February 18, 2017...
may na-formulate na akong specs ng desktop..
hindi ko lang alam kung compatible sa isa't isa...
bale:
- Generation 6
- kahit na anong compatible na mother board
- 64-bit operating system
- Intel Core i5 or i3 na kayang pumalo ng 2.2 GHz or above
- 16 GB RAM
- ASUS video card na nasa 2GB ang speed (basta may sariling fan)
- 600 W na power supply (na kailangan ay may brand)
- 1 TB Seagate or Western Digital HDD, mas okay kung may SSD
- 14 inch monitor (sacrifice na 'to)
- at may brand na UPS na AVR na rin
kaso, mukhang na-stuck ako sa Php 26,000..
hindi pa rin mai-transfer yung Php 2,000 eh, at wala ring update tungkol sa mga taga-ibang bansa...
ang isa pang concern ko..
parang nasa turning point na ulit ang computer technology..
kung mapapatunayan kasi nila na mas matagal ang life span ng Solid-State Drive kumpara sa Hard Disk Drive eh malamang na burahin na rin ang konsepto ng hard disk sa mga susunod na panahon..
gaya ngayon, may nakikita na akong 250 GB na SSD, hindi magtatagal at mahahabol na nila ang average capacity ng HDD, as proof eh ultimo mga SD Card at Flash Drive ay may pumapalo na sa TB ang capacity...
ang masama kasi sa improvement ng technology ay..?
kapag ang inabutan mo ay yung bago pa lang na teknolohiya, eh usually mas malaki yung kailangan mong bayaran for that..
pero once na common technology na lang siya, or may umuusbong na naman na mas bago, eh saka mo mare-realize na kesyo "hala, eh pwede naman pala yung ibenta sa mas murang halaga"...
was feeling , basta huwag sa OJT ipapa-assemble para hindi grounded...
---o0o---
February 19, 2017...
hala!
anong nangyari..?
3 o 4 na beses ko na yatang hindi nakikita si Emoji-Girl tuwing nag-go-grocery ako...
baka inilapat na siya sa ibang branch...??
was feeling , nakakalungkot naman...
>
ayun, nadagdagan yung nai-remit sa akin na pera..
umabot na ako ngayon sa Php 27,000..
kaso, doon kasi sa budget na Php 30,000 eh hindi kasama dun yung pambili ng UPS..
ang plano ko kasi eh ipapakiusap at isusumbat ko na yung isang yun sa biological mother ko, para lang tumulong siya kahit na papaano..
ang problema..?
noong napag-usapan namin kanina yung tungkol sa Php 100,000 na inutang niya by late January, eh ayun daw at naubos na... :(
isa pang medyo naging gusot..?
ang kabilin-bilinan ko kasi sa mga blood relatives na nilapitan ko ay secret lang dapat yun..
para nga hindi malaman nung mapanira kong biological brother..
kaso eh yung katiwala (parang pamilya na rin) sa bahay nung mga nasa North America eh naulit sa blood aunt ko na para sa akin yung pera..
ewan ko lang kung gaano karaming detalye yung nalalaman nun, na nasabi niya sa blood aunt ko..
ang nangyari tuloy..?
sa halip na Php 9,000 lang yung matatanggap ko galing sa kanila, eh biglang naging Php 10,000..
ang sabi ng blood cousin ko eh mukhang naawa daw yung blood aunt ko kaya nagdagdag siya ng pera na ipinadala para sa akin..
bukod pa dun, eh mukhang ginawa niyang free of charge yung transaction na yun para sa remittance...
kaso nag-aalala ako..
kapatid kasi yun ng biological mother ko, kaya baka masabi niya sa mga biologicals ko na lumapit ako sa angkan nila para humingi na ng tulong...
kaso ayun rin nga..
Php 10,000 short pa rin yung pondo na nasa akin, kaya hindi ko pa ma-claim yung Php 20,000 mula doon sa money remittance...
was feeling , Php 3,000 short...
---o0o---
February 20, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
nag-meeting rin kaagad sila that same morning, kasama si Mr. A..
muli namang nagpasalamat ang buyido sa pagpapatuloy sa kanya ni Amanda sa bahay nito..
may nakita kasi siyang bahay na posible nilang magamit para i-recreate yung ancestral house ni Andres..
kaso nasa Php 20 Million yung presyo nun..
kung para naman daw sa kabutihan ni Gloria eh pwede namang abonohan muna yun ni Mr. A..
pero masyado daw mahal yung 20M, lalo na at kailangan pa rin nilang ipaayos yung bahay..
ayaw ni Amanda na magpatulong sa biyudo..
inulit naman ni Mr. A na gagawin niya ang lahat para kay Gloria, kaya pag-isipan daw muna nilang magkakapatid yung alok niya, at umalis na muna ang nakatatanda...
sa simbahan naman dumiretso si Mommy Glo kasama ang bestfriend niya..
ipinagdasal niya na sana ay matutong magmahalan ang kanyang mga anak, na magkaroon si Mareng Lydia ng magandang kalusugan, na sana ay hindi niya makalimutan yung pagmamahal niya para kay Peter..
pero kung sakali daw na maging ang diyos ay makalimutan na niya, ay sana daw ay hindi siya makalimutan nito...
balik sa usapan ng magkakapatid..
inulit ni Lizelle na kusang-loob yung alok ng kanyang ama..
