Showing posts with label emo. Show all posts
Showing posts with label emo. Show all posts

Friday, May 10, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of May 2019 (Before the Storm)

Loveless Story


May 10, 2019...

[Emo]

Part 2:

may paparating na bagyo... :(

aalis na naman ang biological mother ko..
tatawid ng dagat para sa eleksyon..
then lilipat ulit ng isla para mag-alaga ng may Alzheimer's na kapatid, para makadalo ang buong pamilya nito sa isang kasalan..
after that eh babiyahe ulit para naman sa reunion ng angkan nila..
mga 8 days siyang sunud-sunod na mawawala...

ibig sabihin..
mawawalan ng yaya yung kapitbahay..
mawawalan ng cook..
mawawalan ng kasambahay..
at mawawalan rin ng alipin yung asawa niya...

ang bad news..?
mukhang walang balak bumukod muna yung pamilya nung mga bata...

is feeling , at nagsimula na kaagad ang digmaan bago pa makaalis yung tao...


>
Part 1:

na-trigger na naman ako..
automatic na siya..
nanginginig yung laman ko basta't narinig ko na sinisisi ako tungkol sa mga problema na hindi naman ako ang may gawa..
sobrang lakas na panginginig, na saka lang humuhupa kapag isinigaw ko na lahat ng poot ko...

earlier before that..
nandito sa bahay yung isang tita (sa mother side) nung mga bata..
konting sakripisyo mula sa pamilya nila para makapagpatingin naman sa doktor yung biological mother ko..
so pakitang tao yung matandang lalaki..
acting bilang mabait na lolo..
kesyo nahihiya siya na nahihirapan daw mag-alaga yung tita nung mga bata...

pero as expected, saka siya muling nagpakita ng kademonyohan niya noong nakaalis na yung mga bisita...

ang nangyari..?
nananahimik lang ako na nagtatrabaho sa kuwarto ko..
hanggang sa nakita ko na naglilikot yung Autistic..
kaya tinawag ko yung atensyon nung bata at sinaway..
"hey" yung ginamit ko na salita..
nang biglang mang-badya yung matandang demonyong lalaki..
hindi ko na lang siya pinansin noong una..
alam ko kasi na papaalis na bukas ang biological mother ko, at ayaw nun ng gulo..
inawat naman yung demonyo ng asawa niya..
pero patuloy na nagsalita yung matandang lalaki..
inulit nang inulit yung pagsasabi ng "hey"..
at sinabi na kesyo totoo naman daw na wala akong naitutulong, at panay sigaw lang ako...

sa punto na iyon eh nanginig na ang mga laman ko..
padalawang beses na niya akong sinisisi dahil sa kagagawan nung Autistic na bata na iyon..
nag-aayos ako noon ng graphics habang bayolenteng nanginginig yung kanan kong braso..
hindi ko na napigilan, kaya isinigaw ko na lahat ng galit ko...

muli kong ipinamukha sa basura na iyon na hindi ako ang magulang nung mga bata..
na hindi na siya dapat nakabalik pa sa bahay na ito noong nambabae siya..
na puros pakitang tao lang siya sa pag-aalaga ng mga bata para patuloy siyang makatanggap ng pera..
na wala siyang silbi sa buhay..
at na mas may pakinabang pa ang taong patay kumpara sa kanya...

at katulad rin ng nangyari na noon..
hindi na siya nakaimik..
dahil alam niyang totoo lahat ng mga sinabi ko...

is feeling , pangarap ko na mamatayan ng biological father...


>
Part 3:

bakit sobrang bigat ng kapalaran ko...?

gusto ko lang naman ng kapayapaan..
katahimikan habang ginagawa ko yung paraan ko sa paglaban sa buhay...

pero pagdating sa mga bata eh ako pa rin ang may kasalanan..?
bakit, ako ba ang kumantot at gumawa sa abnormal na yun..?
ako ba yung kumantot at nagdagdag ng isa pang anak..?
kasalanan ko ba ang Autism ng batang yun...??

alam ng mga diyos kong ilang beses ko nang pinagpapatay sa loob ng isip ko ang demonyong matanda na iyon..
kung paano ko hinahampas ng bat yung walang kuwenta niyang ulo sa tuwing natutulog na siya..
pero bakit patuloy siyang binubuhay ng mga tao sa paligid ko...??

mahina ako dahil tao ako..
hindi ako takot pumatay..
pero takot ako sa bulok na batas ng mga tao...

is feeling , paano pa ba ako makakalaya sa basurang buhay na 'to...??

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Semifinals (Final Four)


May 4, 2019...

ADMU versus FEU

naka-uniform si Ebon kahit nag-decide na siya na hindi na muna siya maglalaro...

rematch ng Ateneo at FEU from last year's Semifinals..
ang 14th 5-setter match para sa Season 81..
3rd pa lang para sa Ateneo..
7th na para sa FEU..
2nd 5-setter match naman sa pagitan nilang dalawa...

Set 1, 25-10, si Carandang muna para kay Domingo, overkill ng Ateneo, nanaig sila dahil sa kanilang 10 attacks and 5 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 23-25, si Cayuna na ang nag-Setter para sa FEU, dikitan ang laban, nagkaroon din ng time sina Gandler at Maraguinot, inilamang ng FEU ang kanilang 3 blocks..
Set 3, 22-25, na-warning-an si Coach George dahil sa maling tawag ng referee, nakakalas ang FEU sa bandang dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 5 service aces plus 10 opponent errors..
Set 4, 25-12, maaga na ulit nakalayo ang Ateneo, luminis na ulit ang laro nila, nakuha nila ang set sa kanilang 9 attacks and 7 service aces plus 7 opponent errors..
Set 5, 8-15, kanina pang target ng mga services ng Ateneo si Ronquillo, pero nakaagwat ng malaki ang FEU sa Ateneo...

3-2, panalo ang FEU..
sa wakas, nanalo na rin ang Pons-less na FEU laban sa Ateneo..
2 na sila ng La Salle na dumungis sa record ng current Lady Eagles...

lately, mas magaling si Cayuna sa pagdadala ng FEU laban sa mga malalakas na teams...

Player of the Game si Guino-o with 17 points from 8 attacks, 4 kill blocks, and 5 service aces...
Villareal na na-activate rin scored 10 points na may 8 attacks..
Malabanan with 8 points at Ronquillo with 7 points, bilang mga support..
para naman sa Ateneo..
Tolentino scored 21 points from 17 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
BDL with 16 points na may 5 service aces..
Madayag with 13 points...

is feeling , great game, FEU.. alisin na ang mga team na may bad swag...

---o0o---


May 5, 2019...


The End of a Dynasty


UST versus DLSU

nga pala..
nagawa nang talunin ng FEU ang lahat ng kalaban nilang teams sa UAAP this season..
at sila pa lang ang nakagagawa nun..
hindi na yun magagawa ng La Salle, dahil hindi na nila muling makakaharap ang hindi nila natalo na UP..
hindi na rin yun magagawa ng Ateneo, dahil inalis na ng UST ang La Salle sa equation..
so UST na lang ang aabangan kung magagawa pa ba nilang bumawi laban sa Ateneo...

ang 15th 5-setter match ng Season 81..
3rd for both teams...

Set 1, 25-19, nakaagwat ang UST makalagpas ng 1st technical time-out, nagkakalat sa services ang La Salle, nanaig ang UST dahil sa kanilang 4 blocks and 3 service aces plus 9 opponent errors..
Set 2, 25-19, si Alba na ang Setter ng La Salle, nakaagwat muli ang UST bago pa umabot sa 2nd technical time-out, lumamang sila sa kanilang 13 attacks plus 9 opponent errors..
Set 3, 20-25, naka-check na si Rondina, medyo na-injure si Laure, at nakatulong pa si Ipac sa La Salle, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 5 blocks plus 13 opponent errors..
Set 4, 23-25, dikit nang dikit ang La Salle hanggang sa sila na ang nakadistansya sa UST, nagtapon ulit ng 13 errors ang UST..
Set 5, 15-10, may na-warning-an pa sa La Salle, ibinalik na si Cobb, pero madalas nang lamang ang UST..
pero sa Set 4 eh kita na rin naman kung sino talaga ang may momentum pagdating sa attacking...

3-2, panalo na ulit ang UST..
3 beses na nilang natalo ang La Salle in Season 81..
at 3 beses rin na sunud-sunod na natalo ang La Salle sa mga huling laban nila...

