Showing posts with label courier. Show all posts
Showing posts with label courier. Show all posts

Saturday, October 25, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of October 2025 (Plagued Assets)

Loveless Story


October 18, 2025...

ang pilyo mo talaga Facebook..
puros service provider na 'yang lumalabas sa feed ko lately..
inilalapag mo na ang mga social media account nila..
pinag-aaralan nyo ba ang paggamit ko sa Google..?
lagi namang burado ang data ng Chrome ko..
kaya bakit kayo ang naghahanap sa kanila para sa akin...??

is 💔 feeling , wala akong pera.. huwag kang magulo...

---o0o---


October 20, 2025...

sa ngayon..
5 pa yung regular supporters ko, bago nawasak yung dati kong graphics card slot, ang hindi pa nabalik..
below USD 10 lang iyon, dahil sa mga tax..
pero makakatulong din sana para sa survival ko sa mga nalalabi kong buwan sa mundo...

lalo na at parang hindi naman matatapos ni Oda ang One Piece manga this year 2025...

is feeling , pakiusap, bumalik na kayo, at dumami din sana...


>
GMT, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
RSR, nakabawi matapos mong pakawalan..
QI, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
BTTC, nakabawi matapos mong pakawalan..
HEI, nakabawi matapos mong pakawalan..
WCT, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
HAEDAL, nakabawi matapos mong pakawalan..
NEWT, nakabawi matapos mong pakawalan...

lahat sila minalas habang nasa poder nila ako..
may kung anong puwersa ng kamalasan na naghihila sa mga asset pababa sa tuwing nasa kanila ako..
puwersa na sinisigurado na hindi makakabalik sa entry point ko ang asset hangga't nade-detect nila ako..
tama ang majority ng assets na pinasukan ko..
ako lang talaga yung mali... 🙁

nalulugi sila sa tuwing pinaninindigan ko sila..
pero kaagad na yumayaman basta't nagpalugi na ako..
at dahil pinaninindigan ko ngayon ang C..
sa loob ng mahabang panahon..
kaya naman hinila na nila sa 25% ang pondo ko... 🙁

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan.. walang kabutihan sa mundo na ito...

---o0o---


October 21, 2025...

[Game]

yung namili ka ng mga panibagong peste..
kasi walang gustong magpahiram sa'yo ng mga nakatengga lang naman na peste..
para sana ihanda ang team mo para makapag-harvest sa mas maraming quest..
tapos bigla namang inalis ng mga developer yung dating bounty system... 🙁

gumastos na ulit si tanga..
nalugi na ulit siya..
kaya tanggalin na 'yang earning mechanism niya... 🙁

is feeling , lahat sila may pangkontra sa lahat ng mga desisyon ko...


>
malas talaga..
so nagbenta nga ako ng mga binili kong peste..
may bumili naman kaagad..
pero dahil nagkaroon ako ng asset na ETH..
eh ayun..
pinabagsak ng mga makapangyarihan ang palitan ng ETH para malugi pa rin ako... 🙁

is feeling , mga demonyo talaga kayo...

---o0o---


October 22, 2025...

malas talaga..
so nag-pump ang ETH habang tulog ako..
sapat sana iyon para maka-exit na ako nang may kita..
pero sa paggising ko sa umaga eh nag-crash na ulit sila para lang talaga iwasan ako na maka-recover... 🙁

is feeling , kontroladong-kontrolado ng mga makapangyarihan ang lahat sa paligid ko...

---o0o---


October 23, 2025...

[Courier / Scam]

heto..
dahil ubod ako ng malas..
eh nadamay na rin ang Lazada transactions namin sa mga kamalasan ko..
wala kaming naging problema sa LEX PH kahit na kailan..
samantalang sa Flash Express eh puros kuwestiyonableng mga gawain ang nae-encounter namin sa kanila, at least pagdating sa city namin... 🙁

recently, may order kami na tuluyan nang naglaho sa poder ng Flash Express..
walang magawa ang main website nila..
at kahit Lazada eh wala ding magawa... 🙁

anyway, nag-request ako sa Lazada kung pwede ba na LEX PH na lang ang mag-handle ng lahat ng transactions namin in the future..
sang-ayon lang nang sang-ayon yung kausap kong agent, na parang isang Imperial citizen..
verbally, pinalabas niya na magiging maayos na ang lahat sa hinaharap, at saka humingi ng positive na customer support review..
unfortunately, napatunayan ko ngayong umaga na peke nga lang ang lahat ng mga sinabi nung agent..
again, na-assign yung isa naming order sa Flash Express, at hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko para mawala ang basurang Flash Express sa landas namin... 🙁

nag-search ako sa Google noong isang araw..
at madaming issue laban sa Flash Express na kaparehas ng mga nararanasan namin sa kanila..
pero itong Lazada eh nagpapatuloy pa rin sa pagkuha sa service nila... 🙁

is feeling , naghahari ang kamalasan ko sa lahat ng bagay...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 18, 2025...

Creamline versus Galeries..
sa Isabela ang laban..
madaming live audience...

Set 1, unang nakalamang ang Creamline at nakalayo, nakapagpasok pa tuloy sila ng bench, overkill, nakuha ng Creamline lahat ng scoring stats plus 8 big errors ng Galeries..
Set 2, sina Gumabao at Dimaculangan ang nagsimula for Creamline, ginamit na rin nila si Toring, dikitan sa simula, pero nagawa ulit ng Creamline na mang-iwan, kaya nagpasok na naman sila ng kanilang bench, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, sina Bernardo at Vargas naman ang kasama ni Dimaculangan na magsimula, pero tinambakan pa rin nila ang Galeries, hanggang sa ipinahinga na ng Creamline si Schwan, nabawasan yung linis ng laro nila, pero sila pa din naman ang nanaig sa bandang huli...

3-0, panalo ang Creamline..
nalugi sa ticket ang taga-Isabela dahil sa laro ng Galeries...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


October 23, 2025...

Creamline versus Zus..
late na ang match, umabot kasi sa 5-setter ang Angels at Akari..
madami-dami ang live audience kahit na weekday..
wala si Atienza...