pero sinabi ni Amanda na hangga't maaari ay ayaw niyang humingi ng tulong kay Mr. A..
wala daw masyadong maiaambag si Andrei..
wala na rin daw pera si Paeng dahil nakasamang nasunog ng bahay nila..
basta sabihan na lang daw nila si Lizelle kung magkano ang kailangan..
mukhang kailangan na rin daw sabihin ang mga plano nila kay Mommy Glo para hindi na ulit ito magalit sa kanila...
that night, aligaga pa rin si Mommy Glo dahil sa ayos ng bahay ni Amanda..
sinabi na tuloy ni Amanda na balak na nilang ibili ng bahay ang kanilang ina, kaso ay kulang pa ang kanilang pera..
naulit naman ni Mommy Glo na marami siyang pera, pero para daw yun sa medikasyon niya ang sagot ng kanyang panganay..
sinabi na tuloy nito na plano na nilang ibenta yung lote at junk shop nila sa San Ildefonso, kung papayag ang kanilang ina..
halatang naguluhan si Mommy Glo nang marinig niya yung plano ng kanyang mga anak...
kaagad ipinatawag ni Gloria si Peter sa bahay ni Amanda..
nalilito na daw kasi siya sa pagdedesisyon eh..
nagpaliwanag naman nang ayos ang kanyang manliligaw, sinabi nito na hindi na siya makakabalik sa dating bahay niya sa San Ildefonso..
pero na kay Gloria daw ang desisyon, at igagalang yun ng mga bata kahit na ano pa yun...
early that morning, nilapitan ni Gloria si Amanda..
nagbigay siya ng written consent na nagsasabi na pumapayag na siyang maibenta yung mga ari-arian nila sa San Ildefonso..
tapos ay niyakap niya ang kanyang panganay...
bumisita naman si Amanda sa puntod ng ama nilang si Andres, para maglabas ng sama ng loob..
hindi daw pala niya kaya na maging magulang para sa pamilya nila..
gusto daw niyang maging malakas gaya ng Papa niya..
para kasi sa kanya eh si Andres yung pinakamalakas na tao sa mundo, kasi nagawa niyang tanggapin si Gloria kahit na alam nito na nagkasala ito sa kanya, para lang mabuo ang kanilang pamilya (proof na malaki ang respeto ni Amanda para sa kanyang ama)..
sorry daw kung ibebenta na nila yung ari-arian ng kanilang ama, pero para naman daw yun sa kanilang ina..
siya daw ang mag-aalaga kay Mommy Glo, at hindi niya hahayaan na ibang tao ang gumawa nun, lalo na si Peter...
pagkauwi ni Amanda, si Lizelle ang dinatnan niya..
nagkakumustuhan tungkol sa bentahan, at nasa Php 5 Million daw yung napagbentahan ng lote at junk shop, pero kulang pa daw yun..
naulit tuloy ng bunso na hindi naman daw talaga isyu yung pagbabayad ng bahay eh, ayaw lang daw talaga silang mag-ama na patulungin ni Amanda..
kung gagawin daw kasi yun ng panganay ay parang binastos na rin niya ang kanyang ama na si Andres..
at nauwi sa pagtatalo yung usapan ng mag-ate..
pero narinig sila ni Mommy Glo, nagising ito at napabangon tuloy..
subalit ay mali ang paraan ng pagbukas nito ng pinto, yung may door knob na pinto ay inakala niyang sliding door na gaya ng sa bahay nila..
na-frustrate siya sa pagbubukas nun, hanggang sa nagsisigaw na siya para humingi ng tulong, hanggang sa hiningal na siya nang hiningal..
kaagad namang sumaklolo yung mag-ate, at tumawag sila ng doktor...
pagdating ng rumespondeng mga tao..
ipinagbilin ng doktor na dapat ay may open air para sa pasyente..
mataas rin daw ang BP nito, kaya pinainom nila ito ng gamot..
after 15 minutes ay bumaba naman na ang BP ni Mommy Glo..
ibinilin rin ng doktor na kailangan nito ng physical activities para maiwasan ang pagtaas ng presyon nito..
humingi naman ng tawad si Mommy Glo kina Lizelle at Z dahil nakakaabala na daw siya para sa mga ito...
dumating na sina Andrei at Paeng..
napasugod rin si Peter, at pinadiretso na ito ni Amanda sa kuwarto ng ina..
napag-usapan ng magkakapatid na kailangan na talaga kaagad nila ng bahay para kay Mommy Glo..
naulit tuloy ni Andrei na bakit hindi pa nila tanggapin yung alok ni Mr. A..?
sinabi naman ni Lizelle na pamilya rin nga naman siya, kaya bakit hindi siya pwedeng tumulong..?
makakatulong nga daw na malaman ng kanilang ina na nagmamalasakit sila para sa kanya, pero malaki pa rin daw ang maitutulong nung physical environment niya para sa pag-handle ng kanyang sakit..
naulit ni Andrei na nasubukan na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa para sa kanilang ina..
pero sana daw ay pumayag na sila sa alok na tulong ni Mr. A, mabuti nga daw at may ibang nagmamalasakit para kay Mommy Glo eh..
kailangan na daw nilang aminin na kailangan na talaga nila ng tulong...
was feeling , naman! ang tagal nang walang exposure ni Waywaya...?
