Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (March 25, 2012)

[originally posted on April 2, 2013]

March 25, 2012..
wala namang masyadong nangyari noong araw na 'to..
napansin ko lang na parang may nagbago dun sa crush ko..
ewan ko..
baka siguro dahil nagdadalaga na sya..
medyo kakaiba yung itsura nya noon..
parang naka-makeup siya, at parang gumanda siya sa paningin ko..
yun yung araw na napansin at nasabi ko sa sarili ko na "teka, may itsura nga rin pala 'tong batang 'to ah"...

ayun..
sa ngayon, hindi na maganda yung mga senyales..
nale-late na ako sa pagtulog..
at maaga na akong nagigising..
hindi ko naman siya napapanaginipan dahil hindi ko nga matandaan yung mukha niya..
pero kapag naiisip ko siya, eh bigla na lang akong nagigising..
ino-obsess ko na yata ang sarili ko sa kanya..
hindi ko pa naranasan noon na maging ganito kalapit sa isang totoong stimulus..
andyan nga lang siya..
ilang metro lang ang layo mula sa akin..
pero wala pa talaga akong magawa...

ang totoo iniisip ko kung anong iisipin niya kapag tinanong ko siya kung anong pangalan niya..
baka kasi lagyan niya ng malisya eh..
ano nga ba namang klase yung lalaking makikipagkilala tapos sa mga susunod na araw eh parang wala na lang na hindi man lamang makapagpakita ng interes sa kanya..
kaya nga gusto ko sana, kung may gagawin man ako eh yung maitutuloy ko..
ke ma-basted o ano sa bandang huli..
kahit na hindi na niya ako pansinin kahit na kailan..
basta ang mahalaga nandun yung consistency...

---o0o---


at bilang pahabol..
are ang isang kantang hindi ko maiwasang kantahin sa ngayon:
Love to Love You - by The Corrs (isa sa mga favorite kong band, dahil gusto talaga yung mga grupo na halos naghi-hit lahat ng mga ginagawang kanta)..


alam kong baliktad yung kanta para sa sitwasyon ko..
pero ganito sana yung gusto kong maramdaman niya para sa akin..
alam nyo yun..
i would like her to love me like i do her.. LOL! XD


No comments:

Post a Comment