Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 14, 2013)

April 14, 2013..
isa ulit non-journal entry..
malaki ang posibilidad na karamihan ng mga susunod kong blog post ay hindi na base sa mga actual journal entries ko..
mahilig lang kasi talaga akong magmuni-muni at magsalita...

pink tee shirt..
denim shorts (yata)..
ponytail..
bahala ka, Miss 068..
hangga't hindi ka lumalapit sa akin eh bobosohan lang kita nang bobosohan..>,<
hindi kasi kita pwedeng lapitan na lang nang basta mula sa kawalan, kahit pa magka-subdivision lang tayo..
masyado naman akong magiging obvious nun..
and trust me, nakakatakot yun at may pagka-harassing ang dating..
kaya naman please, kahit gumawa ka man lang ulit ng paraan para makausap na kita..
dalawang paunang tanong lang..
dalawang data lang..
after that, bahala na..
promise, next time na lumapit ka sa akin eh hindi ko na pakakawalan yung pagkakataon...

first luring failed..
2 weeks after nung 'Sunday Dress' (March 31, 2013 sighting), eh wala pa ulit kaming nagiging contact..
kaya naman wala pa talaga akong makuhang matinong data tungkol sa kanya..
ang totoo, hindi ko alam kung ano ba yung nagti-trigger sa kanila para bumili ng yelo dito sa amin..
occasional lang kasi sila kung pumarito..
minsan yung mom nila, minsan yung kapatid niya yatang lalaki, minsan naman yung kapatid niya yatang babae, at minsan eh siya mismo..
maramihan sila kung bumili, mga 4, ganun..
ewan ko kung saan nila ginagamit yun, siguro nagse-shake sila sa bahay nila..
wala naman akong balak na mag-extract ng impormasyon mula sa family niya..
kaya hihintayin ko na lang ulit yung pagkakataon na siya na mismo ulit ang makaharap ko...

---o0o---


gaya ng inaasahan ko..
hindi healthy para sa akin ang ganitong klase ng pakiramdam sa panahon ngayon..
ngayon pa talagang nagiging mas miserable na ang lahat sa paligid ko...

ewan ko ba sa kapalaran..
hinding-hindi na talaga ako nanalo laban sa bagay na yun..
kaya naman pakiramdam ko na sobrang malas kong nilalang...

yun kasing hawak kong negosyo eh napipinto na yatang magsara..
ewan, may nagnanakaw na yata nung pondo eh..
mahirap para sa akin na pakawalan yun, dahil yun ang main na pinagkukunan ko ng kita sa ngayon..
kapag nawala yun, eh malilintikan na lahat ng balak ko..
ba-bye na Star Wars..
ba-bye pa sa pangarap kong maka-date man lang areng si Miss 068...T,T


No comments:

Post a Comment