(non-journal entry)
been missing her for 3 days...
ewan..
nawalan na ng update mula sa mga social networking sites eh..
pero araw-araw pa ring bumibisita yung pinagbilinan nila ng bahay at mga alaga nila..
so siguro magtatagal pa talaga sila sa bakasyon..
baka nagdiri-diretso na sila pa-Norte..
para naman kasing imposible na magtagal sa Baguio ng ilang araw, hindi naman kasi talaga mukhang interesante dun eh - malamig lang..
siguro sapat na ang 2 days para ma-enjoy yung lugar na yun..
i'm not sure..
siguro uubusin na nila yung natitirang week para sa pagbabakasyon..
which means na hindi ko man lamang masisilayan si Miss Robledo sa mga panahong yun...
wala na talagang pumanig sa akin eh..
kainaman..
unang-una, yung pagtatayo ng pesteng tindahan dito sa tapat..
ikalawa, yung pagkawala nung halo-haluan..
ikatlo, yung mismong pagtataboy sa akin palayo ni Miss Robledo..
ikaapat, yung pagdating nung tinamaan ng wrong timing na tsismis na yun..
at ikalima, eh etong bakasyon nila na 'to..
lahat na lang eh pinababa yung encounter rate naming dalawa eh..
bastos... >,<
---o0o---
medyo maiba nga muna tayo ng usapan..
nitong mga nakaraang araw kasi eh sinusubukan kong i-analyze kung ano bang pagkakaiba nitong sitwasyon ko sa ngayon kumpara sa mga nakaraan kong karanasan pagdating sa kabiguan ko sa mga babae..
ang main problem kasi eh - bakit ba hindi ko siya magawang kalimutan o kasuklaman, para naman hindi ganitong pakiramdam ko na in love na yata ako sa kanya..?
well, kung tutuusin eh maikli pa lang na panahon yung one month na nakalipas para talaga maka-recover ako..
pero anyway, heto yung ilang comparison:
sa college years ko na ako magsisimula, tutal eh noon lang naman talaga ako natadtad ng kabiguan sa babae..
either magbibigay ako ng first name or surname, siguro naman wala nang makakakilala sa mga babanggitin ko lalo na't wala namang nakakakilala sa akin dito sa web...
kung hindi ako nagkakamali, isang Miss Ruth yung kauna-unahan kong naging crush pagpasok ko ng college dito sa probinsya namin..
isa siyang Category A na babae kaya madali ko lang siyang napansin..
at one point eh naging classmates kami sa isang subject (bale joint-class session) at na-introduce kami sa isa't isa nung isa kong kabarkada..
she was nice, binabati nga niya ako kahit na suplado ako eh..
eventually nalaman ko na taken na pala yung puso niya..
after that, it was easy for me to let go of the feeling (kung anuman yun)..
pagpasok rin ng 3rd year nila (bale 1st year ako at 2nd year naman siya noong nagkasama kami sa campus), eh lumipat na siya ng campus para sa major niya, so i guess nakatulong rin yun ng malaki para hindi naman ako ma-over exposed sa kanya..
so there goes #1...
at the same school year (hindi ko na tanda kung parehong semester), eh natipuhan ko rin itong isa pang classmate ng mga kabarkada ko..
si Miss Macam na isang Category A~S na babae..
one day, nagsimula na lang akong magtanong-tanong about her, tas sa harapan pa ng kaibigan ko..
that time na-realize ko na may gusto pala sa kanya yung isa kong kaibigan..
nainis pa nga yata siya sa akin nung nalaman niyang naging interesado ako sa tipo niyang babae eh..
after that, eh parang na-fastforward yung takbo ng mga pangyayari..
it turned out na may mutual feelings pala yung dalawa para sa isa't isa..
tas nagkatuluyan na nga sila..
naisip ko nun, aba't talagang medyo parehas yata ang panlasa namin ng kaibigan kong ito pagdating sa babae..
biruin mo na 3 sa mga babaeng nagustuhan ko noon, eh nagustuhan rin niya..
noong time pa lang na parang sinimangutan na niya ako ng tingin nung malaman niyang interesado ako sa babaeng gusto niya - noon pa lang alam ko na na hindi ko dapat ituloy yung balak ko regarding her..