---o0o---
February 21, 2017...
nice!
hindi naman pala nawala si Emoji-Girl..
ewan ko kung bakit wala siya madalas..
siguro mina-manage na nung supermart yung schedule ng mga tauhan nila, hindi na kasi sila full-force gaya ng dati eh..
pero mabuti na lang at nandun pa rin nga siya... :)
was feeling , dapat talaga may at least 1 cute na babae sa bawat establishment...
>
[TV Series]
The Greatest Love
kinausap ulit ni Mr. A si Amanda..
gusto naman daw talaga ng panganay na ilipat na ng bahay si Mommy Glo, pero malaking pera kasi yung pinag-uusapan nila..
kaya ipinakita ng biyudo yung 2nd option nila, mag-lease na muna, at saka bilhin yung bahay kung okay na talaga..
hindi daw maglalabas ng pera si Mr. A..
at pumayag na nga dun si Amanda...
pagbalik ng 2 sa kuwarto ni Mommy Glo..
sinabi nga nila na lilipat na ng bahay ang pasyente..
ipinakita nila yung pictures, at mukhang masaya naman si Mommy Glo...
tulung-tulong ang mga kakilala ni Mommy Glo sa paglilipat at pag-aayos nung bahay, pati si Mareng Sabel ng Zumba-Chi (maliban kina Chad na nasa ibang bansa, at kay Mareng Lydia)..
biniro naman nina Andrei at Ken si Lizelle na sagutin na daw kasi nito si Sandro..
may swimming pool rin yung nakuha ni Peter na bahay para sa pasyente..
tuwang-tuwa si Mommy Glo na makita silang lahat doon, ipinagyabang pa niya na kilala niya silang lahat, pero napagbali-baliktad niya yung pangalan nina Sabel, Bangs, Tigs, at Pogs...
bago kumain, naipaalala ni Bangs na napagbaliktad ni Mommy Glo yung pangalan nila ni Sabel, at sinabi naman ng matanda na tanda niya yung mga pangalan nila (tama na nga this time)..
nalulungkot naman si Amanda na wala ng wedding picture ang ama't ina nila..
wala na kasing natirang kopya, at nawala na rin yung mga film noong ibenta ang studio ng Lolo nila..
nagpasalamat si Amanda kay Mr. A para dun sa bahay..
at bigla namang naalala ni Mommy Glo na ipakilala si Peter kay Mareng Sabel niya, na parang hindi pa rin maganda ang dating kina Amanda at Paeng...
nagustuhan daw ni Mommy Glo yung bagong bahay niya dahil malaki at presko..
sasamahan muna daw siya doon nina Amanda at Z habang wala pa si Chad..
wala namang bahay si Paeng, kaya doon na rin muna ito titira..
naulit naman ni Peter na kung gusto ni Gloria ay pwedeng doon na rin muna tumira si Lizelle..
pero hindi na daw dahil may mga sariling buhay na ang kanyang mga anak, lagi rin naman daw nag-aaway-away ang mga ito sa tuwing magkakasama sila eh..
prangka yung pagkasagot ni Mommy Glo..
nag-sorry naman si Paeng..
sinabi naman ng kanilang ina na wala naman kasi siyang magagawa dahil hindi niya hawak yung mga damdamin nila..
pero sana daw ay magkaayos-ayos pa rin ang mga ito bago man lamang tuluyang mawala ang kanyang alaala o bago man lamang siya mamatay..
ang isa pang request ni Mommy Glo ay apo mula kay Andrei, at nagkabiruan tuloy sila...
matapos ang kainan..
sinadya ni Lizelle si Sandro..
nag-sorry ito dahil lagi na lang naaantala yung mga plano ni Sandro para sa buhay niya nang dahil sa kanila..
sinabi naman ng binata na huwag itong mag-sorry, dahil si Lizelle na ang buhay niya, ginagawa naman daw niya yung mga bagay na yun para rin sa sarili niya eh..
sinabi niyang mahal na mahal niya si Lizelle, at bigla naman siyang hinalikan ng dalaga..
ibig ba daw sabihin nun na sinasagot na niya si Sandro..?
oo daw, at napasigaw tuloy si Sandro dahil sa sobrang tuwa niya..
napasugod tuloy sina Mommy Glo at ang iba pa sa labas ng bahay dahil sa pag-aakala na may kung anong nangyari..
noong una ay tuwang-tuwa lang si Sandro na nagkukuwento na sinagot na kasi siya ni Lizelle, pero bigla siyang nahiya nang ma-realize niya na kaharap na niya yung mga magulang nung dalaga..
naging seryoso siya at ipinangako sa mga magulang ni Lizelle na aalagaan niya ito..
nagbiro tuloy si Andrei na kay Lizelle na lang humingi ng apo si Mommy Glo..
tanggap naman si Sandro nina Peter at Gloria, pero pabiro siyang sinampal ni Mr. Alcantara..
maging sina Amanda at Paeng eh nakikingiti naman...
dahil mukhang okay na daw ulit si Mommy Glo, natanong ni Paeng kung pwede bang humanap na ulit siya ng gig..?
nasabi naman nina Amanda at Andrei na mas maganda kung babalik siya sa pag-aaral, para mas maraming opportunity para sa kanya sa music industry..
pero kailangan daw ng tuition nun, kaya nag-suggest sina Ken na mag-working student si Paeng..
inalok nila ni Andrei ng trabaho si Paeng, pero tumanggi na muna ito at susubukan daw muna na sa iba maghanap ng trabaho..
