Loveless Story
August 24, 2025...
[Gadget-Related]
parang tanga talaga itong Facebook..
binigyan nyo na ako ng 40-character code dati..
tapos ngayon naman eh pipilitin ninyo akong palitan pa iyon ng PIN...
is
feeling , mga tarantado kayo.. wala na akong nare-receive na one-to-one message...

---o0o---
August 25, 2025...
sinimulan ko na rin officially yung project #25..
ang pinakauna kong project ngayong taong 2025...
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 28, 2025...
so yung abusado naming kapitbahay na umuupa lamang..
eh nag-manufacture ng produkto na pangbenta..
pero dahil likas silang mga abusado, eh sa sidewalk nila ibinalandra iyon..
at hindi lang basta sa sidewalk, dahil nasa tapat yun ng property namin...
ayun..
natumba sa kalsada yung produkto nila..
nasabitan ng sasakyan dahil sobrang kipot na ng kalsada sa area namin dahil sa pang-aabuso ng nasa 3 nangungupahan sa paligid namin...
mga tanga at abusadong nangungupahan na ayaw namang gamitin bilang parking space ang parking lot ng inuupahan nilang bahay...
is
feeling , karma...

-----o0o-----
[V-League]
PVL Invitational Conference 2025
August 23, 2025...
Creamline versus Tiggo..
madami din ang live audience..
audience din lang si Morado...
Set 1, maagang nakaagwat ang Creamline, activated kaagad si Gumabao, pero nakahabol din naman ang Tiggo at nagkaroon ng palitan ng kalamangan, nakakalas ang Tiggo sa bandang dulo, at sila nga ang nanaig dahil sa tulong ng 10 huge errors ng Creamline..
Set 2, makulit na ang floor defense ng Tiggo, madalas na sila ang lamang, si Baldo naman ang activated, mainit na ang laro ni Galang, pero nagtagumpay na naman ang nightmare chase ng Creamline kasabay ang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, sila ang nanaig sa extended set dahil sa kanilang 19 attacks..
Set 3, una na ulit nakalamang ang Creamline, pero madalas na nagagawa ng Tiggo na tapyasan ang malalaki nilang kalamangan, activated na din ang floor defense ni Baldo, at si Galanza naman ang uminit ang opensa, napanindigan naman nila yung set sa tulong ng 6 errors ng Tiggo..
Set 4, dikitan ang simula ng laban sa tulong ng mga replacement ng Tiggo, maaga ding ginamit ang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, makulit na ulit ang floor defense ng Tiggo at hindi pa kabisado ng Creamline ang atake ng mga Middle Blockers nila, nagawa tuloy makaagwat at mang-iwan ng Tiggo, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 9 attacks at sa tulong ng 12 huge errors ng Creamline..
Set 5, unang nakalamang ang Creamline sa tulong ni Gumabao, pero habol nang habol ang Tiggo, natapon yung 8-5 at 10-7 na kalamangan, na-extend yung set, pero talagang naagaw pa iyon ng Tiggo...
3-2, panalo ang Tiggo..
masyadong madaming errors ang Creamline for this match...
is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. natapon yung laro...
---o0o---
August 26, 2025...
Creamline versus Kobe Shinwa..
so may puntos na nga kaagad ang PLDT laban sa Creamline mula sa PVL on Tour..
bagay na unfair, dahil hindi nila masusukat nang maayos ang kakayahan ng bawat team laban sa isa't isa..
tapos wala din ngang nagawa ang Kobe Shinwa laban sa PLDT...
konti lang ang live audience..
may pagod ang Kobe mula sa laban nila kahapon, pero mainit na kaagad ang simula nila...
Set 1, unang nakalamang ang Kobe, as expected sa mga Japanese ay maganda at makulit ang floor defense nila, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, late chase ng Creamline at na-extend yung set, pero nanaig ang Kobe dahil sa kanilang 18 attacks and 4 service aces..
Set 2, mainit na si Galanza, dikitan ang laban, naubos ng Kobe ang kalamangan ng Creamline, Bernardo for Gumabao, at naagaw nga ng Kobe yung set dahil sa kanilang 21 attacks..
Set 3, nalagas na naman ang lamang ng Creamline, palitan ng kalamangan, Soriano in, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, at napanindigan nga nila ang set dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 9 big errors..
