gustong nagse-share ng mga negative thoughts sa mga tao..
pero ang pagsusulat ko na lang yung tanging outlet ko ng lahat nang hindi ko kayang kimkimin dito sa puso ko..
haaay..
pinagki-kick ko na nga halos lahat sa inyo para hindi na kayo nakakabasa ng mga pangit na balita eh...
at tungkol naman sa next move ko..
(since nabigo nga ako sa pinakahuli kong binalak..)
eh free-style na lang..
mangyari na kung anuman ang mangyayari..
kung mauna man akong mamatay..
o kung mauna kong malaman yung totoo..
o kung mauna akong mapagod sa pagkaka-gusto ko sa Espasol na yun..
o kung maunang bumigay ang katinuan ko..
bahala na nga ang pagkakataon..
bahala na ang mga bathala sa gusto nilang mangyari..
totoong masakit are sa ulo..
pero ano ba namang magagawa ko, eh kung walang gustong magsabi sa akin ng buong katotohanan eh...
sa totoo lang, kung akong masusunod..
gusto ko nang kidnapin yung Espasol na yun..
itatali ko siya sa upuan sa gitna ng madilim na kuwarto..
at tututukuan ko siya nung ilaw na pang-interrogation-mode..
nasa kanya na lahat ng option..
pero bakit ba ayaw man lang niyang magbigay ng sagot para matapos na ang lahat...
No comments:
Post a Comment