Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 28, 2013)

May 28, 2013..
(may pagka-journal entry)

the day before her birthday...

nakita ko naman siya noong umaga..
white short-sleeved blouse..
black office skirt..
at black pumps...

finally gained connection to her other social networking account..
i didn't expect it would be easier to do it there..
again, i was hoping na meron man lang akong makikitang mga clues mula doon..
pero wala kahit na isa..
all those times na sinubukan ko siyang lapitan noon, eh wala man lang kahit na konting comment..
siguro nga she doesn't really care about me..
siguro 'wala lang' talaga ako para sa kanya..
siguro isang malaking joke lang talaga yung tungkol sa 'crush' niya na yun..
at mas pinabibigat lang nitong tsismis-data at ng mga pantasya ko yung pakiramdam -
na parang balewala na talaga ako sa mundo..
na binibigyan na lang nila ako ng mga huwad na pag-asa..
mas pinagugulo lang talaga ng mga yun ang takbo ng isip ko sa ngayon...T,T

at kahapon ko rin lang na-realize..
last May 22 was exactly one month since magsimula akong makipagkilala kay Miss Robledo..
ang tanga ko na hindi ko kaagad napansin yun..
siyempre, panay pantasya na naman yung pumasok sa bopols kong ulo..
na sana nga ako yung tinutukoy niya doon sa mga May 22 posts niya..
na sana nga eh pinanghihinayangan niya yung ginawa niyang pag-reject sa akin...

---o0o---


this girl is making me feel like i'm in love, and is breaking my heart at the same time..
at partida pa na hindi pa nare-reactivate yung mga totoo at mas praktikal na mga problema ko sa buhay sa puntong ito..
kapag nagkasabay-sabay na naman ang lahat ng mga problemang yun, pati areng problema ko sa love life ko - eh wasak na naman ang mundo ko nun...T,T

---o0o---


birthday niya mismo today pero hindi ko man lang siya nakita ngayong umaga..
hindi ko alam kung nasalisihan ba niya ako..?
o kung naka-birthday leave ba siya ngayon (birthday leave sa OJT, pwede ba yun?)..
mukhang mami-miss ko pa yata ang makita siya today...T,T

---o0o---


nakakalungkot isipin..
birthday kasi today nung babaeng gustung-gusto ko..
pero hindi ko man lang siya magawang lapitan...

well, ganun talaga kapag minamalas-malas ka..
may gusto ka sa isang tao..
pero ayaw naman niya sa'yo...

mahirap at medyo masakit yung pakiramdam..
pero sa bagay..
wala namang rule na nagsasabing bawal kang magkagusto sa isang taong wala namang gusto sa'yo..
nasa sa'yo na nga lang kung hanggang saan at kailan mo kayang dalhin yung ganung klase ng sakit..
yung pakiramdam na balewala ka lang..
yung pakiramdam na hindi naman nasusuklian yung pagtingin na ibinibigay mo sa kanya...

hanggang kailan ko pa kaya 'to kayang dalhin..? T,T


No comments:

Post a Comment