Set 4, unang nakalamang ang Kobe, maagang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, nakahabol sila, pero muling umagwat ang Kobe, at tinapos na nga nila ang match...
3-1, panalo ang Kobe Shinwa...
kaya naman hindi na makababalik ang Creamline sa Finals...
is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. ayaw mo kasing maglaro para sa Creamline, Morado...
---o0o---
August 29, 2025...
Creamline versus Zus..
ang natitirang pag-asa nila para makalaban man lamang ulit sa Battle for Third..
hindi masyadong madami ang live audience...
Set 1, maagang nakalamang ang Creamline, pero mabilis din naman na nakadikit ang Zus at nagkaroon pa ng palitan ng kalamangan, muli namang nakaagwat ang Creamline, nag-double substitution pa nina Dimaculangan at Bernardo, nanaig sila dahil nakuha nila lahat ng scoring stats lalo na yung 8 kill blocks...
Set 2, una namang nakaagwat ang Zus, pero naagaw ng Creamline ang kalamangan, Dimaculangan for Negrito, testing din ni Celis, muli silang nanaig dahil sa kanilang 12 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, testing ng bench ng Creamline, dikitan tuloy ang laban at palitan ng kalamangan, at nanaig pa rin nga sila kahit pa pinaglaro nila ang kanilang bench...
3-0, panalo ang Creamline...
untikan na ang Kobe Shinwa kanina laban sa Tiggo..
pero dahil sa reverse sweep ng Kobe, eh Tiggo tuloy ang makakaharap ng Creamline para sa Battle for Third...
is
feeling , salamat kahit papaano, team.. at least may chance ulit para sa podium finish.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----
August 23, 2025...
[Trade]
day 620...
umaabot na ang C sa bottom na level 19.2... 🙁
level 19.2 to 23 yung una nilang na-recover..
USD 82 sana iyon para sa akin...
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 24, 2025...
[Trade]
day 621...
bumagsak na naman ang C ngayong araw..
balik sa level 19.9...
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 25, 2025...
[Trade]
day 622...
level 19.9 to 21 na quick recovery kagabi..
USD 22 sana iyon para sa akin..
bago sila muling bumagsak sa mas mababang level 19.8... 🙁
bago na namang bottom sa Binance..
umaabot na sila ngayong araw sa level 18.8... 🙁
pinaninindigan ko ang C, kaya naman walang pwedeng mangyari sa kanila na maganda..
kakambal ko ang pagkawasak..
kaya lahat ng bagay na mauugnay sa akin ay nawawasak...
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 26, 2025...
[Trade]
day 623...
level 18.8 to 20.5 na quick recovery..
USD 37 sana iyon para sa akin..
tapos ay muli din naman silang nagpabagsak sa level 18.9... 🙁
umaga nang gumawa ulit ng pump ang C..
level 18.9 to 22.2..
USD 72 sana iyon para sa akin..
level 20.2 to 21.7..
USD 30 naman sana iyon..
level 20.3 to 21.5..
USD 24 naman sana iyon..
level 20.4 to 21.9..
USD 30 ulit sana iyon..
pero hapon nang tumigil na sila sa paggawa ng mga pump... 🙁
ganito na naman ulit..
sandamakmak na kita..
pero nagaganap lang sa ilalim ng kasumpa-sumpa kong entry point... 🙁
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 27, 2025...
[Trade]
day 624...
at nagpabagsak na nga ulit ang C matapos yung paulit-ulit nilang short pump kahapon..
lahat ng asset na binabantayan ko ay nasa recovery mode sa ngayon..
at bukod tangi lang ang C na nasa lugi na ulit na level... 🙁
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 28, 2025...
[Trade]
day 625...
level 19.2 na bottom kahapon..
tapos mas bumaba na ulit below 19 ngayong araw..
hanggang level 18.8..
tapos bumawi ng recovery hanggang level 20.8..
USD 44 sana iyon para sa akin... 🙁
bago sila muling bumaba sa level 20...
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
August 29, 2025...
[Trade]
day 626...
at nasundan pa nga yung pump kagabi..
level 20 to 22.1..
USD 43 sana iyon para sa akin..
level 20.5 to 22..
USD 30 naman sana iyon..
level 20.9 to 22 ulit..
USD 21 sana iyon... 🙁
pero kagaya noong huling beses..
eh nagpabagsak na naman ang C matapos ang paulit-ulit na pump... 🙁
is
feeling , d*e will be done...