so ganun na lang natapos yung story #2..
naging girlfriend siya ng kaibigan ko...
same school year pa rin..
there was this upper classman na sobrang lakas ng dating - si Miss Lubis..
hindi naman talaga siya kagandahan kung tutuusin..
pero yung aura niya eh dinadala siya sa Category S..
nakilala o nadiskubre ko lang siya nang dahil din sa isang kaibigan..
alam kasi ng klase nila na crush na crush niya yung senior student namin na yun, kaya madalas namin siyang binibiro nang palihim dun sa babaeng yun..
oo, pati ako eh binibiro ko siya dun sa senior namin..
may mga pagkakataon na nakakasama ko siya sa computer laboratory kung saan palihim ko siyang pinagmamasdan..
madalas tahimik lang siya..
napaka-interesante ng pagkatao niya..
pero bukod sa sobrang taas ng level niya, at galing siya sa ibang department, eh mas matanda nga siya sa akin at graduating na rin noong mga panahon na yun..
so naisip ko na it was useless to try to get to know her..
kumbaga zero probability talaga..
ni hindi ko na nga inalam pa kung taken na siya o single pa noon eh..
kaya ayun, hanggang sa potential target #3 eh ang totoo eh wala man lamang talaga akong nasubukang pormahan..
suko kaagad...
pagpasok naman ng 2nd year level ko..
doon ko naranasan yung kauna-unahan kong seryosong kabiguan noong college..
there was this freshman student - si Miss Burias..
noong una i thought simple lang yung itsura niya, i even ranked her as Category B only..
i find her interesting kasi she seems to resemble yung dati kong girlfriend..
hindi nagtagal napansin kong nagiging popular na rin siya sa campus..
kaya tinaasan ko yung rank niya sa pagiging Category B~S..
so i decided to go for it..
noong nasa college na rin ako, naisip ko na wala ng lugar para sa paggamit ng mga 'tulay'..
na ako na ang gagawa ng lahat simula noon..
parang challenge na rin para sa sarili ko..
gumawa ako ng paraan para makalapit nang makapalit sa kanya..
medyo mahirap yun kasi she's also from a different department at may pagkakaiba talaga yung mga taong nakakasalamuha namin..
dumating yung time na naramdaman ko na parang ilag na siya sa akin..
tas inamin nga niya sa akin na matagal na siyang may gusto sa ibang lalaki (na dala na niya sa loob niya noong nasa high school pa lang siya)..
pero andun naman yung pampalubag loob niyang statement na kesyo gusto pa rin naman niya akong maging kaibigan..
pero things didn't turned out like what she said..
namimili siya ng re-reply-an sa text..
na yung tipo na kapag ako yung nag-text sa kanya eh 'walang load' yung ibibigay niyang dahilan..
tapos kapag yung isa kong kakilala ang nag-text eh agad-agad ang reply niya, alam ko yun dahil magkatabi lang kami na nagkukuwentuhan noon nung ka-text niyang guy..
may pagkakataon pa nga na kinailangan kong magpanggap na ibang tao para lang masubukan talaga kung gaano ba siya kaseryoso sa mga binibitawan niyang salita..
at yun nga, lumalabas na pampalubag loob lang ang lahat..
na mas gusto niya talaga akong iwasan..
that time, na-realize ko na hindi ko gusto ang ganitong klase ng babae..
i even called her 'Basura' dahil sa ginawa niya sa akin..
sa ganung paraan ako naka-move on sa #4 kong kabiguan...
noong nasa 3rd year (yata) naman ako sa college..
may biglang bumalik lang sa akin na pakiramdam ng pagiging in love mula sa nakaraan ko..
alam nyo yung pakiramdam na minsan kang nagkagusto nang sobra sa isang tao, tapos biglang naglalapit ulit yung mga landas nyo, kaya pakiramdam mo na parang nare-reactivate yung feelings mo dati para sa kanya..
medyo traumatic yung kinahinatnan ng istoryang ito noon..
i almost killed myself due to the pain..
natanong ko ang sarili ko noon, am i really in love..?