Player of the Game si Eya Laure with 25 points from 21 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Rondina scored 17 points from 14 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Galdones with 11 points, at Rookie rin pala siya..
Viray with 10 points..
Rivera with 21 digs and 21 excellent receptions..
para naman sa La Salle..
Dela Cruz scored 12 pure attack points, plus 16 excellent receptions..
Cheng and Ogunsanya with 10 points each...

wasak na wasak ang Dynasty this season..
again, that's 3 for UST..
2 for UP..
at 1 for FEU against the defending Champion..
hindi kasing challenging ng naging istorya ng Season 76..
pero magaling ang ginawa nung 3 teams..
salamat sa kanila sa pagbibigay ng kulay sa season na 'to..
anuman ang mangyari sa Finals sa bandang huli, ang mahalaga ay nasira na ulit ang 4-peat attempt ng La Salle...

is feeling , maraming salamat sa UST.. tapos na ang goal na pabagsakin ang Dynasty.. simula naman ng panibagong istorya ng tagumpay...

---o0o---


May 8, 2019...

ADMU versus FEU (Do-or-Die)

lagot..
masaya ang Ateneo na pinalaglag ng UST ang team na hindi nila magawang talunin...

Set 1, 25-20, sina Cayuna at Carandang ang nag-start para sa FEU, kaso ang dami nilang naging service error, nakaagwat ang Ateneo makalagpas ng 12th point nila, nakuha ng Ateneo ang set dahil sa kanilang 4 blocks plus some big 11 opponent errors..
Set 2, 21-25, si Domingo na ang Middle Blocker ng FEU, 2 beses silang nakaagwat sa Ateneo, nakuha ng FEU ang set dahil sa 9 errors ng Ateneo..
Set 3, 25-23, dikitan ang laban, pero mas nanaig ang Ateneo dahil sa kanilang 3 blocks plus 11 opponent errors ulit..
Set 4, 25-14, maaga nang nakalayo ang Ateneo, Tolentino-mode na ang opensa nila, nagkaroon pa ng bench time para sa kanila...

3-1, panalo ang Ateneo..
pasok na ulit sila sa Finals..
at nakabawi din sila sa ginawa sa kanila nina Pons last year...

Player of the Game si Tolentino with 19 points from 17 attacks and 2 kill blocks..
Madayag and Gaston with 12 points each..
para naman sa FEU..
Malabanan scored 18 points na may 16 attacks..
Guino-o with 12 pure attack points, plus 14 digs, pero medyo off yung laro niya ngayon in terms of services and attack percentage..
Villareal with 11 points..
kaso nagtapon ng 36 errors ang FEU within 4 sets...

great accomplishment para sa FEU..
considering na nawala pa sa kanila si Ebon..
again, sila ang kauna-unahang team for this season na nakatalo sa lahat ng kalaban nilang teams..
also one of the keys kaya napabagsak ng UST ang La Salle...

nakakalungkot lang isipin na isang team na hindi nagawang talunin ang Champion team ang makikiagaw sa korona..
hanggang ngayon hindi ko pa rin gusto yung mga angas nina BDL, Wong, at Madayag...

is feeling , but still, salamat sa magandang season, FEU.. at talagang ang team na hindi pa natatalo ng UST ang makakaharap nila sa Finals...

-----o0o-----


May 6, 2019...

nape-pressure akong lumikom ng pera para makaalis na ako sa bahay na 'to...

gusto kong bumalik sa dati ang lahat..
yung tahimik at payapa lang madalas ang buhay ko..
yung walang threat...

yung panahon na wala akong demonic biological father sa bahay..
lalo na yung panahon na walang Autism sa bahay...

nakaka-stress kapag ikaw parati yung mali..
kahit na proper guidance lang naman para sa behavior nung bata yung hinihiling mo..
yung araw-araw ipapakita sa'yo ng mga tao na dapat luho ang manaig, di bale nang may mga mawasak at masayang... :(

is feeling , tapos aasa sila na magiging malapit sa pagiging medyo normal yung bata...?


>
hindi pa rin ako nakabalik sa trabaho dahil nag-ayos na muna ng listahan ng mga iboboto...

para sa National level..
- kumpleto yung 12
- halo-halo
- walang magnanakaw (at least in terms of actual evidence)
- 3 lang ang isinali ko mula sa alyansa; isang negosyante, yung anak na walang bahid hoping na mapapalaglag nun yung may bahid, at isang supporter ng batas na hindi nagagamit nang tama pero marami pang nagawang batas

para sa Party List..
iniisip ko kung ibibigay ko ba sa iba yung 1 boto, considering na kilala naman ang Bayan Muna (dahil totoo ang maraming miyembro nila)..
pero nagdadalawang isip ako na isakripisyo ang Bayan Muna..
lalo na ngayon na nangangalap pa ng additional seats yung mga masasama...

para sa Local level..
kinopya ko na lang lahat ng nasa grupo na kontra sa kasalukuyang Mayor..
- hindi na ako naghahabol ng marami pang gusali para sa city, kung tutuusin eh mas gusto ko yung dati na presko pa ang panahon..
- for now, basta yung mga tao na hindi nag-aagawan sa pondo para sa garbage disposal..
- at yung hindi ibebenta ang Water District para naman hindi lumobo ang singil sa tubig...

is feeling , handa na...

---o0o---


May 7, 2019...

[TV Series]

Sino ang May Sala?: Mea Culpa

okay yung plot na namatay yung Ketchup na involved dun sa pinagtakpang aksidente at technical kidnapping..
tapos parang magiging kakampi naman ni Jodi yung kakambal nun na gagampanan rin ni Ketchup...

naalala ko tuloy noong naging doctor nina Jodi si Ketchup sa Be Careful with My Heart...

is feeling , masyado nga lang gabi na para masuportahan ko pa si Jodi...

---o0o---


May 9, 2019...

2 bilang ng suporta ang kontrolado ko..
baka nga 3 pa eh...

para sa Party List..
ako na ang bahala sa Bayan Muna..
ipapaubaya ko na lang sa iba yung ACT-Teachers..
kahit na malaki yung pisikal na grupo nila..
mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon, lalo't marami na ang nagpapalpakan na machines...

papalitan ko naman na yung 1 supporter ng bumubulusok na gatasan..
wala akong pakialam kung gatasan nang sobra-sobra ang mga bisyo; sigarilyo at alak..
okay nga lang sa akin na gawin na Php 100 ang kada stick ng sigarilyo eh..
kaso nabasa ko na ipinagtanggol pala nung taong yun ang panggagatas sa petrolyo sa kabila ng kahirapan..
mga promotor ng problema..
kaya ibibigay ko na lang sa babae na environment at women's advocate yung 1 suporta ko na iyon...

is feeling , buti nabasa ko yung article na yun...


Friday, April 19, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2019 (Plain Resolve)

Loveless Story


April 19, 2019...

[Movie]

The Shack

kung konsepto lang nga ang lahat..
ang tama at mali..
ang mga kasalanan..
ang lahat-lahat..
pati ang sakit..
ibig sabihin na parang laro nga lang talaga ang lahat para sa mga diyos..
na kahit ano na lang eh pwedeng mangyari sa buhay..
walang patas at hindi patas..
dahil ang mga konsepto eh produkto lang naman ng mga tao...

ang sakit at kamatayan ay natural na bahagi ng pagiging buhay..
naging komplikado lang ang mga kasalukuyang pamamaraan dahil na rin sa pagiging malikhain ng isip ng mga tao..
pero basically, isang resulta lang naman ang kinahihinatnan...

kung ganun ang kalibre ng enlightenment na kailangan para maunawaan ang buhay..
eh magiging katanggap-tanggap nga ang kahit na anong ibabato ng kapalaran..
magiging napakadali ng pagpapatawad, maging sa mga krimen..
pero medyo mahirap nga lang gawin, dahil sa pagkakaroon ng emotion at sensation ng mga tao..
ang 2 bagay na iyon at ang kakayahan na mag-isip, ang mga bagay na nagbibigay ng ilusyon na kesyo mas mahalaga ang buhay ng mga tao kumpara sa iba...

pero ang totoo..
ang buhay ng mga tao ay kapantay lang ng buhay ng lahat ng mga nilalang...

is feeling , hindi na matitimbang o mahuhusgahan ang buhay sa ganung point of view...


