Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - Early April 2014 (Sleeping with Pills 2)

April 2, 2014...

hindi na kita buburahin dito sa puso ko..
sarili ko na lang ang buburahin ko...

 — feeling , Potassium-mode...

---o0o---


April 4, 2014...

ng dahil dun sa demonyong donor ng tamod, eh bawal na akong manghiram ngayon ng mga networking gadgets..
kaya naman are, asa na naman sa Globe para may makausap naman...

gusto ko na talagang tumakas sa mundong 'to..
hindi na lang 'to tungkol sa kanya..
oo, masakit talaga at nakakalungkot yung dinanas ko dun sa Espasol - na nakakawala na ng gana saken para mabuhay..
pero ang mas nakakasakit sa ulo ko ngayon eh yung pagbalik ko sa mga problema sa realidad:
- problema sa kahirapan
- problema sa mga utang na pwedeng ikakalaboso ng biological mother ko
- yung pagwawala at paninira ng biological demon brother ko ng dahil sa kagahamanan din sa pera
- yung tuluy-tuloy na pagkawala ng pera sa negosyong hinahawakan ko
- yung konsensya ko dahil hindi ko na matiis yung panlolokong ginagawa ko sa blood aunt ko
- pati yung pag-aalaga sa baby na nagiging dahilan ng pagdedemonyo nung donor ng tamod

walang kasalanan yung Espasol sa muling paglabas ng demon side ko..
kung tutuusin eh matagal ko nang problema yung mga nabanggit ko..
at yung pag-focus ko ng atensyon ko sa kanya eh nakatulong pa nga para ma-relax ako mula sa mga totoong problema ng buhay...

wala na lang talaga akong makitang rason para mabuhay pa..
yung mga gusto ko kasing gawin sa buhay ko eh puros pang-mayaman lang..
yung pagma-manga eh malaking sugal at kakain ng maraming panahon at fixed na espasyo..
yung balak ko namang magtayo ng gallery eh pera at space din ang kailangan..
useless na para subukan ko pa silang abutin..
nagkasakit na nga ako ng trauma sa mga magnanakaw..
tapos hindi ko na rin makita ang future ko, takot kasi ako na baka kapag sumubok na naman akong lumaban sa buhay (lalo na kung mag-isa na lang ako) - eh baka tamaan na naman ako ng malas at mabigo lang..
tanggap ko na, ito talaga ang kaparusahan ko sa pagtalikod ko sa mga diyos - ang unti-unting kamatayan..
mas masuwerte pa nga yung iba na namamatay na lang kaagad..
kesa sa akin na more on psychological ang pag-atake...


---o0o---


suko na ako..
kaya please lang, ayokong makarinig ng motivation mula sa mga taong mas masusuwerte pa kesa sa akin..
ayokong makarinig mula sa mga taong hindi pa nararanasan lahat ng sunud-sunod na kamalasan na natamo ko na..
sawa na akong makipag-usap sa mga taong nanghihinayang sa failures ko..
sawa na akong makipag-usap sa mga taong tanong nang tanong kung anong gusto kong gawin sa buhay, but then uutusan naman ako ng kung anong magagawa ko..
pagod na akong makipag-usap sa mga taong nakaka-appreciate sa buhay, at nag-iisip na masama ang mag-suicide...

kailangan ko lang ngayon ng mga bagong kakilala..
mga taong may access sa maramihang sleeping pills..
yung gagawin lahat para sa pera..
yung hindi ako pakikialaman sa pagdedesisyon ko para sa sarili ko..
ayoko namang dumaan pa sa doktor, dahil maniningil na nga yun para sa pagrereseta tapos eh
hindi ko naman sigurado kung sapat na pills na yung makukuha ko sa reseta nila...

bakit sleeping pills..?
ang totoo i don't know what it feels like to die using such..
ni hindi ko nga alam kung anong pakiramdam ng patulugin nun eh..
naiisip ko lang na since ganun yung tawag dun, eh baka naman tulog na ako nang mahimbing bago nila tuluyang sirain ang katawan ko..
siguro hindi naman yun masakit, o magko-cause ng ingay..?
at ang pinakamahalagang tanong eh epektib ba talaga siya sa pagpatay...?

kung mamamatay na lang kasi ako..
matitigil na ako sa pag-iisip..
matitigil na ako sa pamo-mroblema..
matitigil na talaga ako sa pagsasalita ng tungkol sa mga negatibong bagay..
matitigil na ako sa pangangarap..
matitigil na ako sa pag-aalala para sa mga gamit ko..
matitigil na yung phobia ko sa mga magnanakaw..
mawawala na rin yung takot ko sa masakit na kamatayan..
bukod dun..
hindi ko na rin aalalahanin kung anong isusumbat sa akin ng mga biologicals ko kapag nawala na ako...

ang kailangan lang naman eh hindi nila mapakinabangan lahat ng mga pinaghirapan kong makuha...

para sa ikapapayapa at ikatatahimik ng isip ko...