Set 1, unang nakalamang ang Zus, pare-parehas na malalakas ang palo nina Debeer, Miner, at Nogales, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, sa bandang dulo na nakadikit ang Creamline at na-extend ang laban, at nagawa nga nilang maagaw yung set dahil sa kanilang 17 attacks and 2 service aces ni Vargas..
Set 2, nagawa ulit ng Zus na makaagwat, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, pero hindi na nga nagpahabol ang Zus dahil sa kanilang 15 attacks plus 8 big errors ng Creamline..
Set 3, Toring starts for Gamit, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, palitan ng kalamangan, nagkalat ang Creamline kaya muling nakakalas ang Zus, sila nga ang nanaig dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 7 big errors ng Creamline..
Set 4, una nang nakalamang ang Creamline, pero naagaw ng Zus ang kalamangan dahil na rin sa errors ng Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, palitan na ulit ng kalamangan, pero naagaw pa rin talaga ng Zus yung set...

3-1, panalo ang Zus...

terrible combination..
malalakas ang palo ng kalaban..
bungi ang floor defense ng Creamline dahil wala ang triangle nina Atienza, Galanza, at Pons..
tapos ang dami pa nilang errors...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. delikado ng conference ito...

-----o0o-----


October 18, 2025...

[Trade]

day 676...

level 9.7 to 10.5..
USD 34 sana iyon para sa akin..
tapos ngayong gabi ay gumagawa sila ng pump..
hindi ko lang alam kung hanggang saan ang gagawin nila...

kung hindi sana ako pumasok sa C..
siguro ay maganda na ang sitwasyon nila sa ngayon at malapit lang ang halaga sa USD 1.00...

is feeling , gawin nyo na.. level 50 man lamang na pump sa loob ng isang magdamag...

---o0o---


October 19, 2025...

[Trade]

day 677...

ayun..
supot yung pump na ginawa ng C..
walang kuwenta..
level 10.1 to 13.4..
USD 136 sana iyon para sa akin..
level 11.1 to 12.5..
USD 52 naman sana iyon..
level 11.2 to 12..
USD 29 naman sana iyon..
level 11.3 to 12.6..
USD 47 naman sana iyon..
level 11.6 to 13.3..
USD 60 naman sana iyon..
level 12.2 to 12.9..
USD 23 naman sana iyon..
pero hindi talaga sila makalagpas sa level 14... 🙁

is feeling , put*ng ina ninyo.. inilayo ninyo nang husto sa entry point ko.. tapos saka kayo gumawa nang gumawa ng mga pump...

---o0o---


October 20, 2025...

[Trade]

day 678...

level 11.6 to 12.2 yung pahabol pa ng C mula kagabi..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 11.4 to 12.4 ngayong araw..
USD 36 naman sana iyon... 🙁

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan...

---o0o---


October 21, 2025...

[Trade]

day 679...

at nagpabagsak nga ulit sa level 11.1 ang C..
patunay na sinayang ko lahat ng pagkakataon na tumama sila sa level 13.. 🙁
2 pagkakataon...

level 11.1 to 11.7 ngayong araw..
USD 22 sana iyon para sa akin.. 🙁
matapos iyon eh nahila na ulit sila papunta sa impiyerno...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 22, 2025...

[Trade]

day 680...

pump then dump..
level 10.7 to 11.5..
USD 30 sana iyon para sa akin..
tapos pump then dump ulit..
level 10.6 to 11.5..
USD 35 naman sana iyon...

is feeling , basta kapag nagkaroon ako ng asset, eh madadamay iyon sa sumpa ng pag-crash...

---o0o---


October 23, 2025...

[Trade]

day 681...

panibagong crash na naman..
level 10.5 to 11.2..
USD 27 sana iyon para sa akin..
level 10.2 to 11..
USD 32 naman sana iyon... 🙁

is feeling , wala ba talagang darating na umaga na nasa level 100 na ang C...??

---o0o---


October 24, 2025...

[Trade]

day 682...

binigyan ng pardon ng USA President si CZ..
pero walang epekto sa C..
at malapit na ang banta ng sunod na FOMC meeting...

level 10.6 to 11.4..
USD 31 sana iyon para sa akin..
pero bumaba rin nga ulit ang C at ayaw sakyan yung balita... 🙁

is feeling , so plano na nilang magsabwatan para sa lalong pagmanipula sa cryptocurrency market...??


Friday, March 20, 2015

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of March 2015 (Virgin Problems)

March 14, 2015...

gusto ko nang makapag-aral sa April..
alam kong sa buwan ng March noong 2012 pa nagsimula lahat ng trahedya sa buhay ko..
pero naman!
kung may naka-schedule pa na magandang mangyayari sa buhay ko..?
eh paki-advance na lang lahat ng iyon ngayong April..
ang hirap nang kontrolin eh..
patikim naman ng konting sarap..
anak naman ng keps o'!
magpa-white tank top at black dress ka naman, FATE! T,T
 
feeling , NSFW T,T

---o0o---


March 15, 2015...

a little past 4:00 PM..
andito pa siya..
si Semi-Busty Client..
aksidente lang naming nakasalubong nang bumili siya sa karinderya malapit sa amin..
ganun pa rin - busty pa rin.. :)
kaso mukhang medyo nag-gain ng weight..
nabuntis na siguro ng boyfriend niya..
off niya siguro ngayong Sunday..
yun nga lang - baka hindi ko na ulit siya maging kliyente dahil sa ginawa ko (sa pagsasara ng loading raket ko)... :(
 

yae na nga..
wala naman akong kakayahang magpahiwalay ng mag-boyfriend-girlfriend na eh... T,T
feeling , sayang naman...

---o0o---


March 16, 2015...

morning routine..
nakasama namin sina Aciel at yung anak niya na tumambay sa may court..
pagkakita niya sa akin, kinamusta niya kaagad kung hindi na ba daw ako naglo-load..
i was actually surprised na bigla na lang niya akong kinausap..
nagpaliwanag naman ako na meron ngang mga taong ayaw nang magbayad sa akin, kaya inilipat ko na lang muna yung puhunan ko sa ibang raket..
siguro nga okay na ulit kami.. :)
5 years old na pala yung anak niya, pero mukhang maliit para sa edad nito...

---o0o---


March 17, 2015...