>
ang kumain, uminom, huminga, at sumilong..
yun lang ang mga natural na kailangan sa buhay..
yun ang basic sa laro ng survival...

hindi natural na maghabol sa mga konsepto na tulad ng yaman o success..
ang paghahangad ng kaginhawaan sa buhay ay bahagi lang ng pagiging tao...

siguro yun lang talaga ang kailangan kong matutunan para matanggap ko ang lahat..
na walang espesyal na kahulugan ang buhay, maliban sa ang maranasan ang battle for survival..
though sa henerasyon na ito ng sangkatauhan, masasabi ko na ultimo yung basic needs eh naging mahirap nang ma-avail dahil sa sistemang matagal nang nabuo ng mga lipunan...

is feeling , ang mabuhay nang payak na katulad ng lahat ng nilalang...

---o0o---


April 20, 2019...

[Strange Dream]

napanaginipan ko na ulit siya..
hindi ko alam kung nag-meet ba kami, o kung by accident lang..
nasa isang unfamiliar place daw kami, na may upper floor..
may iba pang tao doon sa lugar na hindi ko makilala..
hindi ko rin masabi kung kami ba yung nagtrabaho o kung may katrabaho siyang iba..
bumaba siya sa may hagdan na parang nag-aayos pa..
lumapit siya sa akin, hinalikan ako sa aking pisngi, at mabilis na lumabas sa pintuan ng lugar na iyon para umalis na...

naisip ko pa daw kung susundan ko ba siya o ano..
hoping na mata-track ko na siya..
pero hindi ko ginawa..
at doon na nagtapos yung panaginip ko...

is feeling , kahit sa panaginip, hindi siya sweet sa akin...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


April 13, 2019...

AdU versus UE

Set 1, 14-25, lamang sa simula ang Adamson pero na-activate ang blocking ng UE, hanggang sa nag-substitute ang Adamson sa small lineup nila, nakuha ng UE ang set dahil sa kanilang 12 attacks and 6 service aces plus 5 opponent errors..
Set 2, 19-25, sina Genesis, Ave, at Perez na muna para sa Adamson, dikitan naman ang laban pero nakaagwat ang UE sa later part, naipanalo nila ang set dahil sa kanilang 15 attacks and 2 blocks plus 8 opponent errors..
Set 3, 22-25, mas masipag lumaban ang small lineup ng Adamson kaso ay kulang naman sila sa firepower, at kinapos nga sila laban sa UE...

3-0, panalo ang UE..
at mananatili na ngang putot ang Adamson this season...

Player of the Game si Baliton with 14 points from 7 attacks, 6 kill blocks, and 1 service ace..
Mendrez scored 15 points from 11 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Abil with 11 points, plus 18 digs and 19 excellent receptions..
Bendong with 24 excellent sets, plus 5 points na may 4 service aces..
nagpakawala ang UE ng 10 service aces in just 3 sets..
para naman sa Adamson..
si Flora lang ang umabot sa double digits with 10 points..
Dacoron with 7 points..
Ave with 6 points...

mas malinis ngayon ang laro ni Igao in terms of the actual setting..
kinulang nga lang siya sa active spikers...


ADMU versus DLSU

makakaya na ba ng parang sobrang lakas na Ateneo na matalo ang Champion na La Salle...??

Set 1, 17-25, nakalayo nang husto ang La Salle nang ipasok si Luna, nakuha nila lahat ng stats..
Set 2, 13-25, maagang nakalayo ang La Salle, muli nilang nakuha ang lahat ng stats, at 3 attacks lang ang nagawa ng Ateneo..
Set 3, 23-25, madalas pa ring lamang ang La Salle, at kinapos na rin nga ang Ateneo...

3-0, panalo ang La Salle..
sobrang ganda ng coverage nila laban sa Ateneo..
at hindi pa rin nga nananalo ang generation ni Wong laban sa generation ni Cobb..
simula yun nang iwan nina Morado at Fajardo ang UAAP stage..
yung team na sa pangalan pa lang ng kalaban eh natatalo na kaagad...

Player of the Game si Saga with 21 digs and 14 excellent receptions..
Dela Cruz scored 14 points na may 11 attacks..
Clemente with 10 points from 8 attacks and 2 kill blocks..
Ogunsanya also with 10 points..
Luna with 9 points off the bench..
para naman sa Ateneo..
Gaston scored 7 points..
Tolentino, Madayag, and BDL with only 6 points each..
at surprisingly, wala man lang nagawang kill block ang Ateneo laban sa La Salle...

mas maganda kung #3 seed ang makukuha ng UST..
mas maige kung mapapabagsak na nila ang La Salle sa Semifinals pa lang..
tapos bahala na kung sinuman ang magcha-champion..
ang importante ay mabasag ang 4-peat attempt ng La Salle..
kesa naman umasa sa Ateneo at FEU na walang kakayahan na talunin ang Champion team..
may pag-asa pa rin naman ang UP kung wala ng makukuhang panalo ang FEU..
pero yun ay kung makukuha nila yung huli nilang 2 laro nang puros 3 sets lang..
basta kailangan nila ng mas magandang quotient compared sa FEU...

is feeling , good year for UE.. samantalang wala pa ring maaasahan sa Ateneo.. walang kuwenta ang maging #1 seed kung hindi nila kayang matalo ang Champion team...

---o0o---


April 14, 2019...

UP versus NU

Libero pa rin ang laro ni Dorog..
mababawian ba ng UP ang NU para makakapit pa sila sa Final Four...??

ang 12th 5-setter match ng Season 81..
5th na para sa UP..
2nd naman para sa NU..
at 2nd time nilang magharap sa isang 5-setter...

Set 1, 21-25, nakaagwat ang NU, nanaig sila sa kanilang 11 attacks and 5 service aces..
Set 2, 24-26, madalas na lamang ang UP, pero naka-check ang mga outside spikers nila, nakadikit ang NU at naagaw pa nga ang set, nakontra nila ang 12 errors nila ng 12 attacks and 5 blocks..
Set 3, 25-17, nakaagwat ang UP, lumamang sila sa kanilang 3 service aces plus 11 opponent errors..
Set 4, 25-23, off ang laro ni Lacsina, nakatulong naman si Rosier sa UP, dikitan at nakalayo lang ang UP sa bandang dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 11 attacks..
Set 5, 15-17, dikitan na na-extend pa...

3-2, panalo ang NU..
same result gaya ng sa Round 1..
and worse - pinalaglag nila sa tsansa para sa Final Four ang UP...

Player of the Game si Nierva with 27 excellent receptions and 30 digs..
Robles with 20 points na may 18 attacks, plus 17 digs and 9 excellent receptions..
Paran with 15 points..
Doria with 12 points..
nakagawa ang buong team ng NU ng 10 kill blocks and 11 service aces..
para naman sa UP..
Caloy scored 18 pure attack points..
Estrañero with 24 excellent sets, plus a huge 11 points para sa isang Setter..
Molde and Buitre with 9 points each..
naglabanan sa errors ang 2 team, 45 para sa NU at 40 naman para sa UP...

yung role ng UP for this season eh parang kagaya ng sa Adamson last Season 80..
isang Dark Horse..
parang ang lakas-lakas ng dating, considering na binalewala lang nila ang Champion team..
pero hindi naman sila naging consistent para makapasok sa Final Four...


UST versus FEU

battle of the handicapped challenger teams..
makakabawi ba ang UST laban sa FEU...??

Set 1, 25-23, ang daming errors ng UST, lumamang sila sa kanilang 19 attacks and 3 service aces kontra sa sarili nilang 13 errors..
Set 2, 25-18, nakalayo ang UST, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-23, gumawa ng late huge chase ang FEU pero kinapos na rin sila...

3-0, panalo ang UST..
nakabawi naman sila sa FEU, at #3 na sila ngayon sa ranking...

Player of the Game si Rondina with 21 points from 17 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
may plus 15 digs and 12 excellent receptions pa siya, lahat ng yun in just 3 sets..
Laure with 17 points, plus 14 digs..
para naman sa FEU..
si Guino-o lang ang umabot sa double figures with 14 points...

is feeling , laglag ang kaisa-isang team na hindi magawang matalo ng La Salle.. hindi rin makakaasa sa FEU na matutulungan na maging #2 seed ang UST...

-----o0o-----


April 16, 2019...

yung mga istupidong magulang na pagkunsinti ang alam na paraan sa pagha-handle ng Autism..
tapos puros saka nagagalit kapag may naperwisyo o may nasira na...

parati na lang na kesyo "hayaan mo lang siya"..
"bigyan mo siya ng kalayaan"..
pero puros nagagalit din naman kapag masama ang kinahinatnan ng pagpapabaya nila...

bakit ba hindi pwedeng i-regulate ang ugali ng taong may Autism..?
bakit ba hindi sila pwedeng sawayin sa tuwing mali na ang ginagawa nila..?
puwerket kasi may Autism sila, pakiramdam ng mga kamag-anak nila na hindi na sila dapat control-in..
purong kalayaan..
puros gastos, puros paninira..
sa gitna ng kahirapan...

p*tang ina..
parati na lang ako ang mali..
samantalang wala sila dapat sa bahay na 'to...

is feeling , kailangan ko na talagang mawala sa bahay na 'to...

