Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 18, 2012)

[originally posted on April 5, 2013]

June 18, 2012..
sabi dun sa journal entry ko eh "ngayon lang ulit bumili ng yelo si Miss taga-***** "..
Miss taga-***** yung dati kong tawag sa crush ko (c-in-ensored ko lang kasi baka makilala siya nung mga nakakakilala sa akin)..
kung June yun, edi May pa yung last documented naming direktang pagkikita..
eh pano naman nitong nagbukas ang taong 2013, hindi ko kaya siya nakita until late March... >,<

noon ko lang yata siya nakita na naka-duster na damit..
tapos napahiya pa ako dahil hindi ko siya napagbuksan ng gate..
usually kasi kapag yung family nila ang bumibili, eh maramihan - mabigat yun, kaya kailangan pang pagbuksan ng gate..
kaso noong time na yun eh tinopak na naman yung kalawanging gate namin..
sabi niya tuloy saken na sa ibabaw ko na lang ng gate idaan yung mga yelo..
ayun, edi napahiya na naman ako.. >,<
pero mukhang ang cute nga niyang tumawa..
nakakainis na parang parati na lang siyang napapangiti sa tuwing nagkikita kami..
mas lalo tuloy siyang nagiging attractive...♥.♥

---o0o---



tapos tayo dyan..
nakuha mo na nga ng tuluyan ang atensyon ko..
dati naman okay lang kahit na hindi kita nasisilayan sa buong maghapon..
pero ngayon..
parang ang laki ng kulang sa araw ko kapag hindi kita nakikita...T,T


No comments:

Post a Comment