Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 30, 2013 - Mag-isang Nakatambay sa Tindahan sa Tapat)

May 30, 2013..
(may pagka-journal entry pa din)

a day after her birthday...

as usual, i saw her in the morning..
black top yata..
black sweater..
dark-blue skirt..
black pumps..
(LOL, kakukuha ko lang nung kopya nito, pero yung wala siyang suot na sweater, tas naka-sleeveless top pala siya ♥_♥)...

i'm not so sure, pero siya yata yung nakatambay sa may tindahan sa tapat namin kagabi..
for some reason eh hindi lang siya nagbukas ng ilaw sa garahe nila..
ilang gabi na rin siyang umuuwi nang solo sa kanila..
base sa kasuotan ay mukhang siya nga yata yun..
medyo matagal rin siyang nakatambay lang dun eh, halos buong oras ng 'Juan dela Cruz'..
naka-junk food na naman habang nakikipagkuwentuhan dun sa may-ari ng tindahan...

wrong move na naman ako..
tinawag lang kasi ako noon ng biological brother ko na nakatira sa katabi naming bahay eh..
lumabas ako na dala-dala yung kopya ng susi nila..
napansin ko na si Miss Robledo nung papunta na ako doon sa may bakod..
tas na-realize ko nga na siya yata yun..
kaso ang ginawa ko eh inabot ko na lang yung susi sa biological brother ko sa may bakod nga..
stupid!
dapat talaga lumabas na ako at lumipat sa kabilang bahay at nagparamdam man lang kay Miss Robledo eh..
sayang..
edi baka nakakuha pa ako ng reaksyon mula sa kanya..
ah ewan..
nakakatakot na kasing lumapit sa kanya ngayon eh..T,T
ayoko nang mapahiya..
lumabas pa ulit ako eh pagkatapos ng 'Juan dela Cruz'..
nag-lock ako ng gate namin kasi gabi na..
tas nakita ko nga ulit siya na nakaupo na dun sa may bench sa tindahan..
tas na-recognize ko na siya nga yata yun dahil dun sa pumps na suot niya...

---o0o---


heto naman yung latest post niya, kagabi, by  23:37 :

it's over.. everything's gonna be alright. *smiley face*


it's over - tapos smiley face..??
bakit, ayaw ba sa kanya nung gusto niyang guy..?
eh bopols pala yung lalaking yun eh.. >,<
eh pero bakit 'alright' pa rin siya after that..???

---o0o---


nasalisihan ba niya ako today by 06:00 o hindi na naman siya pumasok?
hala, miss na naman yata ako nare..T,T
hobby ko na ang bosohan siya tuwing may pagkakataon...^_^


No comments:

Post a Comment