---o0o---


April 17, 2019...

[TV Series]

Ang Probinsyano

nasa NGO Queen Arc na pala yung istorya..
though hindi directly na ganun yung setup..
pero basta may sisipsipin na impluwensiya..
at may ire-redirect na mga pondo...

is feeling , ang palabas na sobrang dami ng pasuwelduhin...

---o0o---


April 18, 2019...

[Medical Condition]

nakaka-depress isipin na gumastos ako nang malaki, pero mauulit pa rin yung sakit..
at sa mabilis na antas - yata...

yung una dinala ko for more than 12 years..
hanggang sa nalagay na ako sa masakit na alanganin dahil sa Sepsis...

hanggang kailan ko kaya makakayang dalhin yung susunod..??
sobrang hirap ng buhay para lang magtrabaho para labanan ang mga sakit... :(

is 💀 feeling , forever cursed...


>
[Emo]

hindi ko na alam kung paano pa ako ngingiti sa buhay...

naalala ko yung nangyari sa mother ng kaisa-isang Ninong ko..
matanda na siya..
pero yung mga kaanak niya, binalak pang ipaputol yung mga paa niya para lang mabuhay pa siya - nang mas matagal..
Sepsis ang pumatay sa mga paa niya, and eventually eh sa kanya na mismo..
so yung blood infection eh hindi dapat minamaliit lang..
sa tingin ko, masuwerte siya na namatay na rin siya bago pa man naisakatuparan yung madamot na plano na yun..
hindi ko ma-imagine yung pahirap ng pagiging mahina dahil sa katandaan, tapos gagawin ka pang disabled...

ayokong dumating yung point na ibang tao ang magde-decide kung mabubuhay ba ako o hindi... :(

ayokong doktor ang magsabi ng mga gagawin..
na kesyo kailangan akong buhayin at all cost..
una, bilang karagdagang experience sa panggagamot..
ikalawa, bilang source of income...

ayoko rin na blood relatives ko ang magdikta sa sitwasyon..
na kesyo kailangan akong subukang buhayin at all cost dahil hindi kakayanin ng mga konsensya nila kung wala silang gagawin..
dahil ano..?
dahil sa paniniwala nila na kasalanan ang suicide..?
dahil sa paniniwala na kasalanan ang Euthanasia..?
kaya kahit na maging lumpo pa ako eh wala silang pakialam...

hindi ko kakayanin na mabuhay pa na hindi na kagaya ng matagal ko nang nakasanayan..
considering na lumagpas na rin ako sa half-life, at humihina na rin ang ginagamit kong katawan..
masyado nang naging malungkot at mahirap ang buhay para sa akin, para lang mas palungkutin pa ng ibang tao...

is 💀 feeling , nakakainggit ang mga high level na kriminal.. kasi nakukuha at nagagawa nila lahat ng gusto nila.. pero hindi sila basta-basta pinarurusahan ng mga diyos...


>
isip ako nang isip kung anong word o emoticon ang ise-send ko..
para lang hindi naman magmukha na hindi ko binasa yung mga messages..
lalo na para dun sa mga Messenger lang ang active...

kaso..
hanggang sa punto na 'to ng buhay ko..
hindi ko pa rin alam kung paano ako magre-respond...

is feeling , basta sana.. hindi ako makahawa ng kamalasan...

---o0o---


April 20, 2019...

officially tigil na sa pagbibigay ng loading service para sa publiko..
pero pwede pa rin naman para sa buong household..
lalagyan ko na lang ng charge para hindi naman nakaka-discourage...

tapos..
naka-1 taon na rin ako sa bangko ko...

is feeling , wala akong magagawa kundi saksihan pa ang mga susunod na mangyayari, hanggang sa hindi ko na kaya...


Friday, January 11, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2019 (Operating Room)

Loveless Story


January 5, 2019...

so hindi natuloy ang planong retirement ni Miss Al..
gaya ng ginawa nila noon, ini-hide lang muna nila siya...

pero may 57th (55th) retirement na nga talaga..
si Miss S..
2 years after ng matagal na niyang plano na retirement, eh nakakalas na rin nga siya...

bukod sa kanya..
parang may 2 pa na naghahanda na ring umalis sa grupo...

is feeling , ibig sabihin, pwede ko na siyang tanungin...

---o0o---


January 11, 2019...

[Emo]

wala na talaga yata akong patutunguhan..
ito lang yata talaga yung disenyo ng Fate ko..
isang vicious cycle hanggang sa araw na matupad ko yung final goal ko...

ang hirap nung pakiramdam na sinusubukan mong maging average man lang..
magtatrabaho ka, habang ginugulo ka pa ng ibang tao at pinapalitan ng masasamang chemicals ang endorphins mo..
kikita ka ng below sa 20-days worth na minimum ng mga nasa average..
minsan may mga buwan pa na walang papasok na kita..
at ipapaatake ka pa ng kapalaran sa mga pirata..
tapos bigla ka na lang dadagukan ng tadhana ng malakihang gastos..
na para bang sinasabi niya na, "uy, nakaipon ka pala ng pantakas? bawasan at sayangin ulit natin yan ha, hanggang miserable stage ka lang dapat, doon ka naka-assign"...

ito na nga ba yung sinasabi ko eh..
kapag ipinapasa sa'yo ng mga basurang tao yung paninisi tungkol sa mga responsibilidad na hindi naman ikaw ang gumawa..
malulungkot ka..
mapopoot..
mawawalan ng happy hormones..
bababa ang immunity..
at bigla na lang magkakasakit ng delikado...

is feeling , yung karma ko, puros negative lang.. hindi na ako pwedeng umasa na may darating pa na maganda...


>
[Medical Condition]


Operating Room (Part I)

noong 2017 nang mabutas ang cyst ko, yun na siguro yung clue na dapat ipinatanggal ko na siya..
siguro warning siya sa mas malalang paparating..
siguro palugit para gawin ko yung tamang desisyon..
yun na siguro yung best timing, dahil nga nag-o-overproduce na ng substance yung capsule..
pero dahil bago pa lang akong nagsisimula sa trabaho ko noon, eh binalewala ko yun..
at naging countdown nga yung muling pagsasara nung butas...

ang hirap rin sa pakiramdam na yung taong napilit mong isama sa ospital eh ilang araw nang walang tulog dahil sa pag-aalaga sa maliligalig na mga bata..
imagine, senior citizen pero walang pahinga...

sa itinagal-tagal ng buhay ko sa mundo, first time ko lang ma-experience ang OR..
kahit na kasi nakailang punta na rin ako sa mga ospital, eh usually eh hanggang sa outpatient clinic lang ako o sa mga laboratory exam..
kahit noong tinulian ako, eh hindi naman sa ospital ginawa kundi sa bahay lang na parang clinic..
kaya naman natatanga ako kapag ako ang tinatanong kung ano bang gusto kong piliin na option...

inumpisahang butasin ng doktor ang balat ko nang walang anesthesia..
hindi na daw kasi gagana sa akin nang maayos ang anesthesia dahil nga namaga na yung paligid ng cyst ko..
ramdam na ramdam ko yung sakit na tusukin at hiwain..
at hanggang balat pa lang yung level na iyon..
at bumalik nga sa akin yung takot ko na physically masaktan - nang matindi, nang matagalan..
sinubukan ng doktor ang anesthesia, at nabawasan naman nga ang sakit, though ramdam ko pa rin yung mga nangyayari...

the entire time, hinding-hindi ako tumitingin sa hita ko..
nakahiga ako nang pa-side, sa kanan ko..
nakaharang ang mga braso ko para hindi ko makita ang mga nangyayari sa ibaba..
at nakapikit lang ako madalas...

hanggang sa kinayod-kayod na yung laman ko..
at may inaalis na mula sa loob ko..
yun na siguro yung pinakamatinding sensation na direkta sa laman na na-experience ko..
muling nag-apply ng anesthesia ang doktor..
nawala naman yung sensation ng pain, at pressure na lang yung nase-sense ko...

is feeling , end of Part I...