#UAAPRequest
ang volleyball match na pangarap kong mapanood..?
na pang-UAAP lang..?
siguro a match between..
La Salle's last finest, yung team na hindi matalo noon nina Valdez at ng Fab Five..
versus Valdez' and Morado's latest generation, for UAAP Season 77 (hindi yung sa 76)..
yung tipong Best of 3..
tapos walang injured na player..
para lang malaman kung sino talaga ang may mas malakas na puwersa.. :)

di ga...?
feeling , best UAAP match ever... :D


quick 30K - saan ba ako makakakuha..?
antagal pa kasi ng sahod ko, sa August pa..
tapos lately ko lang nalaman yung 'ON VACATION' mode.. T,T
tae na!
dalawa palang klase ang kalaban ko ngayon..
retirement at mahabang vacation..
bukod pa yung pagtanda at pag-degrade ng katawan ko.. :(
parang imposible ko 'tong magawa sa April ah..
ano yun, pang-28th na nakakalungkot na existence day ko??
parang isang beses lang yung dumaan na existence day ko na may rason ako para maging masaya ah (noong pagka-graduate ko sa high school)...


gusto ko sanang magpa-confine sa ospital dito sa lungsod na baon na sa utang sa BATELEC at balak pang i-privatize ang stable naman na Water District, para sana sa 10K bonus mula sa mayor..
sasabihin kong bugok yung itlog ko.. XD
kaso malamang makilala nila kung saang pamilya ako galing..
yung mayayaman naman na kaanak ng biological demon sperm donor ko eh mga hindi ko naman kakilala, kaya useless din..
panahon na kaya para subukan na ulit humingi ng tulong mula sa blood cousin ko...?
feeling , anlapit na kasi ng April eh... T,T

---o0o---


March 18, 2015...

nabanggit ko kay Cecil na alam kong kuya ni Anne yung bago niyang boyfriend..
nabanggit ko rin na nakikita ko kasi yung Facebook account niya dahil naka-connect ako kay Emi..
that same day in-accept na niya yung Friend Request nung recon account ko...


it's been 3 years since that Lotus incident..
at wala ng nangyaring maganda sa buhay ko after that..
either patas o bad karma na lang yung dumadaan sa akin..
hindi na naibalik ng LBC yung nawala sa akin..
at lumala lang nang lumala yung mga dumarating sa akin na kamalasan..
na para bang i was cursed simula nang iwala ng LBC ang Lotus ko...
 
feeling , 3 years of misery.. and counting...

---o0o---


March 19, 2015...

LOL..
nabasa pala ni Cecil yung mga emo post ko sa aking recon account..
mga post sa panahon pa nung pananakit sa akin nung Babaeng Peke Ang Kilay...


Playboy Feature >>
- Mistakes People Make When Losing Their Virginity
.
.
.
#19 I paid for it.

putang ina ninyo!
ansasakit niyong magsalita!
feeling , virgin problems... :(



FLAT..?
madalas gulong..
minsan - dibdib ng babae... T,T

pero bakit nga ba hindi ko pa gawin yung project..?
may sapat na namang budget kung tutuusin eh..
budget for 2 teachers, for 3 hours..
andun na yung pang-stag mode nila..
at kung ano pang pwedeng gawin sa mga matitirang oras...


kaso masyado talaga akong idealistic..
minsan ko lang 'tong gagawin sa buhay ko..
bago ko man lang tapusin ang mga paghihirap ko dito sa mundo..
kaya siguro gusto ko talagang masulit yung mga alaala..
siguro aside sa kung ano man yung matututunan at physically mararanasan ko dun..
siguro naghahabol din ako ng girlfriend experience..
yung pakiramdam na may naglalambing sa'yo..
yung tipong handang gawin lahat para lang mapaligaya ka..
yung pakiramdam na may mayakap nang mahigpit..
at tsaka..
hindi ko pa kasi naranasan na matulog noon na may katabing hubo't hubad na babae eh..
(although naranasan ko nang matulog noon na may view nang nakatiwangwang na mababang klase ng dibdib XD)...

bakit 12 hours pa..?
i know it may sound stupid..
virgin ako..
matanda na..
at parehas kong weakness yun..
kasi baka madali na lang akong ma-game over..
at kasi baka mabilis na lang akong maubusan ng stamina, kahit na mag-Robust Extreme pa ako..
hindi ako pornstar, kaya malamang hindi ko talaga magamit yung 12 hours para lang sa pag-gain ng experience..
maaga din ang schedule ng tulog ko, kaya malamang tulugan ko lang yung magiging teacher ko..
pero sa tingin ko mas okay na yung sobra-sobra yung oras..
kesa naman kulang..
kung ma-game over man ako kaagad..
edi maglalaro na lang ako ng boobs hanggang sa mag-time na..
basta masunod ko lang yung plano sa story board ko..
sapat na yun para sa akin...
feeling , NSFW...

---o0o---


March 21, 2015...

already signed up sa website nila..
ang totoo hinahanap ko kung paano at saan nga ba nanggagaling yung mga reviews para sa kanila..
para lang mas matantsa ko kung gaano ba sila katotoo..
kaso hindi ko pa rin talaga nakita even after creating an account... T,T

17 na lang sila ngayon..
mukhang minus 1 na naman yata.. :(
kung totoo yun, that would be the 4th retirement sa loob lamang ng 4 months.. :(
at 7 out of 17 na yun eh puros ON VACATION ang status... T,T

nag-sign up na rin sa Air Force..
kaso parang wala rin naman pwedeng maging target doon... >,<
feeling , anti-retirement plan...


Wednesday, April 16, 2014

Basa-basa rin po tayo 'pag may Time!

today..
October 21, 2013..
nagulat na lang ako nang mapansin ko na may nag-UNLIKE sa post ko sa Youtube, yung mensahe ko para sa LBC para sana magising sila sa mga pagkakamali nila..
heto yung video message ko na yun:




noong una..
eh na-curious ako kung bakit ganun na lang yun pagka-UNLIKE niya sa post ko..
naisip kong tingnan kung may iniwan ba siyang comment, na kesyo baka naman may punto yung tao na yun sa hindi niya pagsang-ayon sa mensahe ko..
pero nasira lang ang araw ko noong mabasa ko na yung comment niya:

at heto nga sa itaas yung screenshot noong comment niya at ng reply ko rin sa kanya..
hindi na ako nag-abala na i-censor pa yung username at ID picture niya dahil malamang makita rin naman yun ng mga readers kapag binisita nila yung link sa video ko (unless na itong user na mismo ang magbura nang i-p-in-ost niyang NON-SENSE)...

nakakaasar!
at nakakainit ng ulo!
bakit..?
dahil basta-basta siya nag-post ng komento niya nang hindi man lang niya naiintindihan yung buong istorya..
at ako pa yung gusto niyang palabasin na MALI at MAINIPIN ha..!?
mga ETA o Estimated Time of Arrival pang nalalaman, eh mahigit isang taon na ngang nawawala yung collectors' item ko! >,<
bukod pa dun yung ginawa niyang pag-unlike sa video message ko (oo, i assume na siya yung nag-UNLIKE base na rin sa pahayag niya na "di ko ma i-like ito")..
ewan ko kung may kinalaman ang taong are sa LBC ha, pero malinaw na nagbibigay siya ng komento sa maling lugar at pagkakataon...

