Saturday, April 12, 2014

April 12, 2013

bosing, ano ba..?
wala ba talaga akong pwedeng makuhang kapalit kahit man lang sa pagiging matapat kong tao at hindi pagiging mapang-abuso sa kapwa..?
mabait rin naman ako eh, basta ba wala akong kaaway...


  • pinagkatiwala mo ako sa isang mahirap na pamilya..
  • na walang kuwenta at manyakis pa ang biological demon father..
  • naranasan ko kung paano mabuhay na konti lang ang lamang sa mga pulubi..
  • nangarap ako pero bago ko pa man matakasan 'tong ganitong klase ng buhay, hinayaan mo naman ang isang demonyo na kunin sa akin ang napakahalaga para sa akin na sense of security..
  • hiniling ko sa'yo noon na sana huwag mo namang pabayaan yung Lotus ko, pero tuluyan siyang nawala sa akin..
  • hiniling ko rin na bigyan mo naman sana ng kaunting swerte kahit hindi na ako kundi yung biological mother ko para naman hindi siya tuluyang mabaliw dahil sa mga utang niya..
  • maging yung kahilingan ko na kunin mo na ang mga walang kuwenta at mapaminsala pang buhay ng biological demon father at brother ko eh binigo mo rin..
  • at ngayon nasasaksihan ko kung paano makuha ng biological demon brother ko ang lahat ng gustuhin niya kahit na kapalit pa ang kapakanan ng buong biological family namin at maging ang sarili kong reputasyon bilang branch manager..


ganito na lang ba talaga dapat matapos ang buhay ko..?
hindi kita magawang paniwalaan dahil wala ka pa namang ginagawa para sa akin..
dahil laganap na ang kasamaan ng mga tao sa mundo..
kailangan ko bang ipagpasalamat ang basurang buhay ko na 'to sa'yo..?
sasabihin mo ba na itinadahana mo talaga akong mapunta sa lugar na iyon noon para makakilala ako ng wala pang 30 na mabubuting tao sa mundo..?
sobra-sobra mo na akong nasasaktan, alam mo ba yun..?
noon pa lang pinabayaan mo akong manakawan dati eh parang dinurog mo na ang buo kong pagkatao..
at hanggang sa ngayon patuloy pa rin akong sinisira ng masamang karanasan ko na yun...

ano..?
magpa-90 million ka naman..?
magpa-love life ka naman..?
wala na ba talaga akong karapatan na ma-enjoy 'tong tinatawag nyong buhay..?


No comments:

Post a Comment