Sunday, April 6, 2014

March 11, 2013 - Ang Magnanakaw, ang Sinungaling at Mapagpanggap, at ang Tanga

kahit anong pigil pa ang gawin ko..
hinding-hindi ko mapigilan na makita ang katotohanan...
mas maige pa na sabihin ko na lang nang sabihin ang totoo, kesa ako naman ang sumabog ng dahil sa poot...


Ang Magnanakaw, ang Sinungaling at Mapagpanggap, at ang Tanga

sige, pagbigyan na naten sa ngayon iyong magnanakaw (BDF - biological demon father)..
sabihin na natin na nakakatulong yang tuluy-tuloy niyang pagbubuga ng usok ng sigarilyo sa loob ng bahay para mamatay na rin ang lahat ng tao dito..
sabihin na natin na kahit halos araw-araw na siyang tumitigil dito sa bahay sa ngayon ay wala naman siya talagang mapapala hangga't bantay-sarado ko ang pera ng blood aunt ko...


pero ibang istorya na yung sa BDB (biological demon brother) ko na sinungaling at mapagpanggap..
hindi ko lubos akalain na kukunsintihin pa rin siya ng biological mother ko matapos niyang pagtangkaan na nakawin iyong battery ng cellphone nung matanda..
hanggang ngayon sunod pa rin ang lahat ng layaw niya..
sasabihin na kailangan niya ng load dahil may emergency sa school..
ano ako tanga, eh business ko yung ginagago niya..
minsan nakakatulong rin naman ang pagiging pakialamero..
babasahin mo ang text message ng may text message, at malalaman mo na ang katotohanan..
saan ka ba naman kasi nakakita ng estudyante na puros sa text na lang tinatanong ang mga pinag-uusapan nila sa school..
mga project, assignment, exam..
ano lang ba ang ginagawa niya sa loob ng klase sa private school na yun..?
nagtitikol habang tinititigan lang ang syota niyang puta sa buong maghapon..?
tapos pagdating ng bahay hihinngi ng load, at magtatanong sa text kung anu-ano ba ang mga napag-usapan sa school..
tapos ia-unli yung load para lang makipaglandian pang muli sa text..?

nasaan naman yung konsensya doon..?
eh nanay nya iyong pinagbabayad niya sa mga inuutang niyang load..
nung estudyante ako, hindi ko naranasan na ibinibili ako ng load ng biogical mother ko..
una, dahil hindi pa uso nun ang electronic load..
ikalawa, dahil hindi naman talaga tama na ipasa pa sa kanya iyong mga ganung klase ng gastusin..
pero isa talagang certified demonyo ang isang ito..
siya iyong tipo na kahit na alam na alam na niya na walang-wala na iyong tao, eh pipigain pa niya para lang masunod ang kanyang kapritso..
ang ikinakatakot ko ngayon ay paano na lang kapag nasa La Salle na nga siya..
tiyak na lalo pang maghihirap ang biological family na 'to...

bukod pa sa problema sa layaw..
andyan din ang masama niyang ugali nang pagdadabog at paninira ng gamit tuwing hindi siya nakakakuha ng pera..
eh wala namang pumipigil sa kanya, kahit na iyong magaling niyang ama..
kapag s-in-uggest ko naman na saktan at paluin na ng bat sa ulo para lang wala ng gamit na masira pa, eh ako pa rin ang masama sa bandang huli...


at nariyan rin ang tanga kong biological mother..
na kahit parang alipin at piggy bank na lang ang tingin sa kanya ng mga kapamilya niya eh sige pa rin..
bigay lang nang bigay hangga't may pera pa sa business ng blood aunt ko..
siya iyong tipo na mas pinahahalagahan iyong mga demonyo niyang kapamilya kesa sa mga totoong may-ari nung perang ginagastos nila...


hindi ko talaga sila naiintindihan..
parang ako lang yung nasisira ang pangalan at binabagabag ng konsensiya ko..
pangarap ko talagang mamatay na lang ang BDF at BDB ko..
kapag namatay na sila, at least wala nang dahilan para maging tanga pa sa buhay ang biological mother ko...

---o0o---



bakit daw puta yung babaeng yun..?
malamang..
dahil kung matinong girlfriend lang yun..
dapat nakakaintindi siya ng kalagayan sa buhay..
dapat maging inspirasyon man lang siya para gumawa ng mabuti yung isa, hindi yung lalong maging pahirap siya sa buhay..
hindi yung siya pa ang nagpo-provoke..
kesyo tawagan naman siya, kesyo mag-text sila 24/7, kesyo lumabas sila tuwing weekends, kesyo magpa-gabi sila parati ng uwi sa mga bahay nila...

tapos ipagmamalaki nila na tig-na-90 plus ang mga 'bayad' nilang grade sa Lipa Grace Secondary..
tapos kahulugan at application lang ng mga salitang 'baon na sa utang' eh hindi pa maunawaan..?
nasaan naman ang katalinuhan dun..?
at paano naman magiging top 5 sa CPA board exam yung ganung klase ng bobong tao..?

---o0o---


tama na!
tama, hindi talaga ako matatahimik hangga't kasama ko ang mga 'trigger' na 'to..
hangga't nasa paligid ko sila at gumagawa ng kasamaan, eh hinding-hindi ko rin mako-kontrol ang sarili ko..
kahit na gaano ko pa gustuhin na maging mabuti..
kahit gaano ko pa gustuhin na manahimik na lang...

araw-araw..
sa tuwing ako ang nakikita nilang mali..
naiisip ko na kumonekta sa mga blood relatives ko..
para ipakita sa kanila yung laman nitong marahas kong blog..
itong blog na naglalaman ng lahat ng katotohanan..
pero kailangan kong pigilan ang sarili ko..
malalaman nga nila ang totoo, pero wala rin namang mangyayari..
maipapahiya ko lang ang mga peste kong biological sa loob ng maiksing panahon lamang..
katulad nung panahon na ang blood cousin ko pa ang may hawak nung negosyo..
nabuwisit ako at sinabi sa kanila ang lahat..
nalaman nga nila ang totoo, pero wala namang nagbago..
nalipat lang sa bagong management yung business..
pero patuloy pa rin ang pananalanta sa pera ng mga kababayan nila nitong mga kasama ko sa bahay...

kailan ko ba matatanggap ang regalo ng kamatayan..?
ibig kong sabihin eh yung kamatayan nung dalawang masamang nilalang dine..?

---o0o---


hindi ko kailangang maging impraktikal sa panahon ngayon..
hindi ko muna kailangang maging mabait..
hindi ko kailangang magkunwari na okay ako kahit na sa totoo eh miserable na ako..
dahil magiging mabuti lang ako kapag nakuha ko na muli ang peace of mind na matagal nang naagaw saken..
at mangyayari lang yun kapag nakaalis na ako sa impiyernong bahay na 'to..
at kapag tuluyan nang mamatay iyong mag-amang super demonyo...


No comments:

Post a Comment