(ewan ko kung nahihiya lang ba siya dahil sa panunumbat niya dati dun sa 2, o kung asiwa pa rin siya sa kabaklaan nung 2)...
okay na yung kuwarto ni Mommy Glo..
halos kagaya nga yun ng dati niyang kuwarto, tapos ay nilagyan na rin nina Z ng label para maging guide ng Mommy La niya..
saglit na dumaan si Peter para magpaalam kay Gloria..
after that, naulit ni Mommy Glo na ambait talaga ni Z, kaya sinabihan niya si Lizelle na sana ay ganun din kabait ang ibigay nitong apo sa kanya..
napasagot naman ang dalaga na hindi pa naman sila ikakasal ni Sandro, at aksidenteng nabanggit na hindi niya uunahan ang ama't ina niya sa pagpapakasal..
bigla tuloy may mga naalala si Mommy Glo na ilang detalye tungkol dun sa kasal, yung mas luma..
at gaya ng isinagot niya dati, sinabi niya na hindi pa naman sila ikakasal ni Peter dahil hindi pa nagpo-propose sa kanya yung lalaki...
was feeling , hala! hindi rin kasama si Y sa paglilipat...?
>
[TV Series]
Ang Probinsiyano
Kuya Cardo, how to be you po...??
ang lupit talaga..
ni hindi niya na kailangan ng Hokage moves..
siya na mismo ang iniisahan ng babae para lang madala sa motel..
at hindi lang peasant na babae yun - kundi certified chick..
ganun yung mga pangarap ko eh, yung ako ang kusang re-rape-in ng magandang babae, LOL!
idol talaga...
was feeling , pero bad influence yung pagiging vigilante niya...
---o0o---
February 22, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
nagtaka nga si Lizelle sa nasabi ni Mommy Glo na hindi pa nagpo-propose si Peter..
natanong tuloy siya ni Z kung paano kung mag-propose na sa kanya si Mr. A, at gaya ng sagot niya noon kay Mareng Lydia, ay magpapakasal nga daw siya kay Peter...
dahil dun ay minabuti ni Lizelle na kausapin ang kanyang mga kapatid..
kailan ba daw nila ipapaalala kay Mommy Glo yung tungkol sa kasal..?
gusto lang kasing umiwas ni Lizelle na malaman o maalala rin ito ng kanilang ina sa ibang paraan, dahilan para sumama muli ang loob nito..
untik na daw kasi siyang madulas, at nasabi naman ni Paeng na baka sinasadya niyang ipaalala na yun sa kanilang ina..
sinabi naman ni Andrei na sana ay maikasal nga si Mommy Glo kay Mr. A habang hindi pa ito tuluyang nakakalimot..
mukha naman daw positive yung naging pagtanggap ng kanilang ina sa bagong bahay nito, kaya hayaan na muna daw nilang makapag-adjust ito..
at sinang-ayunan nga ang panganay ni Paeng, na kesyo huwag daw atat yung 2 tungkol dun sa kasalan, dahil darating rin sila dun...
naisip pala ni Andrei na ipatadtad na ng labels yung buong bahay, pati para sa direksyon eh meron na..
bigla namang naging aligaga na naman si Mommy Glo, may hinahanap siya na hindi niya maalala kung ano (i guess yung singsing)..
ipinaliwanag naman ni Amanda kay Z na normal lang na hindi makapag-adjust kaagad ang kanilang pasyente on that same day ng kanilang paglipat..
pinagpahinga na ni Amanda ang kanyang anak..
pero libot nang libot si Mommy Glo sa buong bahay, naghahanap ng random object at ibinubulsa ang mga yun..
(may ganun na ring habit yung blood aunt ko)..
antok na si Amanda pero patuloy pa rin ang pagbabantay niya sa kanyang ina..
hanggang sa naupo na ang pasyente at inilagay sa mesa lahat ng mga nakolekta niyang bagay...
si Ate Melba ang naka-assign kay Mommy Glo sa umaga..
kaya ibinilin sa kanya ni Amanda na ilista sa isang notebook yung mga maoobserbahan nitong behavior ng pasyente..
masaya naman ang gising ni Mommy Glo, excited na naman siya dahil darating si Peter..
naligo siyang mag-isa, pero nagulat ang lahat dahil nagsisigaw siya, nanakit kasi ang mga mata niya dahil nasilam siya..
untikan pa siyang mahulog sa hagdanan..
at iginigiit pa niya na tapos na siyang magbanlaw..
kaya tinulungan na siya ni Amanda sa paliligo, at nagulat ito sa nagawang kalat ng pasyente sa banyo..
apektado pa rin ang trabaho niya dahil sa pag-aalaga sa kanyang ina..
matapos mapaliguan nang ayos si Mommy Glo, sinuotan niya ito ng parang bracelet na may basic information niya..
dahil dun ay may konting naalala si Mommy Glo sa ginawa niyang proposal kay Peter..
nagpasalamat siya sa pag-aalaga ni Amanda sa kanya, at pati sa pagtanggap nito dun sa biyudo..
sinabi naman ng panganay niya na gagawin nito ang lahat para sa ikaliligaya niya...
