Saturday, April 12, 2014

June 4, 2013

madaldal lang ako sa ngayon dahil nasasaktan pa rin ako..
kahit naman ikaw eh, noong mga panahon na akala mo na niloloko ka ng mundo, eh post ka rin ng post ng kung anu-anong sentimiyento mo..
ang pinagkaiba lang naman natin eh -
parang ilog ang dating sa akin ng mga problema ko - tuluy-tuloy lang ang daloy, hindi humuhupa..
kaya naman wala pa rin akong tigil sa pagsasalita..
swerte mo na lang at masaya ka pa sa ngayon...

---o0o---


tama nga naman..
kahit na ano pang isip at desisyon ko..
eventually matutupad rin yung ultimate dream ko..
eh kahit nga yung mga takot dun, eh no choice naman...

i just wish na hindi naman yun maging brutal..
na sana maging lighter man lang yung dagok sa akin ng buhay..
hindi yung maya't maya na lang na parang ayaw na niya akong bigyan ng katahimikan...

kapag kasi tuluy-tuloy lang yung dating nila..
eh hindi ko maiwasan na maisip na malas nga yata ako..
kahit na wala naman akong balat sa puwet... >,<

---o0o---


ang galing talaga nung isa kong kaibigan... :)

tama na naman kasi siya eh..
kahit na ano pang gawin ko, o kahit na wala pa akong gawin..
makukuha at makukuha ko rin yung bagay na pinakaaasam ko sa bandang huli..
dahil it's natural..
unless na i-convert ako ng mga Cullen into something na hindi ko gustong maranasan, LOL!

siguro LIFE is not necessarily the thing that i hate..
pero itong SUPER-KAMALASAN-DAGOK-COMBO na inaabot ko, na akala mo naman eh naglalaro lang ako sa arcade na may kalaban na super AI..
sige na..
hindi ko na hihilingin na tumigil ang mga masasamang mga bagay na nararanasan ko..
hindi ko na hihilingin na swertehin pa ako sa buhay...

balik sa dating resolve..
habang nandito pa ako..
gagawin ko na lang lahat ng makakaya ko..
hindi ko na target na makaahon mula sa pagiging miserable..
susubukan ko na lang na hindi na maging mas lalong miserable..
ang kailangan ko lang talaga ay maging pasensyoso..
hanggang sa dumating na yung pinakamasayang araw na yun na pinakahihintay ko... ^_^


No comments:

Post a Comment