[originally posted on September 13, 2012]
mahilig ba kayong manood ng balita?
natanong
ko lang kasi lately, parang masyado nang nakakabagabag ang mga
nababalitang paglaganap ng krimen sa buong bansa - andyan ang
iba't-ibang klase mula sa tila mga simpleng kaso lang ng snatching,
hanggang robbery, hanggang assassination na ginagawa ng mga riding in
tandem, hanggang sa pinakamalalang parang mga trip lang na brutal na
pagpatay na talagang sinadya pang kunan ng video...
ewan, hindi ko na rin masabi eh..
may
mag pagkakataon dati na iniisip ko na may mga lugar naman dito sa
Pilipinas na matuturing na ligtas, lalo na kapag may mga nababalitang
kalamidad sa ibang panig ng mundo - gaya ng pananalanta ng mga tsunami,
malalakas na lindol, malalakas na bagyo, forest fire, at mga tornado o
cyclone o kung ano pa mang mas tamang term..
isama na rin yung mga digmaan at rebelyon na parang ordinaryo na lang sa ibang bansa..
dati
kapag naiisip ko ang mga yun, naiisip ko na siguro nga mas ligtas pa
rin dito sa ilang lokasyon sa bansang 'to kahit na papano...
pero sa mga nababalita nga sa mga panahon ngayon, parang mas nakakatakot na rin na manatili pa dito..
ni
hindi mo masabi kung bunsod lang ba yun ng mas pinabilis na daloy ng
mga impormasyon at balita dulot ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya,
kung kaya't mas marami na ang mga nababalita kaagad na krimen partikular
na sa telebisyon...
andyan pa ngayon yung promotion ng turismo sa bansa..
kapag may mga magagandang lokal na pook-pasyalan na unti-unting nakikilala, sasabihin na 'It's More Fun in the Philippines'..
kapag
may mga mabubuting tao na related sa tourism ang may nagawang maganda o
mabuti para sa iba - gaya ng pagsasauli ng naiwan o naiwalang gamit o
pera ng mga tourista, sasabihin pa rin na 'It's More Fun in the
Philippines'..
pero paano naman yung isyu tungkol sa seguridad..
ilang mga foreigners na rin naman ang napahamak, na-kidnap, at napatay dahil sa pagtuntong dito sa bansa..
although
hindi ko naman kino-conclude na yung pagiging foreigner nila ang
mismong dahilan kung bakit sila nadamay sa mga ganung trahedya, eh
siguro misconception o overgeneralization na lang yun ng iba na basta
banyaga eh automatic na mayaman..
pero ano na ba ang nagawa ng
gobyerno para dito, para paigtingin ang seguridad sa loob ng bansa hindi
lang para sa mga tourista kundi para na rin sa sarili nitong mga
mamayanan?
snatching, theft (sa mga bahay o grocery
store), pagnanakaw ng mga kasambahay, carnapping, robbery holdap (kahit
sa loob ng mga mall), suicide at murder (kahit sa loob ng mga mall),
massacre, rape, physical abuse, fraud, pag-clone ng credit cards,
murder, kidnap for ransom, riding in tandem, patayan kaugnay ng
eleksyon, budol-budol, patayan kaugnay ng hazing partikular na sa mga
fraternity, mga samu't-saring gimik para makapambiktima sa mga
pampublikong lugar, mga krimen na kinasasangkutan ng mga minor de edad,
at kung anu-ano pang kombinasyon ng mga nabanggit na pamamaraan..
andyan
rin ngayon yung pinakabagong paraan kung saan hindi mo mawari kung
sinong paniniwalaan dahil binabaligtad ng mga taong involved ang mga
pangyayari - kidnapping ng baby na sinadya 'daw' para lang matakasan ang
mga bayarin sa ospital pero na-settle naman nung inaakusahan ng
pag-iimbento ng kuwento yung mga bayarin nya; o di kaya yung
minaltratong katulong na hindi mo na mawari kung talaga nga bang
namaltrato o kung yung kamag-anak nga ba ang may gawa o sinadya lang
para may makuha sa kanyang amo?
eh sino pa ba ang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon para lumutas sa mga problemang yan ng lipunan..
eh kung sa hanay nga mismo ng sangkapulisan eh may mga tarantadong gumagawa ng krimen..
di
bale sana kung ang kaso lang nila eh i-salvage lahat ng kriminal - edi
sana nakatulong pa silang maubos ang mga gumagawa ng krimen..
pero sila mismo gumagawa nung mga mapaminsalang gawain para sa kapwa..
pangongotong,
pagpatay gamit yung baril na pinagkaloob sana sa kanila para magawa
nang ayos ang kanilang tungkulin sa bayan, pagbibigay ng proteksyon sa
mga kriminal, kidnapping at kung anu-ano pang kalokohan..
pati naman sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno eh hindi rin lahat maaasahan..
andyan ang korupsyon, red tape, katamaran..
tila wala nang malusutan sa mga dapat na naglilingkod sa bayan na gaya nila...
hay...
kung meron lang sanang paraan para matiyak na lahat ng maluluklok sa
katungkulan, sa kapulisan man o sa gobyerno, eh gagawa nang matino..
kung
lahat na lang sana ng krimen eh pwedeng parusahan lang ng either
habambuhay na pagkabilanggo o kamatayan gaano pa man yun kabigat..
kung ang batas lang sana ay hindi na pumipili ng tamang edad na kaya nyang parusahan..
kung hindi na lang sana nakakalaya yung mga taong sanay nang gumawa ng kasamaan mula sa mga kulungan..
kung
hindi lang sana pino-protektahan ng Commission on Human Rights at iba
pang sektor ng lipunan yung mga karapatan 'daw' ng mga kriminal na yun,
na kung tutuusin eh sila itong naunang bumalewala sa karapatan nung mga
taong biniktima nila sa kung ano mang paraan..
kung pwede lang
sanang alipinin na lang yung mga pesteng mga yun sa mga nalalabi nilang
panahon sa mundo - sapilitan silang pagsakahin, pagawin sila ng mga
trabahong posibleng mag-boost ng agrikultura ng bansa o di kaya naman eh
pagbantayin sila ng mga teritoryong pilit inaangkin ng mga dayuhan
(tutal mga sanay naman silang pumatay eh)..
kailan kaya mamumulat
ang bansang ito na hindi na talaga applicable yung makaluma nyang paraan
ng pagpaparusa at paglaban sa kriminalidad?
kailangan pa bang maghintay pa na prominenteng mga tao ang mapahamak para lang ma-realize nila yun?
o
kailangan pa bang yung mismong mga nasa katungkulan o ang mga kaanak
nila ang malagay sa delikadong sitwasyon bago nila maunawaan nang
tuluyan ang tunay na kahalagahan ng seguridad para sa lahat..?
No comments:
Post a Comment