Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (July 31, 2013 - Sad Face)

July 31, 2013..
(non-journal entry)

iba na naman yung schedule niya starting noong Monday..
at yun pala eh dahil may Intramurals ngayon sa school nila..
hindi ko alam kung hanggang kailan nagtatagal yung mga ganung event sa campus nila..
pero sa amin yata dati ay hanggang mga tatlong araw lang, o one week yata...

ulanin ang mga nagdaang araw..
at madalas medyo late na siyang umaalis sa kanila..
naka-casual lang siya at hindi nagsu-suot ng pang-Intrams na uniform...

napansin ko rin na madalas siyang naka-bun lately, kapag nasa bahay lang siya..
hindi ko alam kung paano ginagawa yung ganung ayos ng buhok..
pero nagmumukhang manipis lang ang buhok kapag ganoong kataas ang bun...

at ayun..
nagse-sentimiyento na bakit daw siya nag-eexam samantalang Intrams 'nila'..
hmmm..
'nila'..?
sino naman kaya ang tinutukoy niya..?
o may tinutukoy ba siya o talagang general lang yung statement niya..?
hindi kaya boylet niya na gusto niyang mapanood na naglalaro..???

at parang malungkot siya noong hapon..
bakit naman kaya..?
ayaw pa kasing makipagbati sa akin..
nang madamayan ko naman siya sa kanyang kalungkutan... >,<

---o0o---


madalas iniisip ko pa rin kung bakit ba ako nahuhumaling sa isang Category B~A lang na babae..
dahil ba masyado kong naituon sa kanya ang atensyon ko sa nakaraang halos 2 taon..?
o dahil ba siya lang yung medyo matinong babaeng nakikita ko dito sa lugar namin since hindi naman ako outgoing na nilalang..?
o purong pisikal na atraksyon lang ba 'to dahil sobrang naseseksihan talaga ako sa kanya at bihira lang akong makakilala ng ganung klase ng babae..?
o dahil ba nakikita ko sa kanya yung ilang katangian na gusto ko talaga sa isang totoong binibini..?
o dahil ba gusto ko lang patunayan na nagustuhan niya rin nga talaga ako..?
o dahil ba nacha-challenge ako sa pagiging tila mailap niya pagdating sa mga lalaki..?
o dahil ba yun sa mga ngiti niya na hinding-hindi ko na mabura sa isip ko..?
o dahil ba gusto kong malaman what it's like to be with someone like her..?

parati niya pa ring ginugulo ang isip ko...

end of July na..
bale 2 months na rin kaming walang encounter..
at 3 months naman na wala kaming natural na encounter, maging ng family niya...


No comments:

Post a Comment