si Paeng naman eh hirap na humanap ng trabaho, parati kasi siyang hinahanapan ng experience eh..
kaya naisip niyang tawagan na ang Kuya Andrei niya..
bukas pa nga daw ang hiring para sa coffee shop nila ni Ken, at dumiretso na lang daw doon si Paeng..
parang napilitan na desperado lang yung itsura ng dating black sheep...
binisita na nga ni Peter si Gloria..
tama daw ang sinabi noon ng biyudo, na hindi puwerket nasunog na yung bahay niya ay wala ng dahilan para maging masaya siya, dahil masaya daw siya sa bago niyang bahay..
napansin rin ni Peter yung bagong habit nga ng pasyente na nanlilimot ng kung anu-ano..
hanggang sa inalis na ng babae yung bracelet niya..
isinuot naman yun ulit ng lalaki sa kanya, at dahil dun ay naalala na niya nang husto yung ginawa niyang proposal..
napatanong naman siya na nasaan yung ribbon na singsing na ginawa noon ng biyudo..?
nakuha na ni Peter na nakaalala na si Gloria, at hinalikan na lang niya ito sa kamay, na nag-trigger pa ng karagdagang memories..
kung ganun daw ay ikakasal na sila..?
pero ano daw ang nangyari, bakit hindi daw yun natuloy, at bakit hindi ipinaalala sa kanya ni Peter ang tungkol dun..?
yung sunog daw yung dahilan, sinisi tuloy ni Gloria ang sarili niya, pero sinabi naman ng lalaki na aksidente lang yun..
at naalala rin nga ni Gloria yung narinig niya na si Amanda ang pumigil noon sa proposal ni Peter..
wala nang nagawa si Peter kundi ang umamin..
pero tapos na daw yun, ang mahalaga daw ay masaya na si Gloria..
anong masaya daw, yung masaya dahil sa maling paniniwala..?
nasabi tuloy ni Gloria na walang pinagkaiba si Peter sa kanyang mga anak..
nagtampo si Gloria sa kanyang mmanliligaw at sinabihan ito na umalis na...
was feeling , wala pa rin talaga si Y...?
>
nakapag-inquire na ako doon sa 2 kilalang bentahan ng mga kalakal..
sila kasi yung mas madaling option ko sa halip na ako pa yung gumawa ng sariling online store ko...
bale, doon sa mas malaki ang market ay 50% ang commission nila sa sales..
doon naman sa mas bago ay nasa 40% lang ang commission..
pero may kakilala akong artist na merong sariling store, at ginagamit rin niya yung market nung 2 website...
bukod dun, kakailanganin ko na ulit ng bagong PayPal account, at isa pang account ng pera na ili-link dun...
was feeling , kakailanganin ko na yata ng karagdagang IDs...
---o0o---
February 23, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
dahil sa tampo, pumasok na si Gloria sa loob ng bahay at pilit na pinaalis si Peter..
naiwan naman si Ate Melba para i-comfort ang pasyente..
pero bago tuluyang umalis ay t-in-ext ni Peter si Mareng Lydia na puntahan muna nito si Gloria...
distracted si Amanda sa pagtatrabaho, hindi kasi nagre-reply si Ate Melba sa mga text niya..
may meeting pala sana sila ni Alvin with some potential clients..
nagpaalam siya sa kanyang business partner kung pwedeng tawagan niya muna si Ate Melba..
at nalaman nga niya na busy ang kasambahay sa pagpapatahan sa kanyang ina, nagalit daw kasi ito kay Mr. A eh..
dahil sa sobrang pag-aalala ay ipina-cancel na muna ni Amanda yung meeting nila para umuwi, at nadismaya na naman si Alvin...
sa coffee shop..
kinumusta ni Andrei ang ina kay Paeng..
hindi pa nga daw mabuti, at naikuwento nga ni Paeng yung nangyari noong umaga lang..
okay naman si Ken kay Paeng dahil may experience na pala 'to sa pagwe-waiter..
ipinakilala niya ito sa mga makakatrabaho niya, at nasurpresa nga siya nang tawagin siya na Tito Pards ni Y..
naulit naman nina Andrei na kaibigan ang dalagita ni Z..
nasabi tuloy ni Paeng na mukhang bagay nga yung 2 bata, na tinugunan naman ni Y na kesyo mukhang magkakasundo daw sila..
pabiro namang nasabi nina Ken at Andrei na mukhang magkakasundo nga sila, dahil parehas silang bargas...
nagkausap sina Peter at Lizelle tungkol sa nangyari earlier..
naalala nga daw ni Gloria ang tungkol sa kasal nila, pero nagalit ito na hindi kaagad ito sinabi ni Peter sa kanya..
pero sinabi naman ni Peter na hindi siya papayag na hindi matutuloy yung kasal nila ng ina ni Lizelle..
dahil dun ay si Lizelle naman ang nagpatawag ng meeting para sa kanilang magkakapatid...
dumating na si Mareng Lydia..
kaagad itong humingi ng tawad sa kanyang bestfriend dahil hindi nila ipinaalala yung tungkol sa kasal..
kapakanan lang naman daw ni Gloria ang iniisip nila ni Peter eh, kaya sana daw ay hindi na ito magalit sa kanila..
sinabi naman ni Gloria na hindi siya galit sa kanilang 2, pero kay Amanda siya galit..
