Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 16, 2013)

April 16, 2013..
birthday ng isa kong mabuting kaibigan kaya naman napalabas ako ng bahay..
sa mga hindi nakakaalam, may pagka-agoraphobic kasi ako..
hindi naman exactly ganun yung case ko, pero parang ganun na rin nga yung dating niya..
sabihin na natin na yung phobia ko talaga eh yung takot na pagnakawan ako ng sarili kong mga biologicals...

anyway..
nag-decide ako na lumabas, kasi parang hitting 2 birds with 1 stone na yun..
yung una eh para naman daluhan ang party nga nung may birthday na matagal nang nagyayaya sa amin..
at yung ikalawa ay para makausap ang isang tao..
at sa wakas, naisangguni ko na rin sa isa ko pang mabuting kaibigan ang tungkol sa issue ng Iglesia na yan..
maging yung iba ko pang mga kabarkada, after naming manggaling doon sa party, eh may kanya-kanya ring nai-share na data tungkol sa sekta na yun..
at lumalabas na magkaka-problema nga ako kung iko-consider ko na kaagad ang marriage..
pero kasi magti-30 na rin ako..
bakit naman ako makikipagrelasyon kung alam ko naman na makikipaghiwalay din ako..
hindi ba kasi pwede yung paniniwala ko, may pagka-'neutral' naman ako eh...

at ayan nga..
nag-iisip na naman ako ng masyadong advanced..
naging girlfriend ko na yung babae at kasal na agad ang kasunod..
pero, hindi ba may sense rin naman yung paraan ko nang pag-iisip..?
i mean, bakit pa ako makikipagkilala kung ultimately eh wala naman palang patutunguhan ang lahat ng posibleng mangyari..
ang pinaka-safe na talaga na pwedeng mangyari sa akin eh makipagkilala ako at ma-basted kaagad..
at least masasabi ko na sinubukan ko naman..
mas natatakot pa ako na baka magtuluy-tuloy lang yung binabalak ko, na mahuhulog ako nang sobra para sa kanya, tapos wala rin namang happy ending..
magaling kako kung siya yung tipo na kayang ipagpalit ang lahat para lang sa pag-ibig...


at isa pang medyo interesanteng nangyari kahapon..
bale, zero visibility ako sa kanya, hindi ko na naman siya nasilayan..T,T
pero noong naglalakad na ako palabas ng subdivision eh nakasalubong ko yung sasakyan nila..
ako nga ba talaga yung binusinahan nila..?
parang nakita ko kasi yung mom at dad niya na nakatingin sa akin eh..
hmmm... (-.-)???


No comments:

Post a Comment