Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 20, 2013 - Sexiest Ice Encounter)

WARNING: mahaba-haba areng istorya na 'to dahil sa sobrang interesante ng nangyari kahapon.. >,<
around 03:30 ako nagising dahil sa kaiisip ko sa kanya...

* ice encounter - ang pinagandang tawag sa mga pagtatagpo namin ni Miss 068 sa tuwing bumibili siya o sila ng yelo sa bahay namin...

April 20, 2013..
23 days after noong March 28..
eto na yung pinaka-nakaka-attract na araw so far..
i asked for it - and it came..
kaso wrong timing naman.. >,<
naka-multiple view combos ako...

noong umaga pa lang eh nakita ko na siya..
naisip ko noong mga oras na yun na 'okay na', wala man kaming maging encounter sa araw na yun, eh at least nasilayan ko na siya..
kumbaga eh, naka-first-blood na para sa araw na yun..
naka-pink tee shirt siya..
faded na blue jeans na shorts..
basic flip-flops..
at naka-ponytail yung buhok niya..
napansin ko rin noon na parang simple lang yung dating ng itsura niya..
plain..
at naisip ako na baka nga nagme-makeup ang dalagang yun...


noong hapon nangyari yung interesante na may pagka-lame pa rin naman na kuwento..
by 15:00 eh may dumating sa kanilang konting bisita..
naisipan kong bumili ng halo-halo doon sa isa sa mga kliyente ko sa yelo, para subukang i-lure si Miss 068..
halos magkatapat lang kasi yung halo-halo-an at yung bahay nila..
so bumili nga ako..
tas maya-maya ay sumulpot yung kapatid niya (yata) na lalaki, na bibili rin ng halo-halo..
tas may iba pang nabili, kaya sabi ko dun sa nagbebenta eh okay lang kahit unahin na niya muna sila kesa sa akin, tutal hindi naman ako nagmamadali...

patambay-tambay lang muna ako doon sa tapat nung halo-halo-an..
tas nakita ko si Miss 068 na bumili sa tindahan..
naka-white tee shirt na siya na may colorful print, 'CHANGE' yata yung word sa pinaka-gitna na pink yung ink..
tas faded blue jeans shorts pa rin..
yung footwear naman eh parang mala-bakya yung style, parang wooden na medyo makapal..
tas naka-ponytail pa rin..
amputi niya talaga at ang seksi..
hindi ko nga maiwasan na mapa-kagat-labi eh..
ayun..
boso lang hanggang sa pumasok na ulit siya sa kanilang bahay...

tas habang naghihintay pa rin ako, eh lumapit yung isa sa mga kabarkada nung nakababatang kapatid na lalaki ni Miss 068..
ewan ko sa batang yun, may crush siguro yun dun sa 'ate' ng kaibigan niya..
karibal ko pa yata yung pasaway na batang yun ah..?
anyway..
narinig ko na isa lang pala yung order ni brother-in-law (pagbigyan nyo na ako >,<, istorya ko naman 'to eh, tsaka para mas madaling ma-gets kung sino yung tinutukoy ko)..
ayun nga..
sabi ko sa sarili ko na 'mission failed' na naman - palpak na naman ang luring..T,T
na hindi ko na dapat asahan na lalapit man lang siya doon sa halo-halo-an..
hihintayin ko na lang yung order ko, tapos sibat na kaagad...

habang andun pa rin ako at nakatambay..
eh biglang um-order ulit saken ng yelo yung mom nung manager nung halo-halo-an..
4 daw..
eh busy pa sila, kaya para hindi sila maabala eh nag-volunteer na ako na i-deliver na lang sa kanila yung mga yelo..
umuwi nga ako sa bahay tas dinala ko kaagad yung order nilang ice..
after that, edi balik tambay habang naghihintay ako sa halo-halo ko...

maya-maya, ay biglang may nagsalita mula sa bandang likod ko..
"pabili nga po ng yelo!"..
alam kong siya yun, pero nagtaka ako dahil yung dating ng boses niya eh andun pa siya sa may gate nila, pero since nagbebenta nga ako ng yelo, edi lumingon na rin nga ako sa kanya..
kasama ko pa rin na naghihintay sa halo-halo-an noong time na yun si brother-in-law..
pagtingin ko sa likod ko, ay ako nga pala talaga yung kausap ng ate niya..
siyempre nasorpresa naman ako, tawagin ba naman niya ako nang isang kalye pa ang nasa pagitan naming dalawa..
naisip ko noon na "shit! eto na ba yung ni-request kong pagkakataon para makilala na siya? pero bakit naman wrong timing pa?!"..
halos katabi ko lang yung kapatid niya tas kilala rin ako doon sa halo-halo-an..
crap! naisip ko tuloy na hindi ko pwedeng ituloy yung misyon sa ganoong sitwasyon, masyado akong exposed sa public, at baka mapahiya ako nang sobra kapag ni-reject niya ako..
so stick with the topic na lang kako, back to business - usapang yelo... T,T

