Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 18, 2013)

April 18, 2013..
(non-journal entry)
sinasabi ko na nga ba, non-sense na araw lang 'yun... >,<

double-kill..
dahil twice ko siyang nakita noong araw na yun..
ibig kong sabihin eh, dalawang form niya yung nakita ko kahapon...

noong 7:00 am nga na maaga niyang lakad eh..
white tee shirt..
black jeans..
flat shoes (kung tutuusin, okay rin naman yung flat shoes, hindi nakakadagdag sa kaseksihan ng mga babae, pero simpleng tingnan)..
at basang nakalugay na buhok (pure black yung dating ng buhok niya kapag ganung basa)..
at yun nga, lakad lang siya palabas ng subdivision - na maganda sanang pagkakataon kung meron lang akong matinong rason para masabayan siya... >,<

tapos nakita ko ulit siya noong hapon na..
ang totoo nahihirapan akong mamboso tuwing maraming tao dito sa bahay..
kaya naman ayoko ng mga bakasyon..
ayun nga..
noong hapon eh, black tee shirt with print naman..
at hindi ko na alam kung anong kapares nun..
hindi ko sigurado kung may ginawa siya sa buhok nya, pero parang may bangs yata siya (hindi naman yung klase na nasa harap lahat, basta parang may konti siyang side bangs eh)..
nakalugay pa rin yung buhok niya at parang purong black na nga yung dating nun..?

ewan ko ba..
kahit ako nalilito na eh..
hindi ko maipag-match-match yung iba-ibang itsura niya..
hindi kaya may iba pang dalaga na nakatira sa bahay nila..?
tas akala ko lang na iisang tao lang yun na nagugustuhan ko na..? (-.-)???

---o0o---


base naman sa pagkatanda ko..
parang wala pa naman akong nakikitang binatang lalaki na dumalaw o naghatid man lang sa kanya sa kanilang bahay..
siyempre hindi ko lang sigurado kung meron ba siyang manliligaw sa campus nila o ano..
o kung nasa isa siyang secret relationship..
kung Iglesia nga kasi siya..
posible kayang nakatadhana na siya para sa isang arranged marriage..?


No comments:

Post a Comment