Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 29, 2012)

[originally posted on April 3, 2013]

April 29, 2012..
masaya naman yung araw na yun..
ilang beses ko siyang nakita dahil abala ako noong panahon na yun..
reunion kasi ng blood clan namin..
kaya naman madalas na nasa labas ako noon ng bahay..
lilinawin ko lang, masaya ako dahil maraming beses ko siyang nakita at hindi dahil sa reunion (sa totoo lang naiinis ako tuwing sa maliit at masikip naming lugar ginagawa ang mga gathering, dahil hindi maiwasan ng mga batang makukulit na pakialaman ang mga gamit ko >,<)...

noong araw na yun, na-realize ko na mas maputi nga pala siya kumpara sa mga average na babae..
mukhang naka-makeup siya ulit dahil halata sa kilay at blush-on niya..
pero naisip ko rin na depende pa rin talaga sa view eh..
yung side view niya kasi eh parating ipinapaalala saken yung isang pinsan ng hipag ko...

ang mas interesanteng nangyari noon..
eh bumili siya ng yelo sa amin..
ang totoo, papansinin ko dapat yung itsura niya noon..
saktong nakaalis na kasi yung mga blood relatives ko para pumunta doon sa resort na pag-a-outing-an nila..
kaso sa sobrang galing naman ng timing, eh nasa terrace namin noon yung katiwala ng mga pamangkin ko na bading..
edi ayun, hindi ko na lang kinausap yung crush ko dahil baka kung ano pa yung maipagkalat nung isa..
pero nung pag-alis nung crush ko..
ano ga are't bigla na lang akong tinanong nung bading kung girlfriend ko ba daw yun..
kakahiya tuloy, ewan ko lang kung narinig yun nung crush ko..
tapos ayun..
edi sinabi ko dun sa bisita namin na hindi ko naman yun girlfriend, na ni hindi ko nga kilala pa yun... >,<


No comments:

Post a Comment