Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (March 28, 2013)

[originally posted on April 8, 2013]

malapit nang magpang-abot areng mga entries ko ah..
kaya malamang maging madalang na yung mga post ko sa mga susunod na araw..
pero depende rin naman sa magiging development ng mga pangyayari sa hinaharap...

March 28, 2013..
noong araw na yun ko na lang ulit nakita si Miss 068 nang harapan..
madalas ko naman siyang makita tuwing umaga nitong pumasok ang 2013, sa tuwing pumupunta siya sa tindahan at bago siya pumasok sa school..
pero noong hapon na yun na lang ulit siya bumili sa bahay..
medyo pamilyar na ako sa boses niya, kahit na hindi ko naman siya madalas na naririnig..
at gustung-gusto ko kapag naririnig ko siyang nagsasalita..
ewan ko ba, pero ang ganda niya noon eh..
naka-white shirt na may print, tas nakalugay yung parang may kulay niyang buhok, at nakalimutan ko kung anong suot niya sa ibaba XD...

ilang buwan ko rin siyang hindi nakita nang direkta..
tapos sa takot na mapahiya na naman eh..
hindi ko na lang siya pinagbuksan ng gate..
at sa ibabaw ko na lang pinadaan yung mga binili niyang yelo..
hindi ko pa naman ulit napag-iisipan noon kung gusto ko pa nga bang makipagkilala sa kanya o hindi eh..
kung tama ba yung ganung klase ng desisyon o ano ba yung mas makabubuti para sa magkakalapit-bahay lang na katulad namin..
wala pa man akong nasisimulan eh mas takot na akong masira ko ang mga bagay-bagay gaya nang mas madalas na mangyari...

ang tanong ko sa sarili ko para sa araw na iyon eh - masyado ko na bang pino-focus ang sarili ko sa kanya..?
siya ba talaga yung nakakuha ng atensyon ko..?
o ako ba yung mismong nagbigay ng atensyon ko para sa kanya...

hindi ko pa masiguro..
pero mukha namang meron siya nung ilang physical qualities na hinahanap ko sa isang mala-perpektong babae:

  • maganda siya
  • cute ngumiti
  • maputi
  • mukhang makinis
  • korteng seksi naman
  • at parang may dibdib yata siya (eh sa gusto kong may ganun eh - para it's more FUN in the Philippines ^_^)


---o0o---


kung ako ang tatanungin..
bilang isang idealistic na lalaki..
mas maganda siguro kung yung rason mo para ma-in-love sa isang babae eh kombinasyon ng lahat ng aspeto:

  • andyan dapat yung physical attraction
  • yung behavioral compatibility sa pagitan ninyo (hindi naman ibig sabihin na dapat pareho kayo pagdating sa lahat ng bagay, basta ba alam mong tanggap mo kung ano man yung mga ugali na meron siya)
  • dapat andun din yung lust
  • at siyempre hindi mawawala yung napakahirap na ipaliwanag na emotional factor


wala dapat lugar para sa mga pakunswelo..
kesyo pwede na 'tong ganitong klase o ano..
dahil kapag nagkamali ka ng pili..
eh ikaw rin ang mahihirapan sa bandang huli...


No comments:

Post a Comment