Operating Room (Part II)

ang pakunswelo ko na lang sa nangyari sa akin ay may cute na nurse na nag-assist sa surgery ko..
well, hindi ko talaga sigurado kung cute nga ba siya o ano..
i mean, base sa experiences ko, mahirap na talagang mag-assume ng itsura ng babae nang base lang sa facial parts..
pero sa tantsa ko eh cute nga siya..
she was always wearing a bouffant cap and a surgical mask..
pero before and after the surgery eh nakita ko siya na nakababa yung mask, kaso eh nakatakip pa rin ang bibig..
maganda yung mga mata niya at matangos ang ilong..
at kabilang nga siya sa OR staff...

although expected dapat sa mga nurse na maging maalaga..
siya yung napansin ko during the operation kasi siya yung lumilipat-lipat pa talaga sa may tapat ng upper body ko..
parati niya akong kinukumusta, kung nasasaktan ba daw ako o ano..
na nakakatulong naman para makapag-decide yung doktor kung gagamitan ba ako ng anesthesia o hindi muna..
siya rin yung nagpaalam sa akin na tapos na yung surgery, at nakita ko nga na natakpan na yung ginawa nila sa akin..
tapos may konti pa siyang interview portion, kesyo ano daw ang trabaho ko...

during the surgery nga pala..
nagkukuwentuhan kasi sila, kaya naririnig ko..
at may nabanggit sila na certain [Nurse's Name] na bigla na lang china-chat sa social media ng naging pasyente nila...

pero what was surprising eh noong nagpi-fill-up na ako ng form ko after the operation..
ina-assist ako ng isang babaeng nurse..
tapos bigla niyang naitanong sa akin kung kakilala ko ba daw yung [Name and Surname]..?
so ibinalik ko muna sa kanya yung tanong..
ano ba kako siya, nurse ba..?
at oo daw..
apparently, yung nurse na china-chat ng pasyente ang tinutukoy niya..
at na-gets ko kaagad na siya rin yung cute na nurse, dahil 2 lang silang babaeng nurse na nag-assist sa surgery ko..
so naisip ko naman na, paano naman ako magkakaroon ng kakilala na cute na nurse..?
the name maybe common, at totoong may mga kakilala ako na ganun ang pangalan..
pero hindi pamilyar sa akin ang facial features niya..
hindi ko pa rin na-encounter noon yung surname niya..
kaya sinagot ko yung tanong nung nurse na kesyo hindi ko siya kakilala eh, at hindi na ako nagdugsong pa ng katanungan..
pero ang huling bilin sa akin nung nurse ay kay [Nurse's Name] ko daw iabot yung professional fee ng doktor...

at yun rin nga yung last time na nakausap ko siya..
noong inabot ko na yung fee nung doktor...

mabilis ko rin namang na-confirm yung mga data..
kasi habang nasa OR pa ako, at naghihintay na ma-settle yung mga bayarin ko (na wala naman talaga, salamat sa PhilHealth)..
eh nag-ayos ng organization chart yung mga nurse..
doon ko nga nakuha yung full name niya..
she also has a picture, and she seems cute nga mula sa malayo..
pero i didn't dare to look closer, kasi baka mahuli pa nila ako...

is feeling , yun nga lang.. naka-invisible siya sa social media.. high-level privacy...

-----o0o-----


January 6, 2019...

[Medical Condition]

iba na ang sitwasyon ngayon ng cyst ko..
mas maliit pa yung size niya kumpara sa dati, pero mas ramdam ko na nasisiksik yung laman ko sa loob..
dahil dun, may sakit na rin siyang idinudulot kapag gumagalaw ako...

is feeling , pwede na kaya ang PhilHealth...?

---o0o---


January 7, 2019...

[Medical Condition]

pagkakataon nga naman..
saktong sumakit yung muscle sa palibot ng cyst ko sa araw kung kailan naka-schedule akong mag-general cleaning..
at tumuloy pa rin nga ako sa paggawa ng medyo mabibigat na gawain...

hindi ko na alam kung anong nangyayari sa loob ng katawan ko..
ewan ko kung pumutok na yung cyst sa loob..
pero namaga na yung mga kalamnan sa palibot nun..
at for almost 12 years, ngayon ko lang naramdaman yung pananakit ng hita ko sa tuwing naitutuon sa sahig ang paa ko...

surprisingly, parating January nangyayari yung mga pagbabago sa lagay niya..
January 2017 noong nagawa niyang mabutas ang balat ko..
January 2018 naman noong nagsimula na siyang maghilom makalipas ang 1 taon nang pananatiling butas..
at ngayon ngang January 2019 eh medyo malaki na ulit siya, nananakit, at namamaga na...

nakakaasar..
andami ko pa namang gustong simulan nitong January..
natapos ko na yung general cleaning..
today nga eh nag-release ako ng 4th project dun sa 3rd platform..
SSS..
permanent ID nga sana (na ini-reschedule ko na sa ibang buwan)..
PhilHealth..
grocery dahil paubos na yung mga stock ko from late 2018..
membership card sa supermart..
at panibago ngang project..
kaso wala eh...

sobrang malas talaga..
mukhang masasayang pa lahat ng mga napag-ipunan ko..
mapupunta pa yata sa hita ko lang..
at wala na akong matatanggap na sahod simula January...

bukod dun..
problema ko pa na wala akong makakasama sa ospital..
panay busy sila sa mga bata na puros may sakit rin ngayon..
hindi pa naman ako pwedeng mag-undergo ng surgery nang walang kasama..
ang hirap talaga ng walang pamilya..
sa mga ganitong pagkakataon nga rin pala nagagamit yung mga nobya..
pero wala eh..
kailangan ko pang maghanap ng for rent na bantay...

is feeling pained.


>
[Medical Condition]

wala na..
parang nilalagnat na rin ako..
sira na ang lahat for 2019..
masasakripisyo na ang lakad ko sa April...

is feeling , walang pagkakataon para makatakas sa mga kamalasan...


Friday, January 4, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of January 2019 (Closest Link)

Loveless Story


December 30, 2018...

never force people to appreciate the value of life...

is feeling , kung gusto mo yung sa'yo, edi maging masaya ka.. pero huwag mong igigiit sa iba na dapat din silang maging masaya, na parang buhay mo yung dapat na standard...


>
bawas na ulit sila..
kaagad..
57th (55th) retirement si Miss Al..
umayaw na rin siya matapos ang pagiging active sa loob ng 4 na taon..
ni hindi ko na nagawang personally na mag-sorry sa kanya dahil sa ginawa kong contact...

ngayon ko lang nakita na below sa maintaining number ang roster nila...

is feeling , pero mas problema ko yung hindi pa rin ako makahanap ng tutulong sa aking paghahanap...

---o0o---


January 1, 2019...

[Strange Dream 18+]

grabe namang simula yun ng 2019...

nasa unfamiliar place daw ako..
light yung dating nung environment..
if i'm not mistaken, 2 storey house iyon..
ang impression eh parang nasa bahay namin ako...

nasa 2nd floor daw kami..
ako..
si Miss Pal, na pinsan ni Miss Jo..
i think si Miss Pal yung babae kasi dark-skinned yung dating niya..
may 2 pa siyang kasamahan na hindi ko ma-identify..
at for some reason, eh andun rin yung biological mother ko..
pero nakatalikod daw siya sa amin, at busy sa paggawa ng mga gawain niya...

Miss Pal was wearing a sexy, white na nighties..
nakasampa kaming 2 sa ibabaw ng kama eh..
nakaupo doon nang paluhod..
the other 2 girls eh nakaupo sa may edge..
at nakatayo naman yata yung biological mother ko sa may hindi kalayuan...

nasurpresa na lang ako nang nakita ko na halos nahubad na ni Miss Pal yung nighties niya..
yung kanang dibdib na lang niya at ang tagiliran ng kanyang torso ang natatakpan nun..
napatingin ako sa kanya na parang nagtatanong..
seryoso ka ba..?
ano namang binabalak ninyo..??
pero nilapitan lang niya ako..
akmang hahalikan ako sa aking mga labi..
sabay ibinaba ang mukha ko sa naka-expose niyang dibdib..
parang ginusto niyang itama ang bibig ko sa nipples niya..
pero sadya kong iniiwas iyon, dahil nalilito pa rin nga ako..
pero inilapat pa rin niya ang pagmumukha ko sa dibdib niya...

the next thing i know eh nakahiga na siya sa kama..
magkabaliktaran kami..
i was kissing her chest region..
tapos natauhan at nailang ako..
naisip ko na delikadong gawin iyon, dahil nandun lang nga ang biological mother ko..
napatingin ako dun sa 2 kasamahan ni Miss Pal..
tila nagsisilbi silang mga bantay namin..
handang magbigay ng warning kapag lilingon na sa direksyon namin ang biological mother ko..
pero naisip ko na imposible talaga yung gusto nilang mangyari na setup...

i'm not sure, pero after that eh parang sa ibaba na ng bahay yung sumunod na safe na eksena..
at matapos iyon ay nagising na rin ako...

is feeling , hala, ano namang ibig sabihin nun...??

