Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 19, 2013)

April 19, 2013..
(non-journal entry)

pink tee shirt..
jeans..
basang nakalugay na buhok (madalas naman eh)..
na-check ko na yung oras nang pag-alis ni Miss 068 tuwing umaga ng weekdays..
hindi ko pa lang sigurado kung anong time siya mismo umuuwi dahil mahirap mag-observe tuwing hapon...

nakita ko rin siya noong gabi..
naka-ponytail na siya..♥.♥
sabay-sabay na silang umuwing mag-anak..
mga pasado 19:30 na yun..
siguro sa labas na sila nagkita-kita kahapon kaya ganoon...


speaking of ponytail..
gustung-gusto ko rin talaga ng mga ponytail..
kahit ako, ay meron nun eh..^_^
kaya naman nagustuhan ko areng moves ni PSY sa 'Gentleman'..
pinapakinggan ko na parati yung kanta niyang yun dahil naaalala ko areng mga ponytail at si Son Ga-In..


eto na yung best gif file na nakita ko sa Google eh..
yung naka-full body shot..
hindi lang masyadong maganda yung pagkaka-loop..
pero at least, andyan yung mga sexy ponytails..
credit goes to kung sino man ang mismong nag-extract ng gif file na yan mula doon sa video...

---o0o---


okay..
base sa analysis ko..
meron siyang 2 moves na posible kong ma-check nang hindi naman ako masyadong nagiging obvious at mukhang desperado na..

  • one, is kung makakasabay ko ulit siya sa tindahan (na medyo mahirap na ngayon matapos magtayo ng sari-sari store areng bahay sa tapat namin >,<)
  • two, is kung bibili na ulit siya dito sa bahay


iniisip ko nga eh..
hindi kaya nag-traydor na sila sa amin..?

ang problema ngayon eh..
more than 3 weeks na simula noong huli ko siyang makaharap..
March 28 noon, Thursday..
bale, mahal na araw daw yun para sa mga Katoliko, ewan ko lang para sa kanila..
kaso nga, lately eh madalas na siyang umaalis kapag weekdays...

pero bukod dun sa 2 nabanggit ko na..
eh meron pa ngang isang paraan..
ang Plan C..
at yun ay kung sasadyain ko siyang sabayan minsan sa 7:00 am niyang alis..
meron naman akong nakahanda ng alibi kung sakali..
ang problema lang eh kung mahuli ako ng biological mother ko, hindi ko pa naman talaga gustong ipinapaalam pa sa mga yun ang tungkol sa pribado kong buhay...

ewan..
hindi na talaga ako nakakatulog nang ayos eh..T,T
gustung-gusto ko na 'tong ilabas..
mahirap yung puros speculations lang yung laman ng utak ko..
kailangan kong malaman mula mismo sa kanya yung sagot..
gusto kong malaman kung may pag-asa nga ba..
hindi ko na masyadong iniisip yung maba-basted na naman ako, dahil sanay na ako na maya't mayang nare-reject noong college..
mas inaalala ko lang yung fact na nasa isang lugar lang kami, at baka naman maging awkard yung sitwasyon matapos nang balak kong gawin... >,<

pero kailangan ko nang mag-decide ASAP..
para maalis ko na 'tong pakiramdam na bumabagabag sa akin nang husto sa ngayon..
after this weekend, at zero encounter pa rin kami..
eh kailangan ko nang gawin sa March 22 ang Plan C ko..
may pagka-suicidal na naman na misyon..
pero bahala na..
mangyari na ang dapat na mangyari...


No comments:

Post a Comment