Sunday, April 6, 2014

March 6, 2013

alam kong hindi nyo ako naiintindihan..
dahil psychological at psycho-social yung damage na natanggap ko noong araw yun..
hindi nyo naiintindihan kung gaano kahirap yung pakiramdam na halos lahat na lang ng tao sa paligid ko ay pinagdududahan ko..
yung pakiramdam na wala ka na talagang matinong mapagkakatiwalaan..
pero masisisi nyo ba talaga ako kung parati kong nahuhuli ang ginagawang pagnanakaw nung 2 nilalang sa paligid ko...

sinisisi nyo ako dahil hindi ako makapag-provide para sa biological family ko..
pero hindi nyo rin naman magawang alisin sa buhay ko yung mga nilalang na tumatarantado saken..
kung ang sinuggest nyo sana ay papatayin nyo muna ang 2 kong biological demons, tapos saka ako maghanap ng trabaho, baka sakaling matanggap ko pa yun..
pero yung sabihan ako na pagkatiwalaan sila, tapos magpakalayu-layo ako para magtrabaho para may pangtustos sila sa sugal, sigarilyo, at private school - eh isa na yung malaking kalokohan...

hindi ko hinihiling na intindihin nyo ako..
pero sana naman HUWAG na kayong magsalita tungkol sa mga bagay na wala naman kayong alam..
sana naman huwag nyong isisi sa akin ang mga kabobohan at pagiging social climber ng mga kasama ko sa pesteng buhay na 'to..
nakakapagyabang lang kayo ngayon dahil kayo itong mga milyonaryo...

eh kung kupkupin nyo kaya yung dalawang pinaka-basura dito sa bahay..
testing nyo lang kung makakatagal kayo...

---o0o---


kung totoo man na ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa amin ngayon..
kung dahil ba iyon sa hindi ko paggalang sa BDF (biological demon father) o ang hindi ko pagiging malapit sa'yo..?
hindi ba pwedeng palayain mo man lang yung biological mother ko mula sa pagpapahirap na 'to..?

alam kong tanga siya..
madaling nauuto ng mga tao sa paligid niya..
aminado ako na hindi ko siya talaga gusto dahil sa pagiging impraktikal niya simula noong mabuhay yung bunso niyang anak..
pero sa aming 4..
sa tingin ko siya naman yung pinaka-deserving na mabuhay pa nang payapa..
bigyan mo man lang siya ng katahimikan sa buhay, hindi yung puros na lang problema..
mabuti naman siya eh, tanga nga lang...

madalas siyang lumalapit sa'yo..
kahit nga sa napaka-impraktikal na paraan ay ginagastusan ka niya talaga pati ang mga taga-sunod mo..
kaya naman sana huwag kang maging masyadong sadista..
huwag mong gantihan yung mga tao na wala namang atraso sa'yo..
kung nagagalit ka saken dahil hindi kita gusto, edi patayin mo na ako ngayon at parusahan mo na lang sa impiyerno kung meron nga nun..
basta iwan mo na lang sana na mag-isa yung biological mother ko..
tapusin mo na rin yung walang kuwentang mga buhay ng mga biological demons ko..
sigurado akong magiging mas madali na sa biological mother ko ang lahat kung wala na siyang ginagastusang mga bisyo, private school, girlfriend, at kung anu-ano pang kapritso sa buhay..
kapag wala na kaming 3, sigurado namang hindi mag-iisa yung matanda eh, dahil andiyan pa naman yung 2 niyang nakatatandang anak at mga apo...

please lang..
tanggapin mo na 'tong deal na 'to..
chance mo na para patunayan saken na nag-e-exist ka nga...


No comments:

Post a Comment