Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 1, 2012)

[originally posted on April 4, 2013]

May 1, 2012..
bale hindi siya isang maligayang araw para sa akin..
naparusahan ako ng pigsa..
at sa pinaka-kamalas-malasang dahilan sa buhay eh, doon pa siya tumubo sa malapit sa may butas ng puwet ko na malapit din sa may pinaka-maselang bahagi ng katawan ng isang lalaki..
amp!
dapat nga pala talagang nag-iingat tuwing summer...T,T

akala ko na-misplace na tagihawat lang yun..
pero may pagka-sensitive siya eh..
at mainit yung pakiramdam ko noong araw na yun..
kaya kahit na nakakahiya, eh pina-check ko na rin..
at mukha nga daw pigsa yun sabi ng resident nurse sa bahay..
kaya pinag-antibiotic na ako ng biological mother ko..

ang nakakalungkot eh..
hindi ko napagbentahan yung crush ko noong bumili siya sa amin..
nasilip ko lang siya sa may bintana..
tas sinabihan ko na lang yung biological mother ko na asikasuhin naman siya..
hindi talaga kasi ako humaharap sa mga tao kapag may sakit ako..
kaya sad...

the following day..
hindi ko na hinintay na lumala pa yung sitwasyon..
ayoko nang isipin kung ano pang kahihinatnan nun (considering yung location niya) kung sakaling lumaki yun kagaya nung mga nasa medical books..
kaya habang maliit pa lang siya, eh sapilitan ko na siyang pinisa..
okay naman yun naging resulta..
gumaling na ako..
at naiwasan pa ang mas malaking problema at kahihiyan...


No comments:

Post a Comment