Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 13, 2013)

April 13, 2013..
bale hindi talaga siya based sa isang journal entry..
wala naman kasing masyadong significant na nangyari noong araw na yun (kahapon) kaya hindi ko na siya sinulat sa journal ko...

after almost a week na hindi ko man lamang siya nakikita for some reason..
from Monday to Friday..
eh sa wakas, naputol na rin yung streak na yun kahapon..
umagang-umaga nang masilayan ko na naman ang kanyang kagandahan..
at napansin ko lang na medyo binali na niya yung routine niya..
simula kasi noong magkaroon ng tindahan sa may tapat namin ay doon na bumibili yung buong family nila..
pero kahapon eh nagawa niyang lumampas mula doon..
hindi ko lang alam kung doon ba siya sa mas malayong tindahan pumunta..?
o kung sumilip lang siya ng mga athletic na binata dahil may liga yata sa basketball court..? >,<

anyway..
ang mas mahalaga eh nakita ko na ulit siya..
masyado na kasing nakakaabala itong ganitong klase ng damdamin para sa akin..
at itinaon pa yun sa garineng panahon na miserable pa ang aking buhay...

---o0o---


oo, physically attracted ako sa kanya..
pero hindi ko pa sigurado kung up to what extent..
kaya nga gusto ko siya parating nakikita sana..
baka sakaling mas maintindihan ko 'tong nararamdaman ko para sa kanya...

ang mahirap kasi sa akin..
pagdating sa lahat ng bagay, maging sa babae, parati na lang akong in advance kung mag-isip..
narineng hindi ko pa nga kilala yung tao..
hindi ko pa nga sigurado kung available pa ba siya..
pero sa utak ko eh ilang beses ko na siyang naka-date..
nakadalaw na rin nga ako sa bahay nila at nakapagpaalam na tungkol sa panliligaw eh..
antanga ko talagang mag-pantasya..
mamaya nare, masasaktan na naman ako nang grabe... >,<

sa ngayon, may 2 akong data na gustung-gusto ko nang makuha..
kahit na wala pa yung payo nung isa kong mabuting kaibigan..
yung isa eh yung name ni Miss 068..
fixed naman yun at walang masyadong magiging epekto sa anumang resulta nitong ginagawa ko ngayon..
at yung ikalawa..
ay kung may boyfriend na ba siya o fiance o kung ano pa man..
na sobrang vital na information..
naman!
gustung-gusto ko na talagang matahimik 'tong damdamin ko..
hindi na ako nakakatulog nang ayos eh..
4:00 na ako nagigising sa umaga... >,<

the last time na itinanong ko yung bagay na yun sa isang babae..
eh automatically na-basted ako..
haha! >,<
noong nasa college na kasi ako eh ayaw ko nang idaan pa sa mga tulay ang mga bagay-bagay..
kahit yung pangangalap ng data, ako na mismo yung gumagawa ng personal..
ewan, siguro challenge na rin para sa sarili ko..
bukod pa dun sa fact na ayokong binibiro ako ng mga campusmate ko ng dahil sa babae..
ayun nga..
the last time na ginawa ko yun..
eh in-introduce ko yung sarili ko, tas diniretsa ko yung babae kung may boyfriend na ba siya..
may pagka-suicidal yung ganung move..
ang totoo, mas ire-recommend ko na magtanong-tanong muna sa mga taong malapit doon sa babae tungkol sa mga importanteng data bago dumiretso doon sa mismong target..
at ayun nga..
sumagot siya na MERON na nga daw..
ako naman eh, "ganun ba.. sige.. it was still nice knowing you"..T,T
nakaka-diyahe, pero at least hindi na masyadong kumalat yung istorya tungkol sa pagkabigo mo...

at yun ang pinaka-ikinakatakot ko sa sitwasyon ko ngayon..
pero ayoko pa ring gumamit ng ibang tao for recon..
kung sakaling may boyfriend na si Miss 068..
matatahimik na ako sa wakas..
pero malamang may kumirot pa rin dito sa loob-loob ko..
at kung sakali namang wala pa, eh yari din ako..
dahil kapag nasimulan ko nang magtanong tungkol sa ganung bagay..
edi kailangan ko nang panindigan yun hanggang sa basted-in na niya ako o sagutin kung sinuswerte..
parang double-edge sword lang 'tong binabalak kong pasukin ah...T,T


No comments:

Post a Comment