(may pagka-journal entry din)
it's her 20th birthday..
tapos na siya sa pagiging teenager..
pakiramdam ko tuloy na sobrang tanda ko talaga..
kasi 22 na ako nung maka-graduate ako sa college eh...
nanghihinayang ako..
April 22 noong ginawa ko yung first move ko..
by May 3 naman eh na-reject na ako..
noong mga panahon rin na yun ko nalaman na malapit na ang birthday niya..
at nakakalungkot isipin na ni hindi man lamang talaga umabot yung mga moves ko sa mismong araw ng birthday niya, considering na less than a month na lang yung pagitan noon...
hindi nga siya pumasok..
nag-birthday leave nga yata sa OJT niya..
medyo late in the morning na noong una ko siyang makita..
parang naka-fold up na hairstyle o baka naka-chopstick bun (hindi ako sigurado sa nakita ko eh)..
loose light-green tee shirt..
checkered shorts..
at thick-sole flip-flops...
noong hapon naman..
nakalugay na yung buhok niya..
naka-light-grey o white tank top..
grey jogging pants..
at yellow slippers...
tas ilang saglit lang eh lumabas na ulit siya..
kasama yung stepmom niya..
naka-dark-blue short-sleeved top..
may pagka-dark na colorful short skirt..
at yung black bakya-style na slippers...
mga 20:00 na sila o siya nakabalik..
tapos base dun sa isang birthday greeting sa kanya eh sa SM yata sila nagpunta noong hapon...
---o0o---
heto yung birthday message ko para sa kanya:
hi!
sana naman hindi ako nakakaabala..
may gusto lang kasi akong sabihin sa'yo..
don't worry, dahil hindi naman tungkol sa nararamdaman ko yung sasabihin ko sa'yo ngayon..
kaya technically, eh hindi ko naman binabali yung pangako ko sa'yo...
naalala ko lang kasi na nasabi mo noon na this May 29 na ang birthday mo..
kaya naman gusto ko sanang makibati habang natatandaan ko pa yung date..
Happy 20th Birthday, Miss Robledo!
wala naman akong masyadong alam tungkol sa'yo, sa mga hilig mo, o sa kung anu-ano pang bagay ang gusto mo..
ang mahihiling ko siguro para sa'yo eh -
sana
magkaroon ka parati (o kung hindi man 'parati' dahil parang imposible
naman yun sa buhay ng tao, eh basta mas 'madalas') ng rason para ngumiti
ka at maging masaya... ^_^
ayun..
sana naman hindi ko masira ang espesyal na araw mo ng dahil lang sa greeting ko..
ayoko naman kasi na mainis ka sa akin...
sige na..
bye na muna ulet..
have a wonderful day..
& always take care, Miss Robledo...
unfortunately, eh wala talaga siyang karea-reaksyon..
ni-thank you eh wala...T,T
---o0o---
ganito naman yung post niya sa mismong birthday niya..
i believe mga bandang midnight na yun..
i posted my greeting around 06:04, and sabi ng Facebook she has seen it by 08:33..
so i assume that this post of her has nothing to do with me:
But, I only want you *smiley face*
paano ba yan..?
mukhang in love nga yung 20 year old na kolehiyala..
pero kanino naman kaya - ang sarap gulpihin at lumpuhin ng lalaking yun gamit yung bat ko! >,<
ang swerte naman ng mokong na yun..
sana lang maging masaya sa kanya si Miss Robledo...
---o0o---
paano ba yan?
time's up na!
ni 'ha' ni 'ho' galing kay Miss Robledo eh wala...T,T
dating gawi na lang..
tahimik ka na lang na magmamahal mula sa malayo at maghihintay hanggang sa puso na ang mapagod at sumuko..
(sorry kung 'mahal' na kaagad yung term na ginamit ko, pero yun kasi yung mas magandang pakinggan eh)...