again, this is not just about a lost package:
- tungkol 'to sa kung paano nangyari yung pagkawala nung item ko
- tungkol 'to sa mga nasayang na pera (kasama na ang mga ibinayad sa mga long distance call para lang makausap ang kompanya nila), nasayang na item, oras, at effort
- tungkol sa maling paraan ng pag-handle ng LBC ng error
- tungkol sa tracking system nila na pumalpak ma-pinpoint kung nasaan ang isang package (sabi ng sistema nila eh nasa poder nila, pero kini-claim nila na ibinalik na nila sa kung saan, pero ang totoo eh hindi na nila mahanap)
- tungkol 'to sa mahinang customer support, kung bakit nila ako i-b-in-lock sa Facebook page nila eh yun pa naman yung madaling paraan para makausap sila (alam kong mali na nagmumura na ako noon, pero obligasyon pa rin nila na tulungan ako sa naging problema ko, di ba..?)
- tungkol 'to sa kawalan nila ng sense of responsibility, kung bakit nagtuturuan na sila ng mga panahon na yun kung sino ang nagkamali sa hanay nila, at kung bakit hindi sila sumisipot sa mediation meeting na ipinatawag ng Philippine Shippers' Bureau
- tungkol 'to sa kawalan ng hustisya, kung bakit parang walang naparusahan o nasibak sa serbisyo dahil sa incompetence
- at sa bandang huli, tungkol 'to sa pagkilala sana nila sa mga pagkakamali nila bilang isang kompanya na nagpo-provide ng service sa taumbayan, at sa pag-iisip ng mga paraan kung paano sana nila maitatama o mas mapapabuti ang kanilang serbisyo


bilang mensahe para sa lahat (in general 'to ha)..
mag-ingat po sana tayo sa pag-iiwan ng comment(s) o sa pag-LIKE o UNLIKE ng mga article o post na nababasa natin sa internet..
minsan kasi baka hindi na natin nare-realize na nasisira natin yung sense o meaning ng isang post dahil lang sa MALING PAGKAINTINDI natin dito..
gaya nga po ng sabi sa title nitong blog entry ko na 'to..
eh BASA-BASA rin po tayo 'pag may TIME... T,T


Sunday, April 6, 2014

Lotus' Death Anniversary (March 18, 2013)

ginawa ko ng death anniversary..
dahil parang pinatay na rin nila ako (bilang isang kolektor) at siya (bilang isang collector's item na hindi naman nararapat na mapasakamay ng kung sino lang - lalo na at hindi naman marunong t-um-rato nang ayos ng mga collectible action figures) simula noong araw na nadiskubre ko ang tungkol sa pagkawala niya...



ang taong galit ay hindi marunong makalimot..
nasaan na ba ang konsepto ng KARMA sa istoryang ito..??



745 views as of today..
kaya naman thank you sa lahat ng nag-view..
hindi mala-Gangnam Style..
pero at least naka- more than 365 hits sa loob ng halos isang taon...


ayun..
bale, anniversary na nga ng pagkawala ng Lotus ko sa poder ng LBC na yan..
hindi ko alam kung anong araw siya mismo nawala..
March 19 kasi yung sinabi sa akin nung sender na expected delivery date..
pero base doon sa manifesto na ipinakita sa amin nung LBC hub eh March 18 nag-attempt sila at nag-fail sa delivery dahil nagka-error nga sa address ko..
pero ang masama talaga na nangyari ay hindi man lang nila kinontak yung sender para ma-clarify man lang iyong posting address ko..
same day, nag-return to sender daw sila gamit ang panibagong tracking number..
at nawala na nga lang sa hindi maipaliwanag na dahilan iyong package ko...

hanggang ngayon, nakakaasar pa ring isipin kung paano pinaikot-ikot ng mga tauhan nila iyong usapan..
nagturuan na sila nang nagturuan kung nakanino na yung package..
iyon pala ay hindi na rin ma-track ng mismong sistema nila iyong item ko..
ngayon, nasaan naman ang pagiging HARI doon ng padala..??
nasaan ang katiwa-tiwalang serbisyo..??
almost 4 years ang ginugol ko sa paghahanap ng ganung rare na item, tapos heto at nadadagdagan na naman ang panahon ng paghahanap ko...

hindi ko rin matanggap na kahit iyong reklamo namin ng sender sa DTI at Philippine Shippers' Bureau eh iniwasan lang ng mga ipinatawag na tauhan ng LBC..
nasaan naman ang hustisya doon..?

kung pwede lang magkatotoo ang mga kahilingan ko..
sana lang ay karmahin iyong may mga kasalanan..
MALUGI na ang DAPAT na MALUGI...



heto ang links sa ilan pang related na videos:

http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/04/my-lotus-nightmare.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/04/courier-101-local-shipping-lbc.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/04/courier-101-local-shipping-lbc-part-2.html


Courier 101-A: Local Shipping (LBC) - Part 2

[originally posted on December 20, 2012]

ang post na ito ay related sa naunang post na nandito..

bale halos katatanggap ko lang ng isang panibagong package ngayong araw..
akala ko nga sa JRS Express ipapadala nung nabilhan ko nung item, pero sa LBC naman nila ipinadala...

anyway..
binigay agad nung seller sa akin yung tracking number na na-assign sa parcel ko (na hindi ko na ipapakita for security purposes)..
at nagtaka lang ako sa nakita ko nung ginamit ko yung 'TRACK' function o feature ng website ng LBC...

narito ang ilang larawan na na-printscreen ko (itinago ko ang ilang detalye para pa rin sa security reasons):
(click to enlarge the images)



bale masyado lang mahaba yung content para sa monitor ko, kaya kinailangan ko pang hatiin sa dalawang printscreen images..

at mabalik tayo sa latest review ko para sa performance ng LBC..
kung mapapansin nyo yung mga entries lang na nasa loob ng parihabang may linyang color blue ang tumutukoy o naglalarawan sa mga naging activities ng package ko..
halos magkakadikit yung time at date nila at yung mga detalye ay naaangkop talaga para sa lokasyon..

kaso bukod dun sa mga nakasulat sa loob ng parihaba..
halos lahat nung ibang entries (maliban sa tracking number) ay tumutukoy na sa ibang transaksyon na dated August 2012..
ang nakasulat dun sa area ng Transaction at dun sa nalalabing area ng Transaction History ay tumutukoy na sa ibang item, ibang source, ibang transaction date, at history na nangyari sa ibang lugar (bale malayo ang lokasyon ko sa Cebu)..