sobra na siyang nakaka-attract by that time..
tas unti-unti pa siyang lumapit sa akin..
naman! parang anghel eh - parang naranasan ko ang langit nung oras na yun..
saka ko mas napansin yung figure niya..
yun ngang maganda, at makinis na babae na naka-shorts lang ay takaw atensyon na, eh paano pa kaya siya..?
kahit na naka-tee shirt, kitang-kita pa rin naman yung korte nung baywang o waist niya..
tapos sa tingin ko base sa side view niya, eh may dibdib talaga siya - yung tama lang sa preference ko..
damn! sa totoo lang, ngayon lang ako nakaranas na nag-react ang 'spider sense' ko sa isang totoong babae, ibig kong sabihin eh yung nag-e-exist sa kaparehong time-space na kinaroroonan ko, partida pa na bihis pa siya noon.. >,<
hindi naman sa gusto kong maging bastos, i mean, instinct naman kasi yun di ba, pero ewan ko ba, siguro nga kakaiba lang talaga siyang babae kaya naman ganoon na lang ako ka-attracted sa kanya..
napansin ko nga rin pala noon na hindi rin pala perpekto yung kakinisan niya..
may mga red spots kasi siya sa legs niya, siguro nakagat ng kung ano..
pero, minor lang naman na puna yung mga yun..
halos hindi rin makakabawas sa kagandahan niya...

balik sa usapan namin..
siyempre kailangan na magkunwari ako, casual lang, walang dapat ikakaba..
tinanong ko siya 'ilan ga sana?' (kasi baka naman kaunti lang ang kailangan nila, at baka may magawa ako para naman sa kanila)..
tinanong niya ako 'magkano ga?'
sabi ko '1.50' (oo totoo, dito lang kayo sa amin makakakita ng nagbebenta ng 1.50 na yelo, mura na eh dumaan pa sa mineral pot yung tubig.. hindi ko naman kasi gustong magpatubo gaya ng mga negosyante, hindi naman kasi talaga kita ang habol ko.. hangga't hindi ako nalulugi sa mga expenses eh okay lang sa akin.. besides, ginagamit ko lang naman yung freezer since parati rin namang naka-on yung ref.. masaya na rin ako na nakakatulong ako sa mga tao)..
pagkasabi ko ng '1.50', eh sabi niya edi 'mga tatlo daw'..
kaso eh nabili na nga nung magha-halo-halo yung mga last na buong-buong yelo..
ayoko rin naman magbenta sa kanya ng may tubig pa..
kaya kahit na ayaw na ayaw ko sana siyang biguin eh, sinabi ko na rin na 'kaso, lasa ko'y wala pa ulit mga buo'..
naman..T,T
kung alam ko lang na bibili siya sa akin nung time na yun, edi sana hindi ko na muna binentahan yung magha-halo-halo..
sayang talaga yung pagkakataon para makilala ko na sana siya..
tas bukod pa yung nabigo ko sila ng family niya bilang isa sa mga kliyente ko... T,T

sinubukan niya doon sa tindahan na katapat namin pero wala na ring buo doon na yelo..
umuwi siyang bigo..
pinagmamasdan ko siya, at napansin nya rin yata na nakatingin ako sa kanya..
wala na akong nagawa..
hinintay ko na lang na matapos yung halo-halo ko..
tapos ay umuwi na rin ako para gumawa ng notes sa cellphone ko tungkol sa interesanteng nangyari noon, habang kumakain ng halo-halo at wafer..
halos maiyak na ako noon sa panghihinayang ko... T,T


after that eh nakita ko pa naman ulit siya..
bumili ulit sa may tindahan, tas nakalugay na yung buhok niya...

nagkaroon pa ulit ako ng pagkakataon na masilayan si Miss 068 noong nagsusulat na ako ng entry sa journal ko doon sa may terrace namin..
naka-black dress na siya (na hindi ko na naman alam kung ano ang tawag, isang piraso lang yata yun ulit)..
kahit na hindi napapanahon eh bagay na bagay yung black sa kanya dahil litaw na litaw naman yung kaputian niya..
tas naka-ponytail siya..
at medyo makapal na parang neon green na flip-flops..
may kumausap sa kanya doon sa may tindahan eh..
ewan, siguro nagsamba sila kaya siya nakabihis..
umalis kasi sila tas madilim na nung umuwi kagabi eh...

---o0o---


at dahil nga sa nangyaring iyon..
mas tumindi pa tuloy yung kagustuhan ko na i-execute na yung mga plano ko..
kung walang mangyayari this Sunday..
by March 22 talaga, gagawin ko na ang matagal ko nang dapat na ginawa..
'attack mode' on...


No comments:

Post a Comment