pero ngayon, February na agad..
parang sobrang bilis na nang takbo ng panahon lately...
---o0o---
ganitong-ganito rin yung nangyari dati..
noong nasa mood pa akong gumawa ng manga..
saka nagdatingan ang mga pang-abala...
pagkatapos kong makahiram noon ng 12,000+ Php na pondo..
nakahanda na sana ang lahat..
pero by the time na nagsisimula na akong magtrabaho..
nawalan naman ng yaya yung bunso kong pamangkin at yung nagmamagaling niyang demonyong lolo eh nag-volunteer na mag-alaga sa apo niya dito sa bahay..
pero para namang responsable nga siya at kaya yung mga gawain..
sinabi ko na hinding-hindi ko siya tutulungan dahil bawal akong maistorbo sa ginagawa ko..
pero anong ginawa niya; sa oras ng pagtae, siyesta, pagkain, at pagyoyosi niya eh parati na lang niya akong inaabala...
pagkatapos naman nun..
pinagawa nila ako ng mga standee para sa 7th birthday ng panganay kong pamangkin..
siyempre kinain na naman nun ang malaking bahagi ng oras ko...
halos nakasabay pa nun yung extension ng bahay namin dati..
maingay, magabok, at kapag umuulan eh delubyo ang kinalalabasan ng lahat..
bukod pa yung ako yung kailangang mag-asikaso sa mga naggagawa ng bahay...
nawala yung momentum..
yung inspiration..
at eventually, nawalan na rin ako ng gana sa sarili kong script...
at ngayon kung kailan nakaisip na ulit ako ng panibagong script..
para sana hindi naman tuluyang masayang yung investment ko (namin)..
eh saka naman parang inuulit-ulit nila yung mga pangyayari...
halos bagong lipat lang yung mga pamangkin ko sa bago nilang bahay..
at nalulungkot yung bunso dahil walang masyadong tao na makakalaro niya doon..
are namang magaling na demonyong lolo niya ay timing na timing na saka naisipan na dalhin nang dalhin naman dito sa bahay yung bata..
ang masama eh parating ako naman yung hinahanap nung bata para makipaglaro...
hindi naman ako galit dun sa bata..
ang totoo nakakatuwa sila kapag nako-kontrol mo pa..
at magandang lubusin yung mga ganoong panahon ng kabataan nila..
yun kasing panganay na pamangkin ko eh naging malikot na ang kamay, nakakasira na, at sobrang kapritsoso na rin..
at sunod ang layaw nila sa bahay na 'to, kahit utang na pera pa ang gastusin para lang sa kanila...
ang reklamo ko lang naman eh huwag naman sanang dalhin dito tuwing weekdays..
tutal may binabayaran naman na yaya para dun sa bata eh..
bakit ba sa tuwing may naiisip akong gawin, saka naman sumasagabal ang mga lintik..?
gusto ko namang mabuhay nang sa sarili ko lang..
pero hindi naman nila talaga ako binibigyan ng pagkakataon eh...
kailan ba nila ako tatantanan..?
mga putang ina talaga!!!
No comments:
Post a Comment