---o0o---


January 5, 2019...

let's see..
out of 33+3 sources (logically, parang nasa 35 na rin yung na-verify ko)..
eh nasa 16 na yung nakatatanggap nung mensahe ko..
nasa 6 na yung nakausap ko naman..
at nasa 5 lang yung hindi naging violent ang reaction...

at mukhang yung nakausap ko kagabi ang pinakamalapit kay Miss C na naaabot ko so far..
unfortunately, pinoprotektahan niya rin ang details ng kaibigan niya..
pero base sa statement niya, eh it seems na kakilala nga niya ang babaeng tinutukoy ko...

is feeling , kailangan ko na lang siyang pag-aralan...

-----o0o-----


December 30, 2018...

[Emo]

yung bahay kung saan pera lang ang nag-iisang tama... :(

basura ang lahat ng opinyon mo basta't hindi ka nagbibigay ng maraming pera..
shut up ka na lang kung hindi ka mapera..
walang kuwenta ang career mo, kung hindi mo ipapakita sa kanila yung bawat output mo..
dapat eh free yaya ka kapag visible ka sa kanila, kahit na nagtatrabaho ka pa..
kahit na nasa 5-digit pa yung halaga ng mga kasangkapan na sinusubukan mong pangalagaan para lang hindi na ulit mangutang ng pambili ng ganun, eh opinyon mo pa rin yung mali..
kahit mali na at delikado yung ginagawa ng mga kapitbahay, eh ang pera pa rin nila ang mananatiling tama...

sa ganung klase ng mala-impiyernong bahay ako lumaki..
isang halimbawa kung paano nabibili ng pera ang pagiging tama..
at titiisin ko na lang muna iyon hanggang sa araw na pwede na akong maging malaya...

sa ngayon, tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal ng pagiging tama nila..
siyempre makikialam pa rin ako dun sa mga bagay na malaki ang idudulot na perwisyo kapag nasira o nawala..
pero hindi na ako makikialam sa mga paglalaro ng kutsilyo at yung mga bagay na sila lang naman ang mapapahamak..
basta sa huli, huwag lang nilang sasabihin na hindi ako nagbigay ng mga basurang opinyon ko noon...

is feeling , okay lang.. mas masakit sa ulo yung Php 4,000 na monthly na problema...


>
anyway...

done organizing my most favorite data collection..
parang directory na..
meron na lang akong 470 MB plus at 6 GB plus na pwedeng burahin...

kaya na siguro yung tracking poem sa last day...

is feeling , bakasyon...

---o0o---


January 1, 2019...

[Lottery]

nakakatampo..
kasi nitong huling bahagi ng 2018 yung panahon na naging pinakamataas yung probability na nakakakuha ng mga major na panalo yung number pool ko...

gaano kataas..??
bale out of only 17 straight draws for a particular number game, eh nakakuha ng 7 panalo yung pool ko..
4 na second prize lang..
1 na jackpot gamit yung extended pool ko..
at 2 purong jackpot..
that was 7 out of 17...

is feeling , pa-schedule naman ako...


>
[Online Marketing]

ang sakit naman na simula para sa akin..
nag-iisa na nga lang yung supporter ko doon sa site, tapos iniwan na rin ako..
after 3 months, nakaka-2 pa lang akong supporter..
pero parati rin naman nila akong iniiwan... :(

nakakapanghinayang lang..
kasi naka-2 months yung padalawa kong supporter..
with 3 projects released doon sa platform..
pero dahil hindi ako naka-charge upfront noong simula, eh nakalibre siya ng 1 buwan...

is feeling , paano na...?

---o0o---


January 2, 2019...

nakapamasko na naman ako..
nang puwersahan..
Php 400 for 2018...

ganun kaliit ang tingin sa akin ng mga tao..
na ilang libong araw na akong nabubuhay, pero kailangan pa rin akong bigyan ng pera..
dahil wala akong kakayahan na magpakita ng mga assets sa kanila...

is feeling , yung bahay lang talaga ang solusyon...


>
[Gadget-Related]

para sa taong 2018..
sumalo ang UPS at ang computer ko ng tumataginting na 40 na unannounced power interruptions..
at 7 matagalang unstable na electrical supply...

is feeling , hindi electrical-device-friendly na city...

---o0o---


January 3, 2019...

after more than 4 years, ngayon ko lang naintindihan yung improved system nila..
kung hindi pa nila ako sinita, hindi ko pa maa-unlock yung mga trick na kailangan kong malaman..
dahil dun, sumipa yung December ko sa pinakamataas na performance at na-break yung record noong October...

nakakapanghinayang lang..
sana dati ko pa nalaman..
4 years din yun...

is feeling , konti na lang.. kailangang umabot ng March...

---o0o---


January 4, 2019...

aba..
mas mabilis na ngayon ang pag-transfer ng pera mula PayPal to bank ko, simula noong nagkaroon na yung banko ng sarili nilang bank code...

at kaya ko na ring makapagpa-interes ng Php 100 plus in 4 months, LOL..
kaso bababa na ulit yung rate ko by April, dahil sa isang malaking obligasyon...

less than 3 months na lang at wala pa akong naiisip na matino at mabilisang investment...

is feeling , isip, isip, isip...


>
[TV Series]

Meteor Garden (2018)

combination talaga yung 2018 na Daoming Si ng 2001's Daoming Si (buhok at angas) at Mei Zuo (ngiti at kutis)...

hindi naman sobrang ganda, pero ang cute ng ending..
binalikan at ipinakita (or at least nabanggit) lahat ng mga naging key characters throughout the series..
maganda rin yung naging ending para kay Daoming Feng..
nakatulong rin yung original 2001 series ng Taiwan para magkaroon ng panibagong impact yung 2 dating OST ng Meteor Garden...

is feeling , na-improve nila yung dating script in a nice way...


Saturday, December 29, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of December 2018 (The Organization)

Loveless Story


December 23, 2018...

nakakalungkot rin naman talaga na hindi ka makapag-accept ng friend request ng mga dati mong kaibigan..
yung wala naman silang nagawang mali sa'yo..
pero hindi lang talaga pwede dahil may kakilala sila sa mga biologicals mo o di kaya eh in-law mo na sila..
at baka lang kasi makalimutan nila yung rules...

ganun talaga..
kapag dark type ka, eh dark type ka..
hindi ako pwedeng mag-add ng mas marami pang mga kaibigan hangga't hindi ko pa nagugustuhan ang buhay ko..
hangga't madami pa akong itinatapon na masasamang alaala sa timeline ko..
kapag maganda na yung chapter sa blog ko, saka pa lang siguro ako pwedeng mag-add ulit ng mga tao...

is feeling , sa ngayon, kailangan ko muna ng bahay bilang Step 2...

---o0o---


December 27, 2018...

hindi ako pwedeng makipag-date sa babaeng pamilyar sa akin, o yung madalas kong makita..
financially speaking, hindi ko talaga kaya na maglalabas nang madalas..
hindi ko kaya na weekly, o kahit na monthly pa..
pang-once every few months lang talaga yung magagawa kong effort..
at wala namang consistency sa ganun...

cute nga siya..
maputi..
pero parang masyadong slim..
at hindi ko alam kung magugustuhan ko ba talaga yung ganung klase ng babae..
mas bias lang talaga ako sa mga medyo malaman ang body size, as in stable na medyo malaman..
ilang buwan ko na rin siyang nakikita..
pero parati kong nakakalimutan na simpatin yung pangalan sa ID niya...

is feeling , next time.. next year...

---o0o---


December 28, 2018...

may 56th (54th) retirement na..
yung nagbinyag sa akin..
natuwa na siguro sa pagiging recruiter para sa ibang bansa...

is feeling , okay lang.. hindi kawalan...