dumating na rin si Amanda sa pag-aakala na may ginawa si Peter sa kanyang ina..
pero nagulat siya nang sa kanya mabaling ang paninisi ni Mommy Glo..
totoo ba daw na pinigilan nito ang proposal noon ni Peter..?
sinubukang awatin ni Mareng Lydia si Mommy Glo, pero kailangan daw nilang mag-usap ng panganay niya..
bakit ba daw ito tutol sa kasalan nilang 2..?
dahil ba daw yun sa Papa nilang si Andres..?
dahil pa rin ba daw yun sa naging kaugnayan nila noon ni Peter (yung aksidenteng pagtataksil)..?
naiyak na si Amanda, pero oo daw..
dahil hindi daw madaling tanggapin na ikakasal siya sa lalaking yun..
sinusubukan naman daw ni Amanda eh, kaya nga daw niya pinakikisamahan si Peter..
inulit naman ni Mommy Glo na mahal niya yung biyudo..
naiintindihan daw yun ng kanyang panganay, kaya nga daw hinahayaan naman niya silang magkasama eh..
ang request lang daw niya ay huwag na lang sanang pakasalan si Mr. A, at huwag palitan si Andres..
naalala tuloy ni Mommy Glo ang parati niyang pagpili at pagsasakripisyo para kay Amanda simula noong nasa sinapupunan pa niya ito..
lagi na lang daw siya ang pinipili ng kanyang ina..
natanong naman ni Amanda kung anong ibig sabihin ni Mommy Glo..?
pero inawat na sila ni Mareng Lydia, sinabihan nito ang kanyang bestfriend na saka na lang ulit sila mag-usap kapag kalmado na sila..
bago tuluyang tumigil, inulit pa ni Mommy Glo na magpapakasal pa rin siya kay Peter sa ayaw man o sa gusto ni Amanda..
pero bilang panganay daw niya, ay malaking bagay kung makukuha niya ang pahintulot nito..
after that eh saka nabasa ni Amanda yung text tungkol sa meeting nila...
sinabihan naman ni Mareng Lydia si Gloria na mabuti daw at pinili nito na ipaglaban na si Peter this time..
dumating rin si Z, at nabanggit nga nito sa kanyang Mommy La na Bio ang balak niyang kunin sa kolehiyo..
at saka nga siya magtutuloy sa Brain Med para maalagaan niya ang kanyang lola...
nang makumpleto ang 4 na magkakapatid ay kaagad sinalubong ni Amanda ng kanyang yamot si Lizelle..
bakit ba daw kailangan ng tatay nito na ipaalala kaagad kay Mommy Glo yung tungkol sa kasal..?
at ipinaliwanag nga ni Lizelle na hindi yun sinabi ng kanyang ama, bagkus ay kusang naalala ng kanilang ina..
ayaw naman maniwala ni Amanda sa paliwanag ng kanilang bunso..
pero inawat na muna sila nung 2 lalaki, sa labas na daw sila mag-usap-usap para hindi na sila marinig ng pasyente..
kung ganun ba daw ay galit na ulit ito sa kanilang 4..
pero hindi daw, kay Amanda lang daw 'to galit sa hindi malamang dahilan ng panganay...
after that..
sinubukang alalayan ni Amanda si Mommy Glo sa paliligo, pero ayaw nitong magpatulong sa kanyang panganay dahil sa galit niya..
pero hindi ito iniwan ni Amanda, natawag pa tuloy siya ng ina na 'makulit'...
nang muling bumisita si Peter sa bahay ni Gloria..
kaagad siyang sinalubong ng galit na si Amanda, bakit daw nito isinumbong kay Mommy Glo na siya yung pumigil noon sa proposal..?
pero ipinaliwanag ni Peter na hindi niya ginawa yun, na wala nga siyang balak na sabihin pa yun sa pasyente..
pero sinumbatan lang siya ng panganay ni Gloria, parehas lang daw sila ng anak niyang si Lizelle..
at nakiusap naman si Peter na huwag nang idamay sa usapan nila ang kanyang anak..
oo daw, ang dami na ng utang na loob ni Amanda kay Mr. A dahil sa lahat ng ginagawa nito para sa kanila, at nagpapasalamat daw siya para sa lahat ng yun..
pero kailangan pa daw na ang kanilang ina ang maging pambayad-utang nila..?
hindi naman daw ipinamumukha ng biyudo sa kanila ang lahat ng itinulong niya sa pamilya ni Gloria..
gusto lang daw niyang tulungan si Gloria, dahil mahal niya ito, at ayaw na niyang may pagdaanan pa itong muli sa kanyang buhay..
ano daw ang ibig sabihin ng lalaki dun..?
ano daw yung sobra-sobra nang pinagdadaanan ng kanilang ina..?
tungkol ba daw yun kay Amanda, o tungkol sa ama nilang si Andres..?
at medyo hindi na nakapagtimpi si Mr. A..
totoo daw na hindi madaling kalimutan yung nagawa nilang aksidenteng kasalanan noon..
muntik na nga daw nilang masira yung pamilya nina Amanda, pero si Andres daw..
at yun nga, hindi magawang ituloy ni Peter yung gusto niyang sabihin sa panganay ni Gloria...
yung pakiramdam na andami mo nang isinakripisyo para sa anak mo..
kahit na bunga pa siya ng rape..
pero hindi niya maibigay sa iyo yung kaligayahan na matagal mo nang inaasam..
dahil lang sa nabulag siya sa katotohanan, at inakala niya na perpekto yung ama na tinitingala niya...
was feeling , sa wakas lumabas na rin ulit si Y...
