Sunday, April 6, 2014

March 15, 2013 - Ang Magnanakaw, ang Sinungaling at Mapagpanggap, at ang Tanga

Ang Magnanakaw, ang Sinungaling at Mapagpanggap, at ang Tanga

sa ngayon, ang magnanakaw ay iyong panganay na ulit niyang anak ang unti-unting hinuhuthutan para sa mga pang-araw-araw niyang gastusin...


iyong sinungaling at mapagpanggap naman eh are..
siya ang pinaka-delikado sa loob ng impiyernong bahay na 'to..
puros hingi ng pera..
at kapag hindi nasusunod ay nagsisira ng mga gamit..
ni hindi pa nga napapaayos iyong salamin na nabasag dahil sa kapabayaan niya eh..
at partida pa na hindi pa siya galit noong nabasag niya iyon...


iyong tanga naman ang pinakamalala sa lahat..
hinding-hindi niya naiintindihan ang paghihirap ng kalooban ko..
pero pagdating sa iba, hinding-hindi niya masabi ang totoong sitwasyon sa buhay..
kung hindi pa nalaman ng panganay kong biological brother ang kalokohang nangyari sa pagke-credit card niya eh hindi pa niya malalaman na pwede naman palang mag-request na itigil na iyong additional charges para sa account niya..
kaya nga naging CPA iyong isa eh, dahil sa pananalapi siya mahusay..
pagdating naman sa pangalawa kong biological brother eh hindi rin niya maipakita ang totoo..
oo nga't dapat na responsibilidad namin ang hipag ko lalo't nandito sila na malapit sa amin..
kaso eh walang-wala na nga eh..
napakaselan pa naman..
ang biological mother ko pa ang bumibili ng ulam..
at sawsawan..
tapos ang kanin eh sa halip na isang saingan na lang para sa buong araw, eh kailangan pang iinit para dun sa buntis..
alam kong naging sobrang bait ng hipag ko pagdating sa amin..
alam kong dalawanng buhay ang nakasalalay sa amin..
kaso eh hindi lang talaga ito yung tamang panahon..
mas may pera naman kasi sila kesa sa amin...

sa ngayon..
bumigay na iyong gasul namin..
iyong bigas eh malapit na ulit maubos..
iyong BDB (biological demon brother) ko naman eh hindi pa rin tumitigil sa panghuhuthot at pagsisira (na gastos din ang katumbas)..
hanggang kailan ba ako magdudusa kasama ng demonyong pamilya na 'to..?
halos wala na ring natitirang pera sa negosyo ng blood aunt ko..
at pangalan ko lang ang nakasalang sa harap ng maraming tao na umaasa doon sa money transfer na business...

pangarap kong mamatayan ng isang demonyong biological na ama at ng isang demonyong biological na kapatid...


No comments:

Post a Comment