o in love na lang ba ako dun sa fantasy na posible pa talaga kaming magkatuluyan..?
i cried a lot of times while i was on my Internship Training..
andun yung bigla na lang akong maiiyak, tapos magtataka yung mga handler ko kung bakit, susubukan nila akong tanungin kung bakit, pero mas lalo lang akong hahagulgol nang wala man lang mabigay na dahilan sa kanila..
i would talk to her sister..
i would talk to my friends..
hahanap ako ng kakampi ko..
it took me a very long time para maka-recover mula sa damage na idinulot niya sa akin..
pero sa bandang huli, natanggap ko na na ganoon talaga siyang klase ng babae..
si Miss V, isang Category A~S na babae..
at sa puntong yun, natapos na ang pinakamatagal at ang #5 kong kabiguan..
ang totoo, her story somehow resembles my current love story...
4th year at last year ko na sa college..
again, i got attracted to a freshman..
mula na naman sa ibang department..
si Miss Sabillo, isang Category A~S na babae..
katulad kay Miss Burias, i got the chance na lapitan siya ng personal..
kaso 1-hit KO yun..
walang 'tulay', walang 'informer'..
i personally asked her kung may boyfriend na ba siya during that time..
and she said yes, so automatically na-basted ako..
siguro it was easier to accept that lost, kasi nga taken na eh..
nanatili siyang ultimate crush ko noong last year ko sa campus..
gaya ngayon, i was vocal online about my feelings, pero hindi kasing intense..
after kong makalaya sa campus, naka-recover na rin ako mula sa kanya dahil sa kawalan ng exposure ko sa kanya..
at sa ganung paraan natapos yung #6 na kabiguan ko...
4th year din..
there was another girl na ka-department ni Miss Sabillo..
isang year level ang agwat ko sa kanya..
si Miss Karen, isang Caterory A na babae..
medyo na-crush-an ko lang siya..
boyish yung dating niya, simple, pero nakakakuha ng atensyon..
pero may boyfriend na siya noon, na senior student namin..
so again, it was useless to try..
siya yung pang #7 ko na kabiguan...
at sa ganung paraan natapos ang college life ko..
zero love life..
at puno ng kabiguan..
bakit ba naman kasi puros taken na ang puso ng mga babaeng natitipuhan ko..?
siguro masyadong mataas ang taste ko pagdating sa babae..
yung mga tipo, na madali lang magka-boyfriend...
almost 5 years after that..
nahulog naman ang loob ko sa isang kalapit bahay lang..
si Miss Robledo, na di hamak na mas mababa ang Category kumpara sa lahat ng mga nakilala kong babae noon..
isang Category B~A..
pero alas niya yung pagiging seksi niya...
i'm suffering from over-exposure syndrome..
siya na kasi yung pinakamalapit na stimulus na nagustuhan ko..
tas kinimkim ko pa yung pagiging interesado ko sa kanya for almost 2 years..
tas pakiramdam ko rin na mas nagustuhan ko siya noong nakalapit na ako sa kanya..
yung medyo malalim niyang boses..
tsaka yung napakaganda niyang ngiti..
at kahit na ni-reject na niya ako eh hindi ko pa rin siya magawang ayawan..
tapos andito pa rin yung unresolved gossip mystery na gusto kong malinaw..
bukod pa yung mga misteryoso niyang mga pahayag online na hindi ko masabi kung sino ba ang tinutukoy..
sa madaling salita, walang nakakatulong sa akin ngayon para maka-recover mula sa kanya...T,T
---o0o---
here's a new OST para sa istorya ng love life ko, LOL..
Makapiling Ka by Spongecola...
sapul na sapul sa akin ngayon ang lyrics ng kantang 'to..
lalo na ngayong nasa bakasyon sila..
ganun na ganun kasi ako pagdating sa kanya eh..
bale ang hindi lang tumutugma sa akin eh yung 'makapiling ka' na part eh at kung ano pang synonymous dun..
kasi hindi naman kami - kaya walang rason para talagang makapiling ko siya...T,T
anyway..
as usual..
credit goes to whoever is/are responsible for creating and sharing this video...
No comments:
Post a Comment