---o0o---
ang
isa sa napakatangang bagay tungkol sa pagpapantasya, eh yung
naaapektuhan ka talaga dun sa ginagawa mong istorya sa isip mo..
at aminado akong isa ako sa mga tangang yun...
there
was this scenario na biglang pumasok na lang sa imahinasyon ko kanina,
after kong mabasa yung latest post niya nitong birthday niya..
kasi i felt na she's already in love with someone else, kaya may kumirot dito sa puso ko...
the script goes like this:
nagkataong nagkasabay kami sa paglabas ng mga bahay namin ni Miss Robledo, palabas sana sa subdivision..
mas nauna akong makaalis since nagsara pa ulit siya ng gate nila..
i was walking on my side of the road, tas andun naman siya sa side nila..
kaso unti-unti rin siyang tumawid papunta sa direksyon ko..
nasa may gilid ko na lang siya pero hindi ko siya magawang lingunin..
instead eh sinusubukan ko talagang iiwas yung paningin ko sa kanya..
habang pakiramdam ko na parang bumabagal yung tibok ng puso ko...
she asked me kung pwede ba daw siyang makisabay sa akin..
still, i couldn't look at her..
kaya ang ginawa ko eh tumungo na lang ako, meaning it's okay with me..
ayun..
we were both silent for a while..
tahimik lang ako dahil wala na naman akong masasabi pa sa kanya..
pero napapansin ko na parang pinagmamasdan niya rin yung reaksiyon ko mula sa side habang naglalakad kami...
and then she tried to initiate a conversation..
sabi niya 'thank you' daw..
i didn't want to act rude..
so i asked her 'thank you para saan?'..
naka-diretso lang sa daan yung tingin ko, trying to show her na kaya ko naman siyang hindi pansinin..
tas sabi niya na 'thank you sa greeting'..
na 'thank you dahil naalala mo ako'..
bigla akong napahinto sa paglalakad..
and i felt the pain inside me, na para bang bumulwak na lang bigla..
naramdaman
kong tutulo na yung mga luha ko, kaya sinubukan kong takpan ng kaliwang
kamay ko yung mga mata ko, though hindi naman talaga naitago nang ayos
iyong kanang mata ko..
napansin niya yata na medyo napahikbi ako at napasinghot ng namumuong sipon..
kaya napatigil na din siya, lumingon siya sa akin, at tinanong ako..
'anong nangyari? okay ka lang?'..
sinusubukan kung tumango para hindi niya mahalata na umiiyak na ako..
at in public pa yun..
although sa tingin ko eh obvious naman sa kanang mata ko na tumutulo na yung luha ko..
anyway..
i told her na 'i'm fine'..
tas
sinabi ko na lang na 'pasensya na, pero hindi na kita masasabayan sa
ngayon, mauna ka na lang siguro, may babalikan lang ako sa bahay'..
tapos,
tumalikod na ako at naglakad pabalik sa bahay habang tinatakpan ko pa
rin yung mga mata ko dahil nahihiya ako na baka may ibang tao na
makakita sa akin na umiiyak sa kalye na parang maligalig na matanda...
ayun ganun yung itinakbo nung script..
tas talagang nag-synchronize siya sa damdamin ko at naiyak talaga ako...
agang-aga, 05:30 pa lang eh iyak na naman nang iyak..
pero ano ba namang magagawa ko, eh sa gusto ko yung tao eh...T,T
---o0o---
patuloy ko lang na sinasaktan ang sarili ko..
pero wala akong magawa laban sa sarili kong katangahan...T,T
---o0o---
nakapag-decide na ako..
mukhang mas totoo yung version nung story na hindi siya talaga interesado sa akin...
kaya naman, wala na akong gagawin simula ngayon..
kundi ang gustuhin o mahalin na lang siya mula sa malayo..
hanggang sa tuluyan nang mapagod at sumuko itong puso ko..
tutal no choice naman ako eh..
sa ngayon, she's too close to me, kaya masasabi kong mahirap pa siyang makalimutan..
the thought pa nga lang na adyan lang siya at ilang metro lang ang layo mula sa akin, eh hindi na ako matahimik..
i definitely need time para malampasan ko 'to..
o siguro isang magandang break para tuluyan na akong makaalis sa lugar na 'to...
isusuko ko na yung pag-solve dun sa gossip mystery..
wala na akong balak na gawing hakbang ukol dun..
kung darating yung time na may lumapit man sa akin para patunayan yung version na yun nung istorya, edi makikinig ako..
o kung dumating yung time na si Miss Robledo na mismo muli yung lumapit sa akin, edi titingnan ko kung sincere ba siya...
sa ngayon..
masyado na lang talagang nakakapagod ang mag-isip nang mag-isip...
No comments:
Post a Comment