Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (March 31, 2013 - Sunday Dress)

[originally posted on April 9, 2013]

March 31, 2013..
ilang beses ko na 'tong na-post sa mga side comment ko..
parang sinisisi ko kasi sa insidenteng ito lahat-lahat ng mga bagong pangyayari sa nananahimik na love life ko..
pero ngayon pa lang yung mismong entry nito...

isa iyong Sunday..
hindi ko alam kung saan papunta yung family nila..
hindi ko kasi sigurado kung anong araw o mga araw ba ang panahon ng kanilang pagsamba..
basta..
nasilayan ko na lang siya na naka-dress at wedge (na ilang beses ko nang nai-describe sa mga previous post ko)..
ang gaan niyang tingnan, na parang malamig at napaka-refreshing para sa mga mata..
yung nakalugay niyang buhok na parang may highlight(s??)..
yung skin tone niya na nag-match dun sa lightly colored niyang damit..
at yung paraan kung paano niya dalhin yung heels niya..
yun na yata yung finest form niya na nakita ko..
at dahil dun, sinisisi ko yung araw na yun na naging mas attracted pa ako sa kanya...

ang sabi ko dun sa journal entry na yun..
bakit ngayon pa..?
eh i can't afford to fall right now...T,T

---o0o---


sa ngayon, i haven't seen her for 2 days already..
ewan ko lang ngayong araw..
puros wrong timing naman kasi..
tapos saka ko pa na-realize na bakasyon na nga pala ng mga estudyante kaya areng jeep na ginagamit na pang-service nitong kapitbahay namin ay parati na lang nakabalandra sa may harapan, kaya nabawasan ang aking angle of pamboboso >,<...

last Monday, tsaka nung isang araw na nakita ko siyang naka-red hot tank top..
hindi ko sigurado..
pero parang nagbibiruan silang magkakapatid eh..
hindi ko lang alam kung patungkol saan..
o kung sino sa kanila yung binibiro nila (dalawa kasi yung magkapatid na babae)...

ang bigat ng pakiramdam ko lately..
na parang sasabog na ako..
ganito ako parati kapag may nagugustuhan akong babae tapos eh hindi ko naman masabi yung nais kong sabihin...

sorry Miss 068..
pero mukhang nagustuhan na nga yata kita..T,T
magpakita ka na sana ulit saken, para makausap na kita..
sabihin mong may boyfriend ka na, na wala naman akong kapag-a-pag-asa sa'yo, o di kaya ay hindi ka interesado sa isang malapit nang mag-30 na lalaki..
kahit na ano..
tulungan mo akong tapusin na 'to..
gusto ko nang itapon 'tong ganitong klase ng pakiramdam...


No comments:

Post a Comment