Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 27, 2013)

May 27, 2013..
(non-journal entry)

2 days before her birthday..
pero technically speaking, eh bukas na yung birthday niya since May 28 na ngayon..
yung entry ko kasi para sa bawat araw eh kinabukasan ko pa talaga isinusulat para talagang walang maiwanan na detalye para sa partikular na araw na yun...

3 times ko siyang nakita noong umaga..
nagpalabas-labas na naman siya eh..

naka-maroon o violet with black something sa likod (parang kaparehas ng tela nung mga bra) na short-sleeved blouse..
black office skirt..
at yung black pumps niya...

hindi pa rin tapos ang OJT niya hanggang sa ngayon..
ang takaw naman nun..
eh kailan pa ba siya magbabakasyon..?

ano naman ngayon kung maya't maya ko siyang makita sa loob ng isang araw..
kung hindi ko na naman siya magagawang malapitan pa, eh wala ring silbi yun..
para lang akong naghihintay sa wala nito..
mas pinapahirapan ko lang nito ang sarili ko...


No comments:

Post a Comment