>
mukhang hindi pala ako aabot sa February ah...
last week pa yung Php 2,000 na yun..
at sinabi ng mga taga-North America na may ipinadala na rin silang tulong...
pero bakit walang update na umaabot sa akin...??
was feeling , 5 days left...
---o0o---
February 24, 2017...
[Anime / Manga]
ang world of Hunter X Hunter..
para siyang malawak na view ng universe, pero isang planeta pa rin lang 'to..
ang equivalent ng human world ay yun lamang mga kontinente na nasa gitna ng lake..
interesante ang storyline niya, lalo na yung tungkol sa Dark Continent at kung gaano kalalakas ang mga nilalang sa labas ng mundo ng mga tao kumpara sa mga Nen users...
— feeling , ipa-Planet Destroyer lang 'to ni Freeza o Cell eh...
>
okay na yung pondo..
kumpleto na, sakto..
hindi ko pa lang mahawakan yung Php 10,000...
nakialam na kasi yung blood aunt ko, kaya inambagan na niya yung mga kulang..
sana lang talaga eh hindi niya masabi ang tungkol dito sa kapatid niya at sa pangalawang anak nun..
or else eh giyera na naman yun dito sa bahay..
malas pa kapag sinira nung isa yung bibilhin kong computer ng dahil lang sa walang kuwentang pride nila..
baka mamaya eh magbayad pa ako para sa wala...
brownout naman sa Monday nang maghapon daw..
(f*ck! hindi na naman pala ako makakapanood ng The Greatest Love)..
kaya sana maraming magpadala ng pera this weekend..
para makabili na ako ng Unit 02 sa Lunes...
was feeling , kailangan kong maging matapang para sumugal...
>
[TV Series]
The Greatest Love
ano daw yung tungkol sa Papa ni Amanda..?
naalala ni Peter ang pangako niya kay Mareng Lydia, at kay Gloria na rin, kaya mas pinili na lang niyang magpalusot..
si Andres daw kasi ang pinili ni Gloria, silang mga anak niya ang pinili niya para sa kanilang pamilya..
hindi pa ba daw sapat yun..?
hindi daw susukuan ni Mr. A sina Amanda at Paeng..
eh bakit ba daw importante pa para sa biyudo na matanggap nila siya kung gusto lang nitong maikasal sa kanilang ina..?
dahil daw mahal sila ni Gloria, at mahal niya naman si Gloria, kaya importante na rin para sa kanya silang mga anak nito..
kailangan daw nilang matanggap na dahil kay Gloria ay bahagi na sila ng buhay ng isa't isa...
dumating si Mareng Lydia at nakitang nag-uusap ang dalawa at nagpapahid ng mga luha nila..
ano ba daw ang napag-usapan nila..?
habang nasa loob ng bahay, ay nasabi naman ni Amanda sa larawan ng kanyang ama na tama si Mr. A - na hindi na niya ito maaalis sa buhay ng kanilang ina..
balik sa usapan nung 2 matanda..
hindi daw sinabi ni Peter yung tungkol kay Andres, hindi daw niya maatim na masira ang buhay ni Amanda ng dahil dun..
gusto daw niyang matanggap siya ng mga anak ni Gloria nang hindi isinasakripisyo si Amanda..
sinabi naman ni Mareng Lydia na balang araw ay matatanggap rin siya ng mga bata..
hindi na tumuloy si Peter sa pagbisita kay Gloria, ayaw daw niyang makita siya ng pasyente na maraming bitbit sa kanyang loob...
malungkot si Mommy Glo na paikot-ikot sa kuwarto niya..
ibinilin na muna siya ni Amanda kay Mareng Lydia..
nasasaktan daw siya na hinahayaan lang siya ng lahat na makalimot..
gusto daw niyang magkabati-bati ang mga anak niya, pero gusto rin niyang makasal kay Peter, hindi ba daw pwedeng matupad yun parehas..?
sinabi naman ni Mareng Lydia na mangyayari rin yun, at pinakalma na ang kaibigan...
nag-aayos si Mommy Glo ng kanyang mga tansan..
sinubukan siyang tulungan ni Amanda pero kaagad siyang umiwas..
si Z na lang tuloy ang tumulong sa kanyang Mommy La...
dumating sina Andrei at Paeng kasama si Y, at may pasalubong itong cake para kay Mommy La..
nagulat si Z nang makita ang dalagita, at medyo nagtaas ng kilay si Amanda..
parang nakikilala daw ito ni Mommy La, at naalala nga niya na si Y ang Special Girl ni Z..
lalo tuloy nagtaas ng kilay si Amanda..
nagdala ng dinner si Lizelle, niyaya ni Mommy La si Y, at pumayag na rin nga ito dahil sa pag-i-invite rin ni Z...
halatang iniiwasan na naman ni Mommy Glo ang kanyang mga anak nang makumpleto ang mga ito..
nanginginig na rin siya sa paghahawak ng mga bagay-bagay..
naisipan nitong interview-hin si Y..