ang assumption ko base sa mga nakuha kong impormasyon ay posibleng nagre-reuse sila ng mga transaction number..
hindi ko sigurado kung ang system nila ay nagre-reflect rin ng mga actual na copy ng transaction documents nila (pero siguro naman hindi dahil manual ang pag-fill-up dun)..
pero ang concern ko talaga dito is paano kung magkaroon ng pagkakamali para sa isang delivery na nasa kaparehong sitwasyon gaya nito?
halimbawa eh nawala yung package o hindi naging successful ang attempt to deliver..
magiging efficient ba ang LBC kung hindi na accurate yung data na pinapakita ng tracking system??


anyway, hindi naman ako nagta-trabaho sa kanila para malaman ko yung mismong proseso nila..
hindi ko masasabi kung magkaiba pa ba yung tracking system na ginagamit sa website nila at yung mismong tracking system na ginagamit nila sa pag-proseso ng mga transactions ng kompanya..
napansin ko lang naman, kaya ako nagtataka at medyo napapaisip..

pero ang mas mahalaga sa akin ay ligtas na nakarating sa akin ang package ko this time...


My Lotus Nightmare

[originally posted on October 7, 2012]



ilang buwan na nga ba..?
halos pitong buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mawala sa akin yung Lotus unit ko..
ni hindi ko nga siya nakita sa personal kundi sa picture lang sa ebay, at tsaka yung details tungkol sa shipment niya dun sa website na ni hindi ko alam kung binura na nung kompanya sa records nila sa ngayon (after a few months kasi simula nung nangyari yung insidente, tas kapag sinusubukan kong i-track sa website nila yung package gamit yung 2 tracking number na ini-assign sa parcel ko, eh error na yung lumalabas na result, hindi gaya nung mga naunang buwan.. tapos hindi na rin naman ako makapagtanong sa Facebook page nila dahil nai-block nila yung account ko.. tapos wala rin namang nagre-reply sa email)...

hanggang ngayon sumasama ang loob ko kapag naaalala ko yung nangyari..
pero kahit nakaka-badtrip, ginagamit ko pa rin yung picture nya bilang wallpaper ng computer ko, wallpaper ng cellphone ko, at profile pic ko sa Facebook..
para kasi maalala ko kung ano yung importanteng bagay na kailangan kong mabawi...

kahit nasabi ko na napatawad ko na yung ibang taong involved sa pagkawala nung unit ko, hindi ko pa rin maiwasan na mapoot kapag naiisip ko na hindi dapat nangyari yung masasamang bagay na yun kung hindi dahil sa naging kapabayaan nila..
parang combo ng kamalasan yung nangyari sa akin nung mga panahon na yun..
after so many years nang paghahanap dito sa loob ng bansa, finally nakakita rin ako ng available unit sa ebay..
siyempre na-excite ako, natuwa nang sobra..
kinailangan ko pa ngang makipad-bid nang mano-mano nang hatinggabi para lang masigurado na makukuha ko yung item sa katapusan ng bidding period..
pero ano nga bang nangyari?
nung pumalpak yung delivery at nagsimula akong mag-imbestiga, paunti-unti ko na lang nadiskubre na nagkamali pala yung staff nung toy store na binilhan ko sa pagsulat nung address ko..
tas are namang mga empleyado ng LBC na nag-handle ng package ko, after mag-fail yung first attempt to deliver (dineliver yung package sa maling address na naibigay sa kanila, at dahil hindi naman talaga ako dun nakatira eh dineclare ako na 'unknown consignee'), eh isinauli daw agad yung item sa sender nang hindi man lang ikina-klaro yung nangyaring failure dun sa sender..
hindi man lang sinubukang i-verify at itama yung address o ano, tapos sabi na ganun daw talaga yung procedure nila na kapag corporate account ang nagpadala ng package eh hindi na nila ibe-verify sa kanila in case na may pagkakamali at agad na ibabalik na lang sa kanila bilang sender yung item..
tapos yung ibang empleyado naman nila iginigiit na mali yung naging desisyon at ginawa nung mga tauhan nila doon sa delivery hub...
nasaan ngayon yung tamang procedure dun? bakit sila-sila ang nagturuan kung sinong mali at kung ano yung maling ginawa? eh iisang kompanya lang naman sila eh...

una kong nakita yung Lotus unit at yung mga kasamahaan nya habang nagba-browse sa website ng Spawn..
naisip ko kasi na impressive yung sculpt nung mga prototype figures nila at hindi na rin naman masama yung mga mass produced copies..
bale sa lahat nung characters na naka-feature dun sa website nila, tatlo yung pinaka-napansin ko..
sumagi sa isip ko na humanap at bumili nga ng mga yun, ..pero hindi naman masyadong seryoso kasi baka nga naman wala namang available dito sa loob ng bansa (nakakatakot naman kasi ang buwis ng mga imported products)..
tapos ilang araw ang makalipas naghahanap ako ng ibang line ng action figures na pwede kong bilhin sa isang mall na within the city lang, at laking gulat ko kasi andun yung dalawang Spawn figures na target ko..
and to think na yung tatlo kong napili eh hindi naman talaga pare-parehas ng series na kinabibilangan o yung date kung kailan sila ni-release, eh naisip ko na parang destiny naman yun na nakita ko agad yung dalawa nang sabay..
at dahil may pagka-impulsive buyer ako, eh binili ko nga agad sila..
at dahil dun, mula sa pagiging 'hindi naman talaga seryoso', eh naging pursigido na akong kumpletuhin yung Spawn Trinity ko - na are na nga lang Lotus na character ang kulang...

for almost 4 years, naghanap ako nang naghanap dito sa bansa..
at nung finally makakita na ako at masyadong na-excite na makumpleto yung koleksyon ko..
sa loob lang ng ilang araw, bigla na lang binawi sa akin yun ng tadhana na para bang combo nga ng mga kamalasan..
sa totoo nga lang simula noon, parang sunud-sunod ng kamalasan ang nangyari sa iba't-ibang aspeto ng buhay ko..
naranasan kong gumuho ang isang maiko-consider kong long term na pangarap..
isa sa pinakamasasakit kong alaala sa buhay, bukod dun sa insidente kung saan pinagnakawan ako ng pinagsususpetyahan kong biological (ibig sabihin - kapamilya) sa loob ng sarili naming pamamahay..
at yung 'almost 4 years' na yun, naging 'more than 4 years and counting' pa dahil sa basurang insidente na yun...