---o0o---


December 29, 2018...

umakyat na sa 32+4 ang sources ko..
at talagang kung kailan pa maikli na ang araw ko, eh saka pa ako maraming natuklasan...
technically speaking, 34 sources na yung na-validate ko, wala pa lang pangalan yung 2...

okay..
na-verify ko na lumang member na si Miss J, na nandun na siya sa earlier years nung grupo..
so yung information na si Miss Ab ang nag-recruit sa pinsan niyang si Miss J, eh mukhang gawa-gawa lang para mai-introduce yung maskara na J..
wala rin akong data tungkol sa luma niyang maskara...

na-verify ko na rin na yung babaeng nakausap ko na noon eh may alam talaga tungkol sa mga maskara ng mga kaibigan niya sa totoong buhay..
noon kasi, hindi ko masigurado kung nakita ko ba siyang kasama sa isang picture nung grupo bilang background personnel..
hindi ko kasi nagawang magtago ng mga kopya nung photos before..
at kanina ko lang na-realize na kasama rin siya sa naging outing nung grupo noon..
nakaligtas lang siya sa mga mata ko noon dahil sa cropping property ng mga album..
at ibig sabihin nun na nagsinungaling rin sa akin ang babaeng iyon...

in addition, may nakausap na ulit ako na former member..
unfortunately, wala akong data tungkol sa maskara niya..
pero she was kind enough to talk to me..
at technically, inamin na rin niya yung koneksyon niya sa grupo base sa mga naging statements niya..
kaso hindi rin daw niya nakilala personally si Miss C eh..
pamilyar siya sa itsura, pero walang personal details...

is feeling , gaano na ba ako kalapit sa mga sagot...??

-----o0o-----


December 23, 2018...

yung late na akong gumising..
tapos nasabayan pa ng kapalpakan ng Globe... :(

ewan ko ba sa kanila nitong later part ng 2018..
parang kabisado na ng network nila yung mga usual time kung kailan lang ako madalas na naka-connect sa kanila..
kaya naman hindi ako nakaka-connect sa mga oras na supposedly eh patay yung router namin..
so kapag basag na ang schedule, eh wala ng adjustment na pwedeng gawin...

sayang lang sa oras..
sa halip na nakapag-photoshop pa ng konti, eh nag-aksaya pa ng panahon sa pagtawag sa napakabagal na customer support..
tapos magsa-suggest pa na mag-chat na lang daw sa customer support sa messenger..
mag-messenger, eh internet nga ang problema..?
ano yun, scam..?
sinisira sadya yung internet connection para mapilitan ang mga tao na gumastos naman sa data...??

is feeling , parang yung good service eh pasok lang sa 24 months na lock-in period...


>
[Gadget-Related]

after more than 4 years lang..
iniwan na ako ng charger ng tablet ko..
hindi pala yung battery ang may problema kaya paiba-iba na yung duration ng pag-cha-charge niya..
iyon pala ay pabigay na yung charger... :(

siguro dahil dun sa brand nung charger na kasama nung binili ko yung tablet..
hindi naman kasi Lenovo, kundi Huntkey..
gawang Imperyalista pa...

bale isang Lenovo charger na lang ang meron ako para dun sa Jelly Bean unit at sa tablet..
ang nakakatakot lang dun eh mas matanda pa yung Jelly Bean unit kumpara sa tablet ko...

nakakapanghinayang rin naman kasi dahil nagagamit pa sa browsing at communcation..
at mahaba pa sa 24 hours ang battery life...

hindi sulit yung 4 years lang... :(

is feeling , bakit nga ba Huntkey yun...??

---o0o---


December 24, 2018...

[Scams]

scam, dahil parang ginagawa na rin nilang bahagi ng modus ang mga okasyon para puwersahang manghingi ng pera mula sa mga tao...

nagantihan na naman kagabi ng mga basurang kabataan..
kung hindi ako nagkakamali eh sila pa yung grupo na ilang araw naman nang nabibigyan ng Php 5.00 and above..
(NOTE: pera yun nung 2 matanda na gusto pa ring iparamdam sa mga bata ang diwa ng pasko)..
iba pa 'tong grupo na 'to dun sa gumanti rin noon, na nagtali ng construction tape sa gate namin...

ang nangyari..?
kumanta sila, kaso wala nang budget para sa kanila..
sa kalagitnaan nung 2nd song nila eh medyo nag-uusap-usap na sila..
ang sabi nung isa, eh subukan daw na bumili..
nagbiro naman yung isa na papasko daw ng payong, eh kasalanan ba namin na sumasaye sila sa ulan para lang mamalimos..?
may isa naman na nagsabi tungkol sa plano nilang pagtakbo..
maya-maya nga eh biglang nagtakbuhan na yung mga basurang kabataan habang nagtatawanan..
nagduda ako, kaya sumilip ako sa labas..
at nakita ko na sinira pala nila yung ipinaskil ko sa gate namin na reminder para sa mga kliyente ko...

mga basura nga naman..
sabi ko na nga ba eh..
gawan mo ng kabutihan at aabuso lang..
huwag kang magbigay at gaganti..
bigyan mo ulit, at iisipin naman nila na okay lang nga yung mga ginagawa nilang katarantaduhan..
to think na ni hindi ko nga mga kliyente yung mga basurang yun, tapos sila pa yung may ganang mag-demand sa pamamalimos nila...

sobrang unfair lang..
sinusubukan kong gawin yung patas para sa mga tao sa gitna ng bulok na ekonomiya na 'to, sa sarili kong paraan..
pero talagang padadalhan ka pa rin ng kapalaran ng mga demonyong sumisira sa pananahimik mo...

is feeling , hindi ba pwede sa mundo yung patay na lang lahat ng mga agresibo na masasamang tao...??


>
done converting to 2019...
naayos na rin ang mga maling text files..
back up pa...

pa-relax-relax ako kanina..
nakalimutan kong Monday na nga pala ngayon..
may trabaho pa rin...

is feeling , may 7 days pa...


>
[Scams]

wala eh..
kapag gahaman ang tao sa pera, eh gahaman talaga...

so bumalik yung grupo ng mga basurang kabataan..
tawanan pa nang tawanan habang kumakanta sila..
siguro dahil naaalala nila yung ginawa nilang paninira sa reminder ko sa gate kagabi...

ang kakapal din ng mukha..
matapos nilang manira ng gamit ng may gamit, eh babalik sila ulit para manglimos..
kaya naman hindi ko ulit sila binigyan ng pera..
at tama nga ang hinala ko, mga utak-demonyo talaga sila..
dahil matapos na hindi mabigyan ng limos, eh ayun at kumanta pa ng "ang babarat ninyo"...

tapos sinasabi pa nung biological mother ko na gusto niyang kausapin yung mga basurang kabataan, para baka sakaling magbago pa sila..?
hindi ako naniniwala sa ganun..
ano yun, bibigyan niya ng pera, kakausapin, at aasa na bukal sa loob nilang sasabihin na "okay, hindi na po mauulit"..?
dahil yung mga taong ayaw sa gulo, hinding-hindi sila gagawa ng kasamaan sa kapwa nila..
pero yung mga likas na masasama, nagagawa nilang kapalan ang mukha nila sa mismong harap ng taong nagawan na nila ng mali..
this is considering na malalaki nga ang nakuha nilang pera noong mga naunang gabi...

nakakapanginig lang ng laman..
yung naririnig mo na nagagawa pa nilang magtawanan habang nanglilimos..
na para bang iniisip nila kung maloloko ba nila at mapeperahan yung taong pinerwisyo nila..
tapos sasabihan ka pa nga ng barat dahil lang sa hindi mo sila araw-araw na nabigyan ng limos...

is feeling , pwede bang ang wish ko this year end eh madaming basurang pataba sa lupa...??

---o0o---


December 25, 2018...

tapos na rin mag-backup...

makapag-organize na muna ng mga data collection ko..
12 years na ring kagulo ang mga yun...

is feeling , 6 days left...

---o0o---


December 26, 2018...

naalala ko tuloy kung bakit tinatamad akong gawin 'to noong bagong bili pa ang desktop ko..
kasi kinakain niya talaga ang oras ko...

23 folders pa..
kaso kailangan ng internet bilang quide sa paggawa ng directory..

note to self..
dapat organized na kaagad lahat ng mga bagay sa simula pa lang ng pagda-download...

is feeling , 5 days left.. nasingitan pa ng brownout...


