Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (September 6, 2013 - Fate-less)

September 6, 2013..
(medyo journal entry)

bago yung sa mismong kaganapan noong ika-6 ng Setyembre..
gusto ko lang ikuwento na nakita ko siya noong September 5 ng gabi..
pasado 8:00 PM na noon..
bumaba siya ng tricycle sa tapat ng bahay nila..
(nagta-tricycle rin naman pala siya, siguro dahil medyo nag-uuulan noong araw na iyon, o siguro dahil masyadong madilim na rin..)
naka-tourism uniform siya noon..
naikuwento ko lang dahil noon ko na lang ulit siya nakitang mag-ponytail na katulad ng sa akin..
seksi naman..
at mas maaliwalas siyang tingnan kapag ganun...

---o0o---


okay..
mismong September 6 naman..
medyo may pagka-significant yung date..
parang prophecy kasi yun nung mobile number ko eh, LOL!
wala naman masyadong nangyaring interesante..
pero may mga nangyari din naman...

Fate-less yung title..
as in parang hindi talaga itinatadhana..
well, i guess it's still FATE..
pero siyempre mas gusto ko namang pumabor siya sa akin, kahit minsan lang...

4:40 PM siya umuwi noon..
naka-tourism attire ulit, pero naka-bun siya this time..
hindi naman yata talaga bun yun, basta parang binuhul-buhol eh...

alam nyo yung mga tangang pagkakataon..
kagaya nung inutusan ka na bumili sa tindahan..
tas saktong andun rin yung babaeng gusto mo..
pero dahil kontra sa'yo ang FATE eh pinairal niya yung katangahan nung taong nag-utos sa'yo..
andun nga yung target mo sa may tindahan nang medyo matagal na oras..
pero ilang minuto naman at kung saan-saan sa loob ng bahay nyo hinanap nung nag-utos yung perang pambili..
yun tuloy, nakauwi na sa bahay nila yung babae at hindi mo na siya inabutan sa labas..
tapos yun pala ay nasa suot na damit lang nung nag-utos yung perang kanina pa niyang hinahanap..
ampotah!
totoo talaga ang FATE..
naniniwala na talaga ako..
yun nga lang - kontra siya sa akin...

at noong gabi na..
eh brownout pa rin sa lugar namin..
isang shitty brownout na hindi ko masabi kung dapat ko bang ipagpasalamat o ano..
siguro dahil sa kainitan na rin ng panahon eh na-push sila para bumili ng yelo..
kaso bakit naman ganun..
bakit si half-sister-in-law naman ang pinabili nila..?
samantalang noong mga nakaraang araw naman eh siya..
ano yun, testing kung ako ang haharap sa tao kapag hindi siya ang bumili..??
mas malakas nang magsalita ngayon yung kapatid niya, hindi tulad dati..
tas nag-'thank you' pa bago umalis..
pero hindi na siya nag-o-opo sa akin..
hindi naman sa choosy ako..
pero talagang miss ko na yung Espasol ko eh..
FATE naman o', talaga naman..
nakakahalata na ako sayo... T,T

---o0o---


Espasol..
bakit naman ganun..?
bakit hindi pa ikaw..?
pwede bang pa-request..?
pwede bang next time eh magpakita ka naman sa akin..?

kailan nga kaya kita ulit makikita..?
miss na miss na kasi kita eh...

ano na kaya..?
may boyfriend ka na ba ngayon..?
o may nagugustuhan ka na kayang lalaki..?

almost 2 months na rin kitang hindi nakakausap..
yun kasi yung gusto mo, di ba..?
tsaka halos wala na rin naman talagang natitirang paraan para makausap pa kitang muli..
mabigat pa rin sa loob ko na iniiwasan mo ako..
eh kasi naman gusto talaga kita..
sana lang maintindihan ko kung bakit ganito..
kung bakit hindi talaga ako pwedeng makapasok sa buhay mo..?


No comments:

Post a Comment