a few months after nang masigasig na pagpa-followup ko dun sa insidente..
wala ring nangyari at parang nauwi lang ang lahat ng kapaguran ko at ng mga taong tumulong sa akin sa wala..
the last move sana ng ahensya ng gobyerno para sa akin ay yung mediation meeting na ini-schedule ng Philippine Shippers' Bureau (o kung anuman yung tamang spelling o paglalagay ng punctuation)..
para sa akin, sa LBC, at sa lahat ng taong invloved..
pero hindi naman sumipot yung may sala eh, ni hindi nga daw sinasagot yung pagkontak sa kanila nung nasabing ahensya..
after nun wala na akong balita...

hanggang ngayon marami pa rin akong katanungan na hindi nasasagot..
kung bakit may mga tangang empleyado ng kompanya?
may naparusahan na ba dahil sa palpak na serbisyo?
kung saan nga ba napunta yung item ko? ninakaw ba ng empleyado nung kompanya? o nahulog ba sa sasakyan habang ibinabiyahe? kasi hindi naman talaga katanggap-tanggap na sasabihin nila na basta na lang yun nawala na parang bula..
nawala yun, pero saan nga ba siya napunta?
kaninong bahay kaya siya naka-display ngayon?
responsableng kolektor ba ang nagma-may-ari sa kanya ngayon, o baka naman ginawa na lang siyang laruan ng isang batang mahilig manira ng mga gamit?

kung tutuusin hindi naman dapat naging malaking problema para sa akin ang lahat kung may maraming pera lang ako..
isang item lang naman yun eh..
madali lang dapat na palitan, kapalit ng malaking halaga ng salapi..
pero sino ba naman ako..
sa ngayon puros masasamang alaala at mga gabi ng bangungot lang ang naiwan para sa akin...

ang masama pa dun, kahit gaano ko kagustong maging bayolente at magtapon ng buhay ng mga walang kwentang tao - hindi naman ako hahayaan ng mga batas at ng mismong society na makaganti man lang sa mga tumarantado sa akin...


image is from www.spawn.com...
click here for a related post...


Saturday, April 5, 2014

Courier 101-A: Local Shipping (FilFox Express Carrier)

[originally posted on May 27, 2012]


FilFox..
hindi ko sigurado kung anong klaseng courier ba talaga sila.. kung nagde-deliver nga ba sila o nag-a-act lang as 'middleman'..
pero based dun sa experience ko, nag-function lang sila as 'middleman'..
unfortunately naka-transaction ko sila dun sa traumatic incident na na-experience ko with LBC...

Sample Case Summary:
- nakabili ako ng isang item through ebay, yung seller pinadala yung item sa FilFox, tas yung FilFox pinadala naman yung package sa LBC, at ang magaling na LBC eh iwinala lang yung sobrang importante kong item...

Positive Notes:
- they can track your package for you..
- i'm not sure about this, pero may nabasa kasi akong article dati sa forum na nagsasabi na mas mabuti kung corporate account gaya ng sa FilFox yung magpapadala nung package mo compared sa individual kasi mas pina-prioritize daw yung corporate account.. pero ayun nga, base sa masama kong karanasan eh hindi naman naging totoo yun, na kahit corporate account yung naghandle nung shipment nung item ko eh parang wala rin naman silang naitulong para maresolba yung kaso...

Negative Notes:
- ang obligasyon nung sender ay nandun sa original na nagpadala sa kanila at hindi sa'yo na recepient lang.. kasi sila yung nagbayad para sa serbisyo sa nila eh..
- dahil sila yung tatayong sender mo, kapag nagka-problema sa shipment posibleng mahirapan kayong makipag-communicate sa lahat ng taong involved.. gaya sa karanasan ko, i had to talk to the seller, tas sa FilFox, tas sa iba't-ibang branches ng LBC na involved just to try to solve my problem with the missing package..
- dahil rin sila yung tatayong seller, hindi mo makukuha yung mga details nung seller mo (in case na wala kang alam sa details nila simula't sapul).. sa karanasan ko naman kasi eh nagkataon na toy store talaga yung nabilhan ko kaya yung names, addresses at contact numbers nung seller eh alam ko na kasi available yung mga yun sa internet...

Conclusion:
- wala akong makitang magandang dahilan para gumamit pa ng mga 'middleman' pagdating sa shipments...

Tip:
- itanong muna sa seller/original sender kung gumagamit ba sila ng corporate account or services gaya ng sa FilFox para magpadala ng package/s.. para lang alam mo na yung mga dapat mong i-expect once na makipag-deal ka sa kanila...

Courier 101-A: Local Shipping (Air21)

[originally posted on May 26, 2012]


Air21..
okay, makinig! itong review ko of Air21 regarding local shipments eh hindi dapat maihalo dun sa earlier review ko about FedEx-Air21 combo for international shipments..
sa tingin ko kasi yung Php 800 storage (o motel) fee na na-charge saken ng Air21 eh kaakibat lang nung pagiging imported nung package ko...

Positive Notes:
- provided na meron kang cellphone number na nai-attach dun sa package mo, meron silang free text alert tungkol sa estimated date and time of delivery nung item mo..
- trackable online yung package through their website..
- hindi ko pa nasubukan pero sabi sa site nila, trackable rin yung mga package through text (SMS)..
- may customer support sa Facebook page nila.. pwede kang mag-inquire dun or magpa-track ng package, etc..
- ang e-mail support nila, within 24hr ang pagre-reply.. hindi katulad sa LBC na sobrang bihira magreply, at hindi na talaga nagre-reply kapag hindi nila nagustuhan yung mga sinasabi o inirereklamo mo..
- yung mga delivery man nila eh may dalang portable scanner habang bumabiyahe.. nakakatulong yun sa mas madaling pag-a-update nung status nung delivery ng package..
- after nang matagumpay na delivery, inia-upload yung signature nung recepient/consignee kasama nung iba pang details para sa online tracking.. that way may paraan para masabi ng sender na natanggap na nga nung recepient yung item nya lalo na kung hindi naman sila related sa isa't-isa.. at although andun yung fact na posibleng hindi naman kabisado nung sender yung signature nung recepient, eh at least pwede nyang i-contact agad yung tao to verify na siya nga yung nakatanggap nung item nya...