>
[Emo]

PART 2

kaya ayun..
pinapaalis na ulit ako sa bahay..
put*ng ina!
yung basurang yun ang nambabae noon, pero tinanggap nila ulit dahil nahihiya sila sa pamilya nung lalaki na kesyo hindi daw siya inaalagaan..
babaerong sugarol, tapos kailangang alagaan..?
tapos ako 'tong pipilitin ngayon na mag-rent na lang ng bahay..?
pauupahin nila ako ng nasa Php 4,000 a month na bahay, samantalang may mga buwan nga na wala akong kita...

humingi ako ng tulong sa kanila noon..
lalo na noong nasira na yung una kong computer noong 2013..
pero dahil walang napala, itinuloy ko lang yung mga nano- raket ko..
2017, muli akong humingi ng tulong..
pero anong sabi..?
hindi daw kaya..
tapos a few months lang matapos kong manghiram sa mga taong ni hindi ko naman mga kadugo o direktang kapamilya, eh bigla kong malalaman na 2 na yung laptop nung paboritong anak, at lagpas Php 30,000 pa yung bago...

put*ng ina!
gaya ng sinabi ko sa inyo noong bata pa ako..
dapat pinatay nyo na lang ako dahil hindi nyo ako kayang buhayin..
or better, hindi dapat kayo nakipagkantutan noon sa inutil na lalaki..
hindi yung ako ang pagdidiskitahan ninyo ngayon, na kesyo patayin ko pa ng dahan-dahan ang sarili ko..
anong sabi ninyo sa akin noong nagpapahanap ako ng source ng madaming sleeping pills..?
kesyo bakit nyo ako tutulungan pa na magpakamatay..?
kesyo bakit idadamay ko pa kayo sa gagawin kong kasalanan..?
eh itong put*ng inang buhay na 'to - hindi ninyo kasalanan 'to sa akin...??

hindi ko kailanman pinangarap na mabuhay...

is feeling , Lottery, please naman, 1 shortcut lang paalis sa impiyerno sa mundo...


PART 1

naulit na naman..
habang tumatagal mas lumalakas nang lumalakas ang panginginig ko sa tuwing napupuno na ako ng galit..
ewan..
siguro dahil na rin sa takot na mawalan ng kontrol sa sarili..
at mas malamang na dahil sa takot na physically masaktan ng kaaway..
siguro ganun talaga kapag naiipon lang sa loob mo lahat ng poot laban sa mga basurang tao...

ang kapal ng mukha na sisihin ako nang dahil dun sa 2 bata..
nagngungulngol at nagmumura..
wala naman daw akong ginagawa eh..
sigaw lang daw ako nang sigaw kapag may nangyayari na na hindi ligtas o hindi maganda para sa bahay..
hindi naman daw ako tumutulong eh...

put*ng ina..?
anak ko ba ang mga yun..?
ako ba ang iresponsableng kumantot lang at nambuntis..?
ako ba ang masyadong busy sa pagtatrabaho para lang sa pera..?
ako ba ang pa-relax-relax lang kapag hindi araw ng trabaho..?
ako ba yung senyorito na panay ang mga utos sa kanila..?
ako ba yung takot mag-hire ng katulong, pero ang lakas-lakas magwaldas ng pera para sa mga luho..?
pinapasuweldo ba ako ng basurang matandang lalaki na yun para maging yaya..?
sino ba yung tumatanggap ng pera at mga gamot mula sa pamilya nung mga bata kahit na marami pa siyang oras sa pangangampanya, sa pagbabasa ng diyaryo, sa pagso-solve ng puzzle, sa maya't mayang paninigarilyo, sa maya't mayang pagdumi, at sa pagsisiesta..?
considering na rin na lahat ng masasamang routine nung 2 bata eh sa kanya rin naman nila natutunan dahil sa kabobohan at pangungunsinti niya...

pero kailan niya sinumbatan nang direkta ang basurang pamilya nung mga bata..?
kapag nandiyan sila sa harap niya, eh akala mo eh kung sinong anghel..
na kesyo siya ang the best sa pag-aalaga sa mga apo niya..
kahit na anong pagpapanggap basta't may kapalit na pera..
pero anong nangyayari sa tuwing wala na yung mag-asawa..?
puros mura at reklamo na lang ang naririnig mula sa kanya..
at kanina nga eh ako na ulit ang sinisi niya na para bang anak ko ang mga inaalagaan nila...

eh mabuti pa yung basurang paboritong anak eh..
kesyo huwag daw istorbohin dahil nagre-review para sa board exam..
put*ng ina!
pabaon siya at lahat pero bawal tumulong sa pag-aalaga ng mga bata..?
busy daw sa pagre-review, pero ang lakas ng volume ng anime sa mamahaling laptop niya...??

sa sobrang galit ko..
talagang napagmura ko na ulit ang basurang matandang lalaki na yun..
ipinamukha ko sa kanya na hindi ko anak yung mga bata..
ipinamukha ko sa kanya na siya itong inutil simula't sapul..
at sinabi ko na mamatay na siya...

madalas nakakapagsisi eh..
siguro para dun sa normal na bata eh walang nakakapanghinayang na magmalasakit..
pero para dun sa subnormal na bata..?
parang sayang yung mga panahon na hinabol ko pa siya sa labas ng bahay..
yung inalis mo siya sa kalsada sa mga panahon na posibleng nabangga na siya..
siguro kalayaan at katamihikan na ang idudulot sana nun eh..
pero dahil sa pagiging tao, hindi mo basta mapabayaan na lang na mamatay ang isa pang tao...

nakakapagod yung ganitong klase ng buhay..
pero hindi naman 'to matatapos hangga't walang tumatapos dito...

is feeling , isisi mo sa akin ang basura ng ibang tao, at ipapamukha ko sa'yo ang katotohanan...

---o0o---


December 28, 2018...

medyo tumagal pa yung pag-o-organize ko ng mga data..
hindi kasi consistent yung mga dating files..
kaya naghahabol ngayon ng quality...

is feeling , lagot.. 3 days left na lang...


>
[Emo]

pamilya talaga ng mga abnormal... :(

ang gusto ng ama nung mga bata eh pabayaan lang yung Autistic na maglutu-lutuan..
para daw matuto kuno..
hindi sa kanilang bahay, pero sa bahay namin..
binibigyan ng mga mamahaling cookies at biscuits..
dudurugin..
bubuhusan ng tubig mula sa mamahaling water purifier, walang pakialam kung apaw na o ano..
ilang sets ng mga plato at kutsara ang nagagamit sa paglalandi..
at sasayangin lang sa bandang huli..
itatapon lang...

effect #1, yung mga alipin na nagya-yaya eh mas nahahati pa ang atensyon sa paghuhugas ng mga utensils na hindi naman dapat nadumihan pa..
effect #2, ginagaya nung 1 year old na bata ang mga ginagawa ng kuya niyang subnormal dahil nasa stage siya nang pagmi-mimic..
effect #3, nalalagay sa alanganin yung mga mamahaling gamit sa bahay dahil sa ginagawang pakikialam nung 2 bata...

at lahat ng yun habang nakahiga lang ang magaling nilang ama at nagre-relax..
ang galing...

pinagsabihan ko na..
baka naman kako pwedeng sa school na lang yung mga ganung luho, dahil dagdag threat at trabaho lang yun sa loob ng bahay namin..
pero wala eh, pabayaan daw matuto..
yung ama naman eh laging nagyayabang na bibili lang daw ng kapalit..
put*ng ina!
hindi nga makapag-hire ng katulong eh, tapos sasabihin na papalitan kaagad anuman ang masira..
kung ganun sila kayabang, eh bakit hindi nila hayaan na sa bahay nila gawin yung mga ganung klase ng kalokohan...??

kaya ayun..
ngayong hapon eh nakakuha ng kutsilyo yung subnormal..
at pinabayaan ko na lang siya..
tapos magagalit sila sa akin..?
kesyo wala daw akong pakialam...??

eh yun nga yung punto ko eh..
dapat pigilan na makialam sa mga gamit sa kusina yung Autistic para hindi niya naiisip na pwede niyang gawin iyon..
lalo na't hindi naman 24/7 na may nakatingin sa kanya, dahil nga hati na ang atensyon ng mga alipin..
dahil ganun nga ang behavior ng Autistic..
kapag may nagawa silang bagay, naiisip nila na pwede na nilang paulit-ulit na gawin iyon..
gumagawa sila ng mga routine base sa mga bagay na ina-allow silang gawin...

tapos magtataka sila ngayon kung bakit kumukuha na ng kutsilyo yung subnormal...??

is feeling , pakipatay naman sa mga bobo...

---o0o---


December 29, 2018...

basag na naman ang araw at ang UPS ko..
nadale na nga ng National Grid Corporation of the Philippines..
nadale pa ng sariling pa-brownout ng [Name of Electric Cooperative] dahil sa pesteng bagyo...

is feeling , wala nang tulugan...