NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...
mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...
is π feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...
---o0o---
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is π feeling , day 1078...
-----o0o-----
bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 40 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
- yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
- yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
- yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
- sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
- sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
- sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
- sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
- sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari
- sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
- (no entry yet)
- yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
- yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
- yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
- yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
- sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
- sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
- sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
- sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
- sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
- sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
- yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
- yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
- sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
- yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
- yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
- yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
- yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
- yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
- yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
- sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
- yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
- yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
- yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
- sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
- sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
- yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
- sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
- sa ParaΓ±aque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
- sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
-----o0o-----
June 17, 2023...
sa Mabini, Batangas..
yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog...
is feeling , dating pulis pa daw yung isang kapatid...
---o0o---
June 18, 2023...
[Natural Calamities]
sa itaas..
nasa Magnitude 5.5 na lindol..
sa may area ng Cagayan...
is feeling , malapit, pero hindi magandang area...
>
yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon...
is feeling , maglista na ng noisy...
>
yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan... π
pagbabaon sa bayan sa utang..
pagbubugaw ng bayan sa Imperyo..
mga pagnanakaw sa bayan gaya ng ginawa ng Anomaly..
mga tiwaling awtoridad na dati nang nasa hanay..
pagpoprotekta sa mga drug-related na celebrities..
mga systematic na smuggling sa panahon ng bagong pinuno..
tapos kasalanan ng mga dating Senador ang pagtarantado sa bayan...??
is feeling , maglista na ng noisy... kayo ang mga kampon ni Satanas na kasabwat ng lahat ng mga tiwali...
---o0o---
June 19, 2023...
[Natural Calamities]
sa ibaba..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area ng Surigao del Norte...
is feeling , bawal nga sa paraiso sa iba...
---o0o---
June 20, 2023...
yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1...
is feeling , ayos...
>
sa ParaΓ±aque City..
yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae..
dahil daw sa pagsasagawa ng abortion...
is feeling , madaming skills...
---o0o---
June 21, 2023...
sa Maynila..
yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products..
kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto...
is feeling , nakalusot na naman...
>
yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam... π
is feeling , genius.. tanggalin na lang kaya yung board exam...??
>
sa NBI..
yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto..
matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect..
nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati...
is feeling , basurang sistema...
---o0o---
June 22, 2023...
sa Zamboanga City..
yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter...
is feeling , nagkaroon daw ng pagtatalo...
>
sa Cebu..
yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada...
is feeling , ehemplo...
>
sa Davao Occidental..
yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki..
magrereklamo daw sana yung biktima, pero sa halip ay lalo pa siyang naabuso..
binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari...
is feeling , sadista...
---o0o---
June 23, 2023...
parang tanga yung kini-claim mo na iba yung gender mo..
pero pagdating sa sports eh gusto mo namang gamitin yung physical gender mo..
lalo na kung nagte-take ka na ng mga chemical na hindi natural sa sarili mong katawan...
is feeling , pandaraya 'yon...