Negative Notes:
- hindi parating updated yung online tracking system nila..
- may pagkakataon na hindi nila nasusunod yung estimated time of delivery na sinabi sa text alert nila..
- kumpara sa iba, yung delivery nila eh pwedeng tumagal hanggang 1 to 2 business days...
- i'm not sure kung totoo, pero nung nag-research ako about them, meron kasing ilang articles na ang isyu eh hindi lang basta missing packages kundi stolen packages pa.. ewan ko lang kung totoo yun.. pero yung mga ganung article kasi eh malaki ang epekto pagdating sa pagkuha ng tiwala ng mga customer...

Conclusion:
- recommended pa sila para sa akin sa ngayon.. pwede 'to kung local shipments rin lang...

Tips:
- parating ipasama ang mga contact numbers mo, lalo na ang cellphone number sa package..
- hindi puwerket may franchise sa PBA eh ibig sabihin na maaasahan na, mas makakatulong pa rin kung magre-research tayo o magsu-survey tungkol sa mga courier bago tayo magtiwala at magpadala ng mga valuable items sa kanila..

Courier 101-A: Local Shipping (JRS Express)

[originally posted on May 25, 2012]



JRS Express..
first time i heard it's name from an ebayer, napaisip ako ng "eh sino ba yun?"..
tas nung nag-research pa ako via google.. medyo kinabahan ako kasi yung logo eh kamukha ni Road Runner.. baka kako ginaya lang sa Looney Tunes..
pero nakita ko rin naman na mas matanda pa yung kompanya kesa sa akin, kaya ayun pinagbigyan ko na rin para masubukan ko ang serbisyo nila...

Positive Notes:
- yung one day express delivery nila eh inaabot lang ng less than 24hrs from Manila to Batangas..
- hindi pa nila ako binigo o kahit man lang pinag-alala ni minsan...

Negative Note:
- yung shipping charge o postage eh mas mataas o mahal kumpara sa iba.. pero yun namang halaga ay tama lang kung reliability yung pag-uusapan.. isa pa, mas mura pa rin yung charge kumpara sa kung mamamasahe ako paluwas ng Manila...

Other Note:
- hindi ko sure kung trackable yung mga packages sa kanila.. although merong online tracking system yung website nila, hindi ko pa yun na-try kasi yung nagpapadala saken na gumagamit ng serbisyo ng JRS eh hindi pa kelanman binigay saken ng kusa yung mga tracking numbers ng packages ko...

Conclusion:
- so far hindi pa ako nagka-problema with JRS.. ang time ng delivery nila from Manila to Batangas eh laging pasok sa less than 24hr period.. kaya sa ngayon, i highly recommended them for local shipments...

Tips:
- as usual make sure na accurate yung address na ibibigay nyo dun sa seller/sender nung package, and always remind them to double check..
- tas ayun, laging isama ang contact numbers just in case na magkaroon ng problema...

Courier 101-B: International Shipping (USPS)

[originally posted on May 24, 2012]



USPS.. i'm not sure kung ito nga yung logo nila, eto kasi yung unang lumabas sa google search..
sa kanila ako dati nagpapadala ng package nung mga panahon na may nabibilhan pa akong matinong toy store sa US, sa California..
yung service nila eh comparable din dun sa EMS (express mail service - yata ang meaning) ng Japan.. hindi ko pa nasubukan yung sa ibang bansa, pero yung postal service ng Japan eh meron ngang EMS na maaasahan...

Positive Notes:
- so far reliable naman sya.. parating nakakarating yung package ko from the US..
- hindi pa sila lumalagpas sa estimated time ng delivery nila.. kaya madaling i-predict kung kelan ko ipi-pickup yung item ko mula sa local post office...

Negative Note:
- for some reason hindi dumidiretso yung package sa bahay ko.. the most that i get from the post office eh notice na may package ako na dapat kuhanin at bayaran sa kanila.. ibig sabihin, kahit naka-indicate sa package yung exact address mo eh wag mong aasahan na ang delivery nun eh dire-diretso hanggang sa pintuan ng bahay nyo...

Other Note:
- i'm not sure kung applicable para sa lahat ng klase ng padala, pero may feature yung website nila para sa online tracking (hindi ko kasi naisip na gamitin yun dati sa sobrang tiwala ko sa seller ko eh)...

Conclusion:
- mas reliable ang USPS kesa naman sa FedEx-Air21 combo...

Tips:
- make sure na may madaling paraan para ma-contact yung seller bago kayo makipag-deal.. magiging madugo ang lahat kung aasa kayo sa telepono, maliban na lang kung mayaman kayo at walang halaga sa inyo ang pera.. mas maganda kung may instant messenger (IM) or at least e-mail communication man lang..
- alamin ang estimated time of arrival nung package, madalas malaki talaga yung range (umaabot ng weeks).. this way matatantsa nyo kung kelan makakarating sa local post office yung package nyo..
- kapag nasa estimated time of arrival na, parating i-check yung package sa post office sa lugar nyo either personally or through phone call..

Courier 101-A: Local Shipping (LBC)

[originally posted on May 22, 2012]

LBC..
bilang isang kolektor at dahil sa may mga pagkakataon na yung mga ninanais kong item/s eh wala sa mga mall o city o province ko, nakukuha ang pansin ko ng mga item/s na available sa ebay..
para makaiwas sa Customs at sa shipping charges, sinusubukan kong humanap ng mga kailangan kong items sa loob lang ng bansa..
madalas nasa NCR lang ang mga top sellers..
dati ako pa mismo ang bumabiyahe para i-pickup yung mga nabili kong items para na rin makasiguro ako nang husto, pero recently, dahil sa tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at pamasahe eh mas praktikal na ang ipa-ship ang mga nabili mong items (though may drawback ang ganitong paraan)..
at dahil dyan are ulet ang ilang reviews (may ilan pang mga susunod) na posibleng makatulong sa inyo sa tamang pagpili ng maaasahan na courier for local shipment/s...

Sample Case Summary:
here's a link to a video i made, a message na kelanman yata eh hindi na pinansin ng LBC..
earlier version ito ng complaint ko..
pero wala pa dyan yung kabuuan ng inabot kong trauma sa LBC, ibig sabihin after kong magawa yung video eh sandamakmak pang kapalpakan ang sumalubong sa akin:
http://www.youtube.com/watch?v=EhurE_s7f88





Positive Note:
- provided na accurate ang mga details na nai-attach sa package at walang natural na aberya sa kalikasan, mataas naman yung tsansa na maide-deliver nga iyon sa iyo...