---o0o---


gusto kong mabura ang existence ko hindi lang dahil pagod na ako sa pakikipaglaban sa sarili ko..
gusto kong burahin na rin ang existence ko para makalimutan na lang sana ng iba lahat ng panget na mga alaala at kahihiyan na idinulot ko sa kanila...


---o0o---


basta..
kung matupad ko man yung last goal ko o mangyari na lang sya ng natural..
eh simple lang yung mga patakaran:
- bawal ang burol o lamay o pagluluksa
- bawal mag-alay ng kahit na anong uri ng dasal o panalangin para sa akin
- at kailangang i-cremate ako kaagad para tuluyan nang masira ang katawan kong 'to

yun na yung last kong chance para mapatunayan kung totoo man ang mga diyos na yan..
kung akong mali edi susubukan kong warning-an ang mga natitira pa sa mundo..
at tatanggapin ko ang lahat ng naghihintay na kaparusahan sa akin sa impiyerno..
pero kung sakaling ako ang tama, edi suwerte ko na lang..
mapapayapa na ako at magkakaroon ng katahimikan for eternity...


---o0o---


April 5, 2014...

sa ngayon gusto ko na lang munang malungkot..
sobrang sakit kasi..
at sobrang bigat ng pakiramdam ko..
pero ang mga tao naman sa paligid ko, eh pilit na ipinapasa pa sa akin ang mga problema nila...

hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin..?
kung bakit kailangang magpabagu-bago ang mga sinasabi niya..?
nagkamali ba ako sa tanong ko..?
o napilitan lang ba siyang magbigay ng mga sagot niya, para lang matapos na ang 'bawat' usapan..?
bobo ako, tanga, at siguro nga insensitive..
hindi ko naisip na sa ikalawang pagkakataon eh nabubuwiset na pala sa existence ko yung babaeng gusto ko..
akala ko kasi eh 'okay lang'..
na pwede na ulit akong maglalapit sa kanya..
na pwede ko nang iparamdam yung feelings ko para sa kanya..
yun pala eh gustung-gusto na naman niya akong ipagtabuyan palayo...

why does she hate me so much..?
ano bang nagawa ko sa kanya..?
siguro nga napaka-undesirable ko bilang lalaki..
pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ruming-rumi siya sa akin, at sa nararamdaman ko para sa kanya..?
ni hindi ko man lamang siya pwedeng mas makilala nang lubos..
'wag na'..
'hindi pwede'..
ano bang rason kung bakit hindi talaga pwede...?

nakakahiya ang mga ginawa ko..
sinayang ko na naman yung mga oras niya..
pati oras ng parents niya eh sinayang ko na rin minsan..
nagi-guilty ako..
naipahiya ko lang yata siya sa family niya ng dahil sa lahat ng ginawa ko..?
naipahiya ko rin siya maging sa mga bisita nila noong mismong araw na ibinigay ko sa kanya yung red roses, chocolate, at letters ko...

bakit ba kasi hindi na lang yun yung sinabi niya sa akin noong una pa lang (sa ikalawang pagkakataon)..?
dapat diniretsa na lang niya ako na 'ayaw niya talaga sa akin' at na 'huwag ko na siyang lalapitan kahit na kailan'..
dapat naisip ko na kung anuman yung mga isinagot na niya sa akin noong unang beses - eh yun na nga yun..
gaano ba talaga kahirap na maging totoo sa harap ng ibang tao..?
hindi ba mas naiwasan sana niya na mabuwiset sa akin kung sa simula pa lang eh idinispatsa na niya ako..
i trusted her words, pero wala naman palang totoo sa mga yun..
nawawalan na talaga ako ng tiwala sa mga tao...

piece of advice..
hindi maganda kung pabagu-bago ka ng mga binibitawan mong salita..
dahil kung parati mo yung gagawin - paano pa malalaman ng ibang tao kung kailan ka nagsasabi ng totoo at ng hindi..?
kung ayaw mo na nilalapitan ka ng mga taong hindi mo naman gustong umaali-aligid sa'yo..
mas mabuti pa kung sa umpisa pa lang sabihin mo na kaagad sa kanila yung totoo..
kesa naman magbibigay ka ng mga 'safe' na pahayag na kesyo 'okay lang', o 'sa isang araw na lang'..
dahil hindi matatapos dun ang mga bagay-bagay..
ang dapat sa mga basura itinatapon na habang maaga pa, kesa naman mabulok o kumalat pa lalo...

sobrang sakit ang magmahal o magpahalaga ng taong wala namang pakialam sa'yo..
bukod pa yung malaman mo na ruming-rumi pala siya sa pagkatao mo..
na kung pwede lang eh isusuka niya yung fact na nakilala ka niya..
kung kaya ko lang sanang burahin ang sarili kong existence para sa'yo..
yun na lang ang gagawin ko...
 

feeling Potassium.....


No comments:

Post a Comment