Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 4, 2013 - Red HOT)

[originally posted on April 11, 2013]

April 4, 2013..
kung noong nakaraang March 31 eh nakita ko yung masasabi kong finest form ni Miss 068 bilang isang babae..
sa araw naman na ito, masasabi kong nakita ko yung sexiest form niya...

naman!
*kagat-labi*
dalawang beses ko siyang nakita noon eh..
naka-red na tank top siya, blue denim shorts (as in short, pero hindi naman yung tipo na nakalawit na yung mga bulsa sa sobrang ikli), tas yung medyo makapal niyang flip flops na madalas niyang suot..
lahat ng yun habang naka-ponytail yung buhok niya..
parang noon ko lang siya nakitang nag-tank top eh..
at sobrang HOT niya, mas hot pa kesa sa summer..♥.♥
imagine nyo yung mala-porselanang kutis ng isang seksing babae na nakalitaw sa matingkad na red & blue na kasuotan..
damn! >,<
kung ako lang ay isang anime na gaya ni Master Buten/Roshi ng Dragon Ball series, eh malamang nag-nosebleed na ako nang kainaman nung masilayan ko yung kaseksihan niya...

yun nga..
dalawang beses ko siyang nakita noong araw na yun..
nung padalawa eh kasama niya yung nakababata niyang sister (yata) na nagpunta sa may tindahan..
may narinig akong sinabi nila eh..
pero hindi masyadong malinaw yung dating..
kaya hindi ko na lang isi-share, kasi baka naman nagkamali lang ako ng dinig..
nakatalikod kasi ako at nagwawalis sa may terrace nung tumigil sila sa may tapat ng bahay namin eh..
kaya hindi ko masabi kung sino talaga yung nagsalita sa kanila...

---o0o---


at are naman ang isang music video na nais kong i-share..
palihim na dedicated para kay Miss 068..
ang babaeng labis kong kinaiinisan dahil sa pagkuha niya ng aking atensyon..T,T
prinsesa kasi siya, at ako nama'y isa lamang dukha..
Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar featuring Miss Yeng Constantino..
favorite ko kasi at current ring tone ang kanta na 'to..
damang-dama ko yung lyrics eh..T,T
mas gusto ko 'tong version na 'to with Yeng kahit na mas maikli siya (3:42 minutes), kasi sobrang galing na rock chick ng babaeng ito...^_^


hindi po sa akin areng music video..
wala po akong gustong angkinin (maliban dun sa pagtingin ng babaeng gustung-gusto ko sa ngayon ^_^)..
credit(s) goes to the original uploader and maker of this video...


No comments:

Post a Comment