Negative Notes:
- incompetent na mga empleyado..
- sila mismo hindi sumusunod sa policies nila (sa halip na i-verify muna sa sender yung address nung recipient, eh nag-return to origin na agad).. according sa isang empleyado, kapag corporate account ang nagpadala ng package hindi na sila nagbe-verify kung may mali sa shipping address at agad ibinabalik ang package sa origin branch nila kapag hindi natunton yung location mo..
- bihirang mag-reply sa e-mail..
- nangba-block sa Facebook page nila (na-block ako dahil minura ko na sila, pero sino ba naman ang hindi magagalit kung 1 month nang hindi matagpuan ang package mo?)..
- hindi magagalang na mga taga-sagot ng telepono sa customer support..
- hindi consistent na mga response na nakadaragdag sa pagkalito sa halip na makatulong..
- may tendency ang mga empleyado na magsinungaling (gaya ng tungkol sa location nung package, o minsan sasabihin nila na kinokontak ka nila kahit hindi naman talaga kasi wala ka naman nare-receive na missed call o text despite na hindi ka naman nagba-battery-empty, o di kaya minsan kapag tumawag ka sa delivery hub nila sasabihin nila sa'yo na brownout kaya hindi ka pa nila matutulungan pero sa totoo lang may kuryente naman)..
- nagkakamaling tracking system..
- hindi responsable sa mga nagawa nilang pagkakamali..
- may tendency na takasan o balewalain na lang ang mga complaint..
- kapag nag-research kayo sa internet, sobrang daming article about LBC, mga reklamo tungkol sa kanilang mga kapalpakan...

Important Notes:
- aside sa LBC, naidulog ko na rin ang reklamo ko sa mga tv news program.. pero wala pa rin.. sinubukan akong tulungan ng GMA news via youscoop, tsaka ng Bayan Mo, i-Patrol Mo (BMPM) hoping na matatawag nila ang pansin ng LBC.. pero unfortunately, wala ring nangyari..
- after more than 2 months hindi pa rin nareresolba ang pagkawala ng item ko, at ni hindi na sila nagpaparamdam..
- as of May 30, 2012, nakatanggap ako ng copy ng endorsement letter from DTI regarding my complaint against LBC.. pero hindi ko pa rin alam kung saan ang patutunguhan ng kasong ito...

Conclusion:
- terrible and traumatic experience.. hindi na ako uulit sa LBC...

Tips:
- hindi puwerket may commercial sa tv ang isang brand o kompanya eh ibig sabihin na maaasahan na nga sila..
- kung sa LBC magpapadala, siguraduhin na tamang-tama ang ilalagay na address..
- siguraduhin rin na isasama ang mga contact numbers ng recepient para in case of emergency..
- mag-google kayo ng issues/articles/reviews regarding a particular courier na gusto nyong alamin ang performance.. sandamakmak na reklamo ang nakita ko about LBC sa ebay forum pa lang..
- if available, i-check nyo yung website or Facebook page nila, look for features gaya ng: customer support, online tracking system, contact numbers, branch locator, instant messenger, SMS notification.. makakatulong kasi ang mga ito in case na magka-problema ka sa package mo..


here's a related post:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/04/courier-101-local-shipping-lbc-part-2.html


Courier 101-B: International Shipping (FedEx)

[originally posted on May 21, 2012]


okay..
sa simula ang mga ire-review ko ay tungkol sa performance ng mga courier company (both local and international) na naka-transaksyon ko na..
dahil isa akong kolektor ng kung anu-anong action figures, may mga pagkakataon na umo-order ako ng mga bagay mula sa kung saan-saan (usually via the internet), at siyempre kakailanganin mo ng maaasahan na courier service provider bago mo talaga makuha yung mga bagay na inorder mo..
at sa aspetong iyon, yung karanasan mo regarding online purchasing eh pwedeng maging masaya o di kaya naman eh isang malaking bangungot depende sa mga taong magha-handle ng package mo...

gaya ng sabi ko, everything would be based on my personal experience/s, so sana naman walang violent reaction para sa mga panig tatamaan..
hindi naman sa gusto ko lang manira ng kung sino, gusto ko lang i-share yung mismong karanasan ko para dun sa mga hindi pa kabisado yung mga kaparehong uri ng transaksyon..
para malaman nila kung ano yung mga dapat nilang i-expect, at guide na rin para may idea sila kung sinu-sino nga ba ang mapagkakatiwalaan sa ganitong klase ng industriya...


FedEx..
once lang ako nagkaroon ng transaction with them..
technically speaking, hindi pala ako yung nakipagtransaksyon sa kanila, kasi kung sino man yung inorderan mo ng item yung mismong makikipag-transact sa kanila..
wala kang ibang magagawa kundi pumili lang ng trip mo na courier at sabihin yun sa seller..
tas yung resulta eh depende na sa mga tao o kompanyang dadaanan nung package mo, at pati na rin sa hindi natin mako-control na puwersa ng kalikasan...

Sample Case Summary:
sa experience ko, from the US yung items and properly declared yung value nila..
so bale binusisi sya ng Bureau of Customs ng Pilipinas...

Positive Note:
- nai-deliver naman yung item...

Negative Notes:
- wala ng FedEx dito sa Pinas, pero partner naman yata nila ang Air21 (or AirFreight 2100) kaya kailangan pang ipasa yung package sa kanila..
- for some unknown reason, hindi agad dineliver sa address na na-provide ko yung package.. ini-store sya ng AirFreight 2100 sa storage facility nila.. and magkano ang charge for that single day/night na namalagi sya sa storage na yun? 800+ PHP lang naman.. nakanang! parang nag-motel ang package ko nun, and to think na ni ako nga eh hindi pa nakakapunta sa ganun, tas halos kasing laki lang siya ng box ng sapatos.. so ayun nga, hindi nila ipinaliwanag kung bakit may ganun pa sa halip na dire-diretsong delivery.. pakiramdam ko talaga gumawa lang sila ng paraan para perahan ako.. sa huli eh parang naging doble yung presyo nung item ko dahil sa ginawa nila plus yung sobrang laking charges ng Customs...

Conclusion:
- terrible experience.. butas ang bulsa dito...XD

Tips:
- wag nang gumamit ng FedEx kung mag-i-import kayo ng goods.. mas ire-recommend ko pa ang USPS, yung sa kanila eh pagkalapag sa Pinas eh sa Post Office ipapasa yung delivery nung package.. di hamak na mas reliable kesa dun sa may "motel-charge"..
- always advice your seller/sender to attach your contact number/s dun sa package para in case of emergency...