panganay daw ang dalagita at may 2 pang kapatid na bata..
para daw pala itong si Amanda, panganay rin..
nagbilin tuloy si Mommy Glo na kahit na makukulit ang mga kapatid niya ay dapat na mahalin pa rin niya ang mga ito, dahil kapag nawala daw ang kanilang mga magulang ay sila-sila ang magtutulungan..
parang pinariringgan ni Mommy Glo ang kanyang mga anak..
matagal na daw silang iniwan ng kanilang ama, at nagtatrabaho na ulit ang kanilang ina para sa kanila..
sinang-ayunan naman yun ni Mommy Glo, ganun daw talaga ang mga ina, gagawin ang lahat at laging mahal ang kanilang mga anak..
sinubukang magbiro ni Andrei tungkol dun, pero hindi natuwa ang kanilang ina...
bago umalis si Y ay kinausap siya ni Z..
sinabi na daw niya kay Mitch na magkaibigan na lang talaga sila, kaya sana daw ay hindi na magalit si Z..
hindi naman daw galit si Z, kasi na-realize niya na maliit lang yung problema nila kumpara sa problema ng pamilya nila at ang sakit ng Mommy La niya..
nag-sorry naman si Z na hindi na siya nakakabisita sa coffee shop, magpo-focus na muna daw kasi siya sa pag-aaral eh..
pabiro namang sinabi ni Y na nakikipag-break na ito kaagad kahit na hindi pa naman nagiging sila..
pero naiintindihan daw niya ang binatilyo, dahil ganun rin siya..
kumuha na nga daw siya ng scholarship para makabalik na siya sa pag-aaral, balak daw kasi niyang maging nurse..
si Amanda naman ay bantay-sarado sa kanyang anak habang nag-uusap yung 2..
sinabi naman ni Paeng na okay lang yun dahil Senior High School na si Z..
iginiit naman ni Amanda na mga bata pa yung 2..
kita sila ni Mommy Glo, kaya sumabat ito na kesyo hayaan na daw nila si Z at si Special Girl nito, lagi na lang daw silang kontrabida, at tinamaan naman dun yung 2..
nasabi naman ni Paeng na kung tungkol yun dun sa kasal, ay hindi lang nila kaagad nasabi dahil naghintay sila ng tamang tiempo..
pero sinabi naman ng ina na kahit pa sabihin nila yun ay hindi rin naman sila lahat payag, at muli ngang tinamaan yung 2...
pinuntahan nina Andrei at Lizelle si Mommy Glo habang natutulog ito..
nag-sorry si Andrei sa lahat ng atraso nila sa kanilang ina...
sa ibaba naman ng bahay..
naitanong ni Paeng kung bakit masakit nang magsalita si Mommy Glo di tulad ng dati..?
mas nagiging expressive daw kasi ito dahil sa sakit niya, malamang daw ay matagal na niyang kinikimkim yung mga bagay na yun..
pero ang masama daw ay totoong lahat yung mga sinasabi nito, nagagalit daw ito sa kanila dahil lagi nila itong pinipigilan..
nilapitan na rin nina Andrei at Lizelle yung 2..
kung tungkol daw sa kasal yung pag-uusapan nila ay wala na ring magagawa sina Amanda, dahil nga magpapakasal ang ina nila sa ayaw man nila o sa gusto..
pero natanong ni Lizelle kung hindi pa rin ba daw maibibigay ng 2 ang kanilang blessing..?
bakit ba daw hindi sila maintindihan ni Andrei eh anak rin naman siya ng Papa nila..?
mahal daw ni Andrei ang Papa nila, pero ang Mama nila ang buhay, at deserve nito na maging masaya..
mag-focus na lang daw sila sa present..
bilang legal guardian, ay siyempre daw ay mahalaga para sa kanilang ina na makuha ang basbas ni Amanda..
nakiusap na rin si Lizelle sa kanyang mga kapatid na pumayag na...
kaso ay brownout sa Lunes..
at mas bibigay na ang katawan ni Mommy Glo...
was feeling , ganun dapat ang bawat episode, may Y overload...
---o0o---
February 25, 2017...
dahil sa sunud-sunod na lindol lately, eh napapaisip rin nga ako kung kailan ba ang tamang timing nang pagbili ng computer..
mahirap na kasi, may pagka-fragile kung hard disk drive lang ang gamit...
tapos andun pa yung parang tangang pakiramdam..
yung sasabihan ka ng mga napapanood mo sa TV na kesyo i-check lang sa website ng PHILVOLCS kung may malapit na fault line sa lugar ninyo..
tapos pagbisita mo naman doon sa website eh down pala..
wow naman, government!
anyway..
kung meron ngang matutuloy na lindol sa Luzon anytime soon..
sana lang eh may magbabala rin na mga oarfish..
at sa mga makakakita ng oarfish, eh sana lang eh ipagbigay alam kaagad nila sa media para malaman rin ng lahat..
2 beses na silang tumatama nito lang 2017...
tsaka, mukhang made-delay na naman ako..
Php 4,000 na lang sana yung kulang para ma-claim ko na yung bank transfer na ginawa namin..
tapos eh bigla namang nabalikan ako ng Php 7,000 worth na money out transaction..
ayun, Php 11,000 ulit tuloy yung hihintayin kong pumasok na amount...
is feeling , oarfish, please guide us...