Saturday, April 12, 2014

April 15, 2013 - Gift of Death

everything is going down..
oo na, tanggap ko na..
durugin mo lang lahat ng gusto mong durugin tungkol sa akin..
nandito lang naman ako parati - patiently waiting for the gift of death...

sa kanila naman yung business eh..
kaya wala akong karapatan na magpayo man lang..
besides, hindi ko nga mapigilan ang pamumurwisyo ng sarili kong mga biologicals doon sa negosyo eh..
hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit simpleng mga computations lang na ni hindi na kailangan ng mga CPA eh hindi pa nila ma-gets - eh siya nga eh CPA na mismo.. >,<

masakit lang para sa akin..
dahil ginagawa ko naman lahat para maging matapat sa kanila..
ang pagkakamali ko lang, sinasabi ko parati yung totoong amount ng pera pero hindi naman talaga yun nagtutugma sa actual cash on hand..
nasasaktan ako dahil ako yung kailangang humarap sa mga tao na nagpapadala sa branch namin..
ako yung bumibigo sa kanila..
bumibiyahe din naman sila papunta sa lugar namin sa pag-asang may madaling paraan para makapagpadala sila ng pera papunta sa probinsiya nang hindi na nila kailangan pang tumawid ng dagat..
pero wala akong ibang ginagawa kundi sirain ang lahat ng magkaroon ng kaugnayan sa akin...

sa ngayon dalawang kliyente na yung binibigo ko..
bukod pa yung mga pinaghintay ko nang matagal na oras para lang maipakiusap yung mga padala nila..
mukha namang nawalan na ng interes ang blood aunt ko..
hindi na nila iniimbestigahan yung nangyaring biglaan na lang pagkawala ng pondo..
at hindi rin naman siya nagpapadala ng pamalit na pondo man lamang pansamantala..
ang sa akin lang..
kung ayaw na nilang ituloy ang pagtulong sa mga kababayan nila, edi diretsahin na nila ako..
ayoko nang humarap nang humarap sa mga tao para lang paasahin at biguin rin lang sila...

---o0o---


ang rason kung bakit biologicals o blood relatives ang tawag ko sa supposedly na mga kamag-anak ko..
ay dahil ayoko na silang ituring na mga kapamilya..
biologically speaking, magkakaugnay nga ang mga dugo at ang mga DNA namin..
pero hanggang dun na lang yun..
maganda kasi o mabuti ang ideya ko tungkol sa isang totoong pamilya..
nagkakaisa, nagtutulungan, nagdadamayan, may pagkakapantay-pantay, nagkakaintindihan, at siyempre may pagmamahalan..
at hindi ko kailanman yun naramdaman sa mga biologicals ko..
pinuno lang nila ako ng pagka-poot simula pagkabata ko..
ang blood relatives ko naman..
totoong mabubuting mga tao naman ang mga yun o ang karamihan sa kanila..
kaya nga hindi ko na masikmura na ihanay pa yung sarili ko sa kanila..
puros na lang kasi kahihiyan ang dala ng pangalan ko..
besides that, hindi naman nila ako naiintindihan eh..
kung ano ang gusto ko, kung ano ang pangarap ko, at kung ano lang yung ikinasisiya kong gawin sa buhay..
ni hindi nga nila maintindihan kung bakit hindi ako maka-recover mula sa masamang nangyari sa akin dati eh..
maging sila, binabali yung rules ko sa sarili kong teritoryo..
wala silang alam kundi ang magmarunong puwerket wala o nabura na sa bokabularyo nila ang salitang kahirapan..
pangarap ko balang araw na itiwalag na lang ang sarili ko sa buong angkan nila